ISANG magarang limousine ang naging bridal car ni Poppy sa araw ng kanyang kasal. Sa loob ay kasama niya si Blair na mukhang mas excited pa sa kanya. Flower girl ang anak. Tuwang-tuwa ito sa suot nitong dress at flower crown. Pero halatang mas natutuwa ito sa ayos niya. Ilang beses siyang pinuri ng anak. Ganoon rin naman ang gustong gawin niya sa sarili. She looks so beautiful she can’t almost believe that it was her when she looked at her reflection. Napakaganda ng naging ayos sa kanya at sinamahan pa nga ng maganda rin niyang wedding dress.
“We both look beautiful, Baby.” Wika na niya sa anak ng pang-sampung beses na siya nitong pinuri. Nasa thirty minutes rin ang biyahe patungo sa simbahan mula sa mansion ng mga de Guzman kung saan siya at si Blair nanatili kagabi.
“But you are much more special, Mommy. For sure, ang ganda na naman ng ngiti ni Daddy.”
“That, I wish, too.”
Bilang babae, iniisip rin niya ang iisipin ni Blaise. She wanted to please her husband. Umaasa siya na kapag naging maganda pa siya lalo sa paningin nito ay makuha na niya ang mga kulang pa sa ibinibigay ni Blaise sa kanya.
She wanted to have her ultimate dream: to love by the man she loves. Ngayong pakakasalan na siya ni Blaise, hindi naman malayong makuha niya iyon.
Pinatunayan ni Blair na excited ito. Pagkahinto pa lamang ng sasakyan sa simbahan ay mabilis na bumaba na ito. Sinalubong naman ito ng coordinator at ibinigay sa isa pang staff na nag-aayos rin ng entourage. Nilapitan siya ng coordinator at sinabihan na huwag munang lalabas habang hindi pa natatapos ang buong entourage at naisasara ang pinto. Dahil minsan ng muntik na ikasal, na-gets naman ni Poppy ang proseso at sinasabi ng coordinator.
Umalis ang coordinator at bumalik sa loob. Isinara ang pinto. Nakaramdam ng dagundong sa puso si Poppy. Parang kinabahan at natensyon siya. Inisip niya na siguro ay ito na ang tinatawag na wedding jitters. Pero nang biglang umandar ang sinasakyan, iba na ang naiisip niya.
Kinatok ni Poppy ang bintana ng driver nang hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ang driver ng limousine. Wala rin na maggawang pumigil dito dahil lahat ng tao ay nasa loob na. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi niya gustong maging run away bride muli!
Binuksan naman ng driver ang bintana. Ngumisi ito sa kanya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Poppy nang makilala ito.
“Zac...”
Napakarami ng tanong sa isip ni Poppy. Paanong naroroon si Zac? Ano ang gagawin nito sa kanya? Paano ang kasal nila ni Blaise? Maililigtas ba siya nito sa isang taong kagaya ni Zac?
Lumaki ang ngisi ni Zac. “Surprised, Darling? Minsan ka ng ninakaw sa araw ng kasal ko. Bawi-bawi rin kapag may time.” Wika nito saka mas pinaharurot pa ang takbo ng limousine.
Natumba si Poppy sa bilis. Masasabi niya na nasaktan siya. Pero alam niyang wala ang sakit na iyon sa isipin sa mga susunod na mangyayari sa kanya...
“ANONG hindi ma-trace?! Daang libo ba ang mayroong limousine sa Pilipinas? Anong ginagawa ng mga CCTV na pinalagay ng gobyerno sa mga kalsada?! Bullshit!” sigaw ni Blaise sa mga pulis nang i-report na hindi pa rin nakikita kung saan dinala ang bride niya. Mukhang may gumaganti sa kanya. Kung dati ay siya ang nagnakaw ng bride, ngayon ay sa kanya naman ginawa iyon.
