Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 111

“Tin, I am getting married! Michelangelo proposed and I said yes!” balita sa kanya ng kapatid na si Evita nang tawagan siya sa cellphone. Nasa wooden dock siya sa tabi ng lake at nagmi-mirienda bago pumasok sa trabaho nang matanggap niya ang tawag nito.

“Well, that is good news.” Matagal nang pangarap ng kapatid niya na may mag-aalok dito ng kasal. Di pansamantalang relasyon lang. She was happy for her sister. “Saan ninyo balak magpakasal?”

“Gusto sana ni Mic diyan sa Pilipinas. I don’t know yet. Kahit saan naman niya gusto. Dito sa Italy. Diyan sa Manila. Basta magkasama lang kaming dalawa. Uuwi kami next week para magpaalam kina Nanay at Tatay. Gusto kong ikaw ang maging maid of honor ko. Please?” pakiusap nito.

“How can I say no? Nag-iisa lang naman kitang kapatid. Sa palagay ko matutuwa si Zanti oras na malaman niyang magkakaroon siya ng daddy.” Magkakaroon na rin ng buong pamilya ang pamangkin niya.

Ilang sandaling natahimik si Evita sa kabilang linya. “Tin, iyon nga ang gusto kong I-discuss sa iyo. Hindi alam ni Mic na may anak na ako.”

“What? Hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol kay Zanti? Pero mahal ka niya, di ba? Sa palagay ko tatanggapin niya si Zanti.”

“No! Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol kay Zanti. Ayaw niya sa bata. At oras na malaman niyang may anak ako, di niya ako pakakasalan.”

“What?” bulalas niya at nahampas ang railing ng dock. “At pumayag ka naman? Anong plano mong gawin sa anak mo?”

“Ikaw ang ipapakilala kong nanay niya. Kung pwede ikaw muna ang magsabi kay Nanay at Tatay tungkol dito. Baka kasi hindi nila ako maintindihan.”

“Hindi ako pumapayag sa plano mo. You are denying your own son?” Mariin siyang pumikit. Kung kaharap lang niya ang kapatid niya ay baka nasampal na niya ito. “Ate, huwag ka namang ganyan kay Zanti.”

“Buo na ang plano ko. I want to be happy, Celestine,” mariin nitong sabi.

Naramdaman niyang pumapatak ang luha niya dahil sa ginawa ng kapatid. It was unforgivable! Akala niya ay baliw lang ito sa pag-ibig. Pero paano nito nagawang sarili nitong anak ay idamay nito sa kahangalan nito?

“Celestine, sabay na tayong mag-dinner,” yaya sa kanya ni Philippe na patakbong lumapit sa kanya. “Tinapos ko agad ang meeting para…” Natigilan ito nang makita siyang umiiyak. “Hey, what’s wrong?”

Umiling siya at pinahid ang luha. “Wala. Nagtalo lang kami ng kapatid ko. It is just a petty quarrel.”

“I don’t think it is petty. Di ka iiyak kung simpleng away lang iyon. Come on. Tell me about it. Baka makatulong ako.”

She forced a smile. “Hindi. Kaya ko na ito.”

Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. Niyakap siya nito nang mahigpit. Di na niya magawang magkaila sa nararamdaman niya nang maramdaman ang init ng katawan nito. She just cried and cried. Di na niya mapigilan ang emosyon niya. It was simply too much.

Hinaplos nito ang likod niya. “Feel free to tell me everything. I will listen.”

“Ikakasal na ang kapatid ko pero di niya masabi na may anak na siya. Ayaw daw kasi ng pakakasalan niya sa bata. And she wants me to claim Zanti instead. How could she do that? Napaka-selfish, hindi ba?”

“It sounds cruel, I know. May ganoon talagang tao. May isasakripisyo silang ibang tao o bagay para lang sa sarili nilang kaligayahan.”

