The Goddess Nerd Chapter 16

SKYE'S POV

Kapag nasaktan kana kahit sabihin pang isang beses lang yun pero nakakatakot ng maulit pa uli yun. Natatakot ka ng mag mahal ulit dahil baka magyari na naman ang pananakit na ginawa sa'yo noon. Natatakot ka ng sumugal sa laro ng pag-ibig kasi baka matatalo ka na naman ulit. Hindi naman lahat ng oras matatalo ka e, yung iba nga taya pa rin ng taya kahit na ilang beses ng natalo kasi umaasa sila na isang araw mananalo din sila. Sana ganun din sa pag ibig na kahit ilang beses kang matalo hindi ka titigil sa pag taya kasi umaasa ka na baka manalo kana sa muli mong pag taya.

Sabi nga nila, hindi mo malalaman ang sagot kapag hindi mo sinubukan. Kaya ko kayang sumugal ulit sa laro ng pag-ibig? Kaya ko kayang ipusta ulit ang puso ko? Nakakatakot, pero gusto ko din sumaya at hindi ko mararamdaman yun kung hindi ko susubukan.

School..

Sa tinagal tagal ko ng pumapasok sa Branston ngayon lang ako na weweirdohan sa mga estudyante dito. Alam ko na popular ako sa school namin pero, bakit halos lahat sila nakatingin sa akin? Ngayon ko lang ba sila napansin or dati pa silang ganito at masyado lang akong busy sa ibang bagay, kaya di ko napapansin yung ganitong atensyon nila?

" May ginawa ka bang hindi maganda, kaya kung makatingin ang mga estudyante sa'yo parang lalamunin ka? Ang creepy nila! " Sumabay sa paglalakad ko si Abbie. Kung hindi ako mauuna sa aming apat minsan mas nauuna si Abbie sa akin at laging huli si Ayana.

" Kanina ko pa nga yan napapansin mula pa sa parking lot. "

" Ang famous mo kasi kaya all eyes on you. "

Nagkibit balikat lang ako at patuloy lang sa paglalakad. Biglang may lumapit sa akin na estudyante at inabot ang isang teddy bear. Mukhang nag aalinlangan pa siyang iabot sa akin dahil tinaasan ko siya ng kilay.

" M-miss Skye, may nagpapabigay lang po sa'yo. " Inabot ko yun at bago pa ako makapag tanong kung kanino galing ay bigla nalang siyang tumakbo palayo. Mukha ba akong nakakatakot? Nakakaloka! I'm sure isa sa mga nagkakagusto na naman sa akin ang nag bigay nito. Sanay na ako dahil lagi naman akong nakakatanggap ng mga gifts like stuffed toys, flowers and box of chocolates.

" Ang cute naman ng teddy bear mo. Kanino daw galing? "

" Malay ko? Kita mo naman na bigla nalang tumakbo yung lalakeng yun as if lalamunin ko siya. "

" Paano ba naman hindi yun tatakbo tinaasan mo ba naman ng kilay mo? Kahit ako aalis agad e. "

Nasa gitna na kami ng field kung saan makikita ang stage ng school namin. Maraming taong nakatumpok doon na animo'y may palabas doon at nakatutok lang sila doon. Dahil hindi naman likas sa akin ang makialam sa mga nangyayari sa paligid ko kaya dirediretso lang ako sa paglalakad ko. Bigla nalang akong hinila ni Abbie kaya napatigil ako at muntik pa akong matumba sa ginawa niyang pag pigil sa akin.

" What the hell Abbie? Bakit mo ako hinila bigla? Muntikan na akong masubsob sa ginawa mo. " Buti nalang naka balance ako agad dahil kung hindi malamang nag halikan na kami ng sahig nang wala sa oras.

" Tingnan mo kasi yung stage, ang sweet naman nung gumawa niyan. Effort kung effort! " Para namang kinikiliti sa sobrang kilig si Abbie. Napailing na lang ako sa reaksyon niya at tiningnan ko naman ang stage.

" Ano naman ngayon kung matinding effort ang ginawa ng kung sino man yun just to impressed the girl he likes? Pakielam ko naman diyan diba?! " Akmang aalis na ako nung biglang lumingon ang mga estudyante sa amin. At sa kumpol ng mga tao biglang tumabi sila at dumaan doon si Zach.

" Oh.My.Gosh! Don't tell me na si Zach ang may kagagawan ng lahat ng 'to? " Hinampas hampas naman ni Abbie ang braso ko kaya iwinaksi ko yung kamay niya. Palapit naman sa amin si Zach kaya bigla nalang akong kinabahan. Napatingin ako sa tarpulin na nakasabit sa stage para lang magulat. Anak nang tokwa! Pangalan ko ang nakasulat doon..