“Sir, pasensya na. Dalawang oras pa lang naman simula ng---“
“Sinasabi niyo bang mabilis pa ang dalawang oras? Maraming magagawa sa isang tao sa loob ng tatlong oras!”
At hindi ko gustong isipin iyon. Napapikit sa inis si Blaise. Ano ng nangyari kay Poppy? This was supposed to be a special day for the both of them. Pero wala ba silang karapatan na dalawa na sumaya?
“We are doing our best po.”
“Dapat lang!” tinalikuran na ni Blaise ang mga nag-report na pulis. Nakita niya si Blair na iyak nang iyak sa tabi. Nag-aalala ito sa nangyari sa ina nito. Pero doble ang pag-aalala ni Blaise.
Niyakap at nilapitan ni Blaise ang anak. Sinigurado niya na magiging maayos ang ina nito.
“I’m so scared, Daddy...” durog na durog ang puso ni Blaise.
“I’m here. Gagawin natin ang lahat para mailigtas ang Mommy mo.” ipinagkatiwala ni Blaise ang anak kay Allain nang tumunog ang kanyang cell phone. Overseas call---si Brendon. Madaling araw na roon pero nilibre ng kaibigan ang sarili para makausap siya. Pinakilos nito ang mga contacts. May hinala siya kung sino ang salarin ng lahat.
“Mukhang tama ka, Blaise. Ayon sa investigators ay umalis si Zac papunta ng Pilipinas two weeks ago. Mukhang inagahan niya para makapaghanda.”
Si Zac ang iniisip ni Blaise na nagpadukot kay Poppy. Oo, marami naman siyang kakompetensiya at nakaaway sa trabaho. Pero sino ba naman ang gaganti sa kanya sa paraang ganoon? Kung paano nito naggawa iyon, gusto niyang palakpakan ito sa galing. Nakalusot ito. Pero hindi na niya binigyang halaga ang mga paraan nito. Ang kailangan niya ngayon ay mahanap si Poppy.
“Gago ang lalaking iyon.” Napatiim-bagang si Blaise pagkatapos magkomento. Galit na galit siya.
“Have faith, Blaise. Mahahanap rin si Poppy. Nandiyan kayo sa Pilipinas. Mas batas kayo diyan kaysa kay Zac na simula noong bata pa ay dito na sa America na nanirahan. For sure, hindi naman ganoon kalaki ang contacts ng lalaki diyan para maging matagumpay ang plano.”
Nahiling ni Blaise na ganoon. Pagkapatay niya ng tawag ay saktong lumapit ang kapatid ni Blaise na si Rolf. Tinapik nito ang balikat niya.
“I wonder kung bakit ka nag-aalala ng ganito, Blaise.”
Muntik na niyang singhalan ang kapatid sa tanga ng sinabi nito. Inalis na lamang niya ang kamay nito sa balikat niya.
“Kung mawawala si Poppy, hindi ba at parang pabor iyon sa `yo? You’ll have the sole custody for Blair...”
Doon hindi nakapigil si Blaise. Binalya niya ang kapatid sa pader sa galit. “Nakainom ka ba? Anong gusto mong palabasin? Na hinihiling ko na sana ay mamatay na lang si Poppy? I’m not that selfish to wish for something like that! As much as I wanted to have the will, I wanted my family, too. Blair and Poppy is the most important girls in my life!”
“How important?” cool pa na sabi ng kapatid sa kabila ng sitwasyon.
“I can sacrifice my own life for them!”
“Applicable rin `yan kay Poppy?”
“But of course!” hindi man maintindihan kung bakit sinasabi iyon ni Rolf ay sinagot na rin niya ito.
Namilog ang mata ni Rolf. Ngumisi ito. “You love her.”
Kumunot ang noo ni Blaise. “What are you talking about? Hindi dapat natin pinag-uusapan ito!”
“Admit it first, brother.”
Binitawan niya ang kapatid. Naloloko na ito! Pag-uusapan pa nila ang pag-ibig sa lagay ngayon?
