Nakaupo si Coleen sa departure waiting area ng Dubai International Airport habang seryosong nakatutok sa laptop nito. Delayed din kasi ang flight niya na dapat ay 9pm pero ginawang 11pm kaya naiinip man ay wala na itong nagawa kundi maghintay nalang. Ang kasama niya namang temporary secretary na kapalit ni Cherry na si Arthur ay nagbabasa lang din at pinag aaralan ang schedule nila pagkadating nila ng L.A. Nakasundo rin naman ni Coleen ang bagong secretary na inassign ni Trishia dahil sa pagiging kalog nito at matalino. Magaling din itong magpick up sa lahat ng mga inuutos niya kaya di rin siya nahirapan. Isa na rin siguro sa dahilan kaya nakasundo niya ito ay simula ng malaman niyang silahis (bisexual) ito at may 5years relationship ng Australian na ipinagmamalaki nito sa kanya. Alam na rin ni Arthur na bisexual din siya na ito na mismo ang nagconfirm sa kanya base na rin sa mga inopen niya dito. Kaya sa byahe nilang yun ay madalas sila nitong nagkkwentuhan para narin makatulong sa mga pagbabagong nararamdaman ng dalaga.
"Miss Tan, do you want a coffee? Inaantok po kasi ako kya baka maglakad lakad na muna ako to get food to eat. May mga ipapabili po ba kayo?" Magalang na tanong nito sa dalaga.
Tumingin lang naman si Coleen sa wrist watch niya saka sumagot dito.
"Mahaba pa ang oras, feel free to roam around. Just make it sure to be here on time. Wala na muna akong ipapabili, baka lalo lang akong antukin.."
"And wag kang lalayo ha, bring your phone with you Art." Nakangiti nitong sabi sa secretary niya na sinundan pa ng tingin ang grupo ng mga Mexican na puro lalaki na kakadaan lang sa harapan nila. Napailing nalang si Coleen na hinampas pa ng hawak niyang libro si Art.
"Ohh please Art. You're committed." Tatawa tawa nitong sita.
"He's in Hawaii for a month Boss..."
"He'll never find out.." Pabulong pang sabi nito saka maarteng tinahak ang daan kung saan nagtungo ang kanina pang pinagpipyestahan ng mga mata nito.
Napailing nalang naman si Coleen habang pinipilit magconcentrate sa email na binabasa niya.
Ilang minuto na rin siyang nagbabasa ng nahagip ng peripheral vision niya ang pag upo sa may right side niya ng isang babaeng buntis. Lihim niya itong tinitingnan at napansin niya ang sobrang laking tiyan nito. Siguro kabuwanan na nito kung di siya nagkakamali dahil sa laki ng tiyan nito.
Di nalang niya ito tiningnan ulit at nagpatuloy sa pagbabasa ng emails.
"Hi Miss.."
Di sana niya papansinin yung nagsasalita dahil baka di naman siya ang tinatawag nito pero ng naramdaman niya ang medyo paglapit nito sa kinauupuan niya saka siya napalingon dito.
"Uhmm.. Hi Miss, can i ask something?" nag aalangan pa itong nagtatanong.
"S.. sure Miss, what is it?"
"You also booked for a flight going to Manila?" Nakangiting tanong nito.
"No.. But you're a Filipina? Or you're just going there for some vacation or something? Nacurious na tanong ni Coleen dito. Dun niya natitigan ng maayos ang babaeng kausap niya. Mukha itong chinese sa kutis nito at sa mga singkit na mga mata nito.
"Actually my Mom is, and i also study there 2years ago with my sister."
Napalapad naman ang ngiti ni Coleen at inabot ang kamay niya dito.
"Call me Coleen Castro, im half Filipino and half Chinese."
Tinanggap naman ng babae ang kamay niya at nakangiti itong nagpakilala.
"You can call me Sahara, call it coincidence but i'm also half Filipino and half Chinese. Sahara Lim is my name but im using Ditzeroi now."
"Nagtatagalog ka?" Napapalakas ang tawang tanong nito na kina amaze naman ni Coleen kaya nagkasundo ang dalawa at tuloy tuloy na nagkwentuhan.
