THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY (Filipino) Chapter 41

LALO pang nagpatindi sa init na nararamdaman ni Riki ang naging pagtugon ni Ailyn sa mga halik niya. At the same time, it also brought a sweet ache in his chest. Bagay na hindi niya naramdaman kahit kailan sa ibang babae. Not even Marietta.

Pinutol ni Riki ang paghalik sa mga labi ni Ailyn at pinadausdos ang mga labi niya sa pisngi ng dalaga patungo sa tainga nito. Napasinghap ito. “Ailyn, I want to make love to you,” bulong niya. Riki could hear his hopeless need even in his own voice. Iyon din ang unang beses na siya ang humiling ng ganoon. Noong sila pa ni Marietta ay hindi siya ang gumagawa ng paraan para makipagtalik sa babae. Alam kasi niyang masyadong vulnerable ang dating kasintahan. Ngayon napagtanto ni Riki na kaya hindi niya ginawa iyon ay dahil hindi niya naramdaman kay Marietta ang matinding damdaming naramdaman niya ngayon habang kasama niya si Ailyn. His feelings for her were so strong that he wanted to be near her in every possible way. He wanted to be inside her, to possess her and to never let go.

“Ailyn.” He licked her ear, teasing her to answer him. Hinaplos ni Riki ang makinis na mukha ng dalaga, patungo sa leeg nito pababa pa sa ibabaw ng mga dibdib nito. He itched to cup her breasts, to taste them with his mouth. But that could wait.

Riki wanted their first time to be in bed. Gusto niyang kapag lumampas sa halik ang gagawin niya kay Ailyn ay may permiso ito. Gusto ni Riki na marinig sa mga labi ng dalaga na gusto rin nito ang gusto niya. And he realized that aside from being in love with Ailyn, he had such a high level of respect for her that he wanted her to decide. Kung ayaw ni Ailyn ay hindi niya pipilitin ang babae. Even if his whole body was already burning up and aching.

Ipinagpatuloy ni Riki ang ginagawa sa tainga ni Ailyn. Mayamaya pa ay bahagyang bumaba ang mga labi niya sa leeg nito. Napasinghap at napaigtad ang dalaga. “Can I make love to you? Please, answer me, Ailyn.”

Suminghap uli si Ailyn bago sinagot ang tanong niya. “O-oo. Please.”

Bahagyang lumayo si Riki kay Ailyn at tiningnan ang mukha nito. His body throbbed when he saw the desire in her face. She was so beautiful. Napangiti si Riki at saka huminga nang malalim. “It’s my pleasure.”

Tumayo si Riki nang maayos at hinila si Ailyn patayo. Siniil uli niya ang dalaga ng halik sa mga labi. Ipinulupot niya ang braso sa baywang ni Ailyn at idinikit nang husto ang katawan nito sa kanya. Kapagkuwan ay bumaba ang kamay ni Riki sa laylayan ng T-shirt nito. Mabagal na inakay niya ang dalaga patungo sa kuwarto nito. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng T-shirt ni Ailyn. Napasinghap ito. Hinaplos ni Riki ang tadyang nito papunta sa tiyan at likod nito. Pinakawalan niya ang mga labi ni Ailyn at inangat ang damit nito. Mabilis na itinaas ni Ailyn ang mga braso para tuluyan niyang mahubad ang T-shirt nito. Basta na lang inihulog ni Riki sa sahig ang damit ni Ailyn at hinalikan ang leeg nito kasabay ng pagbubukas niya ng pinto ng silid nito. Napasinghap si Ailyn at napahawak sa dibdib niya.

Nahigit ni Riki ang kanyang hininga nang makapasok sila sa kuwarto ng dalaga. Naramdaman kasi niya ang mga kamay ni Ailyn na inaalis ang pagkakabutones ng polo niya. A chuckle escaped from his lips when he sensed how impatient her movements were. He could understand her impatience because that was what he actually felt at that moment. Hinayaan ni Riki si Ailyn na hubarin ang polo niya. Nang malaglag iyon sa sahig ay niyakap uli niya ang dalaga at maingat na inihiga sa kama. Sumunod siya at maingat na kinubabawan ito.

