MALUNGKOT na nakatingin si Sheena sa kalendaryo. Binibilang niya ang araw para maging maayos ang lahat. Eleven weeks pa. Ang tagal ng mga araw.
Bumuntong-hininga si Sheena. Sanay na naman siyang maghintay. Hindi na niya mabilang ang taon kung kailan sinimulan niyang mahalin at hintayin ang araw kung kailan magagawang suklian ni Allain ang nararamdaman niya. Pero ang hirap pa rin pala talaga, lalo na at kailangan lang niyang pigilan ang nadarama. Kailangan niyang sumunod sa sinasabi nilang patakaran ng mga nagkaroon ng karelasyon---ang three month rule.
Nakipaghiwalay na si Banjo kay Sheena. It was for good. Yet, she felt like it was not fair. Lalo na sa parte ni Banjo. Alam niyang nasaktan niya talaga ito.
“Nararamdaman ko naman, Sheena. You don’t have to explain,” pag-iintindi ni Banjo sa kanya. Inamin nito sa kanya ang nasabi niya habang tulog siya sa balikat nito.
Yumuko si Sheena. “Sinubukan ko rin naman na mahalin ka, Banjo. Ngayong araw ay sumama ako sa `yo dahil gusto ko na layuan si Allain. Hiwalay na sila ni Ria. He told me he developed feelings for me. Pero iniiwasan ko siya dahil alam ko na masasaktan kita. I don’t want to be selfish anymore.”
“Ginagawa mo rin ang mali. Sa ginagawa mo na iyon, sinasaktan mo rin ako. Hindi kailanman natuturuan ang puso, Sheena. It has a mind of its own. Kaya mabuti pa na palayain na kita. It will hurt me but it will hurt me more if we will still continue on this one-sided love affair…”
May punto si Banjo. Napakaunawain rin nito. He deserved something better. He deserved goodness. Most of all, he deserved respect.
Isang paraan ni Sheena para sa pagbawi kay Banjo ay ang irespeto ito. Napaka-selfish ng ginawa niya sa lalaki. Hindi siya proud roon. Ang tanging maibibigay lamang niya sa lalaki ay respeto. Maibibigay niya ang respeto kay Banjo kapag sumunod siya sa patakaran na iyon.
Humiga na lang si Sheena sa kama. Matutulog na siya. Hindi na niya muna bibilangin ang mga araw. Baka sakali na mapabilis kapag ginawa niya. Kapag natulog rin siya, panibagong araw na. Mababawasan ang araw na ipaghihintay niya.
Pero hindi naituloy ni Sheena ang pagpikit nang may magbukas ng pinto ng kuwarto. Marahas ang pagkakabukas kaya naging alerto kaagad siya.
“Anong ginagawa mo rito?” nagulat si Sheena nang makita si Allain, lalo na at mukhang galit na galit ito. Ngayon niya lang ito na ganoon ka-galit.
Naghalo ang kaba at kilig sa puso ni Sheena. Lumapit ito sa kanya, madilim pa rin ang mukha.
“You’re such a witch! I could wring your lovely neck for doing this to me!”
Kumunot ang noo ni Sheena. “Anong sinasabi mo?”
“Pinaglalaruan mo ako!” mukhang hirap na hirap si Allain. Natutop pa nito ang noo. “My God! Paano mo naggawa sa akin ito? Kilala kita mula pagkabata. Playing games like this...hindi ikaw ito! Ganoon ba kasakit ang ginawa ko sa `yo para pahirapan mo ako nang ganito? Akala ko ba mahal mo ako. Bakit kailangan na saktan mo ako? Hindi ko makuha ang point!
“Pinaniwala mo ako na kayo pa rin ni Banjo, Nashee. Bakit mo ginawa iyon? Bakit hindi mo sa akin sinabi ang lahat?” huminga nang malalim si Allain. Halata na pilit na kinakalma nito ang sarili. “Fine, siguro ay hindi talaga si Banjo ang mali, ano? Nagkamali ako. Hindi dapat ako nagagalit nang ganito. B-but I just feel betrayed...”
“I-I’m sorry.” Kinagat ni Sheena ang ibabang labi. Hindi niya sigurado kung paano ipapaliwanag kay Allain ang lahat. “Wala naman talaga na mali sa `yo. It is just me. Hindi ko pa gustong mapalapit sa `yo. Hindi sa ngayon.”
Sinalubong ni Allain ang mga mata niya. “May problema ba?”
“Ang sitwasyon ang problema.”
