Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 134

Lumaki si Khamya na di interesado sa mga lalaki. Until a prince swept her off her feet. Beiron Rafiq was really like a real prince. Isa itong maimpluwensiyang royalty ng kaharian ng Al Ishaq at pinaka-playboy din. Nandito ang lahat ng katangian na iniiwasan niya sa isang lalaki.

But Beiron proved that he could change for love. Hanggang kailan siya kakapit sa pagmamahal nito? Is his love worth everything?

“Sir, sorry kung ngayon lang po ako nakatawag. Na-delay ang flight ko. May bomb threat kasi sa NAIA kanina. Di kami agad nakalipad. Ginabi po tuloy ako ng dating dito,” paliwanag ni Khamya sa boss niyang si Director Nolasco. Ito ang head ng Philippine Institute of Biotechnology kung saan isa siya sa mga staff. Nasa Kingdom of Al-Ishaq siya para sa isang linggong conference.

“Mag-enjoy ka naman diyan, hija. Bukas pa naman ang conference. I heard that they have great bazaars there. They have beautiful and artistic vases. Magugustuhan tiyak iyon ng Misis ko.”

Di niya mapigilang ngumiti. Sabi na nga ba niya’t iyon ang hihingin nito. Pasalubong. “Opo. Mag-uuwi po ako ng pasalubong para sa kay Ma’am Ditas.”

“Maraming salamat, hija.”

“Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil pinasama ninyo ako dito.” Dalawang taon pa lang siya sa institute. Ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na lumahok sa international conference.

“Magaling ka naman, hija. At pagdating sa cloning research, ikaw ang pinakamalaki ang interes. Bagay sa iyo ang conference na iyan. I will see you after ten days. Mag-uwi ka na rin ng boyfriend, ha?”

“Si Sir talaga,” aniya at iiling-iling na nagpaalam dito. Saan naman siya makakahanap ng boyfriend sa conference na iyon? Malamang ay mga nerd rin na tulad niya ang pupunta doon. Mas interesado rin ang mga ito sa genetic mutation at embryonic fusion kaysa sa makipag-flirt sa babae. And she was there to work.

At the age of twenty-seven, she never experienced to have a boyfriend. Kahit nga crush ay wala. Naka-focus lang siya sa trabaho niya. Nabuhay siya ng walang ama. Kaya naman nagsumikap siya para bigyan ng magaang buhay ang nanay niya. Sa kasamaang-palad ay namatay na ito noong isang taon. Mag-isa na lang siya sa mundo at ang trabaho niya ang buhay niya.

Tumanaw siya sa terrace ng hotel room niya. The hotel was grand enough. Its design was Islamic and Mediterranean. After all, the Kingdom of Al Ishaq was a mecca of different cultures. It was situated at the Mediterranean. Bagamat mayaman sa langis ay di ito maingay. Hanggang ang isa sa mga sheikh o royal leader ng isa sa mga clan ay nakapag-asawa ng isang Filipina.

Things changed a lot. Naging open na ito sa kalakalan at ang dating istriktong Islamic na bansa ay naging malaya na rin para sa pagsamba sa ibang relihiyon. Ngayon ay ito na ang sentro ng horse breeding sa Mediterranean. They produced the best breed of Arab horses.

It was her first time to travel abroad. It should be pretty interesting. Maari siguro siyang mamasyal mamaya matapos maghapunan dahil walking distance lang ang night market sa hotel. Ayaw niyang ma-distract pa sa conference.

Alas sais ng gabi nang makaramdam siya ng gutom. Kung sa Pilipinas iyon ay ala una pa lang ng hapon. Di siya nakakain nang maayos sa eroplano dahil sa tensiyon. Marahil ay makakaayos na siya nang maayos ngayon.

She checked her meal allowance. “Siguro sa murang restaurant o café na lang ako.” Ayaw niyang ipakipagsapalaran ang sikmura niya dahil di pa niya kabisado ang pagkain sa bansang iyon. Pero mamumulubi naman siya sa mahal ng pagkain sa hotel. It was a seven-star hotel. Baka soup lang ang mabili niya pag nagkataon.

Matapos iwan ang susi niya sa reception ay naglakad na siya sa lobby palabas ng hotel. Pumasok ang may pitong kalalakihan na pawang naka-amerikanang itim at makakasalubong niya ang mga ito. She stopped dead in her tracks when she saw the leader of the group.

He had Arab-Mediterranean features. His lashes were so long. Parang katulad sa manyika. His aura was commanding. Pagpasok pa lang nito sa kuwarto ay nararamdaman na niya ang lakas ng personalidad nito. His skin was brown as if he loved to stay under the sun. And his eyes were…

“Beiron! Oh, gosh! It’s Beiron!” anang babae sa likuran niya at hangos na lumapit sa lalaki. Natabig siya nito at bahagya siyang natauhan. Kanina pa pala siya nakatayo doon at nakatulala.

