Something Twisted Chapter 27

ROOFTOP DATE. Hindi alam ni Keziah ang tungkol sa date na iyon o kung date nga ba iyong matatawag. Sinundo siya ni Dette sa unit niya kanina at sinabing may sorpresa daw ito para sa kanya. Agad naman siyang sumama dito dahil na-curious siya kung ano ang ‘sorpresa’ nito. Pero isang napakagwapong Drew ang nadatnan niya roon na may hawak na bungkos ng mga pulang rosas.

Nang makita niya ang ayos ng buong rooftop—iyong walang bubong na parte sa kabilang side ng may kubo—ay itinuring na niyang isang romantic date nga iyon. Walang kahit anong sinampay sa buong lugar. May Christmas lights na nakalagay sa safety grills ng rooftop. May nagkalat na pulang rose petals at scented candles sa sahig. May naka-set na low-rectangular table na may mga pagkain at imbes na mga upuan ay isang love seat ang nakapwesto sa gitna. It was a romantic rooftop date indeed.

Gusto niyang maiyak ng mga oras na iyon. Matagal nang walang gumagawa ng ganito para sa kanya. Just when memories almost rush through her, she felt a push from behind. Itinulak pala siya ni Dette.

“Hi, Peach!” nakangiti namang bati sa kanya ni Drew. And she hated herself for being so damn speechless.

“Well, enjoy the night. Ako nama’y mag-aaral pa. Bye!” narinig niyang paalam ni Dette sa kanila. Nang lingunin niya ito’y kumaway pa ito sa kanya saka ito lumabas doon at isinara ang pinto ng rooftop.

“Naka-pajamas lang ako,” nasabi niya kay Drew ng bumaling siya rito. Naiinis siya na hindi man lang siya nito sinabihan o ‘niyaya’. Napakagwapo nito sa suot na multi-colored polo samantalang mukha lang siyang ordinary sa suot niyang pajamas. Alam niyang gwapo si Drew pero hindi niya akalaing maaari pa itong maging mas gwapo pa.

Ngayon lang sila muling nagkita matapos ang tatlong araw dahil hindi siya lumalabas sa kanyang unit o hindi siya pumupunta sa laundry area para makita ito. Hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawa nitong pagpapa-‘miss’ sa kanya. Pero may maganda namang nangyari sa kanya sa nakalipas na tatlong araw dahil natapos na niya ang ginagawang manuscript at naipasa na rin niya iyon sa publishing house na pinagsusulatan niya.

“So? Ikaw ‘yan. I don’t care about the clothes you wear as long as it’s you. Kung gusto mo nga, pwede kang mag-bra’t panty ngayon—pero siyempre, alam kong hindi ikaw ‘yon. Isa pa, pinili kong ‘wag sabihin sa’yo na may isine-set up akong date para sa’ting dalawa because I want you to come as you are,” paliwanag ni Drew na ikinalambot ng puso niya para dito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa may siko. Saka siya nito iginiya paupo sa love seat na naroon at ibinigay nito ang sa kanya ang bitbit na mga rosas. Ngunit imbes na tumabi sa kanya si Drew katulad ng akala niya’y tumayo ito sa harapan niya at nagsimulang magbukas ng butones ng polo nito.

“Ano’ng ginagawa mo?” agad na tanong niya rito.

“Since we’re talking about ourselves, hindi ba tama lang na maghubad ako ngayon?” nakangising sabi nito sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at inabot dito ang bungkos ng mga rosas. “Joke lang. ‘Di ka na mabiro,” anito sa kanya saka muli siya nitong iginiya paupo. Sa pagkakataong iyon ay tumabi na ito sa kanya.

“Pinili mong ‘wag magpaalam sa’kin dahil alam mong hindi ako papayag,” sabi niya rito na kontra sa sinabi nito kanina.

