The Power Of Love Chapter 15

XATANA'S POV

"Xatana, halika na dito at kakain na. Bumangon ka na diyan dali!" Ang lakas talaga ng boses ni Estella, pft maaga pala siyang gumising ngayon?

"Oo na, ito na pababa na!" Tugon ko dito.

Mag-tra-trabaho din siya ngayon dahil pwede namang bantayan ni Ametrine sina Vannesa at Aestheria.

Speaking of trabaho, ano naman kayang gagawin ko sa company ngayon? Tapos na kaya sila para sa mga designs?

Bumaba na ako ng kuwarto ko at nakita ko na lang si Estella na abalang nag-aayos ng hapagkainan namin.

"Sipag ah, teka saang company ka nag-tra-trabaho?" Bigla kong tanong dito, nagulat din siya. Siguro dahil noon sabi namin sa isa't-isa, walang pakielamanan kapag sa trabaho.

Well, hindi ko naman siya pakikielaman kasi kung gusto niya doon at masaya siya edi hindi ko kailangang pakielaman siya. Hindi ba?

"Ok lang ba sayo na sabihin ko kung saan?" Bakit nag-dadalawang isip siya? May kinalaman ba sa akin?

"Bakit naman ganiyan ang tanong mo. Malamang ok lang sa akin, saan ba kasi?"

Tumigil siya sa paglalagay ng mga plato sa lamesa at nakayukong nagsalita. "Sa kumpaniya ni Morpheus, do-doon ako nag-tra-trabaho ngayon." Mariing sabi nito habang nakapikit.

Natatakot ba siya na bulyawan ko siya? Masyado na ba akong masama para pag-isipan nila ng ganun?

"Alam mo, hindi mo naman kailangang matakot. Parang yun lang, dahil alam ko na kung saan ka nag-tra-trabaho baka pumunta ako doon minsan." Ani ko habang masaya na nakangiti sa kaniya.

Mukha kasing takot siya, akala mo kakainin ko siya ng buhay, pft.

"Sure yan? Ok lang sayo? Hindi ka galit?" Sabi ko na iba talaga tingin ng mga ito sakin.

"Tsk, bakit ba parang ang sama kong tao. Malamang hindi ako magagalit. Ex-boyfriend ay Ex na. X na so wala na." Ani ko habang naka sign ng X mga braso ko.

"Tigilan mo nga yan, mukha kang si April Boy eh." Natawa na lang kami sa pag-uusap naming iyon.

"Kain na tayo, teka kunin ko lang yung iba pang mga gamit." Bumalik na sa dati ang mood niya, mabuti naman.

"Sige tulungan na kita diyan."

At tinulungan ko siyang mag-ayos hanggang sa kumain na kami. Mga ilang kuwentuhan ay nakatapos na din kami sa pinagkainan namin kaya pumasok na kami sa mga trabaho namin.

Hindi ko nga pala alam kung anong trabaho ang pinapagawa sa kaniya doon.

Silipin ko na lang siguro mamaya, hindi naman kalayuan dito yun. Mga ilang minutong lakaran lang.

Nandito ako ngayon sa office ko, nag-aayos ng mga files na kailangan para sa meeting nila mamaya.

Hindi ko pa rin makalimutan mga nangyare kahapon.

Baka naman walang malisiya yun, hindi naman ibigsabihin nun magkapatid kami dahil sa same ang dugo namin? Maaaring may kamag-anak sila na same din sa amin pero sino naman iyon?

"Oh, hello Xatana! Bakit tulala ka diyan? May sinabi ba si Kuya Gra... I mean si Mr. CEO sayo?" Si Drixie pala, mahirap ding paniwalaan na magkapatid sila kahit hindi sila biological.

Kaya pala ganun siya magsalita kay Mr. CEO kasi kilalang-kilala niya siya. Ikaw ba naman kapatid ng isang CEO tapos isa kang assistant secretary dapat sa mga ganung bagay mabilis kang mag adopt.

I mean, alam mo mga ayaw at gusto ng isang tao. Bilang secretary para kang buntot ng CEO, para sa akin ah. Kasi first time ko lang naman ngayon, sa company ko naman kasi walang ganun.

Duh, babae ako tapos kukuha ako ng babae din? Psh!

"Hey! Xatana! Naririnig mo ba ako?"

"Ahh oo, I mean wala naman siyang sinabi sakin. Wala pa nga siya dito."

"Ha? Pero lagi siyang nauunang umalis sa amin sa bahay. Baka hindi mo lang siya napansing dumating."

"Siguro nga, hintayin ko na lang siya."

"Sige, sabihin mo lang kung may kailangan ka Xatana. At kapag nandiyan na si kuya sabihin mo aalis tayo ha?" Nagulat ako sa sinabi nitong aalis daw kami.

"Wait, teka, teka, saan tayo pupunta Drixie?"

Bigla naman itong ngumisi. "Ah basta mamaya ko na lang sasabihin, ok? Byeee!" At iyon, kumaripas na siya ng takbo. Saan kaya kami pupunta?