Pinagpag niya ang natabig na balikat. “Excuse me, ha?” sarkastiko niyang usal. Sino ba ang lalaking iyon at nagkakandarapa ang babae na lapitan. Artista marahil. Wala naman siyang hilig sa artista.

Subalit di niya inaasahan nang magsunuran pang ibang babae. “Beiron!” tilian ng mga ito. Sa pagkakataong ito ay marami nang sumanggi sa kanya.

May isa pang tumulak sa kanya. “You are in the way, bitch!”

Napasadlak siya sa naka-tiles na sahig. Nasanggi pa siya ng ibang walang pakundangan na tumitiling babae sa ulo at nalaglag ang salamin niya. Narinig niyang bumagsak iyon sa semento. “A-Ang salamin ko,” usal niya at kinapa ang sahig.

She was practically blind without her eyeglasses. Kailangan na niyang makuha iyon para makaalis sa lugar na iyon. It was so humiliating to stay on the floor. Marami pa manding taong nakakakita.

She went still when she heard something snap. “M-My glasses,” she uttered with desperation. Patuloy pa rin sa pagkapa pero stiletto heels na ang nakakapa niya. Nasaan na ang salamin niya? Paano na siya kapag nasira iyon?

“Clear the way! Clear the way!” utos ng mga lalaki.

She heard the stilettos clearing away from her. She didn’t care. She needed her glasses back. Natigil siya sa pangangapa nang may maaninag niya ang black leather shoes na nasa harap niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin. Bagamat malabo ang mata niya ay nakilala niya ang lalaki kanina. She could feel his powerful aura emitting around him. Ganoon ba kalakas ang personalidad nito?

Umuklo ito at may dinampot. “Is this yours?”

Naaninag niya ang salamin niya. “Yes, it is mine.”

“I am afraid it is broken.”

She moaned in distress. Anong gagawin niya ngayon? “I guess it is okay.” Kinuha niya ang salamin mula dito at tumayo. She had to pull herself up. Enough of the humiliation. Subalit umikot ang paningin niya at napasandig sa lalaki. Napasinghap siya. She couldn’t help but admire his physique. Parang napakalakas kasi nito. Nakakapanghina ng tuhod na madikit dito. “I-I am sorry.”

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya interesado sa mga lalaki. O sa matipunong katawan nito.

She tried to pull back but his arms encircled her waist. “Are you okay?” he asked in a raspy voice. It was as enticing as the desert wind. Very manly. “Do you need any help?”

“Yes. I just want to get the number of the ophthalmologist. I need a new pair of glasses.” Tatanungin na lang marahil niya ang receptionist tungkol doon.

“Don’t worry. I know one.”

“Really. Can I have his or her number?”

“I will take care of it.”

She nearly shrieked when he swooped her in his arms. Napahawak siya sa lapel ng amerikana nito sa sobrang takot. “W-Where are you taking me?” she asked in a trembling voice.

Ano bang nangyayari? Bakit basta na lang siya nitong binuhat? Di naman siguro ito kidnapper. Wala siyang pambayad. Sana naman ay di ito terorista. O kaya ay rapist. She was in a foreign country. May mali ba siyang ginawa para bigyan ito ng ibang impresyon? Cheap ba ang tingin nito sa kanya?

“Don’t worry. You will be safe with me,” he whispered in a mesmerizing voice.

Natigagal siya nang isakay siya nito ng elevator kasama ang mga lalaking kanina pa nakasunod dito. Wala na siyang lakas na lumaban dito. She was at his mercy. Pumikit siya habang pilit na nilalabanan ang sarili na humilig sa balikat nito.

“It is okay to relax. I told you I won’t harm you,” he said in a comforting voice when he felt her stiffness.

“O-Okay,” bulong niya at sa huli ay humilig sa dibdib nito. He was solid. The exact contrast of her softness.

Nanunuot sa ilong niya ang men’s cologne nito. It wasn’t irritating but putting disturbing thoughts inside her head. Everything about him made her notice how manly he was. Dati naman ay wala siyang pakialam sa mga lalaki.

Anong mayroon sa lalaking ito at pakiramdam niya ay babae siya?

“CALL the royal ophthalmologist. This is an emergency. Bring the lady her dinner. Take care of all her needs. Make sure that she is well taken care of,” the man commanded rapidly. Sunod-sunod na “Yes” naman ang sagot ng mga tauhan nito.

From the elevator, they entered a very fabulous suite. Di niya alam kung anong floor na iyon ng hotel pero hula niya ay nasa penthouse sila. May butcher na sumalubong sa kanila at dalawang babae na hula niya ay mga maid.

Dahil di siya makakilos nang maayos sa labi ng paningin niya ay nagkasya na lang siyang makinig habang nakaupo sa divan. Isa iyon sa mga silid ng suite. Hinaplos niya ang armrest at sumandal. Napakalambot niyon. It was made of fine material. Halatang mamahalin. She could even feel the soft carpet under her feet. At kahit na malabo ang tingin niya, nagsusumigaw ang kayamanan sa lugar na iyon.

