“I hope you like it. That lobster sautéed with mushroom is Chef Sauvignon’s special dish,” wika ni Beiron habang naghahapunan sila ni Khamya.
“Yes. It tastes great.” Subalit parang may bikig siya sa lalamunan habang kumakain. Humahanap pa siya ng pagkakataon kung paano siya magpapaalam dito. Mukha pa manding maganda ang mood nito.
“Nakita mo na ba ang mga in-order ko na gown at cocktail dress para sa iyo? It has accessories to match. It will be delivered tomorrow.” Kung mamigay ito mga damit at alahas ay parang namimigay lang ito ng candy sa mga bata.
“Salamat pero hindi na kailangan.”
Maang itong tumingin sa kanya. “Pardon?”
Huminga siya nang malalim. “Hindi ko naman kailangan ang mga iyon.”
“You will. Believe me. Marami akong naka-schedule na party. I want you to join me. Nagtataka nga ako kung bakit di mo isinuot ang isa sa mga cocktail dress para sa dinner natin ngayong gabi.” She was wearing a plain red silk blouse and slacks that she owned.
Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. “Lilipat na ako sa quarters sa research center bukas.”
“Aalis ka na dito?” tanong nito sa mataas na tono.
“Noong una pa lang naman dapat doon na talaga ako tumuloy.”
Naging seryoso ang anyo nito. “What is wrong, sweetie? May hindi ka ba nagustuhan sa serbisyo nila dito? Don’t you like your room?”
“Beiron, it is just too much! Sobra-sobra ang atensiyon sa akin ng mga tao. Pati ang kuwarto ko parang sa prinsesa. And now you are even showering me with things that I don’t need. I am not used to it. It makes me uncomfortable. Hindi ko alam kung bakit mo ako dinala dito una pa lang.”
Ginagap nito ang kamay niya. “Because you are special. I want you to be a part of my life if you will have me.”
“As your what? As your paramour? Kung mananatili ako dito sa guesthouse mo, ano naman ang magiging role ko sa buhay mo? At hanggang kailan? Ginamit mo lang ba ang research study ko para makuha ako dito?”
“Of course not. Inalok ka talaga ng research center para magtrabaho kasama sila. Pero wala namang masama kung magkakaroon tayo ng espesyal na relasyon.”
Mariing nagdikit ang labi niya habang pinipigilan ang iritasyon. “Sana tinanong mo muna ako kung gusto kong magkaroon ng espesyal na relasyon sa iyo.”
“Ayaw mo ba?” gulat nitong tanong.
A sarcastic smile formed in her lips. “Lahat siguro ng babaeng nakikilala mo nagpapakamatay para sa iyo, ibahin mo ako. Wala akong tiwala sa mga katulad mo na gusto lang paglaruan ang mga babae. I am not stupid.”
“I am not saying that you are stupid.”
“At ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa akin? I don’t trust you a bit. Kahit ikaw pa ang pinakamayaman at guwapong lalaki sa mundo, di ako interesado.”
“Maybe you are afraid that I neglect my women. Well, I don’t.”
Tumayo siya. “By lavishing them with gift and attention? Sa palagay mo ba kung wala kang kayamanan at di ka guwapo lalapitan ka ng mga babae? Sa klase ng mind set mo, walang tatagal sa iyo. Sabagay, iyon lang naman ang gusto mo di ba? Mga babae na mamahalin ka dahil sa kaya mong ibigay sa kanila. But you will never find a woman who love you for who you are.”
Madilim ang anyo nito nang tumayo. “You have the nerve…”
She lifted her chin. “Yes, I do! Di ako natatakot sa iyo.” Kung gusto nito ay ipatapon pa siya nito sa bansa nito. Wala siyang pakialam.
Lumambot ang anyo nito at tinalikuran siya. “Take a rest. Maari kang umalis kung gusto mo. Hindi na kita pipigilan.”
Nakahinga siya ng maluwag nang di siya nito labanan. Sarili rin naman nitong ego ang masasanggi oras na pigilan siya nito. Marami namang babae na nagkakandarapa dito at pwede nitong isama sa harem nito.
Napasimangot siya nang maisip iyon. Bakit parang di niya gusto na may ibang babae na papalit sa pwesto niya?
