THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY (Filipino) Chapter 24

“I TOLD you it was not intentional. The force of the ball was just too strong kaya lumuwag ang grip ko sa raketa. Mabuti pa ang mga opisyal ng US Open at si Nadal naniniwala sa akin. But those fucking people are all overreacting. I will never do that kind of shit they’re accusing me of,” gigil na sabi ni Riki pagkaupong-pagkaupo niya sa mahabang sofa na nasa sala ng mansiyon ng kanyang mga magulang.

“Watch your words, Enrique. Ilang beses ba kitang pagsasabihan tungkol sa bagay na iyan? You didn’t study in a good school to talk trash. Especially in front of your parents,” maawtoridad na saway ni Don Jaime Montemayor.

Umismid at sumandal si Riki sa sofa. Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa social decorum na palaging sinasabi sa kanya ng mga magulang niya. His career won’t crumble just because he couldn’t please the public. Kaya walang makitang rason si Riki kung bakit kailangan niyang pakisamahan ang ibang tao at umarteng mabait. He just wanted to be who he really was.

Besides, bakit pipilitin ni Riki na pakisamahan ang mga taong sinisiraan at inaakusahan siyang nandaya sa isang official game? He might be rough on the tennis court but he always followed the rules. Mahalaga kay Riki ang tennis dahil mula pa noong bata siya ay magaling na siya roon. Nakilala si Riki bilang isang magaling na tennis player at hindi bilang anak ng isang mayamang negosyante. Wala man siyang charm sa masa tulad ng bunso nilang si Choi o ng labis na talino at galing sa negosyo gaya ni Raiven, pero sa loob ng tennis court, Riki was considered as one of the greatest players. Kahit kailan ay hindi niya dudungisan ang larong mahal na mahal niya.

Pero maraming tao sa Amerika at maging sa buong mundo na sumusuporta sa tennis na iba ang tingin kay Riki. Kahit ayaw niyang tumakas ay pinayuhan siya ng kaibigan slash handler slash trainer niyang si Jeremy na magpalamig muna at bumalik sa Pilipinas. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag.

Kararating lang ni Riki sa bansa, gusto sana niyang dumeretso sa pad niya para magpahinga pero sinundo siya ng driver ng kanyang ama sa airport at ideneretso sa mansiyon kung saan naroon ang mga magulang niya at si Raiven. Ayon pa sa mga ito ay parating na rin si Choi at ang asawa at anak nito.

“What I’m saying is, you have to believe me. Ine-exagerrate lang nila ang nangyari para siraan ako. Besides, hinding-hindi ko sisirain ang tennis. You should know that more than anyone else,” frustrated na sabi ni Riki sa mga magulang at nakatatandang kapatid.

Tumango ang kanyang ina at tumabi sa kanya. Ginagap ni Doña Edna ang mga kamay ni Riki at ngumiti. “Of course we know that, Riki. Kaya ka namin kinakausap, para tulungan kang malinis ang pangalan mo. Kahit na hindi mahalaga sa `yo ang iniisip ng ibang tao ay mahalaga iyon sa amin dahil ayaw naming maging masama ang tingin sa `yo ng ibang tao. Nag-aalala lang kami ng papa mo sa iyo,” malumanay na sabi ng kaniyang ina.

Bahagyang kumalma si Riki. It was really a good thing he had his mother. Nakangiting inakbayan niya ang matandang babae. “Thanks, `Ma,” wika ni Riki sa ina bago ito ginawaran ng magaang na halik sa noo.

“So now, ang kailangan nating isipin ay kung paano maaalis ang galit ng mga tao sa `yo. They must know your side of the story. Pero dapat hindi iyon magmumukhang nagdadahilan ka lang,” ani Raiven.

Tumango si Riki bilang pagsang-ayon. “As long as it’s not going to be humiliating, I will agree to that.”

