The Goddess Nerd Chapter 27

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Sa susunod hindi na talaga ako iinom, kunti na lang iinumin ko. Bumaba ako at dumiretso sa dining table para kumain at nadatnan ko si Stephen na kumakain.

" Yan kasi, iinom inom hindi naman pala kaya. " Bungad sa akin ni Stephen. Pakialamero talaga ito.

" Tatay ba kita? Ang aga aga nambubwiset ka. " Angil ko sa kanya.

" Kalma! Kamusta ang party? Balita ko may tinarayan ka na naman dun. " Napalingon naman ako sa kanya. Paano niya nalaman? " My source ako dun. " Source my arse.

"Pakisabi sa source mo tantanan niya ako. Tsismoso! " Napasimangot ako sa kanya. Binabantayan niya talaga ako kahit wala siya dun.

" Bilisan mo na dyan may pasok tayo. Isasabay kita sa pagpasok. "Aba, himala na nag offer ang mokong na to na isasabay ako sa pagpasok. Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya pero tinabig niya ito.

"May sakit ka ba? Himala na ikaw pa nag offer na isabay ako. Anong nakain mo? "Ngumuso naman siya sa akin.

" Ayaw mo? Bahala ka dyan. Mag drive ka ng kotse mo. Nag boluntaryo na nga ako na isabay ka tapos ganyan ka pa sa akin. " Reklamo niya.

"May sinabi ba akong ayaw ko? Ang daldal mo sa akin pero pagdating kay Alex ang torpe mo naman. " Yung busangot niyang mukha mas lalo pang naging busangot. Kulang na lang lamunin niya ako ng buhay.

"Bahala ka sa buhay mo. " Tinalikuran na niya ako. Pikon talaga ang isang to.

" Hoy, Stephen teka lang. Sasabay ako sayo pagpasok sa school. " Tuloy tuloy lang siya sa paglakad at hindi na ako pinansin. Bago pa siya makapasok sa kwarto niya hinarang ko na ang pinto.

"Umalis ka nga dyan. " Tinabig niya ako. Ang sungit talaga ng mokong na to.

"Bahay ko to kaya may karapatan ako sa bawat anggulo nito. " Napakamot siya sa ulo niya sa inis. Gusto kong matawa sa ichura niya pero pinigilan ko. Baka lalong mabwisit ang isang to sa akin.

"Magbihis ka na dun. After 10minutes aalis na ako. " Pinagtabuyan na niya ako saka pumasok siya sa kwarto niya. Dali dali naman akong pumunta sa kwarto ko. Sampung minuto lang ang ibinagay sa akin na oras ni Stephen. Matatapos kaya ako on time? Bruho talaga kahit kailan.

Pag dating ko sa baba nandun na siya sa kotse niya. Ang lapad ng ngiti ng hinayupak. Pasalamat siya tinatamad akong mag drive ngayon kaya gusto ko sumabay sa kanya.

" Kaya mo naman pala mag bihis ng sampung minuto lang eh. " Tumawa siya ng malakas.

"Fuck you! Sasabihan ko si Alex na bastedin ka. "Gigil na gigil ako sa kanya. Hindi na ako naligo at agad akong nag palit ng damit ko. Halos ipaligo ko na ang perfume ko dahil sa kagagawan ng kumag na to.

" Alam mo may pasok ka kinabukasan nagpakalasing ka kagabi. Naaalala mo pa ba kung paano ka nakauwi kagabi? "Napaisip naman ako bigla. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay kagabi. Alam ko na si Abby ang nakatoka na mag drive pero hindi ko alam kung nalasing din ba siya? Fuck!

" See? Hindi mo maalala no? Pasalamat ka may source ako na naghatid sayo dito sa bahay. " Tangina! So hindi si Abby ang nag hatid sa akin pauwi kagabi?

"Who' s that fucking source, anyway? Bukambibig mo yan lagi. Sino ba yan? At paano niya napapayag si Abby na ihatid ako dito sa bahay? "Wala talaga akong matandaan kagabi. Ang huling alaala ko lang yung pag walk out ni Zach at pagkatapos nun uminom na ako ng uminom.

"Lasing din si Abby at Ayana kagabi. Hinatid sila ni Zander sa bahay ni Abby. Kailan pa bumaba ang tolerance mo sa alcohol, Skye?" Napatanga ako sa sinabi ni Stephen. Si Abby nalasing? She knows that she is not allowed to get drunk.

" Hindi naman ako kagaya mo na lasenggero. "Bumunghalit ng tawa si Stephen. Sinamaan ko siya ng tingin saka naman siya natigil sa pagtawa.

"I never get drunk, ikaw nga itong lasing na lasing kagabi. Isumbong kaya kita kay tito. "Hinampas ko siya sa kamay. Wala na siyang ginawa kundi asarin ako.

