Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 91

Parang gusto nang bumagsak ni Nicola nang ibaba sila ng golf cart sa harap ng villa ni Crawford. Pagpasok sa bahay ay tinanggal agad niya ang sandals dahil masakit na masakit na ang paa niya. Di na sila masyadong nag-ikot ni Crawford dahil naroon ang mga kaibigan ni Crawford at nakipag-kwentuhan. Subalit di siya makapag-concentrate sa usapan dahil nararamdaman niya ang sakit sa paa niya.

Umupo siya sa low sofa at tiningnan ang talampakan. “Naku! Puro paltos nga ang paa ko,” angal niya. “Crawford, may gamot ka ba diyan para sa sugat? O kaya skin ointment. Masakit na kasi, eh.”

“Sandali. Kukunin ko lang.” Pagbalik nito ay may dala na itong white na box. Naghalughog ito sa kahon. “Ang alam ko may magandang ointment na ini-recommend sa akin si Kester.” Inilabas nito ang isang tube. “Here.”

“Ah, thanks!” aniya at kinuha ang ointment dito. Nagtaka siya nang bigla nitong bawiin sa kanya. “Bakit? Hindi ba iyan ang gamot?”

“It is the right one.” Nag-indian sit ito sa harap niya at ipinatong sa hita nito ang paa niya. “Pero mas gusto ko na ako ang gagamot sa iyo.”

Naalarma siya. Ito mismo ang gagamot sa kanya. “Crawford, no! You don’t have to do this,” aniya at pilit na inilalayo ang paa dito. “Kaya ko naman, eh!”

Pinigilan nito ang paa niya. “Stay put, Nicola!” Natigilan siya sa paggalaw. Kahit paghinga niya ay napigil dahil sa utos nito. She never thought that she could easily comply to that commanding tone. Nawala ang katigasan ng ulo niya.

“K-Kasi naman… hindi mo naman kailangang gawin iyan para sa akin. Kaya ko namang gamutin ang sarili ko,” malumanay niyang paliwanag.

“Sige. Makipagtalo ka pa sa akin,” anitong may babala ang boses.

“Hindi na ako gagalaw,” sabi niya. Tanggap na niyang talo siya dahil hamak na mas malakas ito sa kanya. Boses pa lang nito, di na niya pwedeng kontrahin.

His eyes were intent while treating her feet. Na parang isang maselang panggagamot ang ginagawa nito at di ordinaryong paltos lang. But his finger was gentle. Almost soothing. Ni di na nga niya naiisip pang makipagtalo dito. She just wanted to feel his touch and imagine it caressing her body. That’s too far, Nicola, she warned herself.

“Next time listen to me, Nicola. Ikaw lang naman ang inaalala ko habang nandito ka. Kung may isa-suggest akong isuot mo, isuot mo. Kung sinabi kong sasakay tayo at di maglalakad, iyon ang gagawin natin. It is for your own sake. Tingnan mo, nakipagtalo ka pa kasi sa akin.”

“I thought it is okay. Sanay naman akong ginagawa ang mga bagay nang mag-isa lang.” Bata pa lang siya, nalaman na niyang di siya maaring umasa sa ibang tao. Di niya naranasang maging emotionally dependent sa mommy niya. She had her own emotions to mind since her dad left them. Kung masaktan man siya sa mga desisyon niya, sarili lang niya ang sisisihin niya. At siya lang din ang magbabangon sa sarili niya at magso-solve sa sarili niyang problema.

“Well, not anymore. Habang nandito ka, responsibilidad kita. Aalagaan kita. And if you’d let me, I will always take care of you.”

She smiled grimly. “I am already twenty-eight, Crawford. Ngayon pa ba ako kukuha ng baby sitter ko.”

“I won’t be your baby sitter. Silly girl! Hindi ba iyon naman ang ginagawa ng mga lalaki. Dapat inaalagaan nila ang mga babae?”