“How so? We are both free now, Nashee. Mahal kita. Mahal mo ako. O ganoon pa rin ba nga?”
Tinitigan ni Sheena ang mata ni Allain. Napuno ng kalungkutan iyon.
“D-don’t. Please don’t say anything bad. Nahihirapan akong tanggapin. Nasasaktan ako at---“ natutop muli ni Allain ang noo. Pain was all over his face again. “Pero kahit naman nasasaktan ako, hindi ako susuko. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka dapat susuko `di ba? I can wait for you. I love you. I am willing to wait for you because the feeling is worth it. You are worth it.”
Uminit ang paligid para kay Sheena. “Y-you really love me.”
“Of course. Ilang beses ko ba na kailangan ko na sabihin sa `yo? I just realized it when I saw you on romantically dahil sa series of dates natin. May kakaiba ka na dating sa akin bukod sa pagiging best friend ko. I’m not just comfortable with you. I love the feeling when I am with you.
“Sumama pa ang loob ko kay Tita dahil sa will. Ayokong isipin na ganoon tayo. A best friend relationship is complicated. Pero ngayon, wala na akong pakialam. There’s nothing complicated when I am with you. Na-realize ko na rin kung bakit ibinigay ni Tita ang provision na iyon. She knew that I am the one for you. I am perfect for you. We are perfect for each other.”
“At si Ria?”
“I fall out of love for her. Nang bumalik siya, wala akong makapang pakiramdam sa kanya. Hindi masaya. Hindi kagaya ng nararamdaman ko sa `yo. O siguro, minahal ko lang naman siya dahil siya ang ideya ko ng tama na babae. May paninindigan, ginagawa nang tama ang responsibilidad. Kaya naman nang malaman ko rin na hindi naman pala totoo na ganoon siya, lalong nawala ang amor ko sa kanya.
“Alam ko na mahirap paniwalaan. Kahit ako rin naman ay nahihirapan rin. But maybe, the series of dates has its own magic. It made me realized that I have intense feelings for you. Pero kung hindi ka naman maniniwala sa ngayon, hindi na rin mahalaga. Mayroon pa naman ako na forever para patunayan sa `yo ang pagmamahal ko.”
“Naniniwala naman na ako ngayon. May feelings pa rin ako sa `yo. Sa tingin ko naman, hindi na iyon mawawala. Iyon lang, hindi pa nga rin talaga puwede.”
“And what’s the reason for it then?”
Tumingin si Sheena sa kalendaryo. “The three month rule. Kakatapos lang ng relasyon natin sa iba.”
“Three month rule?”
“Pareho tayong nagkaroon ng relasyon sa ibang tao. I believe kailangan muna natin ng oras bago tayo pumasok uli sa panibagong relasyon---relasyon na gusto natin.”
“Oh, hindi ko naisip iyon. Pero kung ganoon, bakit ngayon mo lang sinabi? Nilalayuan mo ako. Pinaparamdam mo sa akin na wala akong pag-asa sa `yo.”
“Dahil natatakot ako, Al. Kapag napalapit ako sa `yo, alam ko na hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Kapag in-appreciate ko ang mga bigay mo sa akin, parang lalo ko lang na inilalapit ang sarili ko sa `yo. Hindi ko rin naman gusto iyon pero pakiramdam ko, iyon ang tama. But I am seriously sorry. Ayaw ko lang naman na maging bias.”
Huminga nang malalim si Allain. “Fine, naiintindihan ko.” Napaisip si Allain, itinaas rin nito ang kamay. “Shit, ilang weeks pa. Pero naiintindihan ko.” Nagkamot ito ng ulo pagkatapos.
Hinawakan niya ang pisngi ni Allain. “I’m sorry for hurting you.”
“You are worth every pain that I’ve felt. I miss you...” niyakap siya ni Allain.
Muntik nang maiyak si Sheena sa damdamin na lumukob sa kanya. “Oh God, I miss you more...”
“Wala pang dalawang linggo na nagkahiwalay tayo, ang tindi na kaagad ng nararamdaman ko. Sigurado ka ba na magagawa natin na maghintay pa ng three months?”
“I’m not so sure. Pero wala naman na masama na mag-try `di ba?”
Tumango si Allain. “I’m okay with it, as long as I know that you are mine.”
“And I am yours.”
“Forever...”
“Pero hindi pa sa ngayon...”
Natawa si Allain. “After three months, all right. Kayanin naman kaya natin kung ngayon pa lang, nahihirapan na ako humiwalay sa `yo?”
Kumindat si Sheena. “There’s no harm in trying.”
END OF BOOK 4