Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 16

CHAPTER 6

Alumpihit si Jemaikha sa kinauupuan. Di niya alam kung sasagutin niya ang tawag o hindi. Huminga siya ng malalim at pinisil ang cellphone. Moment of truth. At least malalaman ko kung babalik pa ako sa buhay niya o hindi na.

Uminom muna siya ng tubig bago iyon sinagot. "Hello."

"Moshi moshi, sensei. Nasaan ka? Pupuntahan kita. Let's talk."

Biglang kinabahan ang dalaga. Ngayon na ba sila maghaharap? Di ba pwedeng sa phone na lang? Luminga siya sa paligid. "Ano... nasa FX na ako pauwi. Bukas na lang tayo mag-usap ha?"

"Usso! Ayaw mo akong kausapin."

Nagulat siya dahil tinawag siya nitong sinungaling. Paano nito nalaman na nagsisinungaling siya? Paano nito natiyak na ayaw nitong kausapin.

"Bukas na nga lang tayo mag-usap,” giit niya. ”Mata ashita.” Nag-call na siya para di na nito makulit pa at saka sumubo ng ice cream. Siguro naman ay di na ito mangungulit.

"Bakit bukas pa? I'm here,” tanong ng boses ng binata na nanggagaling sa likuran niya. At nagulat siya nang umupo ito sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ni Jemaikha habang naiwan sa bibig niya ang kutsaritang plastic. Huli na siya nito. Di na siya makakaiwas. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sabi ni Manong Guard dito ka pumunta. Bakit ka nagsinungaling na nasa FX ka na?"

"N-Nag-ice cream lang. Paalis na ako. Bumalik ka na sa taas. Baka magalit pa ang girlfriend mo sa iyo,” pagtataboy niya dito.

"Bukas na nga lang tayo mag-usap,” giit niya. ”Mata ashita.” Nag-call na siya para di na nito makulit pa at saka sumubo ng ice cream. Siguro naman ay di na ito mangungulit.

"Bakit bukas pa? I'm here,” tanong ng boses ng binata na nanggagaling sa likuran niya. At nagulat siya nang umupo ito sa tabi niya.

Nanlaki ang mata ni Jemaikha habang naiwan sa bibig niya ang kutsaritang plastic. Huli na siya nito. Di na siya makakaiwas. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sabi ni Manong Guard dito ka pumunta. Bakit ka nagsinungaling na nasa FX ka na?"

"N-Nag-ice cream lang. Paalis na ako. Bumalik ka na sa taas. Baka magalit pa ang girlfriend mo sa iyo,” pagtataboy niya dito.

"She’s not your girlfriend. Paano siya nagkasusi sa condo mo?"

"She is the landlord's daughter, my mother's old friend owns the condo. She abused her position. She crossed the line. Sabi ko aalis ako sa condo kapag pumasok ulit siya ng unit nang walang valid reason” sabi ng binata na nanatiling seryoso ang anyo. Akala pa mandin niya ay malalim ang relasyon ng mga ito. Kung ganoon ay totoo ang sinabi ng binata na wala itong girlfriend.

"Mahal ka niya. Ayaw mo ba sa kanya?” tanong niya. Baka mamaya ay pinaasa lang ito ni Hiro o nag-assume ito. Parang siya lang. Assumingera pagdating sa binata.

Nalukot ang mukha ni Hiro. "I don't like her. We can be friends. Nothing more. And even if I like her, wala siyang karapatan na itaboy ka. She must respect the people around me, especially you. You are my sensei. I can't like a disrespectful person." Ginagap nito ang kamay niya. "Ikanaide. Please don't leave.”

Sensei na lang. Teacher. Di na hime. Pero ayos lang sa kanya kahit na hindi siya ang prinsesa nito. Ang mahalaga ay ayaw ni Hiro na umalis siya. Wala nang Shobe sa buhay nito. Wala rin itong girlfriend.

"Oo na. Di ako aalis hangga't di mo sinasabi,” sabi ni Jemaikha at parang umaapaw ang kaligayahan sa puso. Ibig sabihin ay magkakasama pa rin sila ni Hiro nang mas matagal. Gusto niyang magtitilli sa kilig. Okay lang sa kanya kung magiging sensei nito habambuhay. Kahit di na siya ang prinsesa nito basta kasama lang niya ito.

