Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 37

NADINE’S world was upside down literally. One minute she was laughing her heart out while Lewis put her on the spot. Oo, hiniling niyang lamunin siya ng lupa dahil di naman niya matatagalan na mag-macho dancer ang isang lalaking itinuring niyang kaibigan nang di ito naiinsulto sa huli. Nakakatawang experience lang.

Nawala ang ngiti niya nang sumampa si Miller sa entablado. Akala niya ay mag-a-ala Channing Tatum din ito para labanan si Lewis. Muntik na siyang kumuha ng sako para takpan ito dahil wala siyang balak na ipakita ang alindog nito sa iba. Di siya papayag na mawala ang kagalang-galang nitong reputasyon. Pero sa halip na mag-Magic Mike para akitin siya, nag-ala-Connan the Barbarian ito. Itinulak nito si Lewis at saka bigla siyang isinampay sa balikat nito na parang isang sako ng patatas.

“Miller, anong ginagawa mo? Put me down!”

“Not until we are out of here. Don’t worry. I got you.”

Ha? Ano daw? Parte pa ba ito ng palabas? Narinig niya ang mga hiyawan at kantiyaw. May tutulong ba sa kanya para ibaba siya ni Miller? Mukhang wala. Nagpapalakpakan pa ang mga ito. Akala ng mga ito ay bahagi iyon ng show. Kahit si Lewis ay hinayaan na siya sa lalaki at nagpatuloy sa paggiling-giling nito sa entablado. Traidor! Akala niya kakampi niya ito.

Ano ba itong pakulo ni Miller? Iniiwasan na nga niya ito. Patikim-tikim nga lang siya ng mojito nito dahil baka magayuma na naman siya sa kaguwapuhan nito. He knew that he could make mean cocktail mix.

“This is kidnapping,” angil ni Nadine sa lalaki at hinampas ang likod nito.

“How is this kidnapping. Define kidnapping according to Philippine law.”

Natameme siya. Paano siya makakapag-define nang matino ayon sa batas ng Pilipinas kung nakabaligtad siya at naipon na lahat ng dugo sa utak niya.

“E di manhandling na lang. Wag mo na akong ipa-define-define pa dahil susukahan kita kapag di mo pa ako ibinaba. Nahihilo na ako!”

“It is safe here,” sabi ng lalaki at ibinaba siya sa patio na palabas ng resort. Sila lang ang tao doon at mahina na lang ang tunog na nagmumula sa open bar kung saan ginaganap ang show.

“Safe? Safe saan? E parang sa iyo lang naman ako hindi safe. Baligtad pa nga ang tingin ko sa paligid ko dahil sa iyo,” aniya at hinawakan ang ulo. “Tapos na ‘yung palabas mo. Pwede na ba tayong bumalik doon?”

Pinigilan ng lalaki ang braso niya. “No. Hindi na tayo babalik doon. We are going home right now.”

“At bakit naman ako uuwi kasama mo? Nagsisimula pa lang akong mag-enjoy dito sa resort. Huwag ka ngang killjoy.”

“Ako pa ang killjoy ngayon? Ikaw nga itong pinoprotektahan ko. Hindi mo ba nakita kung anong klaseng crowd ang meron sa loob? Kung anong ginagawa nila sa resort na ito? They will get you drunk with entertainment, booze and lascivious acts. Tapos sasamantalahin ka at sisirain ka. Inilalayo lang kita sa gigolo na iyon.”

“You mean Lewis?” Humalukipkip ang dalaga. It was Miller and his responsibilities again. “Hindi ko naramdaman na sinasamantala niya ako. He offers me companionship. I enjoy his company. Iyon lang.”

“Of course. He is paid to do so.”

Bumuntong-hininga siya at bumilang ng lima. “Pwede ba umalis ka na lang? Hayaan mo na lang ako sa buhay ko.”

“Hindi ako aalis dito nang wala ka,” giit ng lalaki.

“Inaalis ko na ang obligasyon mo sa akin. No hurt feelings. Hindi ako masasaktan. Bumalik ka sa Manila. Bumalik ka sa trabaho mo. Bumalik ka sa buhay mo. Hindi mo ako kailangang maging responsibilidad. Ni hindi mo rin kailangang magpanggap na gusto mo akong alagaan. Na baka may gusto ka sa akin. Balikan mo ba ‘yung ex-girlfriend mo ulit. Pakatanga ka naman sa kanya. Wala na akong pakialam.”

“Is this about Chloe? Nagseselos ka sa kanya kaya nagwawala ka?”

Pagak siyang tumawa. “Miller, huwag masyadong malaki ang ulo. Hindi lahat tungkol sa iyo. I am trying to live my life. Ngayon kung magpakatanga man ako at mauto ni Lewis, problema ko na iyon. Tanga siguro talaga ako. Nagpakatanga ako sa iyo. Pwede naman siguro akong mag-move on at magpakatanga sa iba.”

“Ganyan ka ba talaga ka desperada, Nadine? Yes, I messed up. Pero ginagawa ko ang lahat para bumawi. Ano ba ang gusto mo pang patunayan na pati gigolo papatulan mo? Nadine you are a young woman with so much promise. Hindi mo kailangang magkapadesperada katulad ng ibang babae sa loob na walang pakialam sa reputasyon nila. Na kailangan pang magbayad ng lalaki para pasayahin sila. Huwag ka namang magpakasira.”

The inside of Nadine’s cheek ticked. “Sandali lang ha? Ang bilis mo namang manghusga. Kung makapagsalita ka, parang mga walang kwentang tao ang mga guest dito sa resort. Na desperada sila na parang magbayad na lang ng lalaki ang pwedeng magpasaya sa kanila. Ni hindi mo nga sila kilala.”

