The Goddess Nerd Chapter 29

SKYE'S POV

" Skye, what happened to you last night? " Nasa theater room ako ngayon kasama si Stephen, we watched movies as our way of bonding.

" I broke up with him. " Sabi ko sabay Kuha ng popcorn at nilagay ko yun sa tabi ko dahil uubusin na naman nya ito kung nasa tabi niya lang ang lalagyan.

Napalingon siya sa akin nang marinig niya ang sinabi ko. " What? Akala ko ba mahal mo yun?" Umandar na naman ang pagiging tsismoso niya.

" Paki mo ba? Diba nga una pa lang ayaw mo na sa kanya. I should've listened to you before." Inirapan ko siya. Nag focus na ako sa pinapanood ko, pero paano ka ba makapag focus kung sobrang maingay at madaldal ang kasama mo?

"But Zach is a different case. He lost his memory, your memories together. Instead of breaking up with him, you should've at least tried your best to bring back his memories. Hindi yung sumuko ka na lang agad. " Sinermonan niya ako na akala mo siya ang tatay ko.

Minsan talaga gusto kong magsisi na pumayag ako na nandito siya sa bahay nakatira. He invaded my privacy already. Damn playboy.

" You talked too much, Stephen. " Napailing ako sa sobrang daldal niya. Dinaig niya pa ang babae. Kung hindi ko lang siya pinsan, sinipa ko na siya palabas ng bahay ko.

"Buhay mo yan Skye, concerned lang naman ako sayo as your cousin. " He patted my head and He went out of the theater room.

Naiwan akong mag isa sa theater room. I was just staring at the screen but my mind is somewhere else. Naguguluhan ako sa naging desisyon ko but that was the right thing to do. Ayoko mag invest ng sobra sa feelings ko tapos bandang huli hindi din pala kami magtatagal. Okay nang hiwalayan siya kesa kami pa rin pero iba naman ang kinikilala niya na girlfriend. I don't like that. Ayoko na lumabas na 3rd party kahit na ako ang tunay na girlfriend. I don't like complicated life. That's not what I envisioned my life would be.

***

NASA cafeteria ako at kumakain ng lunch ko habang hinihintay ang tatlo. May klase pa sila at nauna na akong lumabas ng classroom dahil hindi ko matagalan na makasama sa isang lugar si Zach at Natasha. It was suffocating. I was browsing my phone when suddenly someone dropped the book on my table. I looked up and saw Ethan grinning at me.

" You don't mind if I sit here, right? " Bago pa ako makaprotesta nakaupo na siya sa kaharap ko na upuan. I raised my brows.

"What's the point asking me if you already occupied the seat before I replied to you? " Pagtataray ko sa kanya. Tila hindi naman siya apektado sa pagtataray ko.

" Grabe ka pala pag lasing ka. " Sabay iling niya.

Bigla naman akong nanliit dahil sa sinabi niya. I wasn't aware of what I did when I was drunk. Sana lang wala akong ginawang kahihiyan sa harap niya.

" Thank you nga pala sa pag hatid sa akin sa bahay last time. " Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. He just grinned.

" Wala yun, ang mga kasama mo kasi lasing na din kaya hindi ka na ma ihatid sa inyo, so I volunteered. " Nakatingin pa din siya sa akin na animoy may nakakatawa dahil di mawala ang ngiti niya sa labi.

"Stop staring, Ethan. That's rude. " Kinuha ko ang pineapple juice ko at uminom ako para mawala yung awkward na pakiramdam.

"Kailan pa nahiya ang isang Skye sa harap ng ibang tao? " Ngayon lang din, gusto ko sanang sabihin yan pero hindi ko tinuloy.

" Wala naman akong ginawang nakakahiya nung ihatid mo ako diba? "Tanong ko sa kanya. Just making sure na matino pa akong babae kahit lasing ako.

Umiling naman siya. " You were behave that time. I like you that way. "

"Why? Maingay ba ako? " Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Hihilahin ko naman sana ito pero ayaw niyang bitawan.

" Your boyfriend is heading this way. " Bulong niya sa akin. I composed myself trying not to look where Zach is.

"I like you Ethan. " Sinabi ko yun nung tumapat na si Zach sa table namin. I want him to get jealous but I know he wouldn't.

" I like you too, Skye. " Hinalikan niya ang kamay ko na ikinabigla ko naman.

Pinandilatan ko siya ng mata pero tinawanan lang ako ng mokong. Binawi ko na ang kamay ko sa kanyang pagkahawak pero ayaw niya pa rin pakawalan ito.

" Bitawan mo na ang kamay ko Ethan. Sumosobra ka na. " Papaluin ko na sana ang kamay niya pero biglang kumalabog ang upuan at natumba na ito sa sahig. Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nakita ko na tumatawa si Zander ng nakakaloko habang asar na asar ang mukha ni Zach.

" Skye, I'll go ahead. May klase pa ako baka ma-late ako, terror prof pa naman yun. " Kumindat siya sa akin saka umalis na.

" Ang yabang. " Bulong ko sa sarili ko. Napapansin ko na lagi na lang to the rescue itong si Ethan kapag parating si Zach. Game na game din na pagselosin si Zach. Baliw lang.