Lumabas si Blaise. Humithit siya ng sigarilyo. Kailangan niyang kumalma. Alalang-alala na siya kay Poppy ay pinapagulo pa ng kapatid ang isip niya.
“Sa totoo lang, hindi kita maintindihan, Blaise. Halata naman na matindi ang nararamdaman mo sa bride mo. Pero bakit ang simpleng pag-amin mo lamang na mahal mo siya ay hirap na hirap ka?”
Umismid si Blaise. “Dahil hindi ito ang oras para pag-usapan iyon.”
“Kung ganoon, edi hindi mo siya mahal.” iiling-iling na wika ni Rolf.
Pakiramdam naman ni Blaise ay lalo siyang nainis sa komento ng kapatid. “Wala kang karapatan para sabihin sa akin ang mga salitang `yan.”
“Then what are you feeling about her?”
Para magtigil na ang kapatid, nilahad na ni Blaise ang nararamdaman. Ikinuwento niya rito ang kakaibang pagmamanipula ni Poppy sa puso niya.
“Dati mo pa ba nararamdaman kay Poppy `yun?”
“Oo.”
“Eh bakit hinayaan mo siyang umalis? Bakit hindi mo siya pinaglaban?”
“Alam mo na ang issues sa pamilya namin. Saka noong malaman ko ang tungkol kay Blair, sinubukan ko naman.”
“You’re a business man. You should be good in bargaining. Aminin mo na duwag ka lang.”
“Siguro nga. Masakit sa akin na hayaan silang malayo sa akin noon. Hindi ko gusto. Pero inisip ko rin naman si Poppy. Sinabi niya sa akin na ang pagpapalaya ko sa kanya ay ang tanging makakapagpasaya sa kanya.”
“So her happiness means more to you than your own?” may kibot sa labi ni Rolf.
“Ganoon na nga.”
“Then you love her.”
Hindi sumagot si Blaise. Sa halip, ipinasok niya sa isip ang sinasabi ni Rolf. Her heart was aching pero bahagyang guminhawa iyon sa isipin na mahal niya si Poppy.
Love is not complicated. Kailangan mo lang na aminin iyon. Naalala ni Blaise na minsang sinabi ni Poppy.
May takot si Blaise sa concept of love. He always said that it was complicated. Masasabi rin niya kasi na isang dahil noon ay ang kanyang mga magulang. Nakita naman niya ang pagmamahal sa mga ito noong bata pa siya. Pero ang ginawa ng kanyang ama nang mamatay ang kanyang ina? Kinitil nito ang sariling buhay sa sakit. Mahal na mahal nito ang Mommy niya. Hindi nito nakayanan ang sakit nang mamatay ito sa panganganak kay Agnes.
At ngayon ay parang ganoon rin si Blaise. Ikamamatay rin yata niya si Poppy kapag nawala sa kanya. Unti-unting tumulo ang luha sa mata ni Blaise sa isipin. Now he had Poppy and recognize his feelings about her, he didn’t know how to live anymore without her. Nandiyan man si Blair pero iba pa rin ang pagpapahalaga niya kay Poppy kaysa rito.
“I have to find her.” Itinapon ni Blaise ang kaninang hinithitan na sigarilyo.
Tinapik ni Rolf ang balikat ni Blaise. “`Yun ang dahilan kung bakit kailangan ko na tanungin pa kita nang tanungin. You should get back to your senses. Kung mahal mo talaga si Poppy, ipaglalaban mo siya ng sarili mo. Hindi ito na ganitong umaasa ka lamang sa report ng mga pulis. Have your own investigation.”
Tumango si Blaise. Sakto namang dinaluhan muli sila ng mga pulis at nagbigay ng bagong report. Nahanap na raw ang kinaroroonan ng limousine. Nakaparada lamang iyon basta sa isang parking area sa Makati at walang tao. Pero ayon sa CCTV ng parking area ay mukhang nagpalit raw ng sasakyan ang mga tao sa limousine. Sa pagkakataong iyon, na-track na kung nasaan ang sasakyan. Nagpunta raw sa isang tagong baranggay sa Pasay ang sasakyan. Kung saan na bahay, inaalam pa.