“Pero paano naman si Zanti? Isn’t it bad enough that he grew up without her? Ni halos di na nga sila nagkikita. Ano ang mararamdaman ng pamangkin ko kapag sinabi ni Ate sa pakakasalan niya na magtiya lang sila at ako ang nanay? Hindi naman tanga ang pamangkin ko. Matalino siya. He would feel rejected.”

“Ano ang gusto mong mangyari?”

“Ayokong balewalain niya ang pamangkin ko. Gusto ko rin namang sumaya siya. Pero ang problema kay Ate, nakakalimutan niyang may anak siya at handa siyang kalimutan ang anak niya para lang sa lalaki sa buhay niya. Gusto kong makita niya na mas importante si Zanti sa kahit sinong lalaki. Na makakahanap siya ng kahit ilang lalaki pero nag-iisa lang si Zanti.”

Ayaw niyang saktan si Zanti. Bata pa ito para makaranas nang ganoong klaseng sakit. Lumaki na itong walang ama. Pati ba ang sariling ina ay pagkakaitan ito? Ayaw niyang mamuhay ito sa matinding galit. She didn’t want him to feel unwanted. Kahit pa mahal niya ito, iba pa rin ang pagmamahal ng tunay na ina.

“Gusto kong makatulong, Celestine.”

She shook her head. “Family problem ito. Ayokong madamay ka pa.”

“Ayaw mo bang marinig ang suggestion ko?”

NAKIPAGKITA si Celestine sa cafeteria ng hotel kung saan tumutuloy ang Ate Evita niya at ang boyfriend nito. Sa halip na sa bahay ay mas pinili pa nitong sa hotel mah-check in. Kinabukasan pa ang plano nitong pakikipagkita sa pamilya niya.

“Sis, excited ka talagang makita ako,” sabi nito at humalik sa pisngi niya. “Bukas pa tayo magkikita, hindi ba?”

“Ikaw na ang nagsabi na excited akong makita ka. Where is your fiancé?”

“Natutulog pa. Jet lag. Magpapahinga daw siya para okay na siya bukas. And who is that gorgeous guy with you?”

“Philippe Jacobs, my boyfriend,” pagpapakilala niya. Kasama iyon sa plano nila ni Philippe. Nagkamay ito at si Philippe.

Natutop ni Evita ang dibdib. “I am sorry. I am so excited to tell Celestine about my wedding. Hindi agad kita napansin.” Tinitigan nitong mabuti si Philippe. “You are that popular actor, right?”

“Yes,” sagot lang ni Philippe.

Ginagap ni Evita ang kamay niya. “I am happy for you, Tin. Look at us. Pareho na tayong masaya sa lovelife natin. Samantalang dati akala ko wala kang balak na magka-boyfriend. Sa Stallion Riding Club ba kayo nagkakilala?”

“I didn’t come here to discuss that,” she said in a formal voice. “I came here because I want to discuss Zanti with you.”

“Why? What’s with Zanti?” tanong ni Evita.

“Plano na naming magpakasal ni Celestine,” sabi ni Philippe at hinawakan ang kamay niya. “And we want to adopt Zanti.”

Namutla si Evita. “B-But why? I am his mother.”

“Ate, ikakasal ka na at ako ang ipapakilala mong nanay niya,” sabi niya sa kontroladong boses. Ayaw kasi niyang sumambulat na lang ang galit niya dito. “Ibig sabihin hindi ka na interesadong maging nanay niya.”

“I am still his mother. Susustentuhan ko pa rin siya…”

Tumaas ang isang kilay niya. “Is that the best you can do? Kung nanay ka nga niya, dapat isama mo siya sa bago mong pamilya.”

“You know that I can’t!” she said in a hiss.

“That’s exactly my point. Wala akong nakikitang masama kung ako na ang magiging legal niyang ina. Iyon naman ang sinabi mo sa magiging asawa mo, di ba?”

“Hindi ko siya ipinamimigay,” mariing wika ni Evita.

“Hindi mo nga siya ipinamimigay. You are just pushing him away.”

