NAPATAAS ang isang kilay ni Adam sa nabungarang komosyon sa labas ng opisina ni Jared. Napalilibutan ni Andrew, nang dalawang babaeng empleyado roon at isang janitress ang annay ni Jared na nakaluhod sa sahig at—napakunot-noo si Adam nang mapagmasdan ang ginagawa ng babae—nagpupunas ito ng sahig. Bakit ito nagpupunas ng sahig?
“Ma’am, ako na po,” nagmamakaawang sabi ng janitress sa babae. Pero hindi ito pinansin ng babae. Sa halip ay nagpatuloy lang sa pagpupunas ng sahig ang babae. Balak ba nitong mag-apply bilang janitress doon?
Pathetic, sa isip-isip ni Adam. Wala siyang maisip na rason kung bakit magpupunas ito ng sahig doon. For a show, perhaps? Isa pa, hindi niya akalaing pupunta ito roon. Akala ba niya’y sa Silver Grande na sila mismo magkikita?
“Ma’am, tama na po. Hindi n’yo naman po dapat gawin ‘yan eh,” pakiusap pa dito ni Andrew na parang mai-ihi anumang oras.
“Let her be,” singit niya sa mga ito. Napasinghap ang mga babae at nanlaki naman ang mga mata ni Andrew ng makita siya—o si Jared. Agad na lumapit sa kanya ang huli, handa na sa paliwanag.
“Sir, sorry po. Ayaw po niyang makinig—“
“Sumunod na lang kayo sa labas,” pagkatapos ng kung anong palabas na ‘yan, ngali-ngaling idugtong ni Adam. Pagkuwa’y nagpatiuna na siyang lumabas sa lugar na iyon at sumakay sa sasakyan ni Jared.
Kinalas niya sa pagkakabutones ang unang dalawang butones ng suot niyang polo dahil pakiramdam niya’y nasasakal na siya. Nasasakal na siya sa sitwasyong ito. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote niya at pumatol siya sa pesteng ‘Hidden Sping’ na iyon? All he could do was grunt. Gusto niyang makausap si Kris, si Elice at si Chino pero hindi niya magawa dahil siya si Jared ngayon. Hanggang kailan siya makukulong sa katawang ito? At si Jared, ganito din kaya ang nararamdaman niya? Mami-miss ba ni Jared ang mga kaibigan nito? Wait, does Jared have friends?
Naputol ang pagmumuni-muni ni Adam nang biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ang nanay ni Jared. She was beaming at him and he hated seeing her like that. It reminded him that while she's happy, her mother isn’t. As he thought of that, Jared’s words haunted him. Naalala rin niyang wala na nga palang nararamdaman ngayon ang mommy niya. Because she was long dead, and all her feelings was buried deep down with her.
Huminga muna ng malalim si Adam bago niya binuksan ang pintuan ng sasakyan. Umibis siya roon at pinasakay ang babae. Pagkasakay ay inabutan ito ni Andrew ng bote ng alcohol.
“Bakit mo ‘yon ginawa?” pagkuwa’y tanong ni Adam dito ng muli siyang makasakay ng sasakyan.
“Ang alin?” maang na tanong nito.
“Bakit ka nagpunas ng sahig? Was that for show? Why? What for?” sunud-sunod na tanong niya rito. Unti-unti na namang nabubuhay ang inis sa loob niya.
“Ah. Kasalanan ko naman kasi. Natapon ko ‘yong juice na bigay sa’kin ni Angel. Ayoko namang makaistorbo sa trabaho nilang lahat kaya sabi ko, ako na lang ang maglilinis. Anak, bakit parang nagagalit ka? Simpleng bagay lang naman ‘yon ah. Sa bahay nga, ako lahat ang gumagawa dahil kaya ko naman,” paliwanag ng babae.
“Bakit nga? Pwede ka namang mag-hire ng mga katulong,” sabi pa ni Adam dito.
Napakunot-noo sa kanya ang babae. “Napag-usapan na natin ito dati, ‘di ba? Ayokong isipin ng ibang tao na tinanggap kong muli si Roberto dahil sa yaman niya. At iyon din ang buong buhay kong ipapamukha sa daddy mo, na pwede naman tayong maging masaya sa simpleng buhay lang. Kahit na mahirap na ‘yong gawin ngayon dahil mayaman na talaga siya.”
Nagtatanong ang mga matang tumingin dito si Adam. Pero naunahan siyang magtanong ni Andrew. Mabuti na rin iyon para hindi nito mahalatang hindi talaga siya si Jared. “Ma’am, matagal na pong mayaman si Sir Roberto, ‘di ba?” hindi napigilang sabi ni Andrew dito.