Huminto si Riki sa paghalik kay Ailyn at tinitigan ang mukha nito. Nakapikit ang dalaga at habol ang hininga. Namumula rin ang mukha nito. Marahang nagmulat ng mga mata si Ailyn at tila may kung ano uling sumipa sa dibdib ni Riki sa biglang pagbugso ng emosyon. “You are so beautiful,” masuyong sabi niya rito.

Ngumiti si Ailyn. Tila may maiinit na kamay na humaplos sa dibdib ni Riki. “Ikaw lang ang lalaking nagsabi sa `kin niyan, alam mo ba `yon?” ganti ni Ailyn sa kaparehong tinig.

“Bulag silang lahat. I used to be blind, too. Pero hindi na ngayon,” sagot ni Riki saka hinalikan uli si Ailyn. Gumanti ito ng halik. Sa isang iglap ay nakalimutan na ni Riki ang kanyang balak na gawing mabagal ang pag-iisa nila. He kissed her hungrily from her mouth, to her neck, down to her breast, then moved his mouth lower to her belly. Tinapos ni Riki ang pag-aalis ng natitirang saplot ni Ailyn sa katawan. Then Riki parted her legs and kissed that precious part of her. He thought his chest might explode with the heady combination of physical and emotional pleasure.

“Riki!” napahiyaw si Ailyn sa pagkabigla. Ngunit agad din iyong napalitan ng kakaibang tunog na masarap pakinggan. “Riki…” tawag nito sa kanya sa tila nakikiusap na tinig.

Alam ni Riki ang gusto ni Ailyn. Umakyat uli pataas sa katawan nito ang mga labi niya hanggang sa marating niya ang mga labi ng dalaga. Riki groaned when she moved under him. Lalo na nang maglikot din ang mga kamay ni Ailyn at marating ang butones ng pantalon niya. “Hubarin mo ito,” sabi nito.

Natawa si Riki at bumangon. Bumakas ang pagpoprotesta sa mukha ni Ailyn pero nginitian niya ito. “Susundin lang kita,” amused na sabi ni Riki. Hindi siya makapaniwalang magkakaroon ng pagkakataong tatawa siya ng ganoon habang nakikipagniig. Tuluyan niyang hinubad ang lahat ng saplot niya sa katawan at bumalik sa ibabaw ni Ailyn. Riki gritted his teeth when she automatically parted her legs to give him space. Buong pusong idinikit niya ang buong katawan niya rito. Suminghap si Ailyn at niyakap siya nang mahigpit.

“You… I love you. I never thought I would but I do,” wika ni Riki, saka hinalikan ang dalaga.

Humigpit ang yakap ni Ailyn kay Riki at gumanti ng halik. “Patunayan mo,” bulong nito.

And so he did. He entered her, slowly at first. But when she started to move underneath him he lost control. Riki made love to her with all the intensity he felt for her. Until they both reached the peak, calling out each other’s name, hugging each other tight as if they didn’t want to let go of each other. And he didn’t want to let go of her. Not ever.

“Mahal din kita,” bulong ni Ailyn sa kanya.

Kontentong napangiti si Riki at masuyong hinalikan sa mga labi ang dalaga. “Mabuti naman. Dahil kung hindi, may buong gabi pa ako para mapaoo ka.”

Tumawa si Ailyn at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Bumuntong hininga si Riki at pumikit. Marahan niyang hinaplos ang likod ni Ailyn. Saglit pa ay naramdaman na ni Riki ang paglalim ng hininga ng dalaga patunay na nakatulog na ito. Not long after that, he also drifted to sleep.

NAGISING si Ailyn kinabukasan na mabigat ang katawan ngunit masarap naman ang pakiramdam. Lalo na nang magmulat siya ng mga mata at ang unang nakita niya ay ang nahihimbing na mukha ni Riki. Hindi siya kumilos para huwag itong magising. Nakapatong kasi ang braso at binti ni Riki kay Ailyn kaya alam niyang magigising ito kapag gumalaw siya.