“Sa tingin mo ba, may mas nakakahiya pa sa kinalalagyan mo ngayon?” malamig pa ring tanong ng kanyang ama.

“Jaime,” marahang saway ni Doña Edna sa asawa.

Nagkibit-balikat si Riki. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan nilang lahat nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok si Choi at ang mag-ina nito. Nabaling sa mga bagong dating ang atensiyon ng mga magulang nila. Nakahinga nang maluwag si Riki nang lumapit ang mga magulang nila kina Lorie at Maja.

“So, my controversial brother is finally here,” nakangising bati ni Choi sa kanya at pabagsak na umupo sa inuupuan ng kanilang ama kanina.

Ngumiwi si Riki. “Your happy face is pissing me off, you know,” sagot niya rito na tinawanan lang ni Choi. Mula nang magpakasal ang kapatid ni Riki kay Lorie ilang buwan na ang nakararaan ay palagi na itong mukhang luku-luko kung makangiti. Hindi sumagi sa isip ni Riki na mababaliw si Choi sa isang babae lang. Ngunit hayun ang kapatid niya at tila maamong tupa mula nang makilala nito si Lorie.

“And your distressed look is making me laugh,” ganti ni Choi na sinagot lang ni Riki ng naiinis na ungol.

“Kailangan mo munang mag-lie low, Riki, hangga’t hindi pa tayo nakakaisip ng solusyon para malinis ang pangalan mo. Stay at home if you must, understand?” sabad ni Raiven.

Napabuga ng hangin si Riki. “Whatever you say, brother. Sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi sa pad ko para makapagpahinga na ako.”

“Oh, too bad. Nagplano pa naman kami ni JT ng welcome home party mo sa club namin mamayang gabi. Kahit na maraming galit sa `yo, marami pa ring babaeng gusto kang makita nang personal,” ani Choi na kinindatan pa siya.

Napangiti si Riki. “I’ll go.”

“Riki, kakasabi ko lang, hindi ba?” banta ni Raiven.

“Oh, come on, brother, it’s just a party. Wala naman akong gagawing masama roon. Besides club iyon nina Choi at JT. You know what, sumama ka na lang din kaya?” alok ni Riki sa panganay na kapatid.

“I’m busy.”

“Oo nga naman, Raiven. Pumunta ka na. You need to unwind kahit minsan lang,” pang-uudyok dito ni Choi.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Raiven. Tumingin ito sa wristwatch nito at tumayo. “We’ll see. Anyway, may meeting ako in an hour kaya mauuna na ako.” Lumapit si Raiven sa mga magulang nila at nagpaalam. Pagkatapos halikan ng lalaki sa pisngi si Maja ay umalis na ito.

Napailing si Riki habang nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Raiven. “Still as straightlaced as ever. He should get laid.”

“We both know he has his own reasons as to why he is like that. Sa halip na problemahin mo si Raiven mas dapat mong problemahin ang sitwasyon mo ngayon, Riki,” ani Choi.

Bumalik ang tingin ni Riki sa nakababatang kapatid at napangisi. “I know. I should also get laid.”

Pumalatak si Choi. “Hindi `yan ang ibig kong sabihin.”

“Iyon ang pagkakaintindi ko.”

Tumawa si Choi. “Well, bahala ka. Maraming magandang babae sa party mamaya. Take your pick,” ganting-biro nito.

“Aren’t you going to join me?” tudyo ni Riki.

Umasim ang mukha ni Choi. “Matagal na akong graduate diyan, Riki. I would rather be with my wife, thank you. Enjoy yourself.”

Natawa si Riki. Alam naman niya na iyon ang isasagot ni Choi. His playboy brother, who’d never had a serious relationship, had really changed. “Oh, I will, brother. Surely.”