“Gusto mo pa ng sorbetes?” alok ng binata. “Ubos na ‘yan.” At ngumuso sa cup niya.

“Sorbetes talaga,” aniya at humalakhak.

“Mali ba ang sorbetes? Nakita ko sa dictionary…”

“Tama ang sorbetes. At gusto ko pa ng sorbetes ‘yung tsokolate,” sabi niya at tumango.

Ngiting tagumpay siya habang tine-text ang mga kaibigan na okay na ulit sila ni Hiro. Tumatawag ang mga ito pero di muna niya pinansin. Mamaya na niya kakausapin ang mga ito.

Pinagmasdan niya si Hiro habang namimili ng ice cream. Gusto niyang titigan si Hiro. Sa bilis nitong matuto, baka makalipas ang ilang linggo ay di na rin nito kunin ang serbisyo niya. Mas alam pa nga nito ang sorbetes kaysa sa kanya. Di talaga nito sinasayang ang panahon para matuto.

Mananatili siya sa tabi nito hangga’t kailangnan siya nito.

“JEMAIKHA, gumising ka diyan. May bisita ka sa baba. Kaklase mo daw.”

Nagtalukbong ang dalaga at di pinansin ang panggigising sa kanya ng tiyahin. “Mamaya na po. Alas diyes pa po ang klase ko,” angal niya.

Unang araw ng klase niya kaya naman napuyat siya sa pagre-review nila ni Hiro nang nagdaang araw. Gusto niyang matiyak na handa na ito sa pakikisalamuha sa pagpasok nito sa university. Hindi sila sabay ng pasok nito dati wala itong klase kapag Lunes. Saka paano naman siya magkakaroon ng kaklase na mambubulahaw sa kanya sa unang araw ng klase. Maliban na lang kung mangungutang siguro sa kanya. Pero sino naman ang parang ewan natatakbuhan siya para utangan? Wala nga silang pera.

“Nakakahiya naman sa kaklase mong si Hiro kung paghihintayin mo siya.”

“Hiro po?” usal niya sa nag-aaligaang na isipan.

“Oo. ‘Yung kaklase mo na mukhang may lahing Hapon at matangkad. Mukhang F4. Kausap nga siya ng tatay mo. Bakit hindi mo ba kaklase iyon?” tanong nito.

“K-Kaklase po,” nausal na lang niya habang nakatigagal sa dingding.

“Sasabihin ko bababa ka na. Mag-ayos-ayos ka naman. Mukhang mayaman at mabango ang kaklase mo. Mukhang imported,” kinikilig pang sabi ng tiyahin niya.

Kinusot niya ang mata. “Nasa labas daw si Hiro? Nananaginip ba ako? Itutulog ko ba ulit ito?” tanong niya sa sarili. Di naman siguro pupunta si Hiro sa kanya at makikipag-usap pa sa tatay niya. Di naman nito alam ang bahay niya.

Pero kailan ba mangyayari na dadalawin siya mismo ni Hiro sa bahay niya kundi sa panaginip lang? At kung panaginip ito, lulubus-lubusin na niya.

Marahan siyang pinto ng kuwarto niya kung saan tanaw ang sala. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Hiro na kausap ng tatay niya. Totoo nga. Nasa bahay niya si Hiro. Nakagat niya ang kuko sa sobrang excitement. Ang ganda naman nitong panaginip ko.

Gandang-ganda siya sa view nang biglang may humarang sa kanya. “Hoy, ate! Lalabas ka nang ganyan ang itsura mo? Nakakahiya naman sa manliligaw mo.”

Hinatak niya ang braso ng kapatid na si Robin. “Talaga bang manliligaw ko siya?”

“Aba’y ewan ko sa iyo. Sa palagay mo ba papatulan ka ng ganyan kaguwapo?”

“Aba’t…!” Ganoon? Kahit sa panaginip wala pa rin siyang ganda? Di siya pwedeng ligawan ng kasing guwapo ni Hiro Hinata?

Babatukan sana siya nito nang tawagin siya ni Mang Elpidio. “Jemaikha, gising ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ng kaklase mo.”

Lumingon si Hiro at bahagyang kumaway sa kanya. "Ohayou, sensei!"