KHAMYA was observing the thirty pregnant Arabian mares at the pasture of the research institute. Di na bago sa kanya na makakita ng kabayong buntis. Ang bago sa kanya ay buntis ang mga ito sa pamamagitan ng cloned embryo na ginawa ng research center. Sa ngayon ay ang mga ito ang pinakamatagumpay na breakthrough ng research center. They were expected to produce the best cloned performance horses. Bagamat cloned ang naturang mga hayop, sinunod pa rin ng mga scientist ang natural na panahon ng pagbubuntis at panganganak ng mga kabayo.
Pabalik siya sa laboratory niya nang marinig niya ang malakas na halakhak ng isang babae sa hallway. It was their super blonde guest scientist from Australia. She must be flirting with one of the men in the center. Di na sana niya papansinin nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya ang kausap nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Beiron ang kausap nito.
Mabilis niyang iniwas ang tingin at binilisan ang paglalakad nang madaanan ang mga ito. Di niya maiwasang magngitngit. Tatlong araw pa lang mula nang umalis siya sa guesthouse nito pero may ipapalit na pala ito sa harem nito.
“Dr. Licerio…” tawag sa kanya ni Beiron.
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito saka bahagya yumukod. “Emir Beiron, it is good to see you again. And have a nice day!”
Tinilikuran niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. “Khamya, wait! Kanina ka pa kita hinihintay.”
“Talaga? Akala ko nandito ka para kay Dr. Nicole.” Must be his new conquest.
“No. Kinausap lang niya ako habang hinihintay kita.”
“And she kept you well entertained.”
“You are jealous!”
Matalim ang mata niya itong nilingon. “I am not!” Padarag niyang ini-insert ang electronic identification card niya sa slot ng laboratory niya at pumasok. “Hindi naman kita boyfriend. Wala kang privilege para pagselosan ko.”
“I thought I saw a glint of jealousy in your eyes.”
Kinalma muna niya ang sarili. Malaya na siya dito. Hindi siya pwedeng magpadala sa anumang emosyon na pwede nitong matinag sa kanya. “What can I do for you, Your Highness?”
He leaned against the counter and stared at her. “I just want to see you again. I haven’t seen you for three days now. I just want to know if you are okay. Nakakakain ka ba nang maayos? Nakakatulog ka ba nang mahimbing?” nag-aalala nitong tanong. Parang nanay ito na may anak na piniling maging independent na.
“Never felt better. Mas nakakain ako nang maayos at nakatulog ako nang mahimbing mula nang lumipat ako dito sa institute. Nakahinga na rin ako nang maluwag.” Thinking that she nearly became his mistress freaked her out. Baka bumangon bigla ang nanay niya sa libingan kung nangyari iyon.
“Naisip ko na baka gusto mong bumalik sa guesthouse para mas maalagaan ka. Hindi rin ako mag-aalala kung nandoon ka.”
“Thanks for the concern. Pero nababantayan naman nila ako dito sa center. Saka hindi na ako bata. Matagal ko nang kayang alagaan ang sarili ko. So you don’t have to worry about me. Wala ka nang responsibilidad sa akin.”
“Hindi mo ba ako nami-miss?”
Ibinulsa niya ang mga kamay sa bulsa ng coat niya. Okay. She lied about sleeping peacefully at night. Naiisip kasi niya ito. At naiinis siya sa sarili niya
“But…” Bumagsak ang balikat nito. “I won’t bother you for now. I know how busy you are.”
“O-Okay.” Nagtaka siya. She was ready to fight him nail and tooth to keep him at bay. Wala sa character nito na basta na lang aalis at maggi-give way. May sakit yata si Beiron. O tanggap na nitong di siya nito mapapaamo.
Malaking palaisipan pa rin sa kanya ang basta na lang nitong pag-alis. Pero dapat nga ay maging masaya siya. Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto niya at parang ibang kuwarto ang napasukan niya. Her simple single bed was replaced with a four-poster bed. Katulad ng nasa guesthouse ng mga Rafiq.
Light yellow ang wallpaper ng mga dingding. Maging ang simpleng closet niya ay pinalitan ng eleganteng walk in closet. May twenty-one inch LCD TV sa isang bahagi ng dingding. At may hologram screen naman ng dagat sa kabila. Parang di rin siya umalis ng guesthouse ng mga Rafiq.
Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya agad nang makitang si Beiron ang caller. “Anong ginawa mo sa kuwarto ko?”
“Do you like it?” he asked in an excited tone. “Nakita ko noong isang araw ang kuwarto mo. It is so plain. Hindi ko matitiis na mag-stay ka sa ganyang klaseng kuwarto. You don’t even have a nice view. So I decided to put that hologram screen. You can have a view of a beach or a garden…”
Bumuntong-hininga siya. “I thought you already gave up on me.”
“I don’t easily give up, Khamya.”
“Until you get what you want, right? I should have known.”
“All I want is a chance. Hayaan mo naman akong manligaw sa iyo.”
She was taken aback. “M-Manliligaw ka? Marunong ka?”
“Ngayon ko pa lang susubukan.”
“Thirty-two ka na, di ba? Tapos ngayon ka pa lang manliligaw!” What a joke!
“I don’t have to court a woman.”
“I get the picture.” Mga babae ang nanliligaw at naghahabol dito. Sa isang tingin lang naman nito ay nakukuha nito ang babaeng gusto. “Pero bakit kailangan mo pa akong ligawan? You can get any woman you want, right?”
“You are not just any woman. Dahil kung katulad ka lang ng ibang babae na nakilala ko, hindi ako mahihirapan nang ganito.”
“Sino ang may sabi sa iyo na pahirapan mo ang sarili mo? I didn’t ask for you attention. At marami namang ibang babaeng nagpapapansin sa iyo.”
“Hindi ko rin alam kung bakit di ako tumitigil ng kasusunod sa iyo. Did you create a potion or something? I simply can’t let you go.”
“Hindi ko rin alam.” Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit kinakausap pa niya ito. Pwede naman niyang sabihin dito na ayaw niya dito. Magsisimula na yata niya itong magustuhan.
“I like you, Khamya. I am dead serious about it. Siguro gusto ko ring patunayan sa iyo na di ako kasing sama ng iniisip mo. Will you give me a chance?”
Hanga din siya dito. Ngayon lang may lalaking malakas ang loob na nagkagusto sa kanya at nagtiis. Kung ibang lalaki lang marahil ito ay baka humanap na ito ng iba na walang pakialam sa reputasyon nito. Iyong di sakit ng ulo tulad niya.
“Pagbibigyan kita pero ayoko nang maulit ito. Stop lavishing me with gifts. Simpleng tao lang naman ako. Pakiramdam ko tuloy binibili mo ako.”
“I am sorry,” anito sa mababang boses.
“Just show me who you really are. Wala akong pakialam sa maibibigay mo sa akin.” Mas importante sa kanya ang pagkatao kaysa sa pera.
“I have a feeling that you will like me more this time,” he said confidently.
“Malaki talaga ang tiwala mo sa sarili mo.” Siguro ay natural na iyon dito. As one of the future leaders of his country, he must have it.
“Gusto mo bang ipabalik ko sa dati ang kuwarto mo.”
“You don’t have to. I like it really. Specially the beach hologram. Thank you.” Pinahahalagahan naman niya ang pinaghirapan nito. And she knew that he meant well. Gusto nitong maging komportable siya.
“Naalala ko na gustong-gusto mo sa beach house. Gusto mo bang pumunta tayo doon kapag may free time ka?”
“Sure!” Nagagawa na niyang ngumiti ngayong kausap ito. At parang excited na siya na magkita silang muli.
Inayos ni Khamya ang suot na sunglasses matapos punasan ang pawis. Nasa Bhakrat siya, ang pinakamalaking flea market sa Al Ishaq. Maihahalintulad iyon sa Baclaran o Divisoria. Mahilig siya sa murang paninda. At marami ring produkto doon na di basta basta makikita sa mall o sa karaniwang bazaar.
Nag-e-enjoy siya dahil parang nasa setting siya ng kwento ng Aladdin o kaya ay Ali Baba and the Forty Thieves. Di niya alintana ang init ng araw o dami ng tao.
Nahirapan siyang mamili ng vase na paglagyan ng santambak na bulaklak na padala sa kanya ni Beiron sa araw-araw. Kahit na sabihan na siyang huwag itong bigyan ng kahit ano ay di naman niya ito mapigil sa pagbibigay kahit pa magalit siya. Mapipilitan pa siyang bumili ng vase ngayon.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Di man niya tingnan ang caller ay alam niyang si Beiron iyon. “Yes?”