PAKIRAMDAM ni Ailyn ay mabibingi na siya sa lakas ng tugtog sa loob ng club kung saan siya naroon. Pero umakto pa rin siyang hindi alintana iyon at nanatiling nakatayo sa isang gilid ng bar habang nakasunod ang tingin sa “alaga” niya nang gabing iyon. Umiiling si Ailyn habang nakatingin kay Jewel Jimenez, ang anak ng isang mayamang negosyante. Naatasan siyang bantayan ang babae habang naka-leave ang dating bodyguard nito. Nasa gitna si Jewel ng dance floor at abala sa maharot na pagsayaw habang may dalawang lalaking halos nakalingikis na rito.

Ganito na ba talaga ang mga babae ngayon? Beinte anyos pa lang si Jewel pero tila propesyonal na ito sa pakikipagharutan sa mga lalaki. Hayun nga at tila aliw na aliw pa ang babae habang kung saan-saan na napupunta ang mga kamay ng mga lalaking kasayaw nito. Kung siya si Jewel ay nabali na ni Ailyn ang mga buto ng mga lalaking iyon. Ayaw na ayaw kasi niyang hinahawakan ng kung sino.

Pero sabagay, mula nang maging agent si Ailyn ng security agency ng tiyuhin niya ay wala namang lalaking nagtangkang lumapit sa kanya maliban na lang sa mga katrabaho niya. Hindi palaayos si Ailyn dahil hindi naman iyon kailangan sa trabaho niya. Itim na T-shirt, jacket, at pantalon ang madalas niyang isuot. Dating maputi si Ailyn pero nag-iba na ang kulay ng balat niya sa ilang taong pagbibilad sa araw. Hindi rin siya sanay na mag-makeup. Sa kabila ng feminine features ni Ailyn na namana niya sa magandang mama niya ay maraming lalaking nag-aakalang tomboy siya. Naitatago kasi ng maluwang na T-shirt na suot ni Ailyn ang kaniyang ganda. Sa tingin niya, mas safe na ganoon ang tingin sa kanya ng mga lalaki kaya kahit kailan ay hindi niya itinama ang maling akala ng marami.

Napangiwi si Ailyn. Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang makita ni Ailyn na isa na lang ang kapareha ni Jewel sa dance floor. Sa pagkakataong iyon ay naghahalikan na ang dalawa. Naikuyom ni Ailyn ang kanyang mga kamay dahil gusto niyang pigilan si Jewel sa ginagawa nito. After all, ibinilin ng mga magulang ng babae na ilayo ni Ailyn sa kapahamakan si Jewel at sa tingin niya ay mapanganib na ang ginagawa ni Jewel para sa pagkababae nito.

Pero ibinilin ni Jewel na huwag ko siyang iistorbohin at manatili lang ako sa isang tabi. Na hangga’t hindi siya sumisigaw para humingi ng tulong ay huwag akong lalapit sa kanya. Kaya yata nag-leave ang bodyguard niya dahil sakit siya sa ulo. Humugot si Ailyn nang malalim na hininga.

Sa totoo lang, hindi niya maisip kung bakit kailangan pa ni Jewel ng bodyguard. Sa tingin ni Ailyn ay nag-o-overreact lang ang ama ng babae. May iba ngang mas mayaman pa sa mga ito na wala namang bodyguard. Pero hindi na dapat magreklamo si Ailyn dahil sa mga gaya nina Jewel kaya siya may trabaho.

Naging alerto si Ailyn nang lapitan siya ni Jewel habang nakalingkis pa rin sa baywang nito ang lalaking kahalikan ng babae kanina. “Ailyn, aakyat kami sa second floor, may special party doon. You just stay here and have a drink, okay? It’s a private partly so I can’t bring you with me,” maarteng sabi ni Jewel. Dumukot ang babae ng isang libo sa purse na dala-dala nito at isinuksok sa bulsa ng pantalon ni Ailyn.

“Pero, Ma’am, bilin ho sa akin ng papa ninyo huwag kong aalisin ang tingin ko sa inyo,” giit niya.