Sino ba ang lalaking ito at namumuhay ito na parang prinsipe?

“Tea?” alok sa kanya ng lalaki nang lapitan siya.

“Thank you,” kimi niyang sabi.

He handed the tea to her. “The ophthalmologist will arrive in a few minutes. I am really sorry for the bother.”

“No. I should thank you. Actually, I am the one who is causing trouble here.”

Ginagap nito ang kamay niya. “No. It was my fault…”

“Ooops!” usal niya nang muntik nang lumigwak ang tsaa sa kamay niya.

“I-I’m sorry.” Mabilis nitong binitiwan ang kamay niya. “If I didn’t arrive and those people didn’t fawn over me, you won’t ruin your glasses. So just enjoy your stay here. Feel at home.”

Seryoso ba ito? Paano siya magiging at home sa eleganteng lugar na iyon? Hindi naman siya sanay sa karangyaan kahit pa nga di niya nakikita. And she couldn’t relax with this man around. Kahit pa nga mabait ito sa kanya. Mabuti na rin ang nag-iingat. Di naman niya ito kilala.

“You don’t really have to do this. All I need is an ophthalmologist…”

“You are my responsibility. So I will take care of you for now.”

“I can take care of myself. Thank you.” She didn’t want to impose to other people. Kadarating pa lang niya doon ay nang-aabala na siya.

“You are in Al-Ishaq, lady. We know how to take care of our women. And I don’t easily shrink from my responsibility.”

Responsibility? Woman? Kung magsalita ito ay parang may malalim na silang relasyon samantalang kakikilala pa lang nila sa isa’t isa. Pinigil niyang umiling nang sumimsim ng tsaa. She didn’t know if this man was impressive enough or he was starting to annoy her. Lahat ba ng lalaki sa Al-Ishaq ay ganoon ang sentimyento? They were overdoing things.

“Emir, the ministry is waiting for you,” bulong dito. Hula niya ay iyon ang butcher na sumalubong sa kanilang pagdating kanina.

“Thank you for reminding me, Kamir. Just give us a moment.

“You are leaving?” she asked.

“I am afraid I have to go. I can’t join you for dinner but I will be back soon. This is just important. I will leave you to the hands of my people. They will take good care of you and they will see your every need. Don’t hesitate to tell them if you want anything. You will be fine while I am gone.”

“Yes. I can’t thank you enough for the help.”

“Anything for the lady.”

Lady. He kept on calling her with that name. Nobody treated her like a real lady before. And it only made her feel weak. Na parang kailangan niyang isalalay sa kamay ng isang lalaki ang lahat ng pangangailangan niya.

“My name is Khamya Licerio.”

“Pardon?” gulat nitong tanong.

“I said I am Khamya Licerio. You can call me Khamya.”

“Khamya. A very intriguing name.” He took the teacup away from her. Nahigit niya ang hininga nang halikan nito ang dulo ng mga daliri niya. She never experienced anything as sensual as that. “It is a pleasure to meet you.”

Nahigit niya ang hininga. “You, too. And you are?”

“You don’t know me?” he asked in a bit irritated voice.

Umiling siya. “I don’t.”

Noon lang siya tumapak sa bansa nito. Paano naman agad niya malalaman kung sino ito? Kahit pa siguro prinsipe ito ng bansa nito, di niya malalaman. Bukas pa lang niya makikita ang prinsipe sa speech nito.

Kung interesado man siya sa kaharian ng Al-Ishaq, iyon ay sa mga mamahaling Arabian horses na nagpasikat sa mga ito o kaya ay ang ipinagmamalaking research facility ng mga ito sa horse breeding.

Ginagap nito nang mahigpit ang kamay niya. “I am Emir Beiron Rafiq of Kingdom of Al-Ishaq.”

“Emir is your first name?”

“Emir is the title given to the first son of a sheikh.”

So he was a son of a sheikh. That explains the wealth around her. “Beiron Rafiq?” That name was familiar. Nahigit niya ang hininga nang maalala. “You are that Beiron Rafiq who is one of the largest benefactor of Philippine Biotechnology Institute? You even sent the invitation for the conference, right?”

He let out a rich laugh. “Your answer is pretty interesting.”

“But I got it right?”

“Of course. I am sure we will have an interesting chat once I am back. I will see you later, Khamya.”

Naiwan siyang tulala nang umalis na ito. Beiron Rafiq was almost a prince. She was with one of the royalties of Al-Ishaq. The most celebrated at that. Ito kasi ang pinaka-visible sa lahat ng opisyales ng kaharian.

Pinagsalikop niya ang nanlalamig na palad. One thing about him made her uncomfortable. He was an international lady-killer.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.