Nagkibit-balikat siya. “Di ko naman iyon naisip noon pa. Sabi ko kasi, sanay naman akong mabuhay nang sarili ko lang. I create my own rules. Walang nakikialam sa dapat kong gawin at kung paano patatakbuhin ang buhay ko. Kaso dumating ka naman…”

“Aalagaan lang kita. Hindi ko kokontrolin ang buhay mo.”

It was a warming thought. Na isang lalaking tulad nito ang mag-aalaga sa kanya. Iyon ang pangarap ng mommy niya para sa kanya. Na hindi siya tumandang mag-isa. At kung may lalaki mang mag-aalaga sa kanya, si Crawford lang ang gusto niya. But she didn’t know if he was the right one for her.

“Wala naman akong balak na magpakontrol sa iyo.”

Di na ito kumibo at maayos na nilagyan ng gauze ang paa niya. “Para hindi na lumala ang sugat mo. Pagalingin mo lang nang konti. I will order a special sandals for you. Iyong hindi ka masasaktan kahit may paltos ka pa.”

“Crawford…”

Tumayo ito. “Bakit? May ginawa ba ulit akong mali? Galit ka ba sa akin hanggang ngayon dahil basta na lang kitang idinala dito?”

Natawa na lang siya. Parang natatakot kasi ito kapag nagagalit siya. “Well, galit ako kanina dahil underhanded ang tactics na ginamit mo para maidala ako dito. But I still want to thank you. I am having such a great time here.”

“Pero nagpaltos ang paa mo,” paalala nito.

“Ikaw na rin ang nagsabi. Ako ang may kasalanan dahil matigas ang ulo ko. Pero kahit na nagpaltos ang paa ko masaya pa rin ako.”

“Dahil maganda ang Stallion Riding Club?”

Huminga siya nang malalim. “Well, secondary lang ang ganda ng riding club. Masaya ako dahil kasama kita,” aniya at pumunta sa kuwarto niya. Naiwan niya itong tulala. Mukhang na-shock yata ito sa sinabi niya.

Di siya makapaniwala na nasabi rin niya iyon kay Crawford. Baka mamaya ay kung ano ang isipin nito sa kanya. Last na iyon, Nicola. You won’t lead him into thinking that you really, really like him.

Kahit na kaya niyang ibigay nang buo ang puso niya, may bahagi pa rin niya na may pilat dahil sa kagagawan ni Crawford. Hangga’t di iyon naghihilom, di niya tuluyang maibibigay ang buong pagmamahal niya dito.

“NICOLA, magpahinga muna tayo!” wika ni Crawford. Tanghali na kasi noon at umaga pa sila namamasyal sa riding club nang naka-horse back. Pangalawang araw niya iyon sa riding club. Dahil di sanay sa pagsakay sa kabayo, umangkas na lang siya sa kabayo nito.

“Ha? Magpapahinga agad tayo?” usal niya. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa Lakeside Café kung saan sila magla-lunch.

Ang totoo ay nag-enjoy siya sa horseback riding nila. Silang dalawa lang ni Crawford sa kabayo. Their bodies were almost touching for some time now. And with his arms around her, she felt protected. Parang masarap na lang sumandal sa katawan nito, ipikit ang mga mata at mangarap.

“Magpapahinga agad? It is past twelve. Mag-lunch naman tayo. Saka kanina pa pagod si Crimson Dust.” Si Crimson Dust ang gelding nito na red chestnut ang kulay.

“Akala ko kasi maaga pa. Di pa kasi ako gutom.”

Nauna itong bumaba ng kabayo. “Kaninang umaga, ni hindi kita mapasakay sa kabayo. Ngayon naman ayaw mo nang bumaba.” Inabot nito ang kamay sa kanya. “Come! Ayokong magutom ka.”

Tiningnan niya ang lupang babagsakan niya. “T-Tatalon lang ako basta?” nanginginig niyang tanong. “B-Baka mabasag ang mukha ko at…”

“No problem!” He held her by the waist. Saka siya nito binuhat pababa. She was astonished by his sheer power. Samantalang mas mabigat pa yata siya sa isang kabang bigat. Pero parang daig pa niya ang bulak sa gaan.