“Nonsense, nasa taas lang naman ako. Hindi naman niya malalaman as long as we don’t tell him, right?”

“Pero, Ma’am—”

“Geez, why are you so persistent?” inis na putol ni Jewel sa pagrereklamo ni Ailyn. “Ganito na lang, I’ll just stay there for four hours. Pagkatapos ng apat na oras at hindi pa ako bumababa, puntahan mo na ako, okay?”

Bago pa uli makapagsalita si Ailyn ay nakatalikod na si Jewel at ang lalaking kasama nito. Frustrated na sinundan na lang niya ng tingin ang babae habang paakyat ang mga ito sa hagdan patungo sa second floor. Sandaling nanatili si Ailyn sa kinaroroonan niya bago sumunod kina Jewel. Hindi kasi niya matiis na manatili roon at maghintay lang na bumaba ang binabantayan niya.

Pero bago pa man makapasok sa glass door ng second floor si Ailyn ay hinarang na siya ng isang bouncer. Kahit sinabi pa niyang nasa loob ang taong binabantayan niya ay hindi pa rin siya pinapasok ng malaking lalaki dahil pribado raw ang lugar na iyon at pawang mga VIP lang ang puwedeng pumasok.

“Huwag kang mag-alala, Miss. Safe ang amo mo sa loob. Mahigpit ang seguridad dito at kahit mga reporter, hindi makakapasok,” sabi sa kanya ng bouncer.

Napabuga ng hangin si Ailyn at saka ginulo ang buhok niya. Patalikod na siya nang may mahagip ang mga mata niya sa isang pasilyo. Ngayong mas relax na si Ailyn dahil alam niyang safe naman pala ang “alaga” niya sa second floor ng bar na iyon ay naalala niyang kailangan nga pala niyang gumamit ng banyo.

“Boss, CR ba `yon?” tanong ni Ailyn sa bouncer na tumango naman. “Puwede naman siguro akong makigamit n’on, `no? Puputok na kasi ang pantog ko.”

Bahagyang ngumiti ang malaking lalaki bago tumango. Dali-daling lumapit sa CR si Ailyn. Ni hindi na niya pinansin ang tinig ng mga lalaking palabas ng men’s room dahil nakatutok ang buong atensiyon ni Ailyn sa pinto ng ladies’ room nang bigla na lamang may humablot sa kuwelyo niya sa likuran. Muntik nang matumba si Ailyn dahil bahagya siyang nawalan ng balanse.

On impulse at dala ng maraming taong karanasan sa pagiging bodyguard ay kusang kumilos ang katawan ni Ailyn na nakaramdam ng panganib. Umangat ang mga kamay niya at humawak sa kamay na nasa kuwelyo niya. Pagkatapos ay umikot si Ailyn sa paraang mapipilipit niya ang kamay ng kung sino mang naglakas-loob na atakehin siya mula sa likuran. Narinig niya ang marahas na pagmumura ng lalaki ngunit hindi siya huminto. Bumuwelo si Ailyn at sa kabila ng naramdaman niyang matigas at malapad na pangangatawan ng lalaki ay inipon niya ang lahat ng lakas niya at ibinalibag ito. Lumagabog sa sahig ang lalaki.

“Aw, fuck! What the hell?!” bakas ang sakit at galit sa baritonong tinig na bulalas ng lalaki.

Noon lang tiningnan ni Ailyn ang ibinalibag niya. Sa kabila ng madilim at kumukutitap na liwanag doon ay nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang lalaking inihagis niya. Iyon ang unang beses na nakita ni Ailyn ang lalaki nang personal. Matalas ang memorya niya pagdating sa mukha ng tao kaya agad niyang nakilala si Riki Montemayor. At base sa talim ng tingin at balasik ng ekspresyon sa mukha ng lalaki ay may pakiramdam si Ailyn na nasuong siya sa isang malaking gulo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.