The Substitute Chapter 2

Tahimik na nakatitig sa akin si Tatay at Lemuel habang nag-aayos ako ng mga gamit. Nakakakaba ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Parang ano mang oras ay kakainin nila ako ng buhay.

"Ano bang trabaho ang pinasok mo at kailangan pang umalis tayo rito sa bahay?" Tanong sa akin ni Tatay. Napansin ko ang biglang paggalaw ng mga mata niya. Inilibot ni Tatay ang tingin sa loob ng aking kuwarto. Para bang may hinahanap itong kahina-hinala sa paligid.

"Personal Assistant po ako ni Jino." Maikli kong sagot bago ko isinarado ang zippers ng aking bag.

"Bakit kailangan pang makita niya ang mga pictures mo ate?" tanong naman ni Lemuel.

Bakit ba ang daming tanong ng mga ito? Hindi ba nila nahahalatang hindi ko kayang sagutin ang mga iyon?

Naglakad ako palabas ng kuwarto dala ang bag kong naglalaman ng ilan kong mga damit. Inilapag ko iyon sa aming sofa bago tumungo sa kusina para uminom.

"I don't know. Maybe he wants to make sure na mapagkakatiwalaan talaga ako." Sagot ko na lamang dahil hindi ko pa magawang sabihin sa kanila ni Tatay ang tungkol sa inialok sa akin ni Jino. Isa pa, para rin naman ito sa kapakanan nila. Me being Jianna; mas mapoprotektahan ko sina Tatay kapag ganoon.

Hindi na muling nag-ungkat pa sina Tatay ng tungkol sa trabaho ko. Mabuti iyon, baka kasi sa kakatanong nila madulas pa ako't masabi ang pagpapanggap na gagawin ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Jino kagabi. I'd never imagined myself doing this kind of shit. Ni hindi nga sumagi sa isip kong darating ang panahong mangyayari ito. Ang buong akala ko'y sa mga libro lamang nangyayari ang ganito. Like, who the hell would ask me to pretend as someone I don't know?

Jino.

Yeah, siya lang. But why? Bakit kailangang maging ako si Jianna? Bakit hindi na lamang niya sabihin sa mga magulang nila na nawawala si Jianna?

Was there something he doesn't want his parents to know? Or is it about the wedding?

Wait?!

The wedding?!

What if ituloy nila iyon? Hindi ako papayag?! Hindi ko kilala si Yvo. Hindi ako si Jianna! Shit, ano ba itong pinasok ko?

May ilang oras lamang kaming naghintay nang dumating si Jino dala ang magara nitong kotse na ngayon ay pinagtitinginan na ng mga kapitbahay namin. Nakakaagaw naman kasi ng pansin sa sobrang kintab. Dagdag pang gwapo ang nagmamay-ari niyon.

Kasunod ng kotse ni Jino ang isa pang sasakyang kulay itim na siyang sinakyan ko kagabi.

"Are you ready?" seryosong tanong niya sa akin bago niya kinuha ang bag na nasa kamay ko. "I told you na 'wag ka nang magdala ng gamit." sabi pa ni Jino bago siya naglakad papasok sa kuwarto ko.

"Ano namang susuotin ko aber?" pinilit kong magtaray dahil sa gusto kong pagtakpan ang namumuong kilig sa aking katawan.

"Maraming damit si Jianna." sagot lang niya sa akin. Nakita ko ang paglapit niya kay Tatay. Bigla akong napangiti nang magmano siya rito bago niya ito niyayang sumakay na sa kotseng dala ni Manong Philip.

"Hindi ba siya magagalit kung susuotin ko ang mga iyon?" nag-aalangang tanong ko.

Tumigil si Jino sa paglalakad at tumitig sa akin. Napakaseryoso ng tinging ibinibigay niya. Para tuloy ayaw ko nang pumayag.

"Ibibili na lang kita kung gusto mo." sabi ni Jino bago muling naglakad papunta sa kotse.

"Uy, ate, are you sure na P.A ka lang niya? Baka naman may gusto iyan sa'yo" Nakangising sabi sa akin ni Lemuel habang naglalakad kami kasunod ni Jino at Tatay.

"Tumahimik ka nga. Baka marinig niya tayo." pagsasaway ko kay Lemuel.

Akma na sana akong sasakay sa kotseng sinakyan nila Tatay nang hawakan ako ni Jino sa braso. Kaagad na nalipat ang aming mga tingin sa kaniya nang pigilan niya akong makasakay.

"Sa kotse ko na po sasakay si Ji—Quia." sabi ni Jino kay Tatay. Tumingin muna saglit sa akin si Tatay bago siya tumango bilang pagpayag.

Kaagad naman akong hinila ni Jino papunta sa kotse niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Nakakapangilabot ang kilig na nararamdaman ko. At dahil nga sa medyo lutang ang isip ko'y hindi ko napansing mauuntog na pala ako. Nakakatanga lang dahil hindi agad ako nakaiwas.

Malakas akong napadaing nang tumama ang ulo ko. Pakiramdam ko'y nagkabukol agad iyon.

"Shit, are you okay?" tanong sa akin ni Jino habang hinahaplos ang parte ng ulo kong nauntog. Nakakahiya!