“Right. Pero aminin mo, kinilig at na-touch ka ‘no? Ako ang nag-ayos ng lahat ng ‘to,” nagmamayabang na sabi nito. Pero nang tumingin siya rito’y hindi naman puno ng kayabangan ang hitsura nito. May nabanaag siyang pag-aalinlangan, takot at kaba sa mga mata nito. At gusto niyang ngumiti dahil doon.

Si Drew matatakot at kakabahan? That is so not him. But he looks like it which she found cute and amusing. Namimili din pala ng panahon at oras ang kayabangan nito.

“Thank you for doing this, Drew. Pero ito na ang una at huli na gagawin mo ‘to ha,” aniya rito saka niya ito binigyan ng isang ngiti. Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay humarap ito sa pagkaing nakahain sa low-table at inisa-isa sa kanya kung ano ang mga iyon. “Ikaw din ang naghanda ng mga pagkaing ‘yan?”

“Nah. Hindi ako marunong magluto. Binili ko lang ang mga ‘yan,” anito sa kanya.

“Ipinagluto mo ako ng bacon at pancakes noon,” sabi naman niya rito.

“Piniprito lang naman ang bacon at may pancake maker kami kaya nakakagawa ako ng pancakes,” paliwanag nito sa kanya. Tumango siya sa mga sinabi nito.

“Pero alam mo, hindi naman talaga ‘yong mga pagkain ang mahalaga doon eh. ‘Yong thought at effort ng taong gumawa no’n para sa’yo. Isipin mo pa lang na ikaw ang nasa isip ng taong gumawa no’n habang ginagawa niya ang mga pagkain ‘yon, ayos na ayos na,” sinserong sabi niya rito.

“Well, that’s a great thought. Dahil ikaw ang nasa isip ko habang inihahanda ko ang mga ito,” masuyong sabi sa kanya ni Drew. “I know we had a comic start but I wouldn’t change it for anything else. For me, it’s a perfect meeting of two people who would end up together eventually—“

“Hindi ka talaga mayabang ‘no? Sobrang yabang lang,” singit niya rito.

“Masyado ka kasing seryoso,” sabi naman nito sa kanya. Pagkuwa’y umabot ito ng Peach Crumble plate mula sa mesa at iniabot iyon sa kanya. “Here, have some dessert.”

“Bakit ‘Peach’ ang tawag mo sa’kin?” tanong niya rito nang makita niya ang dessert na iyon.

“’Cause you’re my special girl at gusto kong iba ang maging tawag ko sa’yo. Besides, Peach ang paborito kong prutas at dessert. It’s sweet, soft and delicate just like you. Paborito ko rin siyang ingredients ng mga desserts dahil hindi siya common katulad ng blueberry cheesecake o strawberry sorbet o mango float. At alam mo bang ang ibig sabihin din ng ‘peach’ ay somebody excellent, good or pleasing? You’re all of the above and I really like you, Keziah. Seriously,” anito sa kanya.

His eyes bore to her. Makikita sa mga mata nito ang pagiging sincere at seryoso nito sa sinabi. Kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito o kung dapat din ba niyang sagutin ang sinabi nito. Her mind knew she should shove him away like she always used to but her heart and body won’t cooperate. Alam niyang hindi siya dapat makaramdam ng kakaiba kay Drew pero unang kita pa lang niya rito ay iba na ang pakiramdam niya rito.

“Hey, maglaro tayo,” pagkuwa’y sabi ni Drew nang hindi siya magsalita.

“Ano’ng game?”

Ngumiti ito sa kanya pagkuwa’y iniumang nito sa kanya ang nakakuyom nitong kamao. “Bato-bato pick. It’s a tell-me-your-secret kind of game. Magba-bato-bato pick tayo, at kung sino ang mananalo, siya ang magtatanong ng isang sikreto sa taong natalo. Game?”

“Pambata lang ‘yan,” aniya rito pagkuwa’y sumandal siya sa loveseat at napatingala sa langit.