“Sasama ako sa operasyon,” wika ni Blaise. Kailangan niya na maging matapang. Kailangan niyang iligtas si Poppy.
Hindi puwedeng mawala sa kanya si Poppy. Ni hindi niya pa nasasabi rito na mahal niya ito.
NARAMDAMAN kaagad ni Poppy na may mali sa kanya nang maggising siya. She was probably drugged. Huli niyang naalala na may in-spray sa loob ng limousine si Zac bago siya mawalan ng malay. Nahilo siya. Ngayong naggising ay nasa loob siya ng isang walang kagamit-gamit na kuwarto.
May dalawang tao na nakatingin kay Poppy. Nakita niya ang mga magulang. Pero hindi pa rin niya naramdaman na ligtas siya. Alam niyang kakampi ito ni Zac. Kaya naman ikinagulat niya nang haplusin ng may pag-aalala ng Mommy niya ang kanyang pisngi. Niyakap rin siya nito.
“Oh, Poppy! Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Hindi nagsalita kaagad si Poppy. Tinignan lamang niya ang mga magulang. Totoo ba ang sinasabi ng ina?
“Nag-aalala kami sa `yo, Anak.” Wika ng ama. “Basta ka na lang dinala rito ni Zac mahigit isang oras na ang nakakaraan. Wala ka pang malay. Nahihirapan rin kami na gisingin ka. Ano bang nangyari?”
Ikinuwento na ni Poppy sa mga magulang ang pinagdaanan.
Naiyak ang kanyang ina. “I’m so sorry, Anak...”
“Mommy...”
Huminga nang malalim ang ama ni Poppy. “Humihingi rin ako ng patawad, Poppy. Sa loob ng maraming taon ay ibinunton namin sa `yo at pati na rin kay Blair ang galit at frustration namin sa buhay. Samantalang kami naman ang nagkamali.”
“Naiintindihan ko naman po na kailangan niyo ng outlet. Kahit rin naman ako ay nasaktan na hindi na kasing marangya ng buhay natin dati sa Pilipinas ang naging buhay natin sa America.”
“Kung ganoon, kaya mo kaming patawarin?”
Kinapa ni Poppy ang damdamin. Wala naman talagang masama. “Nagkaroon rin po ako ng kasalanan sa inyo. I fell in love with the enemy.”
“Hindi naman iyon kasalanan. Nangyari rin naman iyon bago ang naging eskandalo `di ba? Ang mali ay kami pa rin. Nagalit pa kami sa `yo nang malaman na buntis ka. Pinanaig namin ang pride namin.”
“Pero tinanggap niyo pa rin ako. Hindi man naging maganda ang trato niyo sa akin, naging malaking bagay sa akin ang pagtanggap niyo sa kabila ng kalagayan ko. Sinuportahan niyo ako sa pagbubuntis ko. Kinupkop pa rin at---“
Pareho na siya ngayong niyakap ng kanyang mga magulang. “Napakabait mong anak...”
Nag-aalala at may takot sa puso ni Poppy sa sitwasyon nila ngayon. Pero sa mga narinig at ginawa ng mga magulang, bahagyang guminhawa ang pakiramdam niya.
“Napagtanto namin sa ginawang ito ni Zac na naging napakasama namin na mga magulang. When you left, he tortured us. Kasalanan raw namin kung bakit naggawa mong tumakas. He was mad, Poppy. At sa tingin ko ay hindi lang sa `yo. He was crazy. Kung may mabuti lang siguro siyang naggawa, iyon na ang isama rin kami sa Pilipinas para sa plano niya sa `yo.”
“A-ano po ba ang plano sa akin ni Zac, Daddy?”