"Okay lang ako." sagot kong may ngiwi sa labi. Letse, bakit kailangang ngayon pa ako mapahiya?

Marahang ginulo ni Jino ang aking buhok bago siya naupo sa harap ng manibela.

"Let's go?" tanong niya sa akin nang maisuksok niya na ang susi. Isang ngiti at tango ang ginawa ko bilang pagpayag.

Kinabahan pa ako nang marinig ko ang pagkabuhay ng makina. Wala na talagang atrasan ito. I have no choice but to trust Jino.

Siya lang ang dapat pagkatiwalaan ko. He promised me na poprotektahan niya kami. Sana nga ganoon talaga ang mangyari.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagbiyahe. Nakaidlip kasi ako at nang magising ay papasok na sa isang malaking gate ang kotse ni Jino.

Nang huminto na ang kotse ay mabilis akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga.

I can do this. Para sa pamilya ko, magagawa ko 'to.

"Relax, they won't eat you." nakangiting sabi sa akin ni Jino. Ngali-ngaling batukan ko ito dahil sa sinabi. Siya kaya ang lumagay sa sitwasyon ko? Malamang na kakabahan din siya lalo pa't unang beses na makakaharap niya ang mga taong ni minsan ay hindi naman niya nakilala.

Mabilis kong iginala ang aking tingin para hanapin ang sasakyang sinasakyan nila Tatay. Pero wala iyon sa garahe. Maging sa malaking gate ay wala ang mga ito.

"Nasa condo sila. Don't worry, tutuparin ko ang mga sinabi ko." sabi pa ni Jino bago siya lumabas ng kotse. Hindi kaagad ako nakalabas nang pagbuksan ako ni Jino ng pinto. Kinakabahan ako. Natatakot din dahil baka magkamali ako't maging dahilan para malaman nila ang totoo.

Anong gagawin ko kapag nakaharap ko na ang pamilya nila? Wala akong alam tungkol sa mga ito. Mabubuko kaagad nila kami kapag nagtanong ang mga ito't hindi ako makasagot.

"Jino, you think I—."

"Yes. I'll help you." putol niya sa sana'y sasabihin ko.

Inabot ni Jino ang aking kanang kamay para mahila niya ako palabas ng kotse. Nangangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba.

"Hindi nila malalaman ang tungkol dito. Trust me. And please, call me Kuya." nakangiti niyang sabi bago ako inalalayan sa paglalakad.

"Thank you, Kuya." sabi ko na lamang at pinilit iwaksi ang kabang nararamdaman.

Nang nasa pinto na kami ay mariin akong napapikit nang bumukas iyon. Nakakatakot. Nakakakabang lalo.

"Jino, babe! You're here al—Jianna?" Nanlalaki ang matang nakatitig sa akin ang babaeng kaharap namin ngayon ni Jino. Nobya niya siguro ito. "Oh my gosh Jianna, ikaw nga!" sabi nito sabay yakap sa akin nang mahigpit. Kaagad akong napatingin kay Jino na parang nagtatanong kung sino ang babaeng yumayakap sa akin ngayon.

Kita ko sa mukha niya na gusto niyang sagutin pero hindi niya nagawa dahil bumitaw na ang babae sa pagkakayakap sa akin.

"I thought hindi ka na babalik. Oh thank God at nakita ka na ni Jino." naiiyak niyang sabi. Wala akong masabi sa babaeng kaharap. Hindi ko siya kilala. Nakakatakot namang magkamali, baka mamaya malaman nitong nagsisinungaling kami ni Jino.

"Jianna are you okay? Jino, what happened? Bakit parang hindi niya ako kilala?" Nagtatakang tanong nito kay Jino. Marahil ay napansin na nitong wala akong ideya kung sino ito.

"May amnesia siya Louise. She doesn't remember anything." Sagot ni Jino na ikinanganga ko. Pero okay na iyon. Mas madaling sabihin na may amnesia ako. Sa ganoong paraan hindi na ako mahihirapan at hindi na rin ako makakapaghabi pa ng mga kuwento.

"What? Oh no..." sabi ni Louise bago ako muling niyakap.

"Let's get inside." yaya ni Jino bago niya ako hinawakan sa likod para maunang pumasok sa loob.

Pagkapasok pa lamang ay hindi ko na mapigilan ang pagkamangha sa ganda ng loob ng kanilang bahay. This is not the first time na makatuntong ako sa ganito karangyang bahay. Pero kahit ganoon ay iba pa rin ang dating sa akin lalo na't hindi ko naman kilala ang may-ari nito.

Hindi ko naiwasang mapadako ang aking tingin sa napakalaking picture frame sa living room.

It was Jianna.

Para talagang iisang tao lamang kami. Our brown eyes, long eyelashes. The eyebrows, the lips and even the way we smile are the same. I'm getting more curious about her.

I'm getting nervous at the same time. Dahil alam kong sa pinasok kong ito maraming mga bagay ang mangyayari. Hindi ko pa nga lamang alam kung ano ang mga iyon. Pero sana, magagandang bagay ang mga iyon dahil hindi ko na siguro makakayanan kung katulad ni Mr. Ocampo ang mga taong nasa paligid ni Jia.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.