“Doc Tamara! Doc Tamara!” tawag ng mga Stallion Boys sa kanya habang hinahabol siya ng mga ito. Sakay ang mga ito ng kabayo habang siya naman ay tumatakbo lang.
“Ayoko na! Tigilan na ninyo ako!” sigaw niya habang pilit na lumalayo sa mga ito subalit nakasunod ang mga ito sa likuran niya. “Ayoko na sa Stallion Riding Club. Ayoko nang makasama kayo!”
Patuloy siya sa pagtakbo sa daan palabas ng riding club hanggang makita na niya ang gate. Malapit na siya sa kanyang kalayaan. Malapit na.
Ilang hakbang na lang mula sa gate ay humarang si Reid sakay ng itim na kabayo. “Saan ka pupunta? Akala mo ba makakatakas ka sa akin?”
“Pabayaan mo na ako, Reid. Hirap na hirap ako dito.”
Ngumisi ito habang malamig naman ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. “Hindi ka na makakatakas dito, Tamara. Habambuhay ka na sa Stallion Riding Club bilang alipin ko. Bilang alipin namin.”
Halos mabingi siya sa halakhak nito at sa halakhak pa ng mga Stallion boys. “Ayoko na! Pabayaan na ninyo ako.”
Humihingal siyang bumalikwas ng bangon. Naroon siya sa kuwarto niya sa worker’s lodge. Nasa Stallion Riding Club pa rin siya subalit wala na si Reid o ang mga Stallion Boys sa paligid niya. But she was not safe. Hangga’t di niya naipapa-annul ang kasal nila ni Reid ay mananatili siyang alipin doon.
Humiga siya at ipinatong ang noo sa ulo. “Panaginip lang pala ang lahat.” Subalit parang totoo. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang pagod.
Nang nakaraang araw ay aligaga siya. Maya’t maya kasi ay may problema sa mga kabayo ng members ng club. Mula sa kabayong may sugat, may pilay pati sa mga hirap painumin ng gamot, sinisipon at mahirap pakainin ay problema na rin niya. Sinasadya lang ng mga ito ang lahat ng task ng iyon. Gusto ng mga ito na sumuko siya o kaya ay pahirapan lang na sadya. Kaya naman alas dose na siya ng hatinggabi nakabalik sa worker’s lodge.
Bahagya na siyang naiidlip nang mag-ring ang cellphone niya. Umungol siya at kinapa iyon. “Hello.” Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng alas kuwatro ng madaling araw?
“Tamara, nandito ako sa labas. Pumunta ka dito,” animo’y haring utos ni Reid. “Huwag mo akong paghintayin. Ayokong mainip.”
“Opo,” padarag niyang sagot. Halos hilahin niya ang sarili papunta sa pinto. Ano ba ang kailangan nito ng ganoon kaaga? Masakit na masakit pa ang katawan niya at antok na antok. Wala ba itong patawad? “’Morning!”
“Bakit ngayon ka lang nagising?”
Pilit niyang idinilat ang antok na antok na mga mata. “Natural. Mamaya pa ang pasok ko.” Alas singko pa naka-set ang alarm clock niya. “May emergency ba?” Baka may kabayo naman na masakit ang ngipin sa ngayon.
“Get dressed. Magho-horseback riding tayo.”
Kinusot niya ang mata. “Pwede bang mamaya na lang? O kaya bukas.” Gusto niyang makabawi ng lakas. Kung pipilitin siya nitong sumakay sa kabayo, malamang ay matulog lang siya sa ibabaw ng kabayo.
Dumilim ang mukha nito. “First day mo pa lang, tinatamad ka na. Dapat nga magpasalamat ka dahil makakasama mo akong mag-horseback riding.”
Utang na loob pa pala niya iyon. Di naman niya hiningi dito na mag-horseback riding sila. Mas matutuwa pa siya kung patatahimikin nito ang buhay niya.
“Pumasok na po kayo, Your Highness,” aniya at nilakihan ang pinto. “Gusto mo ba ng coffee?”
“Just get dressed. Ipinalagay ko na sa closet mo ang riding habit uniform mo dito sa riding club pati boots kaya wala ka nang excuse na di sumama.”
“Just a moment, Your Highness.”
Nahihilo man ay halos hilahin na niya ang sarili niya makabalik lang sa kuwarto. Bakit ba siya nakapag-asawa ng lalaking walang puso at konsiderasyon?
Pagpasok ng kuwarto ay tumutok ang mga mata niya sa kama. Parang nang-aakit sa kanya para muli siyang natulog. “Gusto kong umidlip kahit sandali.”
Pikit-mata niyang niyang kinalimutan na naghihintay si Reid sa labas at ibinagsak ang sarili sa kama. It felt so good. Humihingi ng pahinga ang kanyang katawang lupa. Pagod na pagod siya. And the soft bed game her some comfort. Kahit na ilang sandali lang ay makabawi sana siya ng lakas.
“Tamara, wake up,” narinig niyang tawag sa kanya ni Reid.
“Go away,” paungol niyang sagot. Kung kailan nakakabawi na siya ng tulog ay saka pa sisingit na naman si Reid. Pati ba sa panaginip ay di siya nito lulubayan?