"Magandang umaga," bati niya dito. Pati sa panaginip sensei pa rin ang tawag sa akin? Di ba pwedeng “hime”? gusto naman niya na matawag nitong prinsesa.

"Humarap ka sa bisita nang di ka man lang nagsusuklay? Nakakahiya kang bata ka." At kinurot siya ng tiyahin sa braso. “Halika na nga at maligo ka na. Dalaga ka na kaya dapat maayos kang humaharap sa mga tao.” At saka siya kinaladkad papunta sa banyo.

"Aray! Masakit po,” angal niya. Bakit ganoon ang panaginip? Nanakit. Kasing sakit ng realidad.

"Masakit talaga kung di ka muna mag-aayos. Maligo ka muna para makapasok ka na." Kinaladkad siya nito papunta sa banyo at inabot ang tuwalya sa kanya. “Ayus-ayusin mo ang sarili mo.”

Hihilo-hilo pa siya nang magbuhos ng tubig at nanginig sa lamig. Kumirot din ang kinurot ng tiyahin niya. Nagising siya sa katotohanan na hindi siya nananaginip. Nasa labas talaga si Hiro at nakita siya nito na mukhang bruha. Napilitan siyang maligo kahit na malamig ang tubig.

Ibig sabihin ay di panaginip ang lahat. "Gahd! Nandito si Hiro sa bahay namin at kausap si Tatay. Nakakahiya. Hindi ako prepared. Nakita na niya ako nang di nagsusuklay, nagmumumog at naghihilamos." Idiniin niya ang noo sa pader. “Bakit ganoon? Bakit di ako na-inform na dadating siya? Ano ba kasing ginagawa niya dito? Kung alam ko lang na totoo ito, di naman ako haharap sa kanya na mukhang ewan.”

Dali-dali rin siyang naligo dahil baka mainip na si Hiro at umlis na lang. Baka may emergency at walang ibang aalalay dito. Nang lumabas siya sa banyo ay wala na sa kuwarto ang tatay niya at si Hiro. Narinig niya ang boses ng mga ito sa maliit na hardin sa labas ng bahay. Sinamantala niya ang pagkakataon na magbijis at maligo. Nang lumabas sa kuwarto ay nasa hapag na ang mga ito at siya na lang ang hinihintay mag-agahan. Pinatuyo niya ang buhok at itinirintas iyon. Naglagay din siya ng baby powder sa mukha. Isinuot din niya ang dress na regalo ng kaibigan pero di pa niya naisuot. Bahala na kung mainip ang mga tao. Pero kailangan niyang bumawi kay Hiro nang mukha siyang sabukot kanina.

"Ang tagal mo naman, anak. Marami na kaming napagkwentuhan ni Hiro,”’ sabi ng tatay niya nang samahan ang mga ito sa hapag-kainan.

"Nagdadalaga na kasi. Kita mo naman nag-dress bigla,” nakangiting sabi ng tiyahin niya.

"Tita..." angal niya. Parang pinalalabas nito na nagpapaganda siya para kay Hiro.

“Kumain na tayo,” usal ng ama niya at inutusan si Robin na pamunuan ang panalangin.

Masaya naman si Hiro habang kausap ang pamilya niya. He was animated. Samantalang madalas ay reserved ito at matipid magsalita kapag silang dalawa lang. She liked this side of him. At masaya din siya na makitang masigla ang tatay niya. Ngayon lang ulit may dumalaw dito mula nang magkasakit ito at manatili sa bahay.

“Dumalaw ka ulit dito,” anang ama niya nang magpaalam na sila. “Masaya ako na makilala ang mga kaibigan ng anak ko.”

”Sige po. Aalis na po kami. Salamat po sa agahan at kwentuhan,” tuwid na sabi ng binata na wala na ang matigas na accent nito.

“Paano mo nahanap ang bahay natin?” tanong niya sa lalaki nang naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep.

“Sa kontrata natin.”

"Anong ginagawa mo dito sa amin? May emergency ba?” tanong niya. “Basta-basta ka na lang sumulpot sa bahay namin. Ang sarap pa ng tulog ko.”

“Wala. Gusto lang kitang ihatid,” kaswal na sagot nito.

“Ano?” Ihahatid daw siya nito. Tama ba ang dinig niya? E di parang nanliligaw na pala ito.

