The Substitute Chapter 29

Kunot ang noong napatitig ako sa likuran ni Yvo. Mabilis akong tumayo, pagkatapos ay nagmamadaling sinundan siya sa pagpasok sa kuwarto.

"Baril ba 'yang nasa likuran mo?" Seryoso kong tanong na ikinataas ng kilay ni Yvo.

Bahagya siyang tumikhim bago inilabas ang baril. Tahimik na inilagay iyon ni Yvo sa drawer na nasa bedside table.

"Para saan iyon?" taas ang kilay na tanong ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Yvo bago niya marahang kinagat ang kaniyang pang-ibabang labi.

"You know I was planning to go there. Kung hindi niyo ako pinigilan ni Jino baka nagamit ko nang tuluyan ang baril na iyon."

Napaawang ang bibig ko. "Yvo, hindi mo naman kailangang gawin—."

"Gusto kong ibigay sayo yung hustisya sa ginawa ni Ocampo. Pati na rin kay Hugo na walang pakundangan niyang dinamay." Mariing sabi ni Yvo bago naupo sa kama.

Marahan akong naglakad para mapalapit sa kaniya. "Hindi mo naman kailangang dungisan ang mga kamay mo para sa hustisya. Ang gusto kong hustisya iyong dadaan sa batas. Hindi ako papayag na mapahamak ka rin." Malumanay kong sabi bago ko siya niyakap.

Hindi ko napigilan ang mapangiti nang maramdaman ang pagganti niya sa yakap ko. "Thank you, babe."

"No...thank you." Sabi kong mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya.

Ako dapat ang nagpapasalamat. Marami na silang naitulong sa akin. Marami na silang nagawa at alam kong hindi sapat ang pasasalamat ko para makaganti.

"Babe..."

"Yes?" tanong ko bago saglit na lumayo. Pero ang mga kamay ko'y nasa mga balikat pa rin ni Yvo habang ang mga kamay niya nama'y nakahawak sa bewang ko.

Mataman kong pinakatitigan ang kaniyang mukha. Wala pa ring pagbabago. Katulad pa rin noong una ko siyang makita sa kusina nila Jino.

Hindi ko napigilang paraanin ang kamay ko sa kaniyang itim na itim na buhok.

"...I love you."

Natigil ako sa ginagawa. Nakangiting nagtitigan lamang kami ni Yvo.

"Hey...I know what you're planning." Pang-aasar ko bago lumayo.

Akala niya siguro'y hindi ko mapapansin.

"Quia, babe...just a kiss." Sabi niyang hawak ang braso ko para pigilan sa tuluyang paglayo.

"Kiss mo mukha mo, Ramirez." Natatawa kong sabi bago pinitik ang kamay niyang mahigpit pa ring nakahawak sa akin.

Isang halakhak ang kumawala sa kaniyang bibig bago ako niyakap. Ngayo'y nakatayo na siya kaya kahit itulak ko siya'y hindi ako makakawala.

"Damn you, Yvo. Gagamitan mo ako ng dahas?" Nakangisi kong sabi na ikinatingin niya sa akin.

"Pag-iingat babe..." mahina niyang sabi pero kababakasan ng galit ang kaniyang mga mata. "...hindi ako katulad ni Ocampo. I won't force you if—,"

Hindi niya na naituloy ang kaniyang pagsasalita nang walang sabi-sabi kong hinalikan ang kaniyang mga labi. Mabilis din akong kumalas dahil masyado siyang matangkad sa akin. Nakakangalay ang pagtihin ko.

"I know...I'm sorry, hindi ko sinasadyang magalit ka." mahina kong sabi.

Isang ngiti ang isinagot sa akin ni Yvo bago niya itinaas ang aking baba. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagmamahal. Pagmamahal na kahit yata kanino'y hindi ko maitutumbas.

Marahan akong napapikit nang maramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi. Bawat paggalaw ng kaniyang mga labi'y may kalakip na pag-iingat. Pati ang mga haplos niya'y punong-puno ng pagmamahal. Ibang-iba sa dinanas ko sa hayop na Ocampong iyon.

Isang singhap ang kumawala sa bibig ko nang maramdaman kong lumapat ang likod ko sa malambot na kama.

Muli akong napapikit nang halikan ni Yvo ang leeg ko pababa hanggang sa balikat ko.

Hindi na ako nakaangal nang marahan niyang tanggalin ang butones ng aking blusa.

"Yvo..."

Isang malalim na paghalik ang isinagot sa akin ni Yvo habang tinatanggal niya ang hook ng aking bra.

Wala na akong nagawa nang tuluyan niya nang mahubad ang aking pang-itaas na damit.

Napansin ko ang buong paghangang pagtitig sa akin ni Yvo. Kaya namumulang tinakpan ko ang aking dibdib.

Pilyong ngumiti si Yvo bago hinubad ang suot na tshirt.

"Babe, are we really—."

"Yes babe..." Mabilis niyang sagot bago ako muling hinalikan.

I gasped when he touched me. I can feel the heat that's coming from Yvo. He kissed my bosoms tenderly while massaging the other part.

