Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 139

Isang malaking palaisipan para kay Khamya kung anong naghihintay sa kanya sa party na dadaluhan. Nang umaga ay may natanggap siyang invitation mula kay Anicia Rafiq, ang mama ni Beiron. Kasama doon ang isang conservative na gown na ibinibiling isuot niya para sa gabing iyon.

Nagdadalawang-isip siyang dumalo. Subalit di naman niya maaring tanggihan ang isang Sheikha. Malaking karangalan nang maimbitahan nito.

Alas siyete ng gabi nang sunduin siya ng isang itim na Mercedes Benz. Lalo lamang iyong nakadagdag sa kaba niya. Sa harap ng isang mala-palasyong tahanan tumigil ang sasakyan. Isang eleganteng babaeng sa tantiya niya ay nasa mid-fifties ang sumalubong sa kanya. Malayo ang features nito sa kababaihan ng Al Ishaq kaya natitiyak niyang ito ang mommy ni Beiron.

“Ainesh!” bati niya paglapit nito.

Ngumiti ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. “Thank you for coming, hija. Nabigla ka siguro sa imbitasyon ko.”

“Yes. But it is an honor to be here.”

“Mas gusto sana ni Beiron kung imbitahan ka sa family dinner namin. But with everyone else’s busy schedule, I can’t afford to wait for that long. I know I must see you.” Hinawakan nito ang kamay niya. “This is a party with all the sheikh’s wives and daughters. Madalang ang mga party dito sa Al Ishaq na magkasama ang mga babae at lalaki. I don’t have a daughter so you will be my daughter for tonight.”

“Hindi po ba nakakahiya?” mahina niyang tanong.

“Of course not.” At ipinakilala siya nito sa mga bisita. May ilang nagtaas ang kilay sa kanya. Parang outsider nga naman siya sa party na iyon. Di naman kasi siya royalty. “Don’t mind them,” bulong ni Anicia at hinila siya sa tahimik na garden. Walang tao doon dahil lahat ng bisita ay nasa loob ng bahay. “This is what I love about parties. Ang tumakas sa kanila. Hindi lahat sa kanila kasundo ko.”

“Don’t they think highly of you? Nakilala po ang Al Ishaq sa mundo dahil sa effort ninyo ni Sheikh Ahmadi.”

“They are still very traditional. At mataas din ang tingin ng mga Al Ishaqui sa sarili nila. And foreigners like us are outsiders and inferior. My family is recognized internationally. Pero karamihan ng mga royalty dito ay indifferent sa amin. Di rin lahat ay open sa pagbabago.”

Liberal itong mag-isip dala na rin sa edukasyon nito sa ibang bansa. Sa tingin niya ay magkakasundo sila. Pareho kasi sila ng dinadanas. Pareho silang outsiders.

“Al Ishaq is Al Ishaq. Ilang daang taon na rin po ang mga tradisyon dito. At para sa tulad kong di sanay sa kultura, nalilito pa rin po ako.”

Tumango-tango ito. “Naikwento sa akin ni Beiron na nakulong ka dahil sa pagtulong mo sa batang magnananakaw. Hindi pa ako napupunta sa Bhakrat. Pero di ko alam na ganoon kalala ang sitwasyon doon. Kailangang magnakaw ng mga bata para lang mabuhay?”

“Even women had to sell their bodies to live. At ang masama po, mga asawa mismo nila ang nagbebenta sa kanila kahit na ayaw nila. Di rin po maganda ang kondisyon nila sa mga kulungan.”

Naluha si Anicia. “That is horrible! I am guilty of a lot of things. Habang masarap ang buhay ko, maraming mga taong naghihirap.”

“Kung may mas maganda po sanang program para sa mga kababaihan dito, hindi nila kailangang maghirap nang ganoon.”

“That is a nice idea. Kaya pala narinig ko na may pinag-uusapan si Beiron ang at ang daddy niya noong isang araw. May inaayos daw na kaso si Beiron tungkol sa isang Filipina na nakakulong sa Bhakrat. Gusto din daw niyang I-suggest sa tribunal na magkaroon ng livelihood program sa mga babaeng dating prostitutes.”

Nagulat siya. “Ginawa po ni Beiron iyon?”

“Nagulat nga rin ako dahil di naman nakikialam sa social issues ang batang iyon. Wala iyong inisip kundi kung paano kikita ng pera at kung sinong babae ang suusnod na ide-date. And he looked serious about it.”

“As the next sheikh, he must think about the welfare of his people I guess.”

“No. Malaki lang ang naging impluwensiya mo sa kanya.”

