The Lady Marine Engineer Chapter 36

Di na alam ni Jane kung ilang minuto o oras na siyang pabalik balik ng lakad sa kitchen para lang kalmahin ang sarili at wag sumunod sa bisita niyang walang modo na umakyat nalang sa kwarto niya ng wala man lang pahintulot.

Gusto man niyang sundan ito ay pinili niya na lamang pumunta mg kitchen para uminom ng tubig at dito kalmahin ang sarili niya. Naweweirduhan na talaga siya sa mga ikinikilos ni Coleen ngayon. Samantalang dati kulang nalang e ipagtulakan siya nito wag lang makita o makausap ulit.

Tinawagan na rin niya si Charlotte na di na siya makakasunod dito. Nagdahilan na lamang siya na nakaramdam ang Mommy niya kaya kunwari ay pinabantayan siya sa kanyang Yaya Divine kaya di siya makaalis.

Pero ang totoo dahil talaga sa impakta na bigla nalang pumunta dito sa bahay at walang modong inagaw ang susi niya saka tuloy tuloy na pumasok sa pamamahay niya.

Naiinis at naiirita ang dalaga sa mga nangyayari. Kaya minabuti niya nalang na wag itong harapin o patulan.

Napatingin si Jane sa bouquet ng yellow roses na ipinatong niya na lang sa mesa nung kumuha siya ng tubig.

Huling pagkakaalam niya ay sinungitan siya ni Coleen at kagaya ng dati, wala man lang paalam na nawala ito ng halos isang linggo at kung di siya nagtanong tanong ay di niya malalaman na nasa labas na naman ito ng bansa. Marahil ay inaasikaso nito ang business nila, base na rin sa kwento ng Kuya nito na nakaclose na rin niya.

She can't hide it. She did make Coleen feel that she hated her, pero di niya maitatago na sa likod ng kumukulong dugo niya dahil sa inis at galit parin sa dalaga ay natuwa siyang makita ulit ito.

Coleen even give her a bunch of red roses.

Yellow roses?

Natigilan ang dalaga at napaisip habang naglalakad papunta sa isang bugkos ng bulaklak na kanina'y inabot sa kanya ni Coleen at tinitigan ito.

"Is it possible that Coleen also is the person behind the yellow roses i'm always receiving?" Pabulong na nasabi nito habang nakatitig parin dito.

"It can't be. Its not possible.."

"Pano naman mangyayari yun e ilang araw siyang nawala but still may mga nagpapadala pa rin ng flowers sakin sa school and even dito sa bahay." parang baliw na kausap niya sa sarili.

" Jane anak bat gising ka pa?"

"Ay palakang ipis!!"

Halos mapatalon sa gulat na nasabi ni Jane ng may biglang nagsalita sa may likuran niya.

"Yaya Divine naman, wag nga po kayong bigla bigla na lang sumusulpot! Baka atakihin pa ako sa puso sa inyo.."

"Kukuha lang ako ng tubig anak, bakit gising kapa?" Naglalakad papunta sa ref na sabi nito.

"Parang di ko napansin yang bulaklak na yan kanina bago matulog ah? Saan galing yan anak? Yun pa rin bang dating nagpapadala sayo?" Nakangiting sabi ni Yaya Divine habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Sinulyapan niya pa ang alaga niya na nakatingin din sa bouquet ng bulaklak sa mesa.

"Dalagang dalaga na talaga ang alaga ko... Aba'y pag nalaman yan ng Daddy mo magtatanong yun sigurado sayo.." Napangiwi siya sa sinabi ng yaya niya.

"Maiba akong bata ka, bakit gising kapa e malalim na ang gabi, matulog kana at may pasok kapa bukas ng maaga.."

Napabaling naman ulit si Jane kay Yaya Divine.

"Maaga pa naman po Ya, Ahhh..kasi... uminom din ako ng tubig kaya naisipan kong bumaba dito.." Pagdadahilan niya.

"Ganun ba? Basta umakyat ka na dun bata ka.. Matulog kana at ng makagising ka ng maaga, mag aalas dos na rin e nandito kapa.." paalam na bilin ng matanda na papunta na rin sa kwarto nito para matulog.

Napipilan naman na napatingin bigla si Jane sa relo niya ng marinig ang sinabi ng Yaya niya.

Shit! 2am na? Ganun katagal na nandito ako sa baba? napatingin si Jane sa hagdan paakyat sa kwarto niya.

"Siguro naman tulog na yun sa guestroom..."

Naisip nalang ni Jane na umakyat sa hagdan pero wala pang ikatatlong hakbang e bumalik agad siya papuntang kichen.

Paano kung gising pa pala yun at hinihintay ako?

Baka sumabog lang ako at samain siya sakin!

Gigil na bulong niya sa isip niya.

Pakiramdam niya kasi di pa rin siya handang makausap ang dalaga kahit na ilang araw na siyang pabalik balik sa office nito o nagtatanong sa kuya nito kung kailan siya babalik.

"Fine! Bahala na..."