Then his body slowly brushed against her. The contact was astounding. Nahigit niya ang hininga. She didn’t know if it was deliberate. Pero nang ibaba siya nito, nanatili pa rin nitong hawak ang baywang niya habang nakatitig sa kanya. He was giving her the look that made her want to melt.

Nanuyo ang lalamunan niya at binasa ng dila niya ang labi niya. “C-Crawford…”

Hinaplos nito ang buhok niya. “Yes?” At inilapit pa ang mukha sa kanya. In a just a breath, two things could happen. Kung di siya nito hahalikan, hihimatayin siya.

No. She couldn’t give in. naroon siya para magbakasyon. Romance was out of the question. Di niya maaring hayaan ang sarili na manghina dahil kay Crawford. HIndi siya maaring magpaapekto dito.

“G-Gutom na ako,” wika na lang niya.

Kusa nitong binitiwan ang baywang niya subalit hinawakan naman ang kamay niya. “Yeah! Me too.”

Kinilabutan siya. Parang kakaiba kasi ang pagkakasabi nito. As if he wasn’t hungry for food. As if he was hungry for her instead. And she was not ready to appease his hunger. She would leave the riding club with her honor intact. Hinding-hindi na siya mai-in love pa ulit dito.

ALAS ONSE na nang gabi pero di pa rin makatulog si Nicola. Pabiling-biling lang siya sa higaan at hindi makatulog. Sino ba ang makakatulog kung katabi lang ng kuwarto niya ang kuwarto ni Crawford? Pangatlong gabi na niya iyon sa riding club. Sa unang dalawang gabi, bumabagsak agad siya sa sobrang pagod. Sa palagay niya ay bumabawi pa ang katawan niya sa pagod. Bukod pa sa nanakit ang katawan niya sa paglalakad nang unang araw at pagsakay sa kabayo ng pangalawang araw. Nang araw kasi na iyon, pinanood lang niya si Crawford sa pagpa-practice nito ng polo. May informal match kasi ito kasama ang mga kaibigan kinabukasan.

“Parang nasasanay na akong kasama siya. As if I am anticipating spending each day with him. I don’t think this is right. Kahit na sabihin pa niyang gusto niya ako at gusto niyang mapalapit sa akin, di ko pwedeng paasahin ang sarili ko tulad nang dati. I might be in love with him…” She sighed, as if admitting defeat that her love for him would be a hopeless one. “Pansamantala ko lang siyang makakasama.”

Di pa rin niya alam kung ano ang tunay na nilalaman ng puso ni Crawford. Sweet na sweet ito sa kanya sa harap ng ibang tao. Hinahawakan nito ang kamay niya at tinititigan siya na parang girlfriend na siya nito. Pero mas doble ito sa pagka-sweet kapag silang dalawa lang. She didn’t know how to handle him at all.

Remembering those eyes that wanted to melt her, her mouth suddenly felt so dry. Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig nang mapansin niya na bukas pa ang mga lantern sa porch. Nakalimutan marahil ni Crawford na isara pero naging pang-akit iyon sa kanya. “Doon na lang siguro ako magpapaantok.” The idea of the lapping waves of the lake was appealing.

Pagdating sa porch ay natagpuan niya si Crawford na nakatayo sa porch at nakatingala. She had never seen him in such a serene state. Parang lahat kasi ng kilos nito ay may importanteng purpose. Kahit sa riding club ay busy ito.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” untag niya dito.

Nilingon siya nito. “I should be the one asking that.”

I am thinking about you. “Di ako makatulog kaya kumuha ako ng tubig. Gusto mo ba na ikuha din kita.”

“Hindi na kailangan,” anito at tumingala ulit.

Nilapitan niya ito at tumingala din. “Ano naman ang tinitingnan mo diyan?”

“Nag-aabang ng shooting star. Magwi-wish.”

Di niya mapigilan ang sariling tumawa. “Sa tanda mong iyan?”