“Ako po? Nakiusap lang naman po ako sa kanya na tulungan ang kaibigan kong Filipina na nasa kulungan.”

“Bhakrat isn’t our family’s territory. Ibang sheikh ang may hawak doon. Nagbubulag-bulagan ang mga opisyal na may hawak doon. Kaya personal niyang binalikan ang kulungan nang sumunod na araw matapos kang lumabas sa kulungan. Personal niyang inalam ang kondisyon ng mga kababaihan doon. And he told his father that he is planning to propose a new law to the tribunal that he wants to punish those who prostitute their own wives.”

“Papayag naman po kaya ang tribunal?” Mataas ang tingin ng mga Al Ishaqui sa mga kalalakihan. As if they could never do wrong. Sa huli ay babae ang masama.

“It will cause a lot of noise, Khamya. I am sure of it. Pero mukhang desidido si Beiron na ituloy iyon. Kung kinakailangang kumuha siya ng global attention, gagawin niya para lang ipaglaban ang gusto niya.”

“Sana nga po maging successful ang plano niya. Malaking tulong po iyon para sa mga mahihirap na Al Ishaqui.” Susuportahan niya si Beiron.

Nanunukso ang ngiti nito. “Sa palagay ko nagpapa-impress lang iyon sa iyo.”

“Hindi naman po siguro.” Concern lang talaga ito sa mga kababayan nito. Di naman siguro ito pupunta nang personal sa Bhakrat kung di ito nagmamalasakit.

“Balita ko ngayon pa lang niya naranasang manligaw. I know that you heard a lot about my son’s womanizing escapades. Pero sana naman makita ko rin ang good side ng anak ko. Sa tingin ko ngayon pa lang siya na-in love.”

Si Beiron? In love sa kanya? Naalala niya ang sinabi nito na kaya nitong magpakasal para sa pag-ibig. Posible nga bang ma-in love ito sa kanya?

Nakadama siya ng kakaibang tuwa sa puso. Bigla niyang pinigilan ang sarili. Hindi siya dapat na matuwa. Opinyon lang iyon ni Anicia. Maaring nagbago si Beiron dahil sa kanya pero di ibig sabihin ay espesyal na ang nararamdaman nito.

Lumapit ang isa sa mga kawaksi sa kanila. Nakangiting bumaling si Anicia sa kanya. “Dumating na daw si Gihan Fatimah.”

“Gihan? Prinsesa po?”

Nakangiti itong tumango at bumalik na sila sa party. She was speechless when she faced the princess. Napakaganda kasi nito sa suot nitong traditional dress ng Al Ishaq. Kulay berde ang mata nito at malalantik ang pilik mata. Kulot ang mahaba nitong buhok kaya ito mukhang manyika.

“Ainesh, Gihan Fatimah,” bati ni Anicia at humalik sa pisngi nito.

Tumutok sa kanya ang paningin ni Fatimah kaya yumukod din siya. Naramdaman niya titig nito na parang sinisino siya.

“Gihan, she’s Dr. Khamya Licerio, one of the guest researchers at the Al Ishaq Biotech Research Institute. She’s also from the Philippines,” pagpapakilala ni Anicia.

“Ah! The little troublemaker. She’s the one Emir Beiron fetched from jail. Does she know that she nearly ruined the visit of the Prince of Denmark.”

Nagulat siya. Di niya inaasahan na alam nito ang paglalabas sa kanya ni Beiron mula sa kulungan. “I didn’t mean to ruin the occasion, Your Highness.”

Umismid si Fatimah. Nararamdaman niyang mabigat ang dugo nito sa kanya. “I though this is a royal party and only royalties are invited. Do you know that this is a disgrace on my part?” mataray na tanong nito.

“I am just discussing a special project with Dr. Licerio. Maybe you would like to take part on it, Your Highness,” suhestiyon ni Anicia.

“What kind of project?” tanong ni Fatimah.

“We would like to help the street children of Bakhrat and the women who are in jail as well. I think we have to do something to improve their condition,” paliwanag ni Anicia. “This is a perfect opportunity for everyone to help.”

Malungkot na umiling si Fatimah. “Their miserable life is not our problem. There are rich and poor people. Those children who steal are spawn of the devil. And there are women who had no morals at all. There isn’t anything we can do about it. You can’t change the world, Sheikha Anicia,” wika nito at lumapit na sa mga anak ng mga sheikh na kaibigan nito.

Parang may mabigat na bagay na pumatong sa balikat niya pag-alis nito. “How unfeeling? Di ba siya concern sa ibang mga tao? Babae pa mandin siya. At magiging nanay din siya balang-araw.” Kung isa siguro siyang prinsesa, gagamitin niya ang impluwensiya niya para makatulong sa iba.