" Skye, I'm sorry kung biglaan itong ginawa ko. I just want to let you know that i want to court you. " Ngumiti siya sa akin ng ubod ng tamis at ibinigay sa akin ang mga bulaklak na hawak niya. Gusto kong magtaray pero biglang naumid ang dila ko dahil sa sobrang kaba, tuwa at kilig. Oo, kinikilig ako kahit naka poker face ako. Letche!

" See you later Skye. " Pagkasabi niya nun agad na siyang umalis. Naiwan naman akong parang pinako sa kinatatayuan ko. I'm speechless!

" Pwedeng huminga teh. " Bulong ni Abby sa akin. Doon ko lang napagtanto na pa rang di ako huminga dahil sa presence ni Zach kanina. I cursed when I realized na sobrang nakakahiya na dahil until now hindi pa rin ako natitinag sa kinatatayuan ko.

" Skye, tatayo ka nalang ba diyan? Late kana sa subject mo. " Agad ng lumakad palayo si Abbie sa akin.

Nag lakad na rin ako papuntang classroom namin at pagka pasok ko sa pinto tumingin silang lahat sa akin. Aaminin ko na kinakabahan ako ngayon pero ayaw kong ipahalata sa kanila lalo na sa Zion Group. Nagtama ang tingin namin ni Zach pero nauna akong bumawi ng tingin at dere-deretsong pumunta sa upuan ko.

****

" Bruha, mag kwento ka nga sa amin kung anong nangyari kanina. " Bungad ni Ayanna sa akin kasabay niya si Alexa na dumating.

" Oo nga Skye, hindi namin nasaksihan ang nangyari kanina. " Gatong ni Alexa. Since nandun naman si Abby kanina kaya siya ang nag kwento sa dalawa. Hanggang ngayon hindi ko parin madigest ang thought na liligawan ako ni Zach.

" Oh my gosh! I'm so kinikilig talaga Skye. " Maarteng sabi ni Ayanna. Conyo girl e.

" Whatever! " Yun lang ang nasabi ko dahil wala naman akong masasabi.

Kinagabihan nagyaya ang tatlo na mag bar kami since Friday night naman at walang pasok kinabukasan. Dito silang tatlo matutulog sa bahay kaya as usual kotse ko nanaman ang gagamitin namin.

" Saan ka pupunta Skye? " Biglang sulpot ni Stephen at muntik pa akong mapasigaw dahil sa gulat. Kung may sakit ako sa puso siguro inatake na ako. Bwiset na to.

" Letche ka talaga Teptep! Aatakehin ako sa puso ng wala sa oras niyan e. " Singhal ko sa kanya.

" Wala ka namang sakit sa puso kaya hindi ka aatakehin. " Sabay tawa ng hinayupak kong pinsan.

" F*ck you! " Mura ko sa kanya.

" Wow! Ang lutong naman nun. Nagtatanong lang naman kung saan ka pupunta e. Gusto kong sumama. " Wala kaming lahing makulit kaya nagtataka ako kung kanino nagmana sa kakulitan si Stephen.

" Club republiq. Di ka pwede sumama sa akin dahil kasama ko ang tatlo at di na kasya sa kotse ko. "

" Kasama din si Alexa? Bawal yun painumin ha? " Napangisi naman ako sa sinabi ni Stephen.

" Ikaw na ngayon ang tatay ni Alexa? Makapag bawal ka sa kanya parang girlfriend mo siya ah?! " Bigla namang umiwas ng tingin si Stephen sa akin.

" Hindi ah, concerned lang naman ako sa kanya. Masama na ba yun? " Palusot niya pa. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko mahalatang may gusto siya kay Alexa. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pagdating kay Alexa ang torpe-torpe ni Stephen. Nabansagang Chickboy sa France pero kay Alexa torpe.

" Sakanya ka lang concerned pero sa akin na pinsan mo hindi ka concerned. Ulol! " Tumawa lang siya sa akin. Loko loko talaga ang walanghiya.

" Sanay ka naman na uminom e. "

" Tseh! Torpe mo! "

Sasagot pa sana si Stephen pero narinig na namin ang boses ng tatlo kaya natahimik bigla si Stephen. Humalakhak ako sa naging ichura ni Stephen nung unang pumasok si Alexa. She's wearing a knee length black dress at tenernohan niya ito ng black stilleto pumps.

" Laway mo. " Bulong ko kay Stephen at agad naman niya akong tiningnan ng masama. Ang sarap asarin ng mokong. Masyadong obvious na may gusto kay Alexa.

" Let's go girls. " Aya ko sa tatlo at naiwan si Stephen dun na nakatingin lang sa amin habang pasakay kami ng kotse. Kumaway pa ako sa kanya saka nag drive na palabas ng bahay.

