The Substitute Chapter 13

TAHIMIK, walang imik na nakaupo lamang ako sa unahang upuan ng kotse ni Jino. May pag-aalala sa kaniyang tingin nang sunduin niya ako sa labas ng bahay ni Yvo. Hindi siya nagtanong ng kung ano. Marahil ay hinihintay niyang magsalita ako nang kusa.

Pero kaya ko ba? Kaya ko bang sabihin na may nangyari sa amin ni Yvo? Na sa lahat ng pinakaiiwasan kong mangyari, sa ganoon pa rin ako lumagpak?

"You'll be fine, Quia. I'm here," pag-aalo sa akin ni Jino nang muli akong napaiyak sa mga ginawa ni Yvo.

"May nangyari sa amin." Mahina kong sabi na ikinaapak ni Jino sa preno ng sasakyan.

"What?!" Malakas niyang sabi bago humarap sa akin. "Fuck! Sana pala'y hindi ko hinayaang mapunta ka sa kaniya."

"Alam niya ang lahat, simula pa lang. Malamang pinaimbestigahan niya ako simula nang dumating ako sa inyo." Dagdag kong ikinahilot ni Jino sa kaniyang sentido. "O baka nga alam niya kung nasaan talaga si Jia. Matalino si Yvo, hindi matatapos ang araw na wala siyang nalalaman. Iyon ang ginawa niya sa akin.

Dinala niya ako sa restaurant just to make sure kung allergic ba talaga ako sa hipon. He knew that, kaya nang magbabad ako sa bathtub pinuntahan niya ako. Malamang nakita niya ang ilang mapupulang parte sa katawan ko. At mas lalong nalaman niyang hindi ako si Jia nang may mangyari sa amin! Fuck that Yvo for taking my virginity!" nagpupuyos sa galit na sabi ko.

"Hey, calm down. I'm still going to help you. Masyado masakit ang ginawa sa iyo ni Yvo. May kasalanan rin ako roon, kaya handa pa rin akong tulungan ka. For now, kailangan mo munang puntahan sina Tatay Tope. They've been asking me kung kailan ka bibisita."

Sa sinabing iyon ni Jino ay awtomatiko akong napangiti. At least makakasama ko na sina Tatay dahil hindi na ako makukulong sa impyernong bahay ni Yvo.

Nang makarating sa condo unit na tinutuluyan nila Tatay ay kaagad na akong pumasok. Bakas sa mukha ng dalawang taong nadatnan ko ang pagkabigla at tuwa. Mabilis akong niyakap ni Lemuel, sunod ay naiiyak na lumapit si Tatay.

"Quia, anak, bakit ba ngayon ka lang pumunta rito?" Tanong ni Tatay na tanging pagngiti lamang ang naisagot ko.

"Ahm, mauuna na ako Quia, 'Tay Tope. Dito na si Quia titira sa inyo, kaya huwag na po kayong mag-alala." May ngiting sabi ni Jino bago niya tinapik sa balikat si Lemuel. Muli siyang tumingin sa akin pagkatapos ay tuluyan nang umalis.

Bitbit ang ilang paper bags na galing sa grocery store ay tumungo ako sa kusina. Malaki ang condo ni Jino. Malaki na iyon para sa amin nila Tatay.

"Ate, ang bait ni Kuya Jino, ano? Binilhan niya nga ako ng cellphone eh. Pero para sa akin mas mabait si Kuya Yvo." Bigla akong natigilan nang sabihin iyon ni Lemuel. Mula sa pagsasalansan ng mga pinamili'y kaagad na bumaling ako sa dalawang lalaking nasa harap ko.

"Anong sabi mo?"

"Naku, Quia, si Yvo, iyong pumunta rito noong isang araw. Maraming dalang pagkain, damit at kung anu-ano. Tapos, binilhan pa ng computer itong si Lemuel at sabi'y papag-aaralin daw. Napakabait na bata. Saan mo ba nakilala ang nobyo mong iyon?"

Halos malaglag ang panga ko sa narinig mula kay Tatay. Ibig sabihin alam rin ni Yvo ang tungkol sa pamilya ko? At noong isang araw siya rito pumunta? Iyon ba iyong sinabi niya sa aking may kinumpirma lang siya?! Ito ba iyon? Kinumpirma niyang hindi nga talaga ako si Jianna?!

"Anak..."

"Po? Ah, ano, po, nakilala ko po sa trabaho." Sagot ko na lamang bago ipinagpatuloy ang pag-aayos. Alam na kaya ni Jino ang tungkol doon?

"May problema ba anak?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tatay. Mabilis akong umiling bago ngumiti. Hindi pwedeng malaman nila ang nagyari kanina. Masyadong mabigat iyon, kaya dapat ako na lang ang pumasan sa problema ko.

"Ano hong sabi ni Yvo noong pumunta siya rito?" Tanong ko na lamang para hindi sila maghinala na halos isumpa ko ang pangalang iyon.

"Ah, iyon ba ate? Sabi niya lang, ang bait-bait mo. Na mahal ka raw niya kasi lagi mo raw siyang ipinagluluto. Na kahit, sinasagot-sagot mo siya okay lang raw." Kinokonsensiya ba ako ni Lemuel? Hindi naman siguro ito binayaran ni Yvo para magsalita ng magaganda para sa marumi niyang pagkatao.

"Ganoon ba?" malaki ang ngiting sabi ko. Napakapeke ko. Kung mausisa lang ang Tatay at kapatid ko'y kanina pa nila nabuko na hindi naman talaga kami ni Yvo.

"Pero ate, may tumawag rito noong nakaraan." Sabi ni Lemuel habang ipinagbabalat ng mansanas si Tatay na ngayon ay nasa sala na't nanunood ng basketball.