Noon niya lang napansin na may ilang bituin sa langit. Matagal na rin siyang hindi nakakakita ng bituin dahil matagal na rin siyang walang pakialam sa paligid niya. Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Drew at tumingala din ito sa langit. His head lightly bumped against hers.

“Bakit ako, Drew?” pagkuwa’y tanong niya rito habang hindi inaalis ang tingin sa langit. There was nothing special about it besides the stars but there’s something special about that moment.

“Ah, kailangan mong makipaglaro sa’kin ng bato-bato pick para malaman ang sagot ko d’yan. It’s a secret, you know,” anito sa kanya. Napailing at napabuntong-hininga siya pagkuwa’y umayos siya ng upo at hinarap ito. May ilang bagay na gusto siyang malaman tungkol dito. “Game. Rock, paper, scissors lang ha,” aniya rito.

“All right!” excited na bulalas nito.

Pumorma silang dalawa at nagsimulang maglaro. Sa unang laban nila’y nag-gunting siya at papel naman ito—talo ito. Napangisi siya rito.

“So, bakit ako?” tanong niya rito.

“I’d always been a jerk to women. I haven’t treated anyone special beside my mother and Dette. Most of the women I met throw theirselves at me. Sometimes, I hate it, sometimes, I don’t. Hey, I’m just a man with needs I should satisfy. Kaya walang naging espesyal sa’kin sa kanilang lahat. Sa maniwala ka man o sa hindi, hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Hindi pa ako nakikipag-date na ako ang nagyaya at lalong hindi pa ako nanliligaw.”

“My parents thought me not to just go for someone but for a woman who’d make me feel like a real good man. Lalo na ‘yong mother ko. Tuwing uuwi ako sa’min, palagi niyang itinatanong sa’kin kung nakita ko na raw ang babaeng ‘yon at palagi kong sinasabi sa kanya na hindi pa dahil mahirap. Alam mo kung ano ang sinasagot niya sa’kin? Sabi niya, it’s meant to be hard. Paano ko daw malalaman na worth it ang babaeng ‘yon kung hindi ako maghihirap. Tinanong ko sa kanya kung paano ko ba malalaman na siya na ang espesyal na babae sa’kin. Ang sabi niya, that girl wouldn’t see me for what I am but for who I am and what I’ve become along the way.”

“You were like my mother and I’m definitely like my father. At alam mo ba, sila ang first love ng isa’t isa. Hanggang ngayon, silang dalawa pa rin. I want to have that kind of relationship and I know I couldn’t have that with anyone else but you. No’ng una pa lang kitang makita, I know you’re going to be special to me. Hindi lang dahil maganda ka at ni-reject mo ako o natsa-challenge ako sa’yo. I knew for a fact na lahat ng sinabi ng mga magulang ko ay nasa’yo. There was never a dull moment with you. And I know I have to work hard to get your attention, your heart because you’re going to be worth it.”

Hindi na naman niya alam kung ano ang sasabihin dito. Dammit! How many times would he render me speechless tonight? But he did an unexpected thing, he sang to her.

‘Can’t Hurry Love’ ang kinanta nito ngayon. Napangiti siya dahil sa ginawa nito.

“Game na ulit?” pagkuwa’y tanong nito. Tinanguan na lang niya ito. Sa ikalawang pagkakataoon ay natalo ito dahil papel na naman ang ginamit nito at gunting naman sa kanya. “Oh, man! Fire away.”

“Tell me something I don’t know about you,” aniya rito. Limitado pa lang kasi ang alam niya tungkol dito. Alam niya kung saan ito nagtatrabaho, na kasali ito sa isang banda at may-ari ito ng isang bar. Alam din niya na hindi pa ito nagkaka-girlfriend lalo na ang pagkamayabang nito.

“Hindi n’yo ba ako pinagkwentuhan ni Dette no’ng wala ako? Sabi ko pa naman sa kanya i-build up niya ako sa’yo,” anito na ikinalaki ng mata niya.