Nalaman ni Coleen na ang family pala ni Sahara ang isa sa mga nagmamay ari ng naglalakihan ring mga malls sa Visayas region na nag uumpisa ng dumami. Kaya pala familiar din sa kanya ang mga Lim na maaaring nakasama na rin niya sa isa sa mga meetings o gatherings sa business world ng Pilipinas na kinabibilangan ng pamilya niya.
Nalaman rin niya na kabuwanan na nga daw niya at tumakas lang ito sa bahay nila sa Milan dahil nagkatampuhan daw sila ng asawa niya. Connecting flight kasi from Dubai yung nasakyan niya kaya swerte na nagtagpo at nagkakilala silang dalawa.
Kanina pa palinga linga si Coleen dahil mag 10pm na pero wala parin si Art. Buti nalang at may nakita siyang kakwentuhan kaya di siya gaanong nabobored kakaantay ng oras.
Nasa kalagitnan sila ng tawanan ni Sahara ng mapansin niyang namimilipit ito.
"Coleen.. Help! I think mangananak na ako! Ahhhhhhhhhh! " Kasunod nun ay ang di magkaintindihang pamimilipit nito sa sobrang sakin na napakapit pa ng mahigpit sa braso niya.
"What?! Are you serious? Here?! Omg!! " At di na rin magkandaugagang tumawag ng assistance si Coleen. Nalito na rin si Coleen dahil di naman siya mabitawan ni Sahara habang nakahiga ito sa stretcher.
Paalis na sana sila ng makita niya ang hangos na hangos na si Art na nagtatakang nakatingin sa kanya. Di niya pwedeng iwan si Sahara dahil wala din itong kakilala at nag iisa lang itong bumyahe papuntang Pilipinas.
"Stay here and watch our things! Pati na rin ang mga gamit ni Sahara. I might call you after few minutes kaya wag kang punta ng punta sa kung saan.." Kanda bulol na bilin niya sa secretary niya na tuliro sa mga nangyayari.
Marami pang binilin si Coleen kay Art bago pa sila umalis at naiwan itong nakanganga at gulong gulo sa mga nangyayari sa boss niya na iniwan niya lang ng ilang minuto.
Sa Prime Hospital na malapit sa Le Meridian hotel kung saan nagstay si Coleen naman dinala si Sahara dahil ito ang pinakamalapit sa Airport. Tinawagan naman niya si Art na dito na sumunod at pinadala nalang niya ang mga gamit ni Sahara dito.
Halos mag 2 am na pero mulat na mulat parin siya habang si Art naman ay pinacheck in na muna niya ulit sa hotel na pinaggalingan nila. Marami itong tanong at kung ano ano pa dahil kailangang nasa L.A. sila bago mag tuesday para sa event na kailangan nilang puntahan dun, sinabi nalang niya na mamaya sila mag uusap kapag okay na yung kakakilala niya lang na bagong kaibigan.
May mga ilang number din siyang tinawagan at minessage na bilin din ni Sahara bago ito pumasok sa delivery room. Di na niya halos matandaan yung ilan pang nakausap niya dahil sa sobrang pagod at pagkalito dahil sa biglaang pangyayari.
Nakayuko lang siya habang nakatitig sa relo niya ng mahagip niya ang babaeng matangkad at morenang parang model na naglalakad patungo sa kinauupuan niya. Medyo napatitig pa siya dito dahil familiar ang mukha nito at parang ilang beses na rin niyang nakita. Di lang niya maisip kung saan at kelan niya ito nakita. Bakas sa mukha nito ang pag aalala na halatang kagagaling lang din sa pag iyak.
"Excuse me Miss... You're the one who messaged me regarding Sahara's condition? " Nanginginig na tanong nito kay Coleen.
"Yes.. You are?" Nag aalangang tanong ni Coleen sa babaeng kararating lang na familiar sa kanya.
"I'm Danielle Faith Ditzeroi, she's my wife." Sabi lang nito na tuluyan ng tumayo at naglakad pabalik balik sa labas ng delivering room kung saan nasa loob si Sahara.