Mariin itong pumikit. “Why are you so impossible, Celestine? Hindi ba malinaw sa iyo ang lahat? I have to do this…”

“For your happiness?” she added. “Kaya ko rin ginagawa ito dahil gusto kong sumaya ka. Di mo na kailangang intindihin si Zanti. You can focus to your new family. While we will provide Zanti a perfect family atmosphere. May mga magulang siya na magkakaroon ng panahon sa kanya at magmamahal sa kanya.”

“We will love him like our own,” sabi ni Philippe. “Magkasundo na kami ni Zanti dahil magkaklase sila ng pamangkin ko. At kapatid mo rin si Celestine. Magkakaroon siya ng buong pamilya. Wala na tayong problema.”

Hinampas ni Evita ang mesa. The cutleries thudded. “No! Zanti is my son.”

“Hindi naman namin sinasabi na di mo siya anak,” sabi niya. “But if you want to insist that he is really yours, tell to your fiancé that he is yours.”

She stopped. “But Michaelangelo…”

Taas-noo niyang tiningnan ang kapatid at di na nito naituloy pa ang sasabihin. “Kung hindi mo siya ire-recognize, ibigay mo na lang siya sa mga tao na mas magmamahal sa kanya. Iyong hindi siya itatago. Iyong maa-appreciate siya. You let me play the role of a mother to him for years. Let’s make it legal.”

“Mahal ko ang anak ko at hindi ko siya ibibigay sa iyo kahit anong sabihin mo,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Evita. “Ipaglalaban ko siya.”

“Then do it! Sabihin mo sa Michaelangelo na iyon na anak mo siya.”

“Oo! Gagawin ko iyon!” matapang nitong sabi. “Basta sa akin si Zanti. Walang ibang pwedeng maglayo sa kanya sa akin.”

“At paano kung di siya matanggap ng pakakasalan mo?” tanong niya.

“Kung mahal niya ako, tatanggapin niya ang anak ko. At kung di niya matatanggap si Zanti, mabuti pang maghiwalay na lang kami.” Now, Evita looked like a mother tiger. Handang sumugod at manakit ng kahit sinong maglalayo dito sa anak nito. “Forget about your plans. I won’t give my son away.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang talikuran sila ni Evita. Naramdaman niya ang pagguhit ng luha sa pisngi niya. Di niya pinahid iyon dahil luha iyon ng kaligayahan. “Na-realize na niyang mahal na niya si Zanti, hindi ba? Hindi na niya ide-deny ang pamangkin ko.”

“Yes,” sang-ayon ni Philippe. “She had been neglecting his own son. Pero nang makaramdam siya ng threat, saka lumabas ang pagiging ina niya.”

“It is about time that she becomes a mother to him.”

Kinabig nito ang ulo niya pahilig sa dibdib nito. “Don’t worry. Everything will be okay from now on.”

INAAYOS ni Celestine ang financial report ng Lakeside Bistro and Music Lounge sa opisina niya nang pumasok si Philippe. “Hi! Still busy?”

She nodded. “Yup. Ayokong matambakan ng trabaho kaya inaayos ko na.”

“Coffee. Mukhang marami pa ang gagawin mo.”

“Thanks. Kumusta ang shooting?” tanong niya.

Sa music lounge ang location ng shooting. Hinayaan na niya si Aya na mag-supervise dahil kailangan pa niyang tapusin ang financial report.

Nag-inat ito. “Nag-pack up na rin kami sa wakas. Pasensiya na kung natagalan kami. May sakit kasi si Chloe kaya nakailang take kami.”

“Okay lang iyon. Pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho. Saka inalalayan mo naman siya, I am sure. Bakit nga pala di ka pa bumabalik sa guesthouse? It is two in the morning. Magpahinga ka na.”

“Matagal na kasi tayong di nagkaka-kwentuhan dahil pareho tayong busy. Ni hindi na nga tayo sabay nagdi-dinner or lumalabas. How are you?”

“I am great, of course.”

His eyes softened. “How about your sister?”