"Subukan mo lang mag sumbong at ipapatapon kita pabalik ng France. "Itinaas naman niya ang mga kamay niya tanda ng pagsuko.

" Fine, I will shut my mouth. But please, next time learn to control yourself. Hindi lahat ng oras mabuting tao ang makasalamuha mo. Paano kung pagsamantalahan ka? " Sermon niya sa akin.

I know, may mali din ako. Pero bakit hinayaan ako nila Abby na uminom ng uminom kagabi? Kadalasan kapag tipsy na ako pinapatigil na nila ako sa pag inom. Pero hindi ko mahagilap ang mga bruha kagabi at basta na lang nila akong iniwan kay Ethan! Holy Shit! Hindi kaya si Ethan nag hatid sa akin kagabi?

" Natahimik ka kasi tama ako? " Hindi ko na siya pinansin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, masakit pa ang ulo ko at sinusumpa ko talaga yung alak kagabi.

Pag dating namin sa school ipinark na ni Stephen ang kotse niya at sinabayan niya ako sa paglalakad. Makakasalubong namin sina Zach at Natasha. Nakatingin si Zach sa akin pero blangko lang ang mukha niya. Walang emosyon na pinapakita or hindi pa talaga niya ako naaalala. Humawak sa kamay ni Zach si Natasha pero hindi ako nagpatinag. Taas noo akong nag lakad at nilampasan ko sila na parang hindi ko sila nakita. Nakakuyom naman ang mga kamay ni Stephen habang papalayo kami sa dalawa.

"Nagkaamnesia lang ang boyfriend mo nakahanap na agad ng bagong jowa. Break na ba kayo ng gago na yun? Inis na sabi ni Stephen

" Hindi. Kami pa rin hanggang ngayon. "Sagot ko sa kanya.

"Tangina, bakit may nakahawak ng babae sa kanya? " Biglang tumaas ang boses ni Stephen. Pinalo ko naman siya sa kamay para tumigil siya.

" May amnesia nga diba? " Paalala ko sa kanya. Pero halata pa rin na hindi siya kumbinsido.

"Hiwalayan mo na yan. Bumalik man ang alaala niya pero nasaktan ka naman niya ng sobra. " Natahimik ako. Ayokong malungkot pero itong pinsan ko na to ayaw pang tumigil.

" Kung talagang mahal ka niya dapat nararamdaman niya yun. Makalimot man ang isip natin pero kailanman hindi nakakalimot ang puso." Unti unting nag bagsakan ang mga luha ko. His right, kung mahal niya ako mararamdaman niya yun. Kahit kailan hindi nagsisinungaling ang puso.

" I don't know what to do, Steph. Gustong gusto ko siyang lapitan at sabihin sa kanya na alalahanin niya ako. Hindi ko man pinapakita lagi na nasasaktan ako, pero tangina ang sakit sakit na eh. Gusto ko na lang na sukuan siya. Pero ayaw ng puso ko eh. " I breakdown. Hindi ko na kinaya yung bigat ng damdamin ko. Akala ko matapang ako na hindi ako paapekto pero hindi ko pala kaya maging matapang. Mahina pa rin pala ako.

" Hey, okay lang naman na maging mahina, pwede kang mag pahinga kung napapagod ka, pero ang sukuan ang taong mahal mo na hindi mo man lang sinubukan na ipaglaban hindi yun kahinaan kundi kaduwagan. I know I contradicted my statement earlier, pero kung mahal mo ipaglaban mo. "Napatingin ako sa kanya. Tumawa ako ng pagak dahil hindi ko iniexpect na sasabihin ni Stephen ito sa akin.

" Wow, galing mag advice ah. Coming from a certified playboy? Not bad. " He grinned and pat my head.

"Thanks Stephen. Utang na loob huwag na tayong mag drama. Ang baduy baduy nito. " Tumawa ako kahit may luha pa ang mga mata ko. Kahit papaano napagaan niya ang loob ko.

" Parang magkapatid na tayo Skye, kung nasasaktan ka nasasaktan din ako. " Wika niya.

" Enough Steph. Ayoko na ng ganitong drama. Hindi natin ito forte. "

Umalis na si Stephen at pumasok na sa klase niya. Ako naman dumiretso sa cr para mag retouch. Pag tingin ko sa salamin muntik na akong mapamura sa itsura ko. Kalat kalat ang eyeliner pati ang masscara ko, kahit waterproof pa ito hindi nakaligtas sa luha ko. Shit!

" Did you cry? Kawawa ka naman. Masakit ba makita yung boyfriend mo na may kasamang ibang babae? " Nang uuyam na tanong ng demonyita na walang iba kundi si Martina.

" Pakialam mo ba? Mind your fucking business, bitch. " Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng cr. Subukan lang niyang gumawa ng gulo at kakaladkarin ko siya mula sa cr hanggang Cafeteria.

