The Mafia Boss' Unwanted Wife Chapter 27

Chapter 26

Hunt

Napasimangot ako nang hagisan ako ni Em ng buto ng lansones sa noo. Hinimas ko ang aking noo para mawala ang sakit mula sa pagkakabato niya. Mabuti na lang at maliit lang ang hinagis ng babaita sa akin.

"Grabe. Bakit naman kailangang mambato ng buto? Papansin lang?" nakabusangot kong tanong sa kanya.

"Grabe. Isang araw lang tayong hindi nag-usap, may ganoon ng nangyayari? Isa kang marupok na babae!" Sinamaan ako ng tingin ni Em pagkatapos ay naghagis na naman siya ng buto ng lansones sa akin. Tumama iyon sa pisngi ko. Naningkit ang mga mata ko. Namumuro na ‘tong babaitang ‘to, ah!

"Hala sige batuhin mo pa ko, isusumbong kita kay Baby!" Umakto pa kong parang iiyak. Sa ilang buwan ba naman na pagiging actress ko sa mafia dahil sa mga babae ni Damon, hindi ko pa ba mamamaster ‘to? Aba, si Ella ata ‘to. Talong-talo ko pa si Nora Aunor sa galing ko umacting. Nanlaki ang mga mata ni Em sa aking tinuran.

"Baby? Baby mo mukha mo!" Halos pumutok na ang ugat sa noo ni Em habang sinasabi iyon. "Hoy, babaita! Ipapaalala ko lang sayo na ilang araw lang ang nakakaraan noong sabihin mong titigil ka na. Pero ano na, be? Talkshit yarn?" Nakataas ang kilay niya. Akmang ihahagis niya pa ang isang piraso ng lansones pero bigla na lamang siyang umiling at kinain iyon pagkatapos. “Sayang ang lansones sayong hindot ka.”

Dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang aminin ni Damon na mahal niya ako. Simula noon ay parang hindi na kami mapaghihiwalay pa. Kadalasan ay magkasama kami sa kahit anong lugar at anong oras. Nagtataka man ang iba kung bakit bigla na lamang naging ganoon ang nangyari ay hindi sila nagsalita. Takot lang nila kay Damon, ‘no.

Binelatan ko lamang si Em at hindi na nagsalita. I’ve always walked the talk. Hindi ako ang tipo ng tao na kakalimutan ang pinangakong gagawin. I stand up for my own principles. Pero sa buhay ko, si Damon lamang ang kaisa-isang bagay na ikinatuwa ko na hindi ko sinukuan. Kahit na paulit-ulit akong nasasaktan ng dahil sa kanya ay ayos lang. He will always be the kind of pain that I will never ever let go. Ayos lang masaktan, basta si Damon.

Napabuntonghininga na lamang siya at binalatan ang lanzones na hawak niya kanina pa. "Pero eto lang, Ella, ha? Masaya naman ako sayo. Especially now na ayos na kayo ni Damon. Pero kung maulit ulit yung time na magkakaaway na naman kayo at hindi magkakaintindihan---"

"I trust Damon, Em. I trust his love," Pagputol ko sa sasabihin niya. "Siguro sa ngayon, para lang akong bulag na tumatawid sa daan at nangangapa pa, but as long as I have Damon on my side, I think I don't have to worry about anything," nakangiti kong pahayag.

Nakatitig lang si Em sa akin ngunit maya-maya'y napangiwi siya. "Wow, parang santo ang datingan ni Damon kahit ilang libo na ang naging babae, ha? Diyos ko, ganitong Ella ba ang bubungad sa akin magmula ngayon? Makipaghiwalay ka na kaagad kay Damon, por favor!"

Napatawa ako, "Support na lang, bes. Napakakontrabida mo naman."

Inirapan ako ni Em. "Naku! Pakiramdam ko nagbabaluktot na yung mga daliri ko sa kakornihan mo. What more pa kaya kung nandito si Damon---"

And just in time, someone took the seat beside me and dangled his arm around my shoulder. I whipped my head towards him and saw my husband smirking at me. Husband. I am still not used with this overpowering joy slowly consuming my system. I can feel the butterflies on my stomach, slowly fluttering.

"How's your sleep?" malamyos ang tinig ni Damon habang winiwika iyon. Hindi ko mapigilan ang sulok ng aking bibig mula sa pagtaas nito.

"Okay lang naman..." Pakiramdam ko ay pabebe pa ang pagsagot ko sa tanong niyang iyon. Walang makakapigil sa paglalandian namin, enebe!

Palihim kong nilingon si Em na lukot na lukot na ang mukha habang nakatitig sa mga palitan namin ng tingin ni Damon. Hindi ko na napigilan ang mapabungisngis.