“You know what, I can sum you up in one word—egotistic!” aniya rito na ikinatawa nito.

“Okay. I’ll give you ten things you should know about me. One, I’m in a band named Duke Five. Vocalist ako do’n. Actually, ‘Thunder’ ang original name ng banda namin. Pero pinalitan namin ‘yon ng ‘Duke Five’ in memory of our number one fan Duke—kapatid siya ng kaibigan kong si Pierre,” simula nito.

“Ah, kaya pala magaling kang kumanta,” komento niya rito.

“Wow! Salamat ha?” nakangising sabi nito sa kanya pagkuwa’y nagpatuloy na ito. “Two, marketing director din ako, three years na. Dati team member lang ako sa kanila. Ang galing ko ‘no? Third, I love my car named Katy,” pagpapatuloy nito na ikintawa niya.

“Pinangalanan mong ‘Katy’ ang kotse mo? So manly of you, huh,” pang-aasar niya rito.

“Para malaman mo, maliban kina mama at Dette, si Katy lang ang constant na babae sa buhay ko. Three years na rin kami,” nakangising sabi nito sa kanya na ikinailing na lang niya. Hindi pa rin niya akalaing may pangalan ang kotse nito—at pambabaeng pangalan pa. “Fourth, I sleep only with my boxers on. Fifth, you’re welcome to sleep with me anytime. Sixth, I love peaches. Seventh, you’re my most favorite and most loved Peach. Eighth, I like you, really like you. Ninth, I think I’m falling for you. And tenth, I really want a chance with you.”

And then, she was speechless. Again. Hinawakan ni Drew ang magkabilang pisngi niya. Pagkuwa’y idinikit nito ang ulo nito sa kanya. She found the gesture sweet and intimate at the same time. She had never been this close to a man for the past months. It was frightening and alluring. She knew this guy would be dangerous to her heart but she didn’t hold back.

“I’m willing to wait ‘til you’re ready, Keziah,” masuyong sabi nito sa kanya.

I like you too, ngali-ngaling sabihin niya na iyon dito ngayon. Pero umeksena ang isang bahagi ng isipan niya.

So, gusto mo na siya? Paano si Robb at ang pangako mo sa kanya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Pakiramdam niya’y tumigil sa pag-inog ang mundo niya at namanhid ang buong katawan niya sa isiping iyon maliban sa puso niya na tila baa lam na si Drew na ang nakatalagang lalaki para sa kanya. At dahil dito kaya rin niya nakalimutan nitong mga nakalipas na araw si Robb at ang pangako niya rito.

Bahagya siyang humiwalay kay Drew saka siya tumingala sa langit na may ilang mga bituin. Pagkuwa’y pumikit siya at tahimik na kinausap ang mga ito.

I need a sign. Kapag may isa sa inyong nahulog, bibigyan ko ng tsansa si Drew.

“Ano’ng ginagawa mo?” untag sa kanya ni Drew.

“Humihingi ng sign,” aniya rito.

“Ano’ng sign? ‘Wag naman sanang para umulan dahil thirty percent lang ang chance of rain ngayon ayon sa weather forecast,” anito.

“Hindi ko alam na interesado ka pala sa weather forecast. Pero hindi ‘yon ang sign ko. Kapag may isang bituin na nahulog d’yan, I’ll give you a chance. Kaya kung seryoso ka talaga, kakausapin ko na ang mga bituin na ‘yan ngayon,” aniya rito.

“Oh, shoot!”

“Hanggang midnight lang ang binibigay kong chance sa kanila,” dugtong pa niya rito.

“Shit! Stars, oh my beautiful stars, fall for me,” nakatingalang hiling nito sa ilang bituin sa langit.

Napangiti siya rito. Pero alam niyang kahit na walang mahulog na bituin doon ngayong gabi, bibigyan pa rin niya ito ng tsansa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.