Sinulyapan siya nito. “Don’t tell me that you didn’t try it as a kid?”

“I did. Until I realized that it wasn’t real. And I think you are too old for this, Crawford. Dapat alam mo nang hindi magkakatotoo iyan.” Mas insensible pa pala ito sa kanya. Kahit nga ang ibang bata ay di naniniwala sa pagwi-wish sa shooting star.

He gave her a silly, innocent smile. Na parang wala itong pakialam sa pangangantiyaw niya. “First time ko itong gagawin.”

He pulled her infront of him. Saka siya nito niyakap mula sa likuran niya. “I never cared about wishes before, Nicola. Mula pagkabata, alam ko na makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Parang may red carpet nang nakalagay sa bawat dadaanan ko. But now, I just want to act like a kid and wish.”

“Ano bang wish mo?” tanong niya at isinandig ang ulo sa dibdib nito. It was tempting to stay with him that way.

Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “I wish you’d stay with me forever.”

Nagulat siya at tiningala ito. His eyes were intent on hers. It wasn’t a little boy’s wishing. Crawford is a grown man wishing to spend forever with her. While here she was, evading the word forever.

Kumawala siya sa pagkakayakap nito at hinarap ito. “Why forever?”

“Simply because I want to spend the rest of my life with you. I think I am in love with you, Nicola.”

Her heart simply wanted to burst. She should feel happy. They feel the same. Pero mas nangibabaw ang skepticism niya. “Imposible ang sinasabi mo.”

“What? That I love you and I am willing to spend my whole life with you.”

“Crawford, there is no such thing as forever. Lahat nagbabago. Sa ngayon siguro, ako ang nakakakuha ng atensiyon mo. Guys tend to feel that way toward the girl who doesn’t run after them. Ganoon ka rin. I don’t think it is love. Kapag sinabi kong mahal din kita, ilang araw lang mawawalan ka na ng interes sa akin. Then you will find another one to fancy.”

Naningkit ang mata nito. “So you think I am just a stupid boy who fancies myself in love with you? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin?” Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Look into my eyes, Nicola. Sa palagay mo ba kalokohan ko lang ang lahat kaya ko ginagawa ito?”

There was so much gentleness and warmth in his eyes. Sinasabi ng puso niya na mahal nga siya nito. Pero sa loob ng mahabang panahon, di na niya hinahayaan ang puso niya na humusga para sa kanya. Saglit lang ang kaligayahan na dinadala niyon sa kanya at mas mahabang panahon siyang nasasaktan.

“Alam mo naman na kalokohan lang ito sa simula pa lang, hindi ba? At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginagawa mo pa rin ito. It is a waste of time.”

“It is not a waste of time if I am spending it with you. I love you, Nicola.”

Tumalikod siya at mariing pumikit. Nahihirapan na siyang tanggapin sa sarili na laro lang dito ang lahat. Mariin niyang kinuyom ang palad. “I told you that I don’t love you, Crawford. Mag-I-insist akong huwag tapusin ang bakasyon ko kung ipipilit mo sa akin ang pagmamahal na sinasabi mo. All I want is a normal vacation. Let’s just keep it that way. Matutulog na ako,” aniya naglakad palayo.

Pinigilan ni Crawford ang balikat niya subalit di siya nito ihinarap pa. “What’s holding you back, Nicola? Why don’t you accept the inevitable? That you are in love with me and we can be happy together?”

“Goodnight, Crawford,” aniya sa matabang na boses at iniwan ito sa porch. Mabuti na lang at hindi nito nakita ang mukha niya nang mga oras na iyon. It took all the strength she had to hold her feelings back. “Tama lang ang ginawa ko,” bulong niya sa sarili nang makarating sa silid niya. “Ayoko nang umasa sa magagandang bagay na hindi rin naman nagiging totoo sa huli.”

“NICOLA, be careful with the batter. Hindi maayos ang pagkakahalo mo,” anang si Miles na pastry chef ng Rider’s Verandah. May baking lessons nang araw na iyon para sa girlfriend at asawa ng mga member. She was invited the other day. Pinili niyang sumali sa baking lesson nito kaysa naman tungangaan si Crawford.