Pagdating namin ng club republiq sobrang dami na ng tao. Yung iba dito mga schoolmates namin since galing ng Branston ang may-ari ng bar na'to. Dere-deretso na kaming pumasok since kilala na kami ng bouncer na nagbabantay sa pinto. May pinareserved narin kaming table bago kami pumunta dito. May lumapit sa amin na impakta kaya imbes na maging maganda ang ambiance ng lugar naging gloomy ito bigla.

" Well, well, well, I never thought na pumupunta karin pala sa bar? Akala ko pa-good girl ka lang e. "

" What do you want Martina? I don't have time for you. " Mataray kong tanong sa kanya. I'm not in the mood for her games. I came here to relax and have a good time. I wont allow this bitch to spoil my night.

" Easy girl, masama na bang batiin ang dati kong bestfriend? " Nakakairita ang ngiti niya. Halatang fake!

" Tapos ka ng bumati sa akin. Will you please leave?! " Straight to the point na sabi ko sa kanya. Hindi ako plastik kaya kung inis ako talagang ipapakita ko sayo na inis ako.

" I will let you pass tonight, Skye. " Ngumisi siya sa akin saka umalis ng table namin.

" Bwiset na babaeng yun. Parang kabute na pasulpot-sulpot kung saan. Can she give us a break?! May God! " Reklamo ni Abby.

" Hey, lets enjoy this night okay?! Lets toast to this wonderful night. " Agad naming itinaas ang shot glass na may laman ng tequila.

" Cheers! " Sigaw naming apat. After naming inumin yun nagyayang sumayaw si Abby kaya tumayo kaming apat at nagpunta ng dancefloor. Nag-eenjoy kami sa pag sasayaw ng may biglang tumulak kay Alexa. Buti nalang nakakapit siya sa braso ko kaya di siya tuluyang natumba.

" Are you okay? " Tanong ko sa kanya.

" Yeah, I'm fine! " Nagpatuloy lang ulit kami sa pagsayaw ng may tumulak ulit sa kanya. This time tiningnan ko kung sino ang nasa likuran niya at nakita kong nakangisi si Sandrea na nakatingin sa akin.

" Problema mo Sandrea? Bakit mo tinulak si Alexa? " Nakakapang init ng dugo ang pagngisi niya. Ang sarap sampalin para mawala yang ngisi niya na akala niya ikinaganda niya.

" What? Masikip e. Kaya natulak ko siya. " Taas kilay niyang sabi sa akin.

" Let me handle this. " Sabi ni Alexa sa akin. Kaya imbes na makisawsaw hinayaan ko nalang si Alexa since matagal ng inis si Alexa sa babaeng to.

" Sandrea, will you stop pushing me? Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko kapag napuno na ako sa'yo. " Mahinahon ngunit may diin na sabi niya.

" E kung ayaw ko? Anong gagawin mo? " Panghahamon ni Sandrea. Hindi talaga natatakot ang bruhang to.

Imbes na sagutin ni Alexa ang tanong niya tinalikuran niya nalang ito. Kung akala ko na titigil na si Sandrea sa pang hahamon niya kay Alexa, ay doon ako nagkamali dahil makulit din ang lahi ng babaeng to. Hinablot niya sa kamay si Alexa at napaharap ang huli sakanya.

" H'wag kang bastos kapag kinakausap kita. " Kasabay nun ang pag sampal niya kay Alexa na hindi napaghandaan ng isa. Habang nakangiti lang si Sandrea kay Alexa.

" I warned you already. Don't mess with me, you bitch. " Nagulat ako sa ginawang pag suntok ni Alexa kay Sandrea. Sapul sa ilong si Sandrea at natigil na ang tugtog dahil nagwawala na si Sandrea.

" How dare you punch my nose?! Putang ina mong babae ka. Hayop ka! Hayop! " Sigaw ni Sandrea habang hawak-hawak siya sa kamay ng dalawang bouncer.

" Bitiwan niyo ko mga gago kayo. Kakalbuhin ko ang putang inang babae na yan. " Sobrang hindi ko inaasahan na may ganitong ugali si Sandrea. Hinila ko na si Alexa at umalis na kami sa bar habang naiwan dun si Sandrea na walang tigil sa kakasigaw. Napaka palengkera!

" That was hilarious! " Komento ni Abby sabay tawa niya. Kahit ako natawa sa ginawa ni Alexa. Hindi ko inexpect na magagawa ni Alexa yun dahil lagi itong mahinahon. Parang ako narin siya. Hindi ako nanampal pero nanununtok ako. Pagdating namin sa parking lot bigla akong naestatwa.

" Skye! I want you back.."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.