Pinagmasdan ni Ailyn nang matagal ang binata. Hanggang sa humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kasunod niyon ay ang marahang pagmulat ng mga mata ng binata. Nginitian siya ni Riki nang magtama ang mga mata nila. Pagkatapos ay hinigit siya ni Riki palapit sa katawan nito at ginawaran siya ng masuyong halik sa mga labi. “Good morning,” paos na sabi nito.

Napangiti si Ailyn at hinaplos ng mga daliri niya ang mainipis na balbas sa baba ni Riki. “Ang weird.”

Umangat ang mga kilay ng binata. “Ano ang weird?”

Nagkibit-balikat si Ailyn. “Tayo. Parang kailan lang lagi tayong nag-aaway. `Tapos ngayon…” Hindi niya itinuloy ang sasabihin dahil nag-init ang mga pisngi niya.

Lumawak ang ngiti ni Riki. Napasinghap si Ailyn nang bigla itong kumilos at kinubabawan siya. Lumangitngit ang kama niya dahilan kaya napangiwi siya. “Sa ginawa natin buong gabi, pakiramdam ko masisira na ang kama ko. Ang laki-laki mo pa naman, eh, pang-isang tao lang ito,” ani Ailyn

Tumawa si Riki at hinalikan siya sa leeg. Awtomatikong kumalat ang nakakakiliting sensasyon sa buong katawan ni Ailyn sa ginawa nito. “No problem. Next time, we will be in my room,” sabi pa ni Riki.

Akmang hahalikan uli siya ng binata nang mapaigtad sila sa lagabog mula sa labas ng apartment niya. Nagkatinginan silang dalawa. “Ano `yon?” tanong ni Ailyn.

Bumangon si Riki at mabilis na pinulot ang panloob at pantalon nito na nasa sahig. Bumangon din si Ailyn. Saka lang niya naalalang nasa sala nga pala ang damit niya nang hindi iyon makita sa sahig. Nataranta siya nang marinig ang tila pag-iingay sa labas. Malayo sa ibang bahay ang apartment building nila kaya nakapagtataka ang mga nangyayari. Kasunod niyon ay sunod-sunod at malakas na katok sa pinto ang narinig nila.

“Here, wear this first,” sabi ni Riki at iniabot kay Ailyn ang polo nito. “I have a bad feeling about this.” Pagkasabi niyon ay lumabas na ng silid niya ang binata.

Mabilis namang isinuot ni Ailyn ang polo ni Riki. Mabilis siyang lumapit sa aparador para kumuha ng shorts nang marinig niya ang marahas na pagmumura ni Riki. Napaderetso ng tayo si Ailyn at mabilis na lumabas ng kuwarto niya para puntahan ang binata. Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng shorts dahil malaki naman sa kanya ang polo nito.

“What the hell is this,” malakas na sabi ni Riki habang nakaharang sa pintuan.

Napatakbo si Ailyn palapit dito. “Riki, bakit, ano’ng problema?”

Nilingon siya ng binata. “Stay inside,” marahas na utos nito.

Nalito si Ailyn. “Ha? Ba—” Napakurap siya sa sunod-sunod na kislap ng flash ng mga camera. Napasulyap si Ailyn sa labas ng apartment niya at napaawang ang mga labi nang makitang may mga reporter doon. Mabilis na hinila siya ni Riki papasok at pabalibag nitong sinara ang pinto.

“P-paano nila nalamang nandito ka?” manghang tanong ni Ailyn.

Marahas na ginulo ni Riki ang buhok nito. “I don’t know. Shit! I have to call Jeremy. Get dressed.”

Tumalima si Ailyn. Nag-init ang mga pisngi niya nang ma-realize niya kung ano ang hitsura niya at ni Riki. Iyon ang nakuhanan ng mga reporter sa labas. Nakikinita na ni Ailyn ang mga sasabihin ng mga reporter. Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto niya at nagbihis. Nang makapagbihis siya ay lumabas uli siya sa sala at iniabot kay Riki ang T-shirt na ibinigay nito sa kanya noon. “Ito na muna ang isuot mo kasi lukot na `yong polo mo,” ani Ailyn rito. Bumuga ng hangin si Riki at tinanggap iyon. “Nakausap mo na si Jeremy?” tanong niya sa binata habang nagbibihis ito.