“Bakit naman nila iisipin ang ibang tao kung maganda na ang buhay nila? And besides, they thought that Al Ishaq is perfect as it is. Kaya di nila pinapansin kapag may problema. Isolated case lang naman kasi ang Bhakrat para sa kanila. Kaya kahit na may ahensiya na pwedeng tumulong sa kanila, parang di rin gumagalaw.”

“Mas gusto ko pa rin sa Pilipinas.” Kahit na mahirap ang buhay nilang mag-ina, di nawawala ang mga taong tumutulong sa kanila.

“Al Ishaq is not the Philippines. Natutuwa ako dahil hindi indifferent si Beiron sa pangangailangan ng iba. Kung pakikinggan siya ng tribunal, I am sure mababago din ang Al Ishaq. Ayokong mamulatan ng susunod na henerasyon ng pamilya ko ang ganito.” Huminga ito nang malalim. “Sana katulad mo ang maging manugang ko. I am sure magkakasundo tayong dalawa.”

Tipid siyang ngumiti. Magkakasundo nga sila pero malabo yata na maging manugang siya nito. Isang malaking tanong pa rin sa kanya kung kaya ngang magmahal ni Beiron. O kung kaya nga nitong magmahal ng tulad niya.

NAKAPIKIT si Khamya habang pinapakinggan ang alon sa dagat. Tumabi sa kanya sa buhanginan si Beiron at inabot ang peach chardonnay sa kanya. “Here.”

“Thanks,” usal niya at pinagmasdan ang mumunting ilaw sa dagat.

“Sigurado ka na dito mo lang gustong mag-dinner? We can still go out.”

Umiling siya. “This is perfect. Gusto ko dito lang sa tabi ng dagat. Bata pa lang ako, gustong-gusto ko nang makakita ng dagat. Mahirap lang kami kaya masaya na ako kapag naipapasyal ako ng nanay ko sa Luneta. Pangarap ko noon kapag yumaman ako, bibili ako ng sarili kong isla. Doon kami titira ni Nanay. Kaso namatay si Nanay nang di ko man lang siya naipapasyal sa beach.”

“Nami-miss mo siguro siya.”

Sumimsim siya ng alak. “Bata pa lang ako, kami na ang laging magkakampi. Kaya nang namatay siya, mag-isa na lang ako.”

He laced his fingers with hers and looked into her eyes. “Mag-isa ka pa rin ba? Nandito naman ako. Hindi naman kita iiwan.”

He was right. Kapag kasama nga niya ito, di na siya nalulungkot. “Alam mo ba na kapag kasama kita, saka lang ako nakakapag-relax? Akala ko kasi self centered chauvinist ka tulad ng pagkakakilala ko sa iyo.”

“What changed your mind?”

“Noong nakakulong ako sa Bhakrat, di ka nagdalawang-isip na tulungan ako. Hindi ka natakot na baka makasama sa pangalan mo ang pagtulong sa akin. Sinabi rin ni Arabella na tinutulungan mo silang makalaya ng mga kasama niya. Na tutulungan mo rin siyang makauwi sa Pilipinas. At bibigyan mo rin ng pagkakakitaan ang mga babaeng dating prostitutes. Kung katulad ka lang ng ibang lalaki dito, ano nga ba naman ang pakialam mo sa kanila? Basura na ang tingin ng iba sa kanila.”

“Ngayon ko lang na-realize na isa rin ako sa nagbubulag-bulagan sa problema dati. Kung di mo pa ako hiningan ng tulong, di ko malalaman ang totoong sitwasyon. Na walang kumikilos para solusyunan ang problema. Binigyan mo ako ng pagkakataon para magbago kahit na mabigat ang loob mo. Dapat lang na bigyan din sila ng pagkakataon na magbago, hindi ba?”

“Thank you. Makakatulog na ako nang mahimbing dahil mas mabuti na rin ang kondisyon nila. At sana di na rin sila madagdagan. Sana lang matutong rumespeto ang mga lalaki sa mga asawa nila para di na matulad sa kanila.”

“Bakit ikaw ang nagpapasalamat? Ako ang dapat magpasalamat. I never cared about those issues before. masaya na akong magbigay sa charity. Akala ko sapat na iyon. Sa tingin ko kasi noon di ko kayang ayusin ang lahat ng problema. Masaya na ako kung ano lang ang kaya kong itulong. Pero iba pala kapag kaharap mo na ang mismong problema at parang ikaw lang ang makakatulong sa kanila.”