At lakas loob na naglakad siya paakyat ng hagdan. Siguro naman ay nasa guest room ito at tulog na kaya papasok nalang siya sa kwarto para makatulog na rin siya at makaalis ng maaga kinabukasan para di na niya ito makaharap pa.

Miss na miss na niya ito pero di niya alam sa sarili niya kung bakit bigla na namang nabahag ang buntot niya at umurong ang dila niya ng bigla niya itong nakaharap. Siguro dahil di pa nawawala at nagingibabaw parin yung sama ng loob niya dito.

Lumakas pa lalo ng tibok ng puso niya ng madaanan niyang nakaawang ang pinto ng guest room.

Maingat nalang siyang naglakad na kulang na lang ay bitbitin niya ang suot na tsinelas para di matunugan ang pagdaan niya.

Dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto ng kwarto niya ay maingat din itong sinara at nilock pa para di siya matunugan kung gising pa man ang babaing iniiwasan niya.

Bwisit talaga siya. Nagmukha pa akong magnanakaw nito na natatakot mahuli sa loob mismo ng bahay namin! Yamot na sigaw ng isip niya na lumapit sa kama niya.

"Anak ng----- Dam---!!"

Mabilis na natutop niya ang bibig niya para di makasigaw ng halos mapatalon ulit siya sa gulat ng maaninag niya ang magandang babae na nakahiga sa kama niya. Lamp shade lang kasi ang nakabukas kaya di niya ito naaninag kaagad kanina pag pasok niya.

Parang pinako si Jane sa kinatatayuan niya habang titig na titig sa natutulog na babaing iniiwasan niyang makita.

Nananadya ba talaga ang babaing to?! Ang lakas ng loob na dito pa matulog sa kwarto ko..

Pero parang may humaplos sa puso niya ng matagal niya itong natitigan at bakas sa mukha ng dalaga ang sobrang pagod dito. Nakatulog kasi ito na may hawak pang cellphone sa kanang kamay na malapit ng malaglag sa pagkakakapit nito. Kaya naman dahan dahan siyang lumapit dito at maingat na tinanggal ang cellphone na kapit nito. Ipinatong niya na lang ito sa malapit na table saka bumalik sa dalaga at dahan dahang kinumutan ito.

Parang lahat ata ng galit at inis pati na rin sama ng loob niya dito ay nabubura habang tumatagal na tinititigan niya ito.

Jane wants to caress her face and give her a kiss while she's in a deep sleep but she chose not to do it. Tinitigan niya nalang itong payapang natutulog.

Napangiti nalang siya ng maisip na siya ang pinuntahan nito pagkatapos nitong manggaling sa office, dito pa ito natulog sa kwarto niya kahit sinungitan niya ito kanina.

Gumuhit ang matatamis na ngiti sa labi ni Jane habang tumatakbo sa isip niya ang kung ano anong dahilan kung bakit nasa kama niya si Coleen kahit di maganda ang paguusap nilang dala. Nadagdagan pa ang mga ngiting yun ng maalala niya ang binigay nitong flowers sa kanya. Nag effort pa kasi itong bumili ng bulaklak kahit gabi na para maibigay sa kanya.

Papakiligin ka lang niyan tapos bukas iiwasan kana naman niyan at sasabihing di pwedeng kayo saka ka pagtataguan o ipagtutulakan na lumayo. Sigaw ng isang parte ng utak niya na ikinabago ng ngiti niya.

Napalitan ng inis ang panandaliang saya na naramdaman niya sa dalaga.

Di dapat ako nagpapadala sa mga ginagawa mo Coleen. Sasaktan mo lang ako.

Iiwan mo lang din ako ulit kagaya dati.

Di napigilan ni Jane ang pagpatak ng mga luha sa mata niya na nagpalabo sa pagkakatitig niya sa natutulog na si Coleen.

Nasasaktan ulit siya. Bumabalik na naman lahat ng sakit na nararamdaman niya para sa babaeng minahal niya ng sobra.

Bago pa siya himagulhol at di mapigil na lalong umiyak at magising ito na maabutan siya ay mabilis at maingat na siyang lumabas sa kwarto niya papunta sa kwarto ng Mommy niya.

Pinili niyang dito nalang magpalipas ng lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Di ko pa siya mahaharap dahil andito parin yung sakit."

At itinabon sa mukha niya ang unan ng Mommy niya habang tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha sa mata niya.

Nagising si Coleen dahil sa ilang magkakasunod na ring ng cellphone niya. Nakapikit at iritableng kinapa niya ito kung saan pero di niya ito makita kaya napilitan siyang imulat ang mata at hanapin yun. Di na kasi niya alam kagabi kung saan niya ito naipatong dahil na rin sa sobrang pagod at antok.

"Where did you sleep?" Tumatawag ako sa condo mo pero sabi ng maid mo di ka raw umuwi dun kagabi."

Bungad ng Kuya niya na tumawag ng pagkaaga aga na naman.