Inayos muna ni Riki ang T-shirt nito bago sumagot. “Yes. Papunta na sila rito ni Winnie. May kailangan din daw siyang sabihin sa ating importanteng impormasyon na kahapon pa niya dapat sinabi pero hindi lang siya nagkaroon ng pagkakataon dahil sa mga nangyari.” Tumitig si Riki kay Ailyn at hinaplos ang buhok niya. “Pero kahit dumating siya hindi na natin mababawi ang mga picture na nakuhanan ng mga nasa labas. We will be on the news today or tomorrow. I’m sorry for putting you through this,” masuyong sabi ni Riki.

May init na humaplos sa puso ni Ailyn. Ngumiti siya. “Magiging okay ako. Nakalimutan mo na ba na hindi ako mahinang babae? Bodyguard mo nga ako, `di ba?”

Ngumiti si Riki at hinigit siya. “Yeah. I know that,” anito, saka mahigpit siyang niyakap.

“HINDI ko alam kung paano nila nalaman na nandito ka pero may mas importante tayong kailangang pag-usapan,” seryosong sabi ni Jeremy kay Riki pagkarating na pagkarating ng lalaki at ni Winnie sa bahay ni Ailyn. Haggard na haggard pa ang hitsura ng dalawa at nahirapang makapasok sa bahay niya. Mas dumami kasi ang mga reporter sa labas.

“Ano?” tanong ni Ailyn.

“Tungkol sa pinaasikaso mo sa akin, Ailyn. Sa babaeng nakita mong lumabas sa shower room at nanakit kay Marietta. Pati ang plate number ng kotseng sinabi mo. At tungkol sa kung sino ang nagpapadala ng anonymous letters. After we did the investigation, nalaman namin na related ang lahat ng ito,” paliwanag ni Jeremy.

Nagkatinginan sila ni Riki bago tumingin uli kay Jeremy. Si Winnie naman ay nakasilip sa bintana ng apartment ni Ailyn at tagabantay sa mga press na nasa labas.

“Noong araw na tumawag ka para imbestigahan ang nakita mong umatake kay Marietta sa tennis club, kasalukuyan kong nire-review ang mga CCTV video na nakunan sa tapat ng pinto ng pad ni Riki. Sa totoo lang, naisip ko na dapat noon ko pa ginawa `yon. Eh, di sana tapos na kaagad ang misteryo ng nagpapadala ng mga larawang iyon dahil sa bawat araw na may nakikita tayong sulat, isang tao lang ang palaging nagpupunta sa bahay mo, Riki,” seryosong pahayag ni Jeremy.

“Don’t tell me…” bulalas ni Riki.

Tumango si Jeremy. “Yes. It was Bona, your housekeeper. Habang pinapanood ko ang videos noon ko lang na-realize na tuwing may dumarating kang sulat ay nagkakataong araw ng paglilinis niya sa pad mo. Kung minsan naman ay nagpupunta siya kahit hindi araw ng paglilinis. Hindi lang natin alam dahil wala tayo roon. At para kumpirmahin ang hinala mo, Ailyn, na siya rin ang babaeng nakita mo sa tennis club, pinuntahan namin siya ni Winnie kanina sa address na ibinigay niya sa akin noong nag-apply siyang housekeeper ni Riki. Due to Winnie’s magnificent interrogating skills—”

“Thank you,” nakangiting sabad ni Winnie.

Tumikhim si Jeremy. “Bona admitted to us that she was really the one who did all of those things. Pero ayon sa kanya ay napag-utusan lang siya ng taong itinuturing niyang totoong amo niya bago pa man siya mag-apply na housekeeper mo, Riki,” ani Jeremy na nakatingin na kay Riki.

Magtatanong na sana si Ailyn kung sino ang totoong amo ni Bona nang tumunog ang cell phone ni Riki. “Sandali, si Raiven,” anito, saka sinagot ang tawag.