“I am sorry for canceling our date. Di ako makaalis dito sa Palace.” Nasa palasyo ito ng hari para sa pagbisita ng prinsipe ng bansang Denmark. Isa si Beiron sa madalas na kalahubilo nito kaya kailangan ito doon.
“It’s okay. Nag-e-enjoy naman ako ngayon.”
“Nasaan ka? Bakit parang maingay diyan?”
“Nasa bazaar.” Di niya pwedeng sabihin dito na nasa Bhakrat siya. Tiyak na maghuhurumentado ito at ipapahanap agad siya sa mga tauhan nito sa buong Bhakrat. Ayaw nitong nagpupunta siya sa matataong lugar nang walang guwardiya. Di rin madalas puntahan ng mga turista ang Bhakrat.
“Once the meeting is over, I will see you,” he promised.
“It is okay. Huwag mo akong intindihin. Kaya ko namang aliwin ang sarili ko.”
Lagi silang nagkikita. Kapag may free time ito ay dumadaan ito sa research center. Dalawang linggo na rin silang pumupunta sa beach house ng pamilya nito kapag day off niya. Nagtataka nga siya kung bakit di pa ito nagsasawa na makita ang mukha niya.
“But I miss you.”
Huminga siya nang malalim. “You miss me? Bakit parang may boses ng babae diyan sa tabi mo? Keeping yourself entertained as well?”
Humalakhak ito. “I am glad to hear that you are jealous. See you tonight!”
Magpoprotesta sana siya na di siya nagseselos subalit pinutol na nito ang tawag. Sa huli ay nagdesisyon siyang balikan na lang ang vase dahil di siya makapamili. Paliko siya sa tindahan ng mga damit nang mabangga siya ng isang batang tumatakbo. Naging mabuway ang tayo niya. Natumba naman ang bata at gumulong ang hawak nitong mansanas.
“In shallah,” hinging paumanhin niya at tinulungang tumayo ang bata. Pinulot niya ang mansanas at nakangiting inabot dito.
“Achal! Achal!” sigaw ng isang matabang lalaki at itinuturo ang bata. Kasunod naman nito ang pulis.
Naalarma siya ng damputin ang bata ng pulis. Habang pinaghahampas naman ang bata ng matabang lalaki. Nahabag siya dahil iyak nang iyak ang bata. Payat na payat ito at gusgusin. Wala itong laban sa pulis at sa mamang mataba.
“Wait! What’s wrong?” tanong niya sa pulis.
Itinuri ng pulis ang bata. “The child is a thief, Madam. He stole an apple from this man’s store.”
Pinulot niya ang maduming mansanas sa lupa. “This apple? Just this one?”
“Yes,” sagot ng pulis na sinang-ayunan naman ng may-ari ng tindahan. “We will put him in jail. He must face his punishment.”
Nakayuko lamang habang humihikbi ang bata. tanggap na nito ang kapalaran nito. O maaring pagod na pagod at gutom na gutom lamang ito para lumaban pa. Di ito likas na masama. Kailangan lamang nitong magnakaw ng pagkain para pantawid-gutom. Maaring wala na itong magulang na magtataguyod dito.
Nakadama siya ng awa sa bata. Lumaki din siya sa hirap. Alam niya ang pakiramdam ng magutom. Maswerte lang siya dahil di na siya umabot sa punto na kailangan niyang magnakaw para lang mabuhay.
“How much is that apple?” tanong niya. “I will pay for it. Just don’t hurt the boy and let him go.” Napasinghap ang may-ari ng tindahan nang abutan niya ng pera. Walang kibo naman nitong tinanggap ang pera.
“But Madam…” akmang tutol ng pulis.
Di niya ito pinansin. Umuklo siya sa harap ng bata at binigyan ito ng pera. “Buy your food and don’t steal anymore.” Nakangiti niyang hinaplos ang buhok nito.
Sana lang kahit paano ay nakuha nito ang mensahe niya. Gaya ng sinabi niya ay di nga ito likas na masama.
Nagulat siya nang posasan siya ng pulis. “What…”
“You have to come with us to the police station, Madam.”