“Ipinakilala na niya si Zanti bilang anak niya. Nagalit si Michaelangelo noong una pero susubukan daw niyang magustuhan si Zanti. Mukhang mahal naman talaga niya si Ate Evita. Masyado lang natakot ang kapatid ko sa rejection. Atter all, ilang beses na rin naman siyang nasaktan.”

“See? Ngayong nalaman na niya kung ano ang tama, di pa nawala sa kanya ang dalawang taong mahal niya. Effective ang plano natin.”

“PJ, thank you, ha?” aniya at ngumiti. “Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi mo ako tinulungan.”

”Wala iyon. You always make me happy, Celestine. Wala akong dahilan para malungkot kapag kasama kita. Malulungkot lang ako kapag nakikita kong nasasaktan ka. At ayoko nang magkaroon pa ng dahilan para malungkot. So I want to make you happy. And it is my pleasure to make you happy.”

Yumakap siya dito. “PJ, that is really so sweet.” Mas gusto kasi niyang magpasaya ng ibang tao. Pero iba rin pala ang pakiramdam na may ibang taong nagpapasaya sa kanya. “Mantakin mo, ang sikat na si Philippe Jacobs, personal akong tinulungan. Maiinggit sa akin ang ibang fans mo.”

Pinisil nito ang pisngi niya. “Stop talking as if I am someone unreachable. Artista nga ako but it didn’t make me any special. Normal lang akong tao.”

Lumabi siya. “Normal na tao. Idol pa rin kita, no?”

“Anong idol? Ako pa nga ang may utang sa iyo.”

“Paano ka magkakautang sa akin? Ikaw nga ang laging nanlilibre sa akin, di ba? Hindi mo naman ako sinisingil.”

Ilong naman niya ang pinisil nito. “Silly. That is not what I mean. Ikaw ang naging tulay para di na magtampo sa akin si Milby. Isinama mo ako sa recital.”

“Utang ba iyon?”

“Well, I am grateful.”

“Ipagpalagay na nating utang iyon. Bayad ka na dahil tinulungan mo naman ako sa problema ko sa kapatid ko. So wala na tayong utang, ha? At ayoko nang maririnig ang utang na iyan. I believe that we help someone because we want to. Natural na sa tao ang pagiging mabait. Di dahil sa utang na loob.”

“I think I still owe you something.”

Humalukipkip siya. “Ano na naman iyang utang na iyan?”

“Nakalimutan mo ba nang unang beses tayong magkita? Sabi mo sa akin, ihahalik mo pa ang buong angkan at buong baranggay mo sa akin?”

“Ha? Naaalala mo pa ba iyon?”

Parang ayaw na yata niya iyong maalala. Sobrang excited kasi niya iyon na makita ito at na-addict ata siya sa pabango nito kaya halik siya nang halik.

“Siyempre. Pwede ko ba naman iyong makalimutan? Ready na akong magbayad nang utang ngayon dahil di ako masyadong busy.”

His hand slid at the small of her back and urged her closer. He bent his head and claimed her mouth in a passionate kiss.

She experienced his kiss before but this time, her head wasn’t so light. Alam niya ang ginagawa niya at kung ano ang nangayayari. She opened her mouth to accept his intrusion. Humawak siya sa braso nito para may suporta. Kundi ay babagsak na lang siya dahil nanginginig ang tuhod niya. The kiss seemed to go on and on. Parang pelikula iyon na walang katapusan.

When their lips parted both of them were gasping of breath. “Well, that one nearly cost my life. But its okay. Bayad na ako sa utang ko.”

“U-Utang?” Saka lang niya naalala kung bakit siya hinalikan nito.

“Oo. Bayad na ako sa utang kaya pwede na akong matulog nang mahimbing.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “Goodnight, Celestine.”

“G-Goodnight,” aniya nakatulala lang hanggang umalis ito.

Nagbayad lang ito ng utang kaya siya nito hinalikan. Pero hanggang ngayon ay umuugong pa rin ang tainga niya. Ganoon pala ito kapag nagbabayad ng utang. Parang gusto niya na magkautang ulit ito sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.