“I want to practice my language by talking to people,” biglang bawi nito. “Did I pass? Naintindihan naman ako ng pamilya mo, tama?”

Assuming kasi. Pahiya level 999999 ang ganda ko. HIndi naman pala siya nito ihahatid dahil may romantic interest ito sa kanya. Gusto lang mag-practice ng bagong salitang natutunan nito. Baka nga ‘yung hatid-hatid nito, namali lang ito ng term.

“Dumayo ka pa sa bahay namin para lang mag-practice?” tanong niya. “Ibang klase.”

“Ihahatid nga kita,” giit ng lalaki. “I want to make sure that you are safe on your first day in school.”

“Practice din ba iyan?” nakataas ang kilay niyang tanong.

“Yes. Practice,” sabi lang nito at pinara ang jeep.

Inalalayan siya nito sa siko pagsakay ng jeep at di maiwasang kiligin kahit na alam niyang practice lang din ng lalaki ang pag-alalay sa kanya. Nothing romantic. Gentleman lang ito. Pwede din naman akong mag-practice ng kilig. Para kapag totoo na, sanay na ako. Parang lengguwahe lang iyan. Ang lagay siya lang ang pwedeng mag-practice?

“Your father is sick? Kaya ka nagtatrabaho habang nag-aaral?” tanong ng binata sa kanya.

Tumango si Jemaikha. “Oo. Wala namang ibang tutulong sa akin kundi ako rin. May scholarship ako pero alam ko na kailangan ko ring tumulong sa bahay. Naiintindihan mo ako?” tanong niya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. “Wakarimashita?” tanong niya kung naiintindihan siya nito.

“Siyempre naiintindihan ko. Magaling kang teacher, sensei.”

“Ibig sabihin hindi mo na ako kailangan para tulungan ka?” tanong niya. Mauunawaan naman niya kung kumpiyansa na ito na kaya na nitong mag-isa at di na niya kailangan pang I-tutor. Mabilis itong maka-adapt at nagse-self study pa. Mawawalan na siya ng raket. At magkakanya-kanya na silang buhay. Parang ang bilis. Ayaw pa niyang pakawalan ito.

Pero wala akong magagawa kung di na niya ako kailangan. Unang araw pa lang ng klase ay m asamang balita na ang sasalubong sa kanya. Kaya siguro dumayo pa ang lalaki sa bahay niya para ipakitang kaya na nito nang wala siya at magpapaalam na siya. Sayonara na ba ito?

Nanlaki ang mga mata ni Hiro. “H-Hindi. Nais ko pang matuto. Kailangan ko ang tulong mo, sensei,” sabi nito at ginagap ang kamay niya.

“Uyyyy!” tuksuhan ng mga pasahero. “Sagutin mo na kasi.”

“Aga-aga naman ninyong magligawan. Mga batang ito talaga,” reklamo ng isang matandang babae.

Dali-dali niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Hiro. Parang walang malisya lang dito na hawakan ang kamay niya sa harap ng maraming tao. Paano naman sa kanya na may malisya? Lihim siyang ngumiti. Magkaka-moment pa sila ni Hiro.

Iyon na marahil ang pinakamasaya niyang first day sa eskwelahan. Noong bata siya ay excited lang siya dahil may baon siya. Ngayon ay excited siya dahil kasama niya si Hiro. Parang pagkaganda-ganda ng karaniwang traffic na daan papunta sa UP at parang umuulan ng talulot ng bulaklak habang naglalakad sila sa campus.

Ihinatid siya ni Hiro hanggang sa pinto ng kuwarto niya. “Enjoy your first day.”

“Saan ka pupunta?” tanong niya dito.

“Sa library. Hihintayin kong matapos ang klase mo.”

“Mamayang hapon pa ako uuwi,” sabi niya.

“Sabay tayong mag-lunch tapos ihahatid kita pauwi pagkatapos ng lesson natin.”

Kumunot ang noo niya. “Ano ito? Practice na naman?”

“Ano sa palagay mo?” makahulugang tanong ng lalaki. Makahulugan itong ngumiti sa kanya bago lumayo. Palagay niya? Hindi siya mapalagay. Ano bang ginagawa mo sa akin, Suichiro Hinata?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.