After umalis ni Papa ay nag two days pa kami doon ni Julian. I was being mum about the whole thing as stupid i was. I don't want to take away this moment for us. Pinili ko naman 'to eh. I honestly don't know kung paano ako nakaka akto ng ganito, pero para kay Julian gagawin ko.
"I would love to go back here. Madami pa tayong hindi napupuntahan. One week isn't enough." Malawak ang ngiti na sabi ni Julian.
"Kuya, sinabi mo. Di ka pa nakaka rating sa mga beach dito. Sa coastal. Paharap na kasi sa pacific ocean yung mga beach dito banda doon." Nagturo si Kevin habang nasa back seat sya. Pabalik na kami sa bahay, naligo kami sa kilalang paliguan doon. It's the third day we went out mula ng dumating si Julian.
"Yeah, we'll definitely go there soon." Sagot naman ni Julian. Muli syang nag focus sa pagda drive. Medyo malubak pa rin yung daan dahil hindi pa concrete lahat ng daan doon but hindi naman nagreklamo si Julian.
In twenty minutes ay naka balik na kami sa bahay. Mag aayos pa ako ng mga gamit namin.
"Kevin, ayusin mo na mga dadalhin mo." Utos ko sa kapatid ko.
Nakausap na namin yung dalawang pinsan namin na nag aaral pa. Imbes na umupa sila ng bed space doon, sa bahay na lang sila tumuloy para may kasama si Mama. Ayaw naman kasi umalis ni Mama.
"Okay!" Nag okay sign pa si Kevin bago pumasok sa kwarto.
"Nag enjoy naman ba kayo?" Sinalubong kami ni Mama mula sa kusina.
"Opo. Babalik po ako dito, may mga hindi pa kami napupuntahan." Magalang na sagot naman ni Julian.
Tumawa si Mama. "Aba'y oo naman. Mag asawa na kayo ng Katrina namin noon."
Naiiling na nauna na ako pumasok. Ang awkward kaya pakinggan kapag nag uusap sila.