"Sino?" tanong kong pilit iwinawaksi sa isip ang imahe ni Yvo. Damuho talaga, pati ba naman dito hindi ako nilulubayan?!

"Ewan, basta ang sabi, hahanapin ka raw niya kung nasaan ka man. Tapos tinakot pa ako na kapag hindi kita inilabas papatayin rin kami ni Tatay. Mga budol-budol talaga ngayon, kung anu-ano na lang ang ginagawa." Napapailing na sabi ni Lemuel. Alam kong nawalan ng kulay ang aking mukha. Hindi iyon kung sinu-sino lang. Malamang ay si Mr. Ocampo iyon!

"May pinagsabihan ka ba ng tungkol doon?" tanong kong kinakabahan. Dapat malaman ito ni Jino.

"Oo, sinabi ko sa boyfriend mo." Kaagad na nagsalubong ang aking mga kilay. Bakit niya sinabi kay Yvo? Baka nga ipagkanulo pa ako noon sa gurang na si Mr. Ocampo. "Sabi niya, huwag raw akong mag-aalala, dahil poprotektahan niya tayo nila Tatay. Astig talaga, parang sa pelikula. Ang ganda mo Ate!"

Hindi ko makuhang tumawa sa panunukso ni Lemuel. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi niya tungkol sa pagtawag na iyon nang kung sinuman. Sigurado akong si Mr. Ocampo iyon!

"Saka kanina may tumawag ulit." Sabi naman ni Tatay na halos ikaluwa na ng puso ko. Sobrang lakas na ng tibok niyon at parang ano mang oras ay sasabog na.

"S-Sino?"

"Hindi ko kilala. Basta tinanong niya lang kung kumusta ka na."

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Lemuel. Kung sino man ang mga iyon ay dapat ko na sigurong isipin kung saan kami magtatago nila Tatay. Mukhang hindi magtatagal ay matutunton na kami ni Mr. Ocampo.

Saglit kong binalewala ang lahat. Kaagad akong pumasok sa bakanteng kuwarto bago tinawagan si Jino. "Alam na ni Ocampo kung nasaan ako. Natatakot ako para kina Tatay." kinakabahan kong sabi.

"Don't worry, magpapadala ako ng tao riyan, para magbantay. Basta kapag lalabas kayo, huwag kayong lalayo sa mga tao ko. Lalo ka na Quia." Sagot ni Jino bago niya pinutol ang tawag.

Kinakabahan man ay pinanatili kong kalmado at normal ang sarili. Hindi ko gustong makaramdam sila Tatay na natatakot ako.

Lumipas ang dalawang buwang hindi kami lumabas sa condo. Mabuti nang nag-iingat. Baka mamaya'y may bigla na lang humablot sa akin.

Gaya nang sabi ni Jino ay nagpadala nga siya ng ilan sa mga tauhan niya para magbantay sa amin.

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas na wala akong balita kay Yvo. Mas mabuti iyon, nakakakulo ng dugo kapag naiisip ko pa lang ang pangalan niyang kasumpa-sumpa.

Maaga akong nagising para magluto ng almusal namin nila Tatay. Pero habang nasa banyo'y parang binaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong yumuko sa lababo. Nakakahilo, nakakawala ng ulirat! Halos isang linggo na simula nang makaramdam ako ng ganito.

Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Hindi ako bobo para hindi malaman ang dahilan kung bakit ko nararamdaman ang mga sintomas na iyon.

Hayop ka Yvo! Ito ba ang parusa mo? Ang buntisin akong hayop ka?!

Ilang minuto kong kinalma ang sarili bago nagpasyang lumabas sa banyo. Seryosong mukha ni Tatay at Lemuel ang nabungaran ko. Napapikit na lamang ako nang mariin. Mukhang mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari.

"So ang nobyo mo ang ama niyan?" Seryosong sabi ni Tatay pagkatapos kong magpaliwanag.

"Oo nga po." sagot ko na lamang bago tumungo sa kusina. "Pupunta po ako sa hospital mamaya para magpacheck up."

"Pupunta raw dito si Kuya Jino mamaya." sabi ni Lemuel na ikinabaling ko sa kaniya.

"Huwag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol sa dinadala ko. Lalo na kay Yvo." Mariin kong sabi na ikinakunot ng noo nila ni Tatay.

"Anak, ano bang problema? Hindi naman pwedeng hindi malaman ni Yvo ang tungkol riyan. Anak niya rin ang nasa sinapupunan mo. Bunga iyan ng pagmamahalan."

"'Tay, alam ko po ang ginagawa ko. At ang sinasabi ninyong pagmamahal, wala hong ipinaramdam sa akin si Yvo." Malamig kong sabi bago tumungo sa kuwarto para magbihis. Kailangan ko nang pumunta sa hospital. Ayaw kong ulanin ng mga tanong nila na alam kong hindi ko masasagot nang maayos.

"Anak ko ho ito, bunga ng pagmamahal ko, walang parte si Yvo." sabi ko bago tuluyang nilisan ang condo. Isang tauhan ni Jino ang umalalay sa akin. Maging sila ay pinagbawalan kong iparating kay Jino ang kalagayan ko. Sinunod naman nila, pero hindi naman ako ang amo nila eh. Kay Jino pa rin ang katapatan ng mga ito kaya hindi na ako magtataka kung isang araw malaman niyang buntis ako.

At si Yvo? May parteng gusto kong malaman niyang dinadala ko ang anak niya. Pero ayaw ko pa sa ngayon, masyadong masakit ang ginawa niya sa akin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.