“What did you say?” pagalit nang tanong nito at may tumapik sa pisngi niya. “Wake up! Wala kang karapatan na paghintayin lang ako at tulugan.”
Nagising siya sa tapik na iyon sa pisngi. “Bakit ba? Istorbo! Bakit di mo na lang kasi ako hayaang matulog?”
“Tulog ka ng tulog. Ganyan ka ba kapag nagtrabaho ka dito. As a resident veterinarian, you should get used to early morning rides.”
Idinilat ang isang mata. Napigil niya ang paghinga nang matuklasang malapit ang mukha ni Reid sa kanya. Naroon nga ito sa loob ng kuwarto niya. Di siya nananaginip. “A-Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko? Lumabas ka nga! Di dahil ikaw ang may-ari nitong riding club, pwede ka nang pumasok kahit saan mo gusto.”
“Lalabas lang ako kapag kasama na kita! Saka asawa naman kita. Pwede akong pumasok sa kuwarto mo. Kung gusto mo pumasok ka rin sa kuwarto ko.”
The nerve of the man. Gusto pa niya itong ipagtabuyan subalit di na niya magawa dahil nakatutok sa kanya ang mga mata nito. Nakakapanlambot. Bakit di niya ito magawang ipagtabuyan ngayon? He was invading her privacy early in the morning. He was inside her room without her permission.
Ah! He was too good-looking! Kung totoo siguro silang mag-asawa, masarap ang pakiramdam na magising sa umaga at mukha agad nito ang masilayan. Basta ba sasalubungin siya nito ng halik at yakap at hindi ng simangot.
Nakangiti niyang hinaplos ang mukha nito. “Pagbigyan mo na akong matulog, please?” malambing niyang pakiusap. “Guwapo ka naman, eh!”
Sa halip na matuwa ay lumalim lang ang guhit sa noo nito. “Huwag mo na akong paikutin. Get up and get dressed. O ako mismo ang magbibihis sa iyo kapag hindi ka pa bumangon.”
Lalong lumapad ang ngiti niya at pumikit. “Go ahead! Pabor sa akin iyon.”
Wala na siyang lakas para gumalaw. Kung gusto nitong bihisan siya, wala na rin naman siyang magagawa.
“Wake up or I will wake you up with my kisses.”
“That sounds really appealing.” Awtomatiko siyang yumakap sa leeg nito at tinitigan nito. “I am daring you, Reid Alleje. Kiss me.”
Nabaghan ito sa paghamon niya. He was taken aback for the first time in his life. Parang di nito alam ang gagawin. “I am not joking. Hahalikan kita kapag di ka pa bumangon diyan.”
“Ah! Masyado ka namang maraming sinasabi, Reid Alleje.”
Sa isang iglap ay mas malapit na ang mukha nito sa kanya. She could feel their lips almost touch. She could even smell his fresh breath. Subalit natigilan ito nang bumukas ang pinto at sabay silang lumingon. Muntik na siyang mapasigaw dahil nakakita siya ng multo na may asul na mukha.
“Tamara, anong…” anang si Celeste na gulo-gulo pa ang buhok at may asul na facial mask sa mukha. “Ay! Sir Reid! Sorry po sa abala!”
Nagulat din ito marahil dahil nakita nitong naroon si Reid sa kuwarto niya. Kung gaano ito kabilis na dumating ay parang ipo-ipo din itong umalis at isinara ang pinto. Natigagal na lang sila ni Reid. Pareho pa silang nagulat nang makita nila ni Reid ang sarili nila. Their bodies were so close; he was covering the upper half part of it. Malapit din ang mukha nila sa isa’t isa. Of course they were about to kiss.
Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Nagulat siya nang makitang bukas ang robe niya. “Ay!” bulalas niya at mabilis na pinagpatong ang lapel ng robe niya.
Si Reid naman ay biglang bumangon habang iwas ang tingin sa kanya. “Sige. Matulog ka na. Sa ibang araw na lang tayo mag-horseback riding.”
Kinumutan niya ang sarili hanggang leeg. “T-Thank you, Sir.”
She was disconcerted. Ni hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. They almost kissed. And maybe in Celeste’s eyes, they were making love. Kung di niya hinamon si Reid, di naman iyon mangyayari. Ano na lang ang iniisip ng bago niyang kaibigan sa kanya? Sa kanila?
Hawak ng isang kamay nito ang pinto bago buksan. “Next time…”
Sinulyapan niya ito. Likod lang nito ang nakikita niya. “Anong next time?”
“Next time di na kita hahayaang matulog kapag niyaya kita. Kaya magbihis ka agad. Or I will thrust you out in the chilling morning air and I won’t care a bit. Matuto kang sumunod kapag inuutusan kita. I will see you later, Doctor Trinidad,” he said in a formal tone and closed the door.
Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya nang makaalis si Reid. Ilang araw pa lang siya sa Stallion Riding Club ay tuluyan nang nabago ang buhay niya. Maging ang asawa niya na madalang niyang makita ay sinisimulan nang guluhin ang isipan at puso niya.