"It's 8:23 my dear sister, usapan natin magfa family breakfast tayo. On the way na kami ng asawa ko papunta sa mansion. Asan ka ba?" Tanong nya ulit.

Napamasid si Coleen sa paligid niya habang ini strech ang left hand niya.

Dito nga pala siya natulog sa kwarto ni Jane. Kakausapin niya sana ang dalaga pero di niya namalayan na nakatulog na siya dahil sa sobrang pagod.

"Brylle! Andyan kapa ba? Where the hell are you!?"

Nilayo ni Coleen sa tenga niya ang telepono niya ng pasigaw na nagsalita na naman ang kapatid niya.

"Will you stop shouting Kuya? Kagigising ko lang!"

"Mag 9 na ng umaga kaya bilisan mo na! Mamaya na kita tatanungin kung san ka ba natulog." Seryosong sabi nito na may narinig pa siyang nagsasalita sa background nito. Marahil kausap nito ang asawa nito.

"Dont be so OA Kuya. Its still 8 in the morning." Sagot niya sa kapatid.

"Go home for family breakfast Coleen okay! And one more... Dad wants to talk to you.."

Tumaas bigla ang kilay ni Coleen sa narinig niya.

"I think he got some important things he wants to discuss with you." Vincent.

"What was that all about?" Nagtatakang naitanong niya na lang.

"I don't know, kahapon pa siya nagtatanong sa akin tungkol sayo. Tapos kanina tinawagan pa ako para itanong kung nasaan ka daw dahil di ka raw sumasagot ng tawag niya kagabi pa."

Sasagot pa sana si Coleen pero nagpaalam na rin ang kapatid niya dahil malapit na rin daw sila sa mansion.

"Fix yourself and go home for breakfast Brylle, i have to go. Aantayin ka namin. Bye."

Nag iisip naman na binaba nalang ni Coleen ang cellphone niya. Tiningnan niya rin ang phone niya at may nakitang 12 misscalls, 9 nun ay galing sa number ng Daddy niya at yung tatlo naman ay sa secretary niya.

Naisip niya na baka tungkol lang sa naging flight niya nung nagpunta siya sa LA at Dubai o kaya naman ay tungkol sa company kaya binalewala niya nalang at nagmamadaling bumangon para hanapin si Jane.

Wala kasi ito sa kwarto niya ganong napakaaga pa naman. O baka naman nasa baba lang dahil ang alam niya may pasok ito.

Maybe she's having a breakfast.

Napangiti pa siya ng makita ang suot suot niya na pair ng pajamas na kinuha niya pa sa closet ni Jane kagabi.

Abot tengang ngiti na pumasok siya sa cr at nagfreshen up, pagkatapos niya mag ayos ng sarili ay bumaba na rin siya para hanapin ang dalaga. Dumaan pa siya sa guestroom pero wala ito kaya bumaba na siya baka sakaling andun ito.

"Magandang umaga hija.. halina at kumain. Nabanggit sa akin ng alaga ko na nandito ka daw at dito kana nagpalipas ng gabi."

"Sayang nga at wala si Isabella, sigurado matutuwa yun na nandito ka.."

Ngumiti naman si Coleen at binati si Yaya Divine na kasama ang ilang maid na bumati rin sa kanya. Magkalapit na ang loob nilang dalawa dahil dati ay tinulungan niya itong magluto nung nagpunta siya dito. Nagkakwentuhan na rin silang dalawa ng matagal nun habang inaantay si Jane.

"Buti at nasabihan niya ako kaninang umaga, himala nga at napakaaga magising nun samantalang kagabi e gising na gising pa e alanganing oras na." Yaya Divine.

"Nasaan nga po pala siya? Di man lang ako ginising nun.." Natatawang sabi ni Coleen.

"Koo, napakaaga umalis hija.. May maaga daw siyang ime meet para kunin yung sa thesis niya daw. Sabi ko nga mag agahan muna e kaso nagmamadali na daw siya."

Natigilan si Coleen sa sinabi ng yaya nito.

Baka nga iniiwasan siya nito. Kagabi mukhang di ito sa kwarto niya natulog. O ayaw siya nitong katabi o makausap, baka naiinis pa ito dahil sa pag agaw niya ng susi ng kotse nito.

Well di niya ako matatataguan o maiiwasan, not now. A simple smile form in Coleens lips.

"Ganun po ba.. Baka puntahan ko na lamang siya mamaya sa school.."

"Nga po pala Yaya Divine, aalis na rin po pala ako. May family breakfast po kami ngayon sa bahay.."

"Next time po pangako, dito na ako mag aagahan.." Nakangiting turan nito sa matanda.

"Okay lang hija.. Basta pangako mo yan ha.. Aba miss ko na ang kwentuhan natin.."

"Sige po, hayaan niyo at tatagalan pa natin ang kwentuhan natin.. Marami rin po akong ikukwento sa inyo.."

Magalang naman na nagpaalam ang dalaga sa mga ito. Tinawagan na lamang niya ang driver niya at nagpasundo dahil kailangang makauwi na rin siya para sa agahan kasama ang pamilya niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.