Di na sila nagkibuan ng binata nang umagang iyon. Nang magpaalam siya na dadalo sa baking class, wala siyang narinig na pagtutol dito. Subalit habang nasa baking lesson ay lumilipad naman ang isip niya kay Crawford.

“Sorry, Miles,” aniya at ibinalik ulit ang atensiyon sa hinahalong batter ng cookies. Mas dapat siyang mag-concentrate doon kaysa kay Crawford. Malinaw na ang mensahe niya dito kagabi pero mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Parang nagsinungaling siya dito kahit sinabi niya kung ano ang dapat.

“May lover’s quarrel ba kayo ni Crawford?” tanong ni Quincy. “Sarapan mo ang pagkaka-bake ng cookies. Tiyak na magkakabati rin kayo kapag natikman niya ang luto mo. Hindi ka na niya aawayin kahit kailan.”

“Ilang cookies ba ang kailangang kainin ni Yuan para bumait sa iyo?” tanong ni Sindy dito. “Isang drum siguro dapat.” May pagkasuplado kasi ang nobyo ni Quincy. Nagkakatuwaan ang lahat nang hangos hanggang mai-bake ang cookies.

“Siguro naman hindi na magagalit ang mga boyfriend at asa-asawa ninyo kapag natikman nila ang mga luto ninyo,” sabi ni Miles. “Nicola, don’t worry. Maaabutan mo pa ang match nila Crawford. Baka divot stomping pa lang nila.” Divot stomping ang katumbas ng half time sa larong basketball.

“Hindi naman iyon ang iniisip ko. Thanks nga pala sa lesson.”

“Kung may problema kayo ni Crawford, magkakaayos din kayo. Just tell him how you really feel. Huwag mo na lang masyadong pansinin ang kadramahan ng mga lalaking iyan minsan. Intindihin mo na lang. Kasi kapag na-realize naman nilang mali sila, sila mismo ang magso-sorry.”

“W-Wala naman kaming ganyang problema ni Crawford,” aniya at pilit na ngumiti. Siya ang may problema. Siya ang umiiwas. Siya ang nagtatago sa galit para walang makaalam ng tunay niyang nararamdaman. But who could really blame her? Ayaw lang naman niyang masaktan.

Nang dumating sa polo field ng riding club ay nagpatuloy na ang laro nila Crawford. Makikisig tingnan ang mga players habang naglalaro. But there was a different jolt in her heart when she saw Crawford. Parang gusto niyang mag-cheer para dito subalit pinigilan niya ang sarili.

Nasa team ni Crawford ang bola. Si Yoanna na kanina pa nanonood ng laro ang nagpapaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari. Matagal na itong nagtatrabaho sa riding club at kabisado na rin nito halos lahat ng horse sports doon. Maya maya pa ay si Crawford na ang kumokontrol ng bola. “There, si Crawford ngayon ang offensive player dahil siya ang komokontrol sa bola.”

“Pero kalaban niya si Reichen.” Nakita kasi niya na sinusubukang dumepensa ni Reichen sa bola. “Hindi ba magaling siya?”

“Hindi rin naman basta-basta si Crawford. Look at that!” bulalas ni Yoanna.

Crawford gave a neck shot. He flicked the mallet with his wrist just barely under the horse’s neck. Nagdiwang ang team nito.

Napatayo tuloy siya at pumalakpak. Subalit di pa tapos ang laro. Ilang chukker o rounds pa ang kailangan bago makumpleto ang laro. At may anim na chukker sa bawat laro. Tie ang dalawang team.

Nasa kalaban ang bola nang maagaw ulit iyon ni Crawford. Subalit hindi pumayag na basta-basta makalamang ang team nila Crawford. Ginitgit ito ni Reichen. It was a ferocious battle. Mukhang di basta-basta susuko si Crawford. Napasigaw siya nang bumagsak si Crawford sa lupa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.