Hinanap ko sila Abby sa cafeteria dahil late na ako kaya di na ako pumasok sa klase ko. Nakita ko sila na nakaupo sa dating pwesto namin at kumakain.

" Hey, what happened? " Bungad ni Abby. Agad naman nila akong nilapitan. I'm done crying. So I plastered a smile.

" Bakit niyo ako iniwan kagabi sa party ni Sarah? " Balik tanong ko sa kanya.

" What? Ikaw kaya ang unang umalis kagabi. I was drunk pero alam ko ang ginagawa ko kagabi. Pero ikaw, my god Skye you were so wasted. " Kahit alam ko na sobrang lasing ako kagabi parang hindi pa rin ako makapaniwala. I have high tolerance in alcohol. Kahit marami akong uminom alam ko ang limitation ko. What happened to me?

"Sino naghatid sa akin kagabi? " Napakunot noo naman si Abby sa tanong ko.

" Hindi mo alam? Hinatid ka ni Ethan kagabi. Nag volunteer na siyang ihatid ka since sober naman siya kaya pumayag na ako. " Tiningnan ako ni Ayana na parang taga ibang planeta ako. Kung makatingin parang kulang na lang balatan ako eh.

" May alien ba na sumapi sayo? Parang wala ka sa sarili lately. " Sabi ni Ayana sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin.

" Hey, tama na yan. Huwag niyo ng gisahin si Skye. " Inawat na kami ni Alex kaya tumahimik na ang dalawa.

"Guys, I need your help. Kailangan ko ng ipaalala kay Zach na ako ang girlfriend niya at hindi si Natasha. " Nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi ko.

"Sige ganito gawin natin, kailangan magkaroon ka ng chance na masolo si Zach. At sa buong panahon na magkasama kayo gawin mo na ang dapat mong gawin. " Suhestiyon ni Ayana. Nag agree naman kaming tatlo.

"Paano si Natasha? Lagi pa naman yun nakabuntot kay Zach na parang aso. " Wika ni Alex na nakasimangot pa.

" Don't mind her. Akong bahala sa bitch na yan. " dagdag naman ni Abby. Napangiti ako sa kanila dahil willing talaga sila na tulungan ako.

" Thanks guys, maaasahan ko talaga kayo. " Hinawakan ni Abby ang kamay ko at pinisil iyon.

" That's what friends are doing, helping one another and not pulling down each other. " I gave them a hug.

" Hoy, ano yan? " Sigaw ni Zander. Napalingon naman ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

" Do you really have to shout? "Inirapan ko siya. Lumapit naman sila sa table namin. Wala sila Natasha and Zach kaya pwede namin pag usapan ang plano namin.

" Kayong dalawa tumulong kayo sa plano namin na magkaroon ng time together si Zach at Skye. " Pahayag ni Abby sa dalawa.

" Okay, kami na bahala kay Zach. Doon tayo sa bahay namin. " Suhestiyon ni Zandro. " Kung sa bahay kasi nila Zach baka pumunta si Natasha. " Dagdag niya pa.

Natutuwa akong malaman na kahit hindi naman kami gaanong close sa Zion ay handa naman silang tumulong para maibalik ang nawawalang alaala ni Zach.

Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga ay papunta kami sa bahay ni Zandro. Lulan kami ng kotse ni Abby at ako ang nagmamaneho nito.

" Mapaglaro talaga ang tadhana no? " Napatingin ako kay Alex. Nakatingin lang siya sa harap.

"Kung kailan pareho na kayong legal at mahal ang isa't isa saka naman kayo paglaruan ng tadhana. I'm sure mahirap para sayo Skye yung sitwasyon na kinasasadlakan mo ngayon. " Ngumiti ako ng mapait at kumurap kurap ako para hindi pumatak ang mga luha ko na nagbabadya.

" You have no idea, Alex. Akala ko nga yung nangyari four years ago masakit na yun, pero may mas isasakit pa pala yung pinagdadaanan ko ngayon. " Hinawakan ni Abby yung kamay ko at pinisil pisil ito. Its her way of comforting me.

" You are so brave Skye. Hindi mababakas sayo na nasasaktan ka kahit ang totoo halos madurog kana. Paano mo nagagawa yun? " May umalpas na butil ng luha sa kaliwang mata ko pero mabilis ko iyon na pinunasan. Huminga ako ng malalim kasi pag nagsimula ng lumandas ang luha ko, mahirap ng pigilan ito.

" Sa totoo lang sobrang bigat sa damdamin. Iniisip ko na lang na mahal ko siya kaya kinakaya ko kahit sobrang sakit na. " Tumingin ako sa harapan.

Ayoko na pati sila malulungkot din para sa akin. Mas okay na yung ako lang nakakaramdam nito. Ang selfish ko naman kung idadamay ko pa sila sa kalungkotan ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.