“Wow! I am sure maraming babae ang lalong mai-in love sa iyo ngayon. You are a real knight in shining armor.”

Naging seryoso ang ekspresyon nito. “Hindi ako magbabago kundi dahil sa iyo. And I even swore before that no woman could change my ways.”

“Bakit naman nabago ang isip mo dahil sa akin? Hindi ba dapat nga mairita ka dahil lagi na lang kitang kinokontra. Sabi ko pa nga ayaw ko sa iyo.”

Lumapad ang ngiti nito. “Most of the girls I know say that I am more than perfect. That I am a God’s gift to women. Pagkapanganak ko pa lang, iyon na ata ang sinasabi ng lahat. Pero wala iyong epekto sa iyo. Ipinakita mo sa akin na marami pa akong dapat na patunayan. And I am dying to have your approval.”

“Nagpaapekto ka naman sa opinion ko?”

“I don’t know. May mga feminist naman na galit na galit sa akin pero di ko pinapansin ang mga sinasabi nila. Pero nang ikaw ang magsalita, parang tumagos sa dibdib ko. Noong una, gusto ko lang patunayan na pwedeng ma-in love sa akin ang kahit na sinong babae. Kahit pa kasing suplada mo.”

“Ego lang naman talaga ang dahilan kaya nanliligaw ka, di ba?” Palibhasa ay balewala sa kanya ang mga bagay na kinahuhumalingan dito ng ibang babae.

“Hindi na. Bawat araw na kasama kita, sumasaya ako. At nang makulong ka, parang gusto kong magwala. Ayokong nasasaktan ka o napapahamak.” Mahina itong tumawa. “Nabaligtad yata ang sitwasyon. Sa halip na mapaamo kita, ako pa ngayon ang parang baliw na sunud nang sunod sa iyo. And I won’t let anybody hurt you.”

“Di mo ba naisip na di akomasasaktan kung lalayuan mo ako?”

Niyakap siya nito. “Huwag mong hihingin sa akin iyan. I want to stay with the woman who made me a better man. Stay with me, Khamya.”

His lips fastened with hers. His mouth gave her the most intense pleasure and emotion she had ever known that it made her head spin and her heart race.

She thought that kissing was a dirty act and not an act of love. Na baka lalaki lang ang nag-e-enjoy at magiging sunud-sunuran lang ang mga babae. But she didn’t feel that with Beiron. There was gentleness and respect in his kisses. At may pag-alalay sa bawat haplos nito. Dahan-dahan siyang natutunaw.

He made her feel beautiful and loved. He made her feel like she was the most important woman in the world.

Sabi niya ay di siya magpapadala sa simpleng halik lang. Pero heto siya ngayon, parang dahon na tinatangay ng malakas na agos.

Hinaplos nito ang pisngi niya. “I can feel it. May nararamdaman ka rin para sa akin, hindi ba?”

Hindi niya magawang tumutol. Amnado siyang di na niya kaya pang kontrolin ang nararamdaman kapag kasama ito. He dominated her heart already. “But I won’t stay here for long. Sa isang buwan na ako babalik sa Pilipinas.”

“And so? Hindi ba kita pwedeng sundan sa Pilipinas? Mas gusto ko nga kung nandoon tayo. Mas malaya tayong makakagalaw.”

“Are you sure about your feelings for me?”

Kumunot ang noo nito. “Wala ka bang tiwala sa nararamdaman ko o gumagawa ka lang ng dahilan para hindi ako sagutin?”

Di siya nakasagot agad. “I just need more time to analyze how I really feel. Kung sasagutin kita, di lang dahil espesyal ang nararamdaman ko para sa iyo. Di naman kasi ako sigurado kung handa na akong makipag-relasyon. Ni wala nga akong balak na magka-boyfriend o magkaasawa. So this is new to me.”

Hindi niya alam kung paano iha-handle nang maayos ang isang relasyon. Kung ano ang dapat gawin kapag nagseselos o kung paano iha-handle nang maayos ang trabaho at ang oras niya para dito. Napaka-komplikado. Di naman kasi niya pinag-aralan sa university ang usapin ng pag-ibig.

Tumayo ito. “May party tayo na pupuntahan tatlong linggo mula ngayon. Bago ang party o sa mismong araw ng party, kailangan ko ang sagot mo.”

“Three weeks?”

“I need an answer, Khamya. It is important to me.”

Sapat na panahon na marahil iyon para mag-isip siya. Kailangan lang niya ng sapat na panahon para mag-isip subalit alam na niya ang sagot sa tanong nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.