Nakita ko isang kasamahan namin ang paounta sa direksyon ko. "Xatana, pinapatawag ka ni Mr. CEO sa office niya." Oh, nandito na pala siya.

"Sige, maraming salamat." Ano naman kayang kailangan ni Mr. CEO? Baka may ipapagawa na siya sa akin. Makapunta na nga lang.

Iniwan ko na laptop ko doon sa office ko at nagtungo na sa opisina ni Mr. CEO

Kakatok na sana ako pero biglang nagbukas yung pintuan at biglang sumulpot sa harap ko si Mr. CEO. Nagulat ako, parang hindi ako makagalaw ngayon. Ang lapit niya kasi sa akin, teka bakit ba ako apektado?

"Hmm, kung gusto mong hawakan dibdib ko huwag dito sa makikita ng lahat." Sabi nito at malokong ngumiti sa akin.

Ha? Ano?! Tiyaka ko lang nalaman na nakahawak pala kamay ko sa dibdib niya. Lumingon ako at nakikita kong nakasilip mga kasamahan ko sabay iwas ng tingin.

"Ah! So-so-sorry, uhm pinapatawag niyo daw po ako Mr. CEO?" Wohhh, ano bang nangyayare sa akin bakit nauutal ako?

"Yes, come in." Pumasok na ako sa loob at hinintay sasabihin ni Mr. CEO pero pansin ko parin mga nakatingin na mga mata sa akin ng iba. Hayst, nakakahiya!

"Ginawa nila suggestions mo, here take a look." Kinuha ko mga papeles na ibinigay nito sa akin at nakita ko ang mga designs.

Nice, talagang binago nila yung design at style ng mga dress pero teka, bakit may naiiba dito. The way it looks like... Parang nakita ko na ito. Hindi ko lang maalala eh, hayst. Huwag ko na lang pansinin.

"Looks great but I think it's a bit different from the original theme, but it's a good idea to use it." Binago nila yung theme, imbis na pang summer wedding naging pang beach wedding na siya.

Ang suggestion ko kasi, yung design niya hindi masyadong reveling. Ang pwedeng theme na ganun ay beach wedding which is ginamit nga nila.

Tapos yung style niya meron sa loob na tela and then yung labas niya yung mga maninipis na tela naman na may design.

Para naman fresh yung susuot, kung susuot ng sobrang revealing parang hindi naman kasal yun iba na yun. Kapag naman tagong-tago, sobrang init naman yun kaya slight lang.

Hindi naman ako nabigo sa naisip nilang design at style ng dress. Tama lang na pang beach wedding yung gawin nila. Kasi naman halos lahat ng design at style ok naman, need lang ayusin. Sayang naman kung babaguhin lahat.

"Here, they add some designs." Oh, may iba pa?

Ibinigay nito sa akin ang ilang papel at tinignan ko naman ito. Tama, may iba pang designs pero...

"Wait, para saan ito Mr. CEO?"

Magsasalita na sana si Mr. CEO pero biglang sumingit si Drixie.

"Mr. CEO, naririto na po sila." saad nito.

"Ok, wait for me." sagot nito at tumayo na. Tumayo naman ako at aalis na sana pero pinigilan ako nito.

"Wait, here." May ibinigay na USB si Mr. CEO. "Transfer it to yours." matapos nun ay agad itong umalis.

Huh? Anong ililipat ko?

Pinakatitigan ko naman yung ibinigay nito. Hindi man lang niya sinabi kung ano yung ililipat ko?!

Teka, pupunta ba ako doon? Kaso meeting na nila. Tsk... Teka chief secretary naman ako, why not?

Inayos ko muna mga gamit ni Mr. CEO at umalis ng office nito. Nakita ko naman si Drixie na papalabas na.

"Drixie, nagsisimula na ba sila?"

"Oo, kakasimula lang nila, bakit Xatana may nakalimutan ba si kuya? Hala, may ibibigay ka ba?" Uhm, nagtatanong lang naman ako bakit ang OA naman ng reaction.

"Papasok na ako, may itatanong lang."

"Teka! Bawal kang pumasok Xatana. Sabi ni Mr. CEO wala daw mang-iistorbo sa kanila, kahit sino."

Napa-tango na lang ako sa sinabi nito at umalis na.

So anong gagawin ko sa USB na ito? Baka mamaya iba mabuksan ko. Ahh, bahala na nga!

Agad akong umupo sa upuan ng office ko at sinimulang buksan ang laptop ko. Inilagay ko na agad ang USB at binuksan ito. Hinanap ko kung anong files ang dapat kong ilipat.

Hmm, hindi kaya yung mga designs nandito? Baka yun nga yung ililipat ko. Teka, saan kaya dito iyon.

Scroll down lang ako ng scroll down hanggang sa may nakita akong nakasulat na Collaboration, ito ata 'yon.

Pinindot ko ito at may napansin agad ako, SweetArt Collections.

Te-teka, company namin ito! Paanong...?

"Oh, nakakita ka ata ng multo sa screen ng laptop mo. Tell me Xat, may multo ba diyan?" tanong nito pero halata namang nagbibiro lang ito.