“Hindi ko rin sigurado. But maybe, forcing you into this marriage again. Pero malamang ay kagaya ng ginawa niya sa amin ay ito-torture ka muna niya. Kaya ka niya dinala sa lumang bahay na ito na sa pagkakaalam ko ay inupahan niya muna para sa plano niyang ito.”
Nanlaki ang mata ni Poppy. Lumala ang takot sa puso niya. Anong gagawin sa kanya ni Zac? Gagamitin ba siya nito ng dahas?
Sa loob ng mga araw na magkarelasyon sila ay nagtimpi si Zac. Bagaman ramdam niya na may iba pang gusto ito, hindi niya ito pinagbibigyan. Kaya nga ganoon na lang siguro nito ginusto na madaliin ang kasal nila.
“Pero `wag kang matakot. Ngayon ay hindi na namin hahayaan na may mangyaring masama sa `yo.”
Pagkatapos magsalita ng ama ay saka naman bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang nakangising si Zac.
“Well, well, well. Gising na pala ang prinsesa ko.”
Nainis kaagad si Poppy. “I am not your princess!”
“And what are you in my life?” lumapit sa kanya si Zac. Pinatayo siya nito. Hinawakan nito ang kanyang baba. Madiin at marahas iyon. Nasaktan si Poppy.
Sinubukan ng Daddy at Mommy na ipagtanggol siya. Pero sinipa lamang ang mga ito ni Zac ay natumba na ang dalawa. Palibhasa ay matanda na at malaking lalaki rin si Zac. Malakas ang pagkakasipa ng lalaki.
“B-blaise will save us...” Hindi man niya ako mahal pero alam ko naman na importante ako sa kanya. Hindi siya papayag na masaktan ako.
Nagtitiwala si Poppy na darating si Blaise. Sana lang ay maging mabilis iyon. Hawak pa lamang ni Zac ay tumataas na ang lahat ng balahibo niya sa takot.
Lalong nagdilim ang mukha ni Zac. Dumiin pa lalo ang pagkakahawak sa kanya. “I will make sure he will not. You’re mine, Poppy!”
“No. Kailanman ay hindi ako naging sa `yo. Tigilan mo na ako, Zac. Ano ba ang gusto mo sa akin? Hindi ba at ikaw na rin naman ang nagsabi na isa akong disgrasyada na babae? Hindi ako bagay sa `yo. Napakaraming babae diyan na pagpipilian at karapat-dapat sa `yo. Ang mga utang ng mga magulang ko, `wag mong alalahanin iyon. Gagawa ako ng paraan para maibalik ang lahat ng iyon sa `yo.”
“The money doesn’t matter! Your beauty is driving me crazy. Hindi ba sapat na dahilan iyon? I want you! And I will have you. In any way. For forever. At ngayon ay magagawa ko na iyon. You’re now in my power and---“
“Bitawan mo siya!”
Lahat ng nasa kuwarto ay napasinghap nang marinig ang boses na iyon ni Blaise. Napaiyak si Poppy sa saya.
Mas madilim pa ang mukha ni Blaise kaysa kay Zac. Parang kapag nilapitan nito ang lalaki ay kaya na nitong patayin iyon. Tingin pa lamang rin nito kay Zac ay nakakamatay na.
“Anak ng---! Paano nakapasok ang lalaki `yan dito? Cardo!” sumigaw si Zac. Naisip niya na isa siguro iyon sa mga tauhan nito.
Walang Cardo na lumabas. Sa halip, mga pulis lamang iyon. Unti-unti ng nabitawan ni Zac si Poppy. Mukhang natakot ito.
“Fuck! Nasaan na ang mga tauhan ko?! Anong ginawa niyo sa mga tauhan ko?”
“Ang tatlong tauhan mo?!” tumawa nang malakas si Blaise. “Ano bang akala mo? Hindi ko kayang tapatan ang mga lalaking iyon na hindi man lang nga naggawang lumaban nang makitang talong-talo sila sa sampung pulis na kasama ko?”