"Okay, I'm out!" Tinaas ni Em ang dalawa niyang kamay na tila ba sumusuko na sa pulis. Kinain niya ng buo ang lansones na kani-kanina'y binalatan niya pagkatapos ay basta na lang siya tumalikod at iniwan kami. Nahuli ko pa siyang dinura na lang ng basta ang buto pagkatapos kainin iyon. Napahalakhak ako nang mapansing may natamaan siya. Hula ko ay si Dr. Martin iyon. Nanlaki pa ang mata ng gaga at mabilis na tumakbo. Susko, Em! Kadugyutan mo talaga wala sa lugar!

Natigil lamang ako mula sa aking pagtawa nang hawakan ni Damon ang magkabila kong pisngi at iharap ako sa kanya. Napatulala ako habang nakatitig sa kanyang mapupungay na mata.

"When I'm here, dapat sa akin ka lang nakatingin." The loud beating of my heart is hammering against my chest. I can almost hear the ringing behind my ears. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti. Dama ko rin ang pag-init ng aking pisngi.

"Kuuu, pang-ilang babae mo na ba akong sinabihan ng ganyan?" pabiro kong tanong sa kanya. Hanggang ngayo'y hindi pa rin humuhupa ang init ng aking pisngi.

He stared at me intently to the point that I can almost feel my insides melting. He then cupped my face and caress my cheek slowly. "I've got no one else other than you now, baby. Only you." And then he kissed me. As his lips touched mine, I am certain. I want to spend my forever with this man.

"Sir!" Humahangos ang tauhan ni Damon na si Leon patungo sa amin. Tuluyan na kaming nabalik sa reyalidad dahil doon. Pawisan si Leon at halatang kabado siya.

"What's the problem?" Nakakunot-noong tanong ni Damon sa kanya.

"Someone breached our system. May nagbabalak pong lagyan ng virus ang security natin. Dumbo's working hard out there but we still need more people to help him."

Agad namang napatayo si Damon. Kinuha niya ang cellphone niya at may ginawa doon. Marahil ay tinatawagan niya na ang mga pwede pang makatulong kay Dumbo.

And just in time ay tumunog ang security alarm ng headquarters. Nagkagulo na ang iilan at mabilis na nagsipuntahan sa kung saan.

Mabilis na lumapit sa akin si Damon at hinalikan ang noo ko. "Sa kwarto ka muna just to be safe, alright?" Agad akong tumango. "I love you." Bumilis ang tibok ng aking puso nang sabihin niya iyon.

"I love you, too," nakangiti kong sagot. Ngiti rin ang tugon niya pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo patungo sa security room. Habang tumatakbo siya'y nagbibigay siya ng pailan-ilang instructions sa kanyang mga tauhan.

Mabilis naman akong tumalima sa sinabi niya. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa kwarto. Ganoon na lamang ang aking gulat nang makita kong magulo ito.

Someone has been here.

I felt shivers travelling down my spine when suddenly a faint blow of wind touches my skin. Napalingon ako nang makarinig ako ng kaluskos.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang may makita akong tao sa likuran ko.

Mabilis ang pangyayari. Ang huli ko na lamang na nakita ay ang baseball bat na hawak niya pagkatapos ay nilamon na ako ng dilim.

-

Damon's POV:

We've checked everything. Simula sa CCTV ay inumpisahan naming tingnan kung ano nga ba talaga ang nangyari at kung anong disturbance pa ang talagang naganap.

But every time that we repeat that exact minute ay bigla na lamang iyong lumalaktaw.

"Damn it!" frustrated kong sigaw. Hangga't hindi nahuhuli ang traydor na iyon ay hinding-hindi ako matatahimik. I can't risk my wife's life again. Not for a third time.

"Sir, we've checked everything. Pero parang alam na alam talaga ng intruder kung among gagawin niya. Maging ang pagbubura sa footage ay nagawa niya rin," sabi ni Dumbo. Kanina pa niya pinapaulit-ulit ang mismong footage na iyon ngunit wala pa rin talagang nangyayari.

"Call the troops. Let's heighten the security for now para maiwasan na rin natin ulit ang nangyari ngayon," I commanded which they gladly obliged. We were about to leave the room when suddenly Jasper came running towards us. He looked tired and restless.

"Sir Damon, bad news!"

Napakunot ang aking noo. "What happened?"

"Si Madam Ella po..." Agad akong kinutuban ng masama nang sabihin niya iyon. "Nawawala..."

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa sobrang pagkainis. Damn. "Dumbo, check the CCTV footage. All of it." Agad naman aoong sinunod ni Dumbo. Nang may makita akong kahina-hinala ay agad ko iyong pinalakihan kay Dumbo.

Ganoon na lamang ang panghihina ko nang makita ko ang lalaking nakaitim. Buhat niya si Ella... at kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo niya patungo sa sahig.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.