“What?! Paanong nawala siya sa ospital nang walang nakapansin sa kanya?” malakas na sabi ni Riki dahilan para mabaling dito ang atensyon nilang lahat. Sumulyap kay Ailyn ang binata. “Wala ako sa bahay. Nandito ako sa apartment ni Ailyn.” Ngumiwi si Riki. “Yeah actually, maraming press sa labas pero uuwi kami sa pad ko para tingnan kung pumunta si Marietta roon. Tatawagan kita agad kung sakaling naroon nga siya. Sige.” Iyon lang at pinutol na ni Riki ang tawag, pagkatapos ay napabuga ng hangin na tila ba kay bigat ng problema nito.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Ailyn.

“Si Marietta. Sinumpong siya kagabi nang hindi ako nagpapigil sa kanya na sundan ka. When I told her I had to go after you and that I believed you when you said she pushed you into the pool, nagwala siya at nag-hysteria. She is bipolar and has manic depression kaya dinala siya nina Raiven sa ospital. Pero pagtingin daw ng mga nurse sa kuwarto niya ngayon ay wala na siya. Naisip ni Raiven na baka nagpunta si Marietta sa pad ko,” paliwanag ni Riki.

“Now, that makes sense,” biglang sabi ni Winnie na lumapit na rin sa kanila. “Ano sa tingin mo Jeremy?”

Tumango si Jeremy.

“Ano’ng ibig ninyong sabihin?” magkapanabay pang tanong nila ni Riki.

Tiningnan ni Jeremy si Riki.“Riki, sigurado akong hindi sa pad mo nagpunta si Marietta dahil hindi totoong kakauwi lang niya galing sa Amerika. Ang totoo, noong umuwi ka rito sa Pilipinas, five years ago ay umuwi rin siya. Pero hindi siya nagpakita sa `yo at nag-rent lang ng apartment di-kalayuan sa building mo.” Si Ailyn naman ang binalingan ni Jeremy. “Ailyn, ang kotseng nakita mo sa tennis club ay nirentahan lang. Alam ko na rin kung sino ang nagrenta niyon. Bona has been working for none other than Marietta.”

“Ano?” gulat na sabi ni Ailyn. Naramdaman naman niya ang pagka-tense ni Riki sa tabi niya. Mukhang pati ang binata ay nabigla rin.

“Yep. Si Marietta ang nagpapadala ng mga kakaibang sulat sa `yo, Riki. Inamin ni Bona. Ipinakita pa niya ang kuwartong inookupa ni Marietta at nandoon nga ang napakaraming larawan ni Riki tuwing nababalita siyang may kasamang babae. Siya rin ang nag-utos kay Bona na sumunod sa tennis club. Riki, she’s so obsessed about you,” sabi naman ni Winnie.

“Let’s go and see her,” nakatiim-bagang na sabi ni Riki.

“Pero ang daming press sa labas,” sabi ni Ailyn.

Tiningnan siya ni Riki. “But I have to settle the issue with her. Dahil kung hindi baka sa susunod ay gumawa na siya ng bagay na makakasakit sa `yo. Alam ko na malakas ka at kaya mong alagaan ang sarili mo. But still I won’t let you get hurt.”

Naantig ang damdamin ni Ailyn sa sinabi ni Riki kaya napabuntong-hininga na lang siya at tumayo na rin. Tumingin siya kina Jeremy at Winnie na nakamasid sa kanila. Alam niyang maraming tanong ang dalawa pero mas pinili ng mga itong manahimik muna.

“Ano’ng gagawin natin sa mga press?” tanong ni Winnie.

“Just tell them we will answer their questions later this afternoon,” bale-walang sabi ni Riki. Napaigtad si Ailyn nang gagapin ni Riki ang kamay niya at pinisil iyon. Tiningala niya ang binata. Nagtama ang mga mata nila. “Ito na ang huling pagkakataon na masasabak tayo sa ganitong gulo. I promise you.”

Bahagyang ngumiti si Ailyn at tumango. Nakita niya sa mga mata ni Riki na determinado itong tuparin ang pangakong iyon. Kaya pagtitiwalaan ni Ailyn ang binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.