Namutla si Zac. Doon na lumapit ang mga pulis at pinosasan si Zac.
“T-this is all bullshit. Bakit niyo ako dadalhin sa presinto samantalang ang lalaking `yan ay kinuha rin ang bride noong araw ng kasal ko?”
“Nagreklamo ba siya?” wika ng pulis.
“Kahit na hindi nagreklamo, dapat ay ini-implement rin ang batas!”
“Nasa Pilipinas ka, ho, Mister. Ang batas rito ay kumikilos lamang kapag may nagrereklamo.” Hinila na ng pulis si Zac palabas ng kuwarto.
Tinulungan ng ibang mga pulis ang mga magulang niya na nakasalampak sa sahig. Nakitang may mga sugat at ilang pasa ang mga ito kaya pinalabas na rin para gamutin.
“I’m fine,” sagot naman ni Poppy nang siya naman ang tanungin kung kumusta siya. Sadya naman na maayos na siya. She felt very safe now that she was with Blaise. Ngayon ay makukulong na rin si Zac. Hindi na sila nito ginugulo. Sisiguraduhin niyang magsasampa sila ng kaso rito. Ang ginawa pa lamang nito sa kanyang mga magulang ay puwede ng kasuhan.
Tinanggap ng mga pulis ang sagot ni Poppy. Iniwan sila nito at ni Blaise sa kuwarto.
Niyakap ni Poppy si Blaise. He also did the same. “A-are you sure you’re not hurt?”
Tumango si Poppy. “Nawalan lang ako ng malay pero wala naman na masakit sa akin. Wala akong nararamdaman na kakaiba maliban sa pagkahilo kanina.”
“I was so scared, Poppy...” naniwala kaagad si Poppy. Nanginginig pa si Blaise.
“Everything’s fine now, Blaise. Maraming salamat sa pagdating.”
“You don’t have to. I know I have to save you, Poppy. I can’t live without you...” naiiyak na rin si Blaise.
Natigilan si Poppy. Mukha nga talagang pinag-alala niya nang husto ang lalaki. “H-hindi pa kita nakitang umiiyak. Ganito ba talaga ako kahalaga sa `yo?”
“Hindi ka lang mahalaga sa akin, Poppy. Mahal rin kita.”
Kasabay ng panlalaki ng mata ni Poppy, natunaw rin ang kanyang puso. “P-puwede ba na pakiulit?”
“Mahal kita, Poppy. Natakot lang ako na aminin. Natakot ako sa concept of love. And like I always say, love is complicated.”
“Bakit nga ba kasi hirap na hirap kang sabihin iyon?”
Nagpaliwanag naman si Blaise. Ikinuwento rin nito sa kanya ang tungkol sa dahilan kung bakit hindi nito naggawang ipaglaban rin sila ni Blair noon kahit gusto nito. Pati ang bago pa lamang na pag-uusap nito at ng kapatid na si Rolf kanina. Inamin nito ang mga ginawa ng kapatid para ma-recognize ang mga damdamin sa kanya.
Naintindihan naman kaagad ni Poppy si Blaise. Ang tanging mahalaga na lang rin kasi sa kanya ngayon ay ang matugunan ang damdamin niya sa lalaki.
“I was too stubborn to admit but I love you, Poppy. I really do love you. Napakamakapangyarihan ng nararamdaman ko sa `yo. No one ever makes me feel this overpowering joy whenever you are around. For all the other women I’ve ever with, they are nobody compares to you.”
“We’re the same, Blaise. I love you so much. Then and now, you’re still the one. I am still into you.”
“I know. Thank you for loving me.”
Hinalikan siya ni Blaise. Hindi pa man sila opisyal na naikakasal, naramdaman na kaagad niya ang forever sa halik pa lamang na iyon.
END OF BOOK 3