Natigilan naman si Coleen na nakatingin lang dito at iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Naalala nga niya na may minessage siya sa cellphone ni Sahara na may nakalagay na Hon pero di niya alam na babae ito o kung totoong asawa ba ni Sahara ang babaing ito. Bigla din napatingin ulit si Coleen kay Danielle na naglalakad pabalik balik ng maalala niya kung sino ito.
"Danielle Dy, the famous Congressmans daugher, in modeling world?" Nabanggit ni Coleen na ikinalingon naman ni Danielle.
Tila nagtatanong naman ito na nakatingin lang kay Coleen.
Natatandaan ni Coleen si Danielle dahil isa ito sa mga Pinay models ng isa sa Clothing company nila na may branch sa Milan, Italy na hawak ngayon ng kapatid niya. Sino ba ang di makakakilala dito na kahit saan ka ata lumingon ay may naglalakihang billboard ito sa kung saan saan din sa Manila dahil sa pagiging freelance model nito.
Pero di niya inakala na may may asawa na ito at babae pa. Sa ganda nito at sa pagiging prominente din ng pamilya nito, di talaga siya makapaniwala sa nalaman niya.
"Coleen Castro - Tan. Im the one who sent you a message." Pakilala niya rin dito na ikinalaki ng mata ni Danielle.
Di niya inakala na isa pa palang Tan ang kasama ng asawa niya at nagulat din siya dahil di niya pa nakikita ang anak na babae ng mga Tan kung saan siya nagtatrabaho.
Nagkakilala ang dalawa at nagkasundo habang naghihintay na lumabas ang doktor na parehas nilang inaantay.
Sinabi sa kanya ni Danielle na sumunod din ito agad sa asawa ng malamang magpupunta ito ng Pilipinas kaya naman nakapagpabook din ito agad kaya mabilis itong nakarating sa ospital ng imessage niya ito.
Nalaman din ni Coleen na halos ten years na daw sina Sahara at Danielle, kasal na rin daw ito sa US kung saan legal ang same sex marriage. At dun na rin isinagawa ang artificial insemination kaya nabuntis si Sahara. Legal din daw sila both sides pero pinili nalang nilang isapribado kung ano man ang meron sila para sa tahimik na buhay. Lalo lang din daw gugulo dahil na rin sa pagiging sikat ni Danielle, okay na rin daw ang mahalaga ay open ang relasyon nila sa parehas na pamilya.
Marami pa siyang nalaman habang naghihintay sila parehas sa labas ng delivery room.
At kahit pa ngayong kalong kalong na ni Danielle ang baby nila ni Sahara ay tuloy tuloy parin ang kwentuhan nila.
"Maraming salamat talaga Coleen ha, utang ko sayo ang buhay ng mag ina ko." Mangiyak ngiyak na sabi ni Danielle habang karga karga ang anak.
"Wala yun, naging kaibigan ko na rin ang asawa mo eh saka swerte na rin siguro dahil mas nakilala kita.. Kayo ni Sahara.." Nakangiting sagot ni Coleen.
Si Sahara naman ay tulog pa dahil na rin siguro sa pagod sa panganganak.
"See you in the Philippines Danielle, kayo ng asawa mo. Maybe we should talk and have a long chitchat kapag maayos na ang lahat." Coleen.
"Ay oo nga pala, kailangan niyo pang habulin ng secretary mo ang Flight niyo ng 9am. Nakakahiya man kasi alam kong wala kang tulog, di ko na kayo pipigilan. Alam kong sobrang busy mong tao Coleen. I mean Miss Tan." Medyo nahihiyang sabi ni Danielle.
"Just call me Coleen okay, ikaw talaga.. Basta magkita tayo pagbalik ko, saka diba sabi ng asawa mo magsstay kayo dun for few months at dun na rin bibinyagan si Baby Alex. See you nalang.." Nakangiting sabi ni Coleen habang tinitext si Art na kausap na naman yung lalaking nurse na nakilala nito kanina.
"So pano naba yan, kukunin kana naming Ninang ni Baby Alex ha. Basta message mo kami pagkadating mo ng Pinas, mameet mo man lang sina Daddy at makapag dinner or lunch ka sa bahay.."
"Sure thing Danielle."