I want to scream his name, but I'm afraid that someone might hear us.

Oh damn, si Hugo!

"Yvo..."

"Yes honey?" Tanong niya habang abala sa pagtanggal ng natitira naming saplot.

"Si Hugo, babe."

"Hugo's sleeping. Hindi niya tayo maririnig." Nakangisi niyang sabi bago ako muling hinalikan.

I was about to complain when he touched my private part.

"I think you're ready, baby." Pilyo niyang sabi na ikinapula ng mga pisngi ko.

"Stop teasing me, you beast."

"Alright, I'm going in, honey." Sabi niya bago marahang umulos.

Muli akong napasinghap. Mahigpit akong napahawak sa balikat ni Yvo.

It's still painful! Pero alam kong hindi katulad noong unang may nangyari sa amin.

Hindi ko napigilan ang mapakagat sa aking ibabang labi. Para akong nalulunod.

Yvo's moving too fast. Na kahit yata paghinga ko'y hindi makahabol.

He's very focus.

At sa bawat paggalaw niya'y dama ko ang pag-iingat na sinabi niya kanina.

"Damn!" Mariin niyang sabi bago sinakop ang aking mga labi.

"Yvo..."

"Go on babe, call my name." Sabi niyang kaagad ko namang sinunod.

Nagpatuloy kami sa sayaw na tanging kami lamang ang nakakarinig ng tugtog. Tugtog na tanging mga puso lang namin ang may gawa. Tugtog na siyang nagdala sa amin sa kasukdulan.

"I love you, Quia." Bulong niya sa akin habang pareho naming habol ang aming mga paghinga.

Matamis akong ngumiti bago isiniksik ang sarili sa kaniya. "Mahal rin kita."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok bago ako niyakap nang mahigpit.

"Kuya naman, bakit pumayag ka na sunduin ako ng lalaking yan?!" Inis na sabi ni Louise bago pasalampak na naupo sa sofa.

Naiinis ito dahil sa pagsundo rito ni Jino. Mukhang hanggang ngayo'y masama pa rin ang loob nito sa dating nobyo.

"Mabuti nga sinundo pa kita. Anong gusto mo, hayaan kitang magmukhang baliw sa gitna ng bar na iyon? Hindi ka ba nag-iisip, Louise?! Babae ka pero kung umasta ka sa bar na yun para kang—,"

"Parang ano?!" Galit nitong sikmat kay Jino.

Napapangiwing napatingin na lang ako kay Yvo. "Babe, kausapin mo muna, pupuntahan ko lang ang mga bata sa likod." Pag-uutos ko kay Yvo na ngayo'y napapakamot sa ulong nakatitig sa dalawang hindi pa rin natatapos sa pagbabangayan.

"That's enough, guys." Narinig kong sabi ni Yvo bago ako tuluyang makalabas sa likod-bahay.

Mula sa pwesto ko'y nakita ko ang paglalaro ni Hugo at Zarha. Marahan akong naglakad palapit sa babaeng nakaupo sa gilid.

Kararating lang niya kahapon. Kaagad kasi siyang sumunod kay Jino nang sabihin nitong umuwi na siya.

Matamis siyang ngumiti sa akin bago umisod para makaupo ako.

"Kumusta?" Tanong ko sa mababang tono?

Napapabuntong-hiningang umiwas ng tingin si Jianna. "Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong, ayos lang ako."

Marahan kong inabot ang kaniyang kamay. Mahigpit ko iyong hinawakan at bahagyang pinisil. "I'm willing to listen. Hindi ka na rin naiiba sa akin. Para na rin kitang kapatid."

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Jia bago pinakawalan ang mga luhang parang matagal niya nang bitbit. "Pakiramdam ko ang sama-sama kong ina. Hindi ko mabigyan ng ama si Zarha. Hindi ko mapunan iyong nararamdaman niyang kakulangan dahil yung ama niya mariin kaming itinatanggi."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik habang hawak pa rin ang kaniyang kamay.

"Ilang beses akong nagpakatanga, nagpumilit na kahit man lang makita niya si Zarha para malaman niyang nagsasabi ako ng totoo. Pero lahat ng iyon nauwi sa wala. Kahit kailan hindi niya kami papanagutan!"

Mahigpit kong niyakap si Jia. Ewan ko ba. Nararamdaman ko yung bigat na dinadala niya. Pakiramdam ko'y ako ang nasa pwesto niya.

"Nariyan naman si Jino. Mahal niya si Zarha. Kahit walang makilalang ama si Zarha, sapat na ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kaniya para punan ang pagkukulang ng ama niya. Hindi mo na kailangang ipilit sa taong iyon ang anak mo, Jia. May taong makakatanggap sa iyo at sa anak mo."

"Nasasabi mo iyan kasi kompleto kayo." Malungkot na sagot ni Jia.

"Siguro nga, pero hindi naman masamang gugulin mo ang pagmamahal mo kay Zarha kaysa sa paghabol sa lalaking walang kwenta."

Matipid na ngumiti sa akin si Jianna. "Salamat Quia."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.