“I know them,” he answered in a stilted voice. Bakas ang disgusto sa mukha nito nang banggitin iyon. Inilahad nito ang palad sa direksyong pinagmulan nila. “Their scandals and exploits are all over the internet. Ano pang warning ang kailangan mo para maintindihan mo na di sila makakabuti sa iyo? Na hindi makakabuti sa iyo ang manatili sa lugar na ito? Lahat ng pinaghirapan mo sa loob ng ilang taon para mabuo ang magandang image mo, masisira lang dahil sa kanila.”

Pagak siyang tumawa. “Magandang image? Miller, wala akong magandang image. Dahil kahit anong gawin ko, basura ang tingin sa akin ng mga tao. Kasi judgmental ang mga tao katulad mo. Alam mo lang kung ano ang nakikita mo sa internet o kasi isang pagkakamali lang nila pero di mo alam ang buong istorya nila. Katulad nang di mo rin naman ako ganoon kakilala. Kasi perpekto kayo masyado.”

Umiling ito. His face was ashen. “No. It is not like that…”

“Alam mo ba kung anong pinagdaanan ng mga taong iyon bago ang eskandalo nila? Kung totoo ba ang mga tsismis sa kanila? Di mo ba naisip na baka biktima lang sila o kung may pagkakamali man sila, baka nagbagong-buhay sila. Di mo ba alam kung gaano kamiserable ang buhay na araw-araw kang hinuhusgahan? Di mo ba naisip na nandito lang sila para maging masaya kahit kaunti? Na nandito sila para kalimutan kung gaano kalungkot ang mundo sa labas? Ano ngayon kung nagbabayad sila ng company ng mga lalaki para sumaya? Ibig bang sabihin masama na silang babae? So kapag ‘yung mga lalaki nagpunta sa mga bar at naghanap ng female companion o escort, okay lang?”

“Nadine, you are missing the point. Pinoprotektahan kita. Gusto mo ba talagang ma-associate sa mga gigolo?”

“Yung mga gigolo na sinabi mo ang naging kaibigan ko noong panahon na pinili mo ‘yung ex-girlfriend mo. Ang mga lalaki dito ang nagpapangiti sa mga babae dito kapag naging epic fail ang mga Mr. Right sa buhay nila. ‘Yung iba sa kanila suicidal na pero dahil sa simpleng companionship ng mga lalaki dito, buhay ulit sila. Wala kang karapatan na husgahan ang mga lalaki dito lalo na si Lewis. Dahil nang panahon na mamatay-matay ako sa sakit dahil sa iyo, siya ang nagparamdam sa hindi ako dapat magpalunod sa lungkot.” Itinulak niya ang dibdib nito. “Okay na ako. Di ko alam bakit sumunod ka pa. Bumalik ka na lang sa kay Chloe. Magsama na kayo. Siya naman ang pinili mo, di ba? Ayoko nang maging responsibilidad mo.”

“Hindi ko siya pinili, Nadine. Aaminin ko, nagkamali ako nang di ko tuparin ang pangako ko sa iyo. May mga multo sa nakaraan ko na di ko pa kayang harapin. Hindi ko pa kayang harapin si Tita Monina. Kaya last minute, nag-confirm ako ng appointment sa mga kaibigan ko. I needed a bit more time. Hindi ko alam na nandoon si Chloe. Di ko sinasadya na insultuhin ka o saktan ka. And I’m sorry.”

“Sorry won’t cut it, Miller. Nasaktan na ako. You can’t fix everything with a simple sorry. At matapos ang ginawa mo ngayon, hindi ako magiging okay. I’m tired of being judged. For being treated like a lesser person. Kahit anong gawin ko, puro na lang mali. Di ko na maramdaman na masaya ako kasi puro ang iniisip ko kung ano ang tama sa ibang tao. Dito walang nanghuhusga sa akin. Pare-pareho kami dito na malaya. Pagod na akong maging perpekto para sa iyo, Miller. Pagod na rin ako na laging magmakaawa para sa pagmamahal mo. So please go. Iwan mo na ako dito.”

Yumuko siya at humikbi ng iyak. Nakatitig lang siya sa sapatos nito habang nanlalabo sa luha ang mga mata niya. She wanted to watch him walk away. Oras na iwan siya nito, tapos na ang lahat. Wala na siyang aasahan dito.

But he stepped towards her. Bago pa siya nakaurong ay kinabig nito ang baywang niya at isinandig ang katawan niya sa katawan nito. Then he wiped her tears away. “I am sorry for making you miserable. I am sorry if you feel tired loving me. Pero wala akong planong iwan ka dito.”

“Miller…”

“I love you, Nadine,” bulong ng binata at kinintalan ng halik ang ibabaw ng mga mata niya.

Mahal siya nito. Ngayon pa nito sasabihin na mahal siya nito? Lalo lang siyang humagulgol ng iyak. She felt more pathetic than ever. “Stop it, Miller. Ano ako? Bata na kapag umiiyak bibigyan mo ng candy tapos tatahan na. Akala mo ba isang “I love you” mo lang okay na lahat? Miller, di naman ako ganoon katanga kahit na mahal na mahal kita. Di ako aalis dito at sasama sa iyo dahil lang sa “I love you” mo. Akala mo ganoon-ganoon na lang iyon. Akala mo naman desperada ako sa pagmamahal mo na magiging sunud-sunuran ako kahit na di mo naman ako totoong mahal? I deserve mo, Miller.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.