"Bye baby Alex.." At hinalikan niya muna ang baby bago nagpaalam kay Danielle.
Halos kaladkarin pa nito si Art na ayaw paawat sa kausap nitong nurse na pinapacute-tan nito.
COLEEN'S POV
Parang ansarap sa pakiramdam na legal kayo ng girlfriend mo, kasal kayo at may baby pa kayo na siyang nagba bind sa pagsasama niyo.
Yes i want to have such family. But how. Ni wala akong girlfriend. Or let's say ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang pagkatao ko. Kung matatanggap ba ako ng pamilya ko.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko saka tumitig nalang sa mga ulap na nakikita ko sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko.
I let out a deep sigh and think again.
"Ang hirap naman intindihin ng buntong hininga niyo Ma'am".Pasaring ni Art na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"Is it about Jane Ma'am? Napapansin ko kasing kanina pa malalim ang iniisip niyo. Miss niyo na po ba siya?"
Yes, he knows everything about Jane and I. Sa ilang oras ba naman namin sa byahe at halos magkapalitan na kami ng mukha dahil sa mga lugar na pinupuntahan naming dalawa para umattend ng kung ano ano e alam na rin niya halos kalahati ng istorya namin ni Jane.
Napahinga lang ulit ako ng malalim saka inilagay ang mga kamay ko sa baba.
"I'm just too tired Art." Sinagot ko nalang at tumingin ulit sa labas. Akala ko di na siya magsasalita pa pero natigilan ako sa sinabi niya.
"Nakakainggit sila Danielle at Sahara Ma'am no? Nangangarap din ako ng ganong pamilya someday. Pero yun nga lang, kailangan pa naming mag ipon ni Martin para mangyari lahat ng yun." Medyo natatawang kwento nito.
I chose not to speak and just listen to whatever he says.
"Ma'am sana magkaayos pa kayo ni Miss Mondragon. Nakakatuwa kayong couple if ever. Bagay na bagay kayo." Kinikilig pa nitong sabi na naramdaman ko pang parang ibong naiihi dahil sa paggalaw niya.
"At syempre sana maging maayos if ever masabi niyo na kina Mr. Enrique at sa Mommy mo, di ko man gaanong kilala ang family mo pero base sa mga nababasa ko sa magazines e napakabait at malalambot ang puso ng mga Tan."
"Alam ko na maiintindihan ka nila kasi mahal na mahal ka nila.."
Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Sana nga totoo ang sinabi ni Arthur. I know my Dad well. Matigas man si Daddy pero alam ko na mahal na mahal niya ako. Pakiramdam ko wala akong magiging problema kina Mommy at kuya.. at sana nga kahit kay Daddy maging maayos.
Ayoko na ring magkulong sa mundong ako lang ang nakakaalam. I also really want to pursue Jane. Mahal ko na rin si Jane, matagal ko na ring pinag isipan lahat bago pa ako bumaba ng barko. Lahat ng nangyari at maling decisions ko noon na dapat itama ko.
Naputol ang pag iisip ko ng may malakas na suminga sa panyo na ikinalingon ko sa katabi ko.
"Why are you crying?" Nagtatakang tanong ko kay Art na pulang pula ang mata na umiiyak na pala sa tabi ko ng di ko namamalayan.
"Nakakaiyak kaya Ma'am. Tapos naalala ko nung unang nag out ako sa Daddy ko.." Sumisinghot na sabi nito sa garalgal na boses.
Di ko alam kung matatawa ako o ano sa itsura ni Art ngayon.
"Are you a gay? Stop it Art. Nasa eroplano tayo at tumitingin na yung ibang passengers."
"Baka isipin nila na boyfriend kita at binibreak kita kaya humahangulgol ka dyan." Pabirong sabi ko na siniko pa siya habang pinipilit na wag matawa. Pano ba naman di ko maiwasang di matawa sa itsura niya, tinalo niya pa ang iniwan ng asawa sa lakas humagulhol.
"Ma'am you know that i'am a big hunk gay okay, nakakaiyak kasi talaga.." At napahagulhol ulit itong humilig pa sa balikat ko. Natatawa nalang akong umiling iling habang inaalo ko ang baklang umiiyak sa tabi ko.