NAGULAT ang lahat ng reporters na dumalo sa press conference ni Riki Montemayor nang dumating ang lalaki nang hindi nag-iisa. Sa tabi ni Riki ay isang napakagandang babae na nakasimpleng bestida at manipis na makeup. Bago dumalo sa press conference ay hindi pumayag sina Doña Edna at Lorie na magpakita si Ailyn sa media na hindi nakadamit pambabae. Kaya ilang segundong natulala ang mga reporter sa pagkamangha sa kanya.
Nagkagulo lamang ang mga ito nang may isang nakapansin na siya mismo ang babaeng nasa mga larawang kumakalat. Nagkislapan ang mga flash ng camera nang may isang reporter na nagsabing hindi ito makapaniwalang siya ang bodyguard ni Riki na madalas na kasa-kasama ng lalaki.
Lalong na-curious ang mga reporter nang mapansing nakahawak sa baywang ni Ailyn si Riki. “Tungkol sa larawan naming lumalabas ngayon, I don’t think there is anything wrong with that. Because we are getting married,” seryosong pahayag ni Riki.
Nagkaingay ang mga reporter at sabay-sabay na nagtanong sa kanila habang lalong dumami ang flash ng camera.
“This isn’t a trick. We really love each other. Natagalan lang kaming humarap sa inyo dahil gusto kong ang pamilya ko muna ang unang makaalam ng plano naming pagpapakasal. And they’ve given us their blessings. I do hope that you will all give us your support, too. Now if you’ll excuse us,” ani Riki. Pagkatapos ay inakay uli nito si Ailyn paalis doon.
Sinundan sila ng mga reporter pero agad na napigilan ng mga security ang mga ito. Lumipat sila ni Riki sa kanugnog na silid. Naabutan nila roon sina Jeremy, Winnie, Choi, Lorie, Raiven at ang mga magulang ni Riki. Nakangiti ang lahat sa kanila.
“That was good, Riki,” proud na sabi pa ni Doña Edna.
“At ang ganda-ganda mo kaya wala na silang nasabi,” natatawang sabi ni Lorie.
Natawa si Ailyn. “Wala rin akong nasabi.”
“It’s okay. Kapag nagsalita ka baka sa susunod ay kulitin ka pa nila. Ayokong guluhin ka nila sa susunod,” sabi ni Riki sa kanya.
Tiningala ni Ailyn ang lalaki at matamis na nginitian. “Salamat sa pag-aalala.”
“Of course. I’ll worry about you because you are going to be my wife. I’ll always protect you. Kahit buhay ko pa ang kapalit,” biro ni Riki.
“Nagsisipag-asawa na talaga kayong lahat. Then, Raiven—”
“Papa. Let us not ruin the mood by talking about me,” putol ni Raiven sa sasabihin ng ama.
Marahas na bumuntong-hininga si Don Jaime bago bumaling kina Riki at Ailyn. “Well, he’s right. Come, let’s have our family dinner now,” yaya ng matandang don.
Mabilis na sumang-ayon ang lahat. Nagtungo sila sa isang mamahaling restaurant at masayang kumain ng hapunan.
Kinabukasan larawan pa rin nina Riki at Ailyn ang laman ng mga balita.
Riki Montemayor’s passionate encounter with his bodyguard has ended up in another must-see wedding! The Montemayor brothers are already tying the knot. Who will be the lucky girl to catch the oldest and most elusive of them all?
•••WAKAS•••
Ang huling libro ay kuwento ni Raiven and one of my personal favorites. :)