Tumawa ang babae. “Oo. Pero hindi gano’n ang pagkakakilala ko sa kanya noon, Andrew. Isang bagitong arkitekto lang ang pakilala niya sa’kin noon dito mismo sa M Architects no’ng dito pa ako nagtatrabaho bilang isa sa mga sekretarya ni Sir Eddy.”
What? Naging empleyado siya ni Lolo Eddy?
“Maloko ‘yong si Roberto. Pero napakabait, napakatalino at napaka-tiyaga niyang tao. Napakagwapo pa. Kaya masisisi mo ba ako kung umibig ako sa kanya, Andrew? Mahirap pigilan ang puso, ‘di ba?” natatawa pang saad ng babae na tila sinasariwa talaga ang alaala ng nakaraan. “Na-in love kami sa isa’t isa pero naghiwalay din kami sa huli dahil nalaman kong anak pala siya ng may-ari at nakatakda na siyang ikasal sa ibang babae. Pakiramdam ko’y naloko lang ako kaya ako na mismo ang nagkusang lumayo. Umuwi ako sa Marinduque at doon ko nalaman na buntis ako dito kay Jared. Hindi ako naghabol dahil ayoko ng gulo.”
Mas lalong nakaramdam si Adam ng pagkasakal kaya binuksan niya ang bintana ng kotse kahit nakabukas ang aircon. Alam niya na sina Jared talaga ang nauna pero hindi niya akalaing ganoon ka-“valid” ang magiging rason ng mga ito bilang maging isang Marasigan. There was no foul play on Jared being a Marasigan. Kung may foul play man sa istoryang iyon, iyon ay walang iba kundi sila ng mommy niya.
Kung buhay pa ang mommy niya, may maikukwento kaya itong ganoon sa kanya ngayon? May maikukwento kaya itong masayang alaala na nangyari sa pagitan nito at ng daddy niya? Then, it dawned on him. Jared’s mother isn’t the pathetic one. He is—for hating them—and his mother for loving someone who couldn’t love her back.
LAMPAS alas-dose na nang tanghali ng makarating sina Adam sa Silver Grande dahil sa matinding traffic. Hindi na siya nagtanong kung bakit doon pa napiling mag-lunch ng nanay ni Jared dahil okupado pa rin ng mga sinabi nito kanina ang kanyang isipan.
Pero mukhang pinaghagdaan talaga ng babae ang lunch date na iyon dahil may reservation pa ito. She looked too eager for her own good. Kaya naitanong tuloy ni Adam sa sarili kung ngayon lang ba ito makakalabas kasama ang anak.
“Nandito ba si Chef Elice?” tanong ng babae sa maitre’d.
“Yes, ma’am. I’d ask someone to call her for you,” nakangiting saad ng lalaki saka sila nito parehong binigyan ng menu card.
Napakunot-noo si Adam ng marinig ang pangalan ng kaibigan. Hindi siya makapaniwalang kilala pala ng nanay ni Jared si Elice. Pero masama ang kutob niya sa mga susunod na mangyayari. Pagkuwa’y naalala niya ang napag-usapan nila ni Elice kahapon sa Hidden Valley.
“May nakilala akong babae sa isang cake shop last week. Siguro nasa early fifties na siya. Nag-click kami dahil pareho kaming addicted sa cakes. Nag-recommend kami sa isa’t isa ng mga paborito naming cake shop hanggang sa naging mas personal na ang usapan namin. May anak daw siya na single. He’s five years older than me. Baka interesado daw akong makipag-date. Gwapo daw naman ‘yon. Siyempre, tinanggihan ko. Pero ano bang masama sa blind date?” sabi ni Elice.
“Are you lonely, E?” nag-aalalang tanong niya rito.
“No, you dork. Pero gusto kong ma-in love at gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa’kin,” ani Elice.
Shit! It can’t be, sabi ni Adam sa sarili ng maalala iyon. Pero nakaramdam siya ng malakas na suntok sa sikmura ng muling maalala ang lungkot sa tinig ni Elice. He was really too focused on his life not to notice Elice’s loneliness.
“Naalala mo ba ‘yong babaeng kinu-kwento ko sa’yo? Dito siya nagtatrabaho,” nakangiting sabi ng nanay ni Jared na nagkumpirma sa hinala ni Adam.
Adam wanted to groan but he just gaped at her. Pero hindi niya maintindihan kung ano’ng mararamdaman kapag nakita niyang magkasama sina Elice at Jared. One thing’s for sure though, he abhored the idea. Kaya nang dumating si Elice ay naging masama ang tingin niya dito. Hindi naman naitago ang pagkabigla sa hitsura ni Elice nang makita siya nito.
“Elice!” magiliw na bati ng nanay ni Jared dito.