"Ah wala Drixie, may tanong lang ako. Magkasama ba ang SweetArt at DeskSign sa project na ito?"

Bigla naman itong nag-isip. Kung titignan ko, parang hindi niya alam. Hindi niya naman kailangang isipin kung sinabi sa kanya ito diba?

"Hmm, ang alam ko lang kasi. Noong wala ka pa dito may nag-contact kay Mr. CEO, parang babae siya and then sinabi niya na gusto niyang makipag-collaboration sa company natin."

Babae? Ako ba iyon? Pero umalis na ako ng mansion noong nalaman ko na ikakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman mahal. Wala naman akong kinausap na lalaki o ibang company.

Hindi kaya si Mom iyon?

"Uy Xat, anong nangyare sayo? Don't tell me kilala mo yang SweetArt na company nila?"

"Hi-hindi, ngayon ko lang nalaman na may company pa lang ganun. Kilala ba sila dito?"

Ang company namin nasa ibang bansa. Ewan ko lang kung umabot ang pangalan ng company namin dito.

"Nope, noong may kumausap kay Mr. CEO naguluhan pa kami kung may ganung company. Anyway, bakit curious ka doon?"

"Wala naman, ililipat ko lang itong files dito sa akin gaya ng inutos ni Mr. CEO pagkatapos ay ibabalik ko na sa iyo itong USB. Sabihin mo kay Mr. CEO na may pupuntahan lang ako saglit."

Pumayag naman ito kaya nagmadali na akong ilipat ang files sa akin. Pagkatapos ay ibinigay ko na kay Drixie ang USB.

"Teka bago ka umalis, sumabay ka sa akin kumain ah! Hindi naman kasi natuloy noon yung kain natin!" tampong saad nito.

"Sige, hindi naman ako magtatagal eh. Sige bye!"

"Bye!"

At umalis na ako doon. Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng 'yon. Pagmalaman ko lang talaga na si Mom iyon, hindi ko siya mapapatawad!

Nandito na agad ako sa bahay namin. Dahil sa hindi naman malayo ay nakarating na din naman ako agad.

Kinuha ko ang susi namin at binuksan ang pintuan. Agad akong nagtungo sa kuwarto ko at binuksan ang laptop ko.

Kumuha ako ng mga kumot at ipit para sa ilalagay ko sa likod ko bilang background. Ayokong malaman nila kung na saan ako.

Nang matapos ko ng ayusin lahat ay hinanap ko agad pangalan ng secretary ko at tinawagan ito sa video.

[Lady Lockwood!] Sagot ng kausap ko.

"Shh! Na saan ka ngayon?" agad kong tanong.

[Nasa office niyo po Lady Lockwood.]

"Good, ano ng nangyare diyan? Paanong magka-partner ang SweetArt at ang DeskSign?!"

[Ang pinsan niyo po ang gumawa no'n, si Ma'am Xenish.]

Tsk, mas lalong hindi maganda. Kung si Mom kaya ko pa pero kung ang babaeng yun. Argh!

"Anong nangyare! Bakit siya ang kumikilos diyan?!"

[Siya ang ginawang President ng SweetArt company, Lady Lockwood. Utos po iyon ni Madam.]

"Ano?! Damn it!"

[Simula ng umalis kayo rito ay nagdadalawang isip na ang mga shareholders at nais na nilang iwan ang kumpaniya. Nalaman ito ni Madam kaya nakipag usap ito rito at si Ma'am Xenish ang ginawa nilang President ng kumpaniya]

Mukhang magkasabwat na sila matagal pa lang, tsk. Kung gano'n, hindi binalak ni Mom na ipakasal ako sa ibang lalaki kundi kunin ang kumpaniya ko.

Pero, maaaring iba din ang gusto ni Mom. Maaaring hindi lang iyon ang target niya pero ano naman iyon?

"May ipapagawa ako sayo, huwag mong sasabihin sa iba. Nasa panig ba kita o sa kanila? Huwag mong tatangkaing magsinungaling sa akin! Alam mo kung anong kaya kong gawin."

[Ye-yes Lady Lockwood.]

"Good, ganito ang gagawin mo..."

At sinabi ko na sa kaniya lahat ng ipinag-uutos ko. Hindi pwedeng malaman ng mga kaibigan ko ito. Hindi ko alam pero parang may masama akong kutob. Huwag naman sana.

XENISH'S POV

"Ma'am, hindi pa po siya sumasagot. Ilang araw na po."

"Tsk, sige ilang araw pa. Kapag hindi pa rin siya sumagot alam mo ng gagawin mo. Ano ng nangyare sa kumpaniya?"

"Masusunod po, lahat sila ay nasa panig niyo po Ma'am pwera lang sa secretary ni Lady Lockwood."

"Stop calling her Lady Lockwood, get out!"

"Ye-yes Ma'am."

Tsk, siguro nga ay magaling kang magtago Xatana pero tandaan mo, kahit anong tago mo malalaman at malalaman ko kung na saan ka.

Hintayin mo lang ang tamang panahon, magkikita muli tayo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.