I was about to leave when someone suddenly barged in front of me. The moment I saw her face my brows raised.

" What do you want? " I asked in a monotone voice.

"Ang boring mo ng kausap, Skye. " I just stared at her. Boring my arse.

" Martina, wala kasi akong gana makipag usap sa kagaya mong nonsense kausap. "Tinalikuran ko na siya but she grabbed my arm. Tinanggal ko naman ang kamay niya sa braso ko.

" I pity you. Pangalawang beses ka ng naloko. " Tumawa siya na parang nababaliw na.

"Don't pity me. Mas kaawa-awa ka kumpara sa akin. Wala na bang may gustong kumausap sayo kaya lagi ka na lang pakalat kalat? " Tinaasan ko siya ng kilay saka ngumiti ako ng nakakaloko.

" Tabi, dadaan ako. "Tinulak ko siya na hindi niya inaasahan kaya na out balanced siya at natumba.

Nagpupuyos siya sa galit dahil sa ginawa ko sa kanya. Serves you right, bitch. Akala niya siguro palalampasin ko na lang lahat ng katarantaduhan niya sa akin. Not this time. Mag babalik na si Skye, the cold blooded Skye.

"Bitch! " Sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Mamatay ka man sa kakasigaw dyan, I won't waste my precious time on you.

***.

I WENT straight to the room. Halos lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin pero deadma lang ako sa kanila. Nilapitan ako ni Zander at umupo sa katabi ng upuan ko.

" Kung pinagseselos mo si Zach, aba nagseselos nga ang gago. " Ngumisi siya sa akin.

" Wala na akong pakialam sa kanya. The last time I checked, we're no longer together. " Malamig kong sabi sa kanya but he just chuckled.

" Paano kung bumalik na alaala niya sayo? Sana lang maayos niyo pa kung ano man ang mayroon kayo. " Tumayo na siya at bumalik na sa upuan niya.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zander. Kung bumalik man ang alaala ni Zach baka panahon na lang ang makakapagsabi kung ano magiging kahihinatnan niyan. As of now kasi naka focus ako sa pag aayos ng buhay ko. Hindi ako mamatay kung wala akong boyfriend. I survived 4 years of being single, I will still survive it in the years to come.

Pumasok si Zach at nakatingin siya sa akin pero nakatingin lang ako sa harapan. As much as possible ayokong paapekto sa presensya niya. Alam na rin ng mga kaklase ko na may amnesia si Zach kaya halos lantaran na naman ang kalandian ng ibang babae dito. I don't give a damn, though.

Buong klase akong kunwari nakikinig sa lecture pero ang totoo niyan wala akong may natutunan. Labas pasok lang sa tenga ko ang tinuturo ng prof ko. I'm so bored as fuck. I wanted to leave but I couldn't. Ilang minuto na lang naman at uwian na. When the bell rang, I hurriedly went out.

" May lakad ka ba? Bakit nagmamadali ka? "Biglang sulpot ni Ethan. Muntik na akong atakihin sa puso sa biglaan niyang pag sulpot.

" The fuck Ethan. Balak mo ba akong patayin sa gulat? " Tinarayan ko siya pero ang walang hiya nakangisi lang.

" Masyado ka kasing preoccupied kaya hindi mo ako napansin. Nasa harap mo lang kaya ako. " Napakamot siya sa batok niya. Nakatingin pa rin ako ng masama sa kanya.

" Bakit ka ba kasi nandito? As far as I know, You are not my friends and never close enough to be one. " Angil ko sa kanya. Alam ko may utang na loob ako sa kanya for bringing me home safe. But it doesn't mean na friends na kami.

"Grabe, ang topakin mo talaga. Ngayon okay ka na kausap next day may topak ka na. What's wrong with you? " Tumawa ako ng mapakla. Nakatingin lang siya sa akin, sa bawat galaw ko.

" Ganito na ako even before I met you. So deal with it. " Napailing siya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yun. Tinabig ko naman ang kamay niya dahil una, I did not gave him permission to hold my hand. Gago ba siya? Hindi ko siya boyfriend, no?!

" Ethan, I did not give you the right to act as my boyfriend. I don't need one. " Tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa kotse ko. Pero nakasunod pa rin siya sa likuran ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero hinarangan niya ang pintuan.

" Pwede pasabay? "Tanong niya. Bigla akong napabuga ng hangin dahil any moment sasabog na ako sa init. Pero naalala ko na hinatid niya ako pauwi last time so instead na mainis sa kanya ay kinalma ko ang sarili ko.

" Sure, but after this quits na tayo. " I plastered a smile. Bago pa ako nakapasok sa kotse ko nakita ko si Zach kasama si Natasha nakatayo sa labas ng kotse niya at nakatingin dito sa amin. His fist clenched. Sobrang dilim ng mukha niya but I don't give a fuck!

Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive paalis dun sa parking lot. Tinapunan ko naman ng tingin si Ethan pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Buong biyahe kaming tahimik at sobrang nakakabingi ang katahimikan. If he chose to keep quiet then be it. After all, wala naman akong sasabihin sa kanya. After this, I am no longer in debt with him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.