“Ah…hello po,” nag-aalangan namang bati ni Elice dito. Pagkuwa’y muli itong sumulyap sa kanya.
Pero nag-iwas lang si Adam ng tingin dito at sinuri ang menu ng Silver Plate. Ang ilan doo’y siya mismo ang unang nakatikim dahil ginagawa siyang taste tester ni Elice tuwing gumagawa ito ng sariling putahe na ihahain sa Silver Plate.
“Elice, pasensiya ka na kung bigla kitang ipinatawag ha. Gusto ko lang talagang magkakilala kayong dalawa dahil sa tingin ko’y bagay kayo sa isa’t isa,” hindi na nagpaliguy-ligoy pang sabi ng nanay ni Jared.
“Okay lang po. Hindi naman po busy sa kitchen ngayon,” sagot naman ni Elice dito. Nasa tinig nito ang pagkailang.
“Mabuti naman kung gano’n. Pero kailangan ko na kayong iwan ngayon dahil baka ma-late ako sa meeting ko with our wedding coordinator, okay?” pagkuwa’y sabi ng babae.
“Hindi halatang set up ‘to,” hindi napigilang sabi ni Adam.
“Oo na. Set up na ‘to. Pero sa tingin ko talaga’y makakabuti kayong dalawa sa isa’t isa. Jared, alam mo kung bakit ko ‘to ginagawa. Ayokong mag-away pa kayo ng kapatid mo,” makahulugang sabi ng nanay ni Jared na ikinagulat ni Adam. Pagkuwa’y muli itong bumaling kay Elice at ginaganap ang isang kamay ng kanyang kaibigan. “Mabuti kang tao, Elice. Maganda pa. Kaya ayokong makita kang nahihirapan d’yan sa nararamdaman mo para sa best friend mo. Kaya gusto ko kayong magkakilalang dalawa. Baka-sakaling…alam n’yo na, magkaintindihan kayo.”
Holy…shit. Hindi alam ni Adam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon habang nakatingin kay Elice na ilang pa ring nagpapaalam sa nanay ni Jared. Ni hindi na niya napigilan pa nang lumapit sa kanya ang babae at humalik sa kanyang pisngi dahil nakatingin pa rin siya sa kaibigan. Akala niya’y matagal nang naglaho ang nararamdaman nito para sa kanya. Akala niya’y naka-move on na ito sa munting pagmamahal na naramdaman nito sa kanya noon. Pero…
Guilt. Iyon ang namayani sa puso ni Adam ngayon habang nakatingin kay Elice na ilang pa rin nang umupo sa kanyang harapan. Napaka-insensitive niya. Wala siyang ibang bukambibig dito kundi si Kris. Lingid sa kaalaman niya’y nasasaktan na pala niya ito. And he cursed himself for that.
Just how do you love someone without hurting another?
“SIGE PO. Mag-ingat po kayo,” magalang na paalam ni Elice kay Rita Mendoza.
Isang linggo na ang nakalilipas, ito lang ang babaeng nakilala niya sa cake shop. Hindi akalain ni Elice na malaki pala ang role nito sa kanilang mga buhay. Kung alam lang niyang konektado pala ito sa buhay nila’y hindi na sana siya naglabas ng mga nararamdaman niya rito noon.
Looks like Fate’s playing a little trick on them. Dahil si Rita Mendoza ay isa sa mga taong pinakaayaw ni Adam sa mundo. Ito ang ina ni Jared—ang babaeng pinaniniwalaan ni Adam na “nanakit” sa mommy nito. And speaking of Jared, mas lalong hindi inasahan ni Elice na ito pala ang makaka-blind date niya ngayon.
Un-fucking-believable.
Kaninang umaga lang ay parang naengkanto si Adam—mukha kasi itong nasapian ng kaluluwa ni Jared nagpakilala ito bilang ang inaayawang kapatid. Pagkatapos, ngayon nama’y kaharap niya ito. Ano’ng mayroon sa araw na ito at mukhang “hinahabol” siya ni Jared? And, oh my God! Alam na ni Jared ngayon na in love pa rin siya kay Adam. Hindi tuloy niya alam kung paano ito haharapin ngayon.
Run, Elice! Run, utos niya sa sarili. Pero trinaidor siya ng kanyang katawan dahil nagawa pa niyang umupo sa harapan ni Jared ngayon. Siguro’y dala iyon ng curiousity dahil sa nabanggit ni Rita kanina. The woman obviously wanted for his son to move on. Gusto ni Rita na hindi na mag-away pa sina Jared at Adam sa kahit na anong bagay—lalo na sa pag-ibig.