Magiging matino pa ba siya kapag lumabas ng Stallion Riding Club? O makakalabas pa ba siya? Sa nangyayari sa kanila ni Reid, mukhang nilalampasan na nila ang guhit na itinakda nila sa isa’t isa. And it was dangerous. So dangerous.
PARANG may pumipitik sa sentido ni Tamara habang kumakain ng lunch. Wala siya halos tulog at nakakapagod din ang trabaho niya sa stable. Hinintay pa niyang matapos ang polo match kanina para I-check ang mga polo horses na ginamit sa laro. Kaya naman ala una na siya ng tanghali nakapag-break.
Habang nagtatanghalian ay nagre-review pa siya tungkol sa mga kabayo. Bagamat naipe-perform niya ang mga basic na proseso, kailangan pa niya ng mas malalim na pag-aaral sa mga ito lalo na’t round the clock ay puro mga kabayo na ang iha-handle niya. Di niya alam kung ano pang problema ang maari niyang kaharapin sa anumang sandali.
“Mayroon akong nakita, hindi ko sasabihin,” nanunuksong sabi ni Celeste nang samahan siya sa mesa.
Lalo nang pumitik ang sugat sentido niya na lalong nagpasakit sa ulo niya. Ito ang problema na di niya alam kung paano sosolusyunan. Ito rin ang problema na di maso-solve ng kahit anong medical books o kahit anong ahensiya ng sensiya.
“Gusto mong kumain?” yaya niya. Patay-malisya na lang siya sa pagpaparinig nito.
Nanatili ang nanunuksong ngiti sa labi nito. “Ano ba ang nakita ko kanina?”
Mariing nagdikit ang labi niya. “Ewan ko. Tulog ako kanina.”
Tinapik nito ang kamay niya. “Is he a good kisser?”
Namula siya at iniwas ang tingin dito. “Sino?”
“Si Sir Reid! Kunyari ka pang di mo alam,” bulong nito.
“I don’t know. Di naman niya ako hinalikan.”
“Then what? Ano ang ginawa ninyo? Dali!” anito sa mas excited na tono.
Nilingon niya ito. “Celeste, walang nangyari. Niyaya lang niya ako na mag-horseback riding.”
“At niyaya ka niya hanggang sa loob ng kuwarto mo?”
Mariin siyang pumikit. “Wala naman talagang nangyari.”
“Pero kung di ako dumating, muntik nang may mangyari?”
Tinakpan niya ng palad ang mga mata. “Oh, give me a break!”
“Sige. Hindi kita kukulitin ngayon. Pero mamaya pag-uwi natin, kailangang magkwento ka, ha?”
Padarag niyang isinara ang horse magazine na binabasa. “You really won’t stop, do you?”
“Your secret is safe with me. Ayoko namang balatan nang buhay ni Reid Alleje oras na ikalat ko ang nakita ko kanina. Atin-atin lang iyon. Don’t worry, sa susunod na mangyari iyon at makita ko, hindi na ako magtatanong.” Ipinaypay nito ang palad sa mukha. “Oh, boy! I never thought that Reid Alleje could be so hot. Something tells me that he is like a dormant volcano. Ready to erupt anytime.”
“Hindi na iyon mauulit,” bulong niya sa sarili habang naglalakad sa vicinity ng Lakeside Mansions. Yes, Reid Alleje was like a volcano. At oras na sumabog ito, siya ang unang-unang casualty oras na di niya maagapan.
Sa kalalakad niya ay natagpuan niya ang sarili sa boundary ng Stallion Riding Club. Private property na ang susunod na compound. Babalik na sana siya nang mapagmasdan ang lake cabin na nakatirik sa lupaing iyon. Di iyon kasing elegante ng mga lake cabin sa Lakeside Mansion. But the cabin has its own appeal. It was older than the other structures but it gave her a homey feeling.
“Ang cabin ni Mommy!” bulalas niya at patakbong lumapit sa gate niyon. Sa wakas ay nakita na rin niya ang lake cabin ng mommy niya.
Matagal na niya iyong di nadadalaw mula nang mag-aral siya sa ibang bansa. And something inside her heart ticked. She missed her mother.
Isang guwardiya ang biglang humarang sa kanya. “Ma’am, bawal po dito. Hindi po kayo authorized na pumasok.”
“Ha?” gulat niyang usal. “Pero…” Muntik na niyang sabihin na siya ang may-ari ng lugar. Ang tanging alaala ng kanyang ina sa kanya. Iyon lang din ang bahagi ng property niya na di niya ibebenta kay Reid Alleje kahit kailan.
“Si Sir Reid lang po ang may kaparatan na makapasok sa property. Kahit po ang mga kaibigan niya o kahit ang kapatid niyang si Sir Reichen di ito mapasok.”
“Ganoon ba?” Kailangan pa pala niyang humingi ng pass kay Reid para mapasok ang log cabin ng mommy niya. Pero paano niya gagawin iyon kung di niya alam kung paano ito kakausapin. Mas gusto nga niyang iwasan na lang ito.
“Dato, papasukin mo siya.”
Gulat siyang lumingon sa may-ari ng boses na nasa likuran niya. “Reid!”