Wow. I don’t want to be in Kris’ shoes, sa isip ni Elice. Kahit gaano kasi kasarap pakinggan na may dalawang lalaking nagmamahal sa’yo, alam niyang mabigat iyon sa pakiramdam. Choosing someone and hurting the other. Bakit hindi ba pwedeng maging fair sa love?
Well, Elice and Jared were on the same boat then. The only difference between them was that she wanted to move on—even if she can’t—and Jared doesn’t. Kaya nagawa ring ngitian ni Elice ang pagkunot-noo ni Jared habang nakatingin sa kanya ngayon. Tila ba nagulat ito sa narinig mula sa ina. Kagulat-gulat ba talaga na ma-in love siya sa best friend niya o kaya’y ang mapunta siya sa sagradong friend-zone?
“So…Hindi naman natin kailangang ituloy ang ‘date’ na ‘to,” sabi na lang ni Elice dito.
“Why are you still…stuck on Adam?”
Napataas ang isang kilay ni Elice dito. “Alam mong may gusto ako kay Adam noon pa man?”
Mataman niya itong tiningnan. Natatandaan niyang madalas nilang makita si Jared sa mga okasyon noon dahil kasama ito sa circle of friends ng kuya ni Suri pero ni minsa’y hindi pa sila nag-usap na dalawa. Ganoon ba siya ka-obvious noon?
Tumango si Jared sa kanya. “You were…always looking at him with googly eyes.”
Napatda si Elice. Pero hindi niya maintindihan kung bakit tila patanong ang naging sagot sa kanya ni Jared. Lalong hindi siya makapaniwalang gumamit ito ng salitang “googly” na ikinatawa ni Elice.
“Fine. I’d ask you the same thing. Why are you still—” hindi na naituloy pa ni Elice ang ibang sasabihin kay Jared dahil namataan niya ang taong pinakaayaw niya sa buong Silver Grande Hotel—ang General Manager niyon na si Leon Waissler. Magtatago na sana siya sa ilalim ng mesa o tatakbo na sana siyang muli pabalik ng kitchen pero nakita na siya ni Leon. “Oh, shit.”
“Bakit?” tila nag-aalalang tanong ni Jared.
“Nakita kasi ako no’ng taong ayokong makita. General Manager siya nitong hotel na nangungulit sa’kin. Ngayong nakita niya tayo dito, sigurado akong hindi niya ako titigilan ngayon,” napapangiwing sabi ni Elice kay Jared.
Matagal nang nanghihingi ng date sa kanya si Leon pero dahil hindi niya tipo ang katulad nito’y palagi itong tinatanggihan ni Elice. Narcissistic kasi si Leon at ayaw niya rin sa sense of humor nito. Isa pa’y ayaw niyang makarelasyon ang isang katrabaho lalo na ang katulad nitong ginagamit ang posisyon para suyuin siya. Kadalasan kasi’y ini-impose ni Leon kay Elice ang posisyon nito para pumayag siyang makipag-date dito. Kaya never siyang papayag na makipag-date dito.
“Well, hello, Elice. I didn’t know you have a boyfriend,” sabi ni Leon nang makalapit ito sa mesa nila ni Jared.
“Well, now you know,” mariing sagot naman agad dito ni Jared. Nanlaki ang mga mata dito ni Elice. Hindi niya akalaing papatulan ni Jared si Leon.
“But if I remembered correctly, you were also here yesterday…with another woman,” sabi naman ni Leon dito saka nito nginisihan si Jared. Totoo ba iyon? Kung ganoon, sino ang ka-date ni Jared kahapon?
“It was a business date. I didn’t know someone of your position likes to pry to their client’s business. And it seems like you’re making a habit of it. Did I ask for a manager?” sabi ni Jared kay Leon. His voice was cold and his smile was too condescending.
Ramdam na ramdam ni Elice ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki kaya pumagitna na siya sa mga ito. “Mr. Waissler, is there anything you’d like for me to do?”
“No,” malamig na sagot ni Leon. Pagkuwa’y tinalikuran sila nito at naglakad palayo.
Muling umupo si Elice sa tapat ni Jared. Napamaang siya rito. Ni hindi na niya inisip pang tanungin kung bakit nito iyon ginawa dahil may isang bagay na bumagabag sa kanyang damdamin. Jared’s condescending smile and the icy tone in his voice when he’s ‘killing’ Leon earlier were all too familiar to Elice. Dahil ang manner na iyon ay kay Adam lang niya nakikita.
Alam niyang seryosong tao si Jared pero nakita na niya kung paano ito lumalaban kay Adam noon tuwing nagkakabanggaan ang dalawa sa mga okasyon na pare-pareho nilang dinadaluhan. Jared was never like that. So, for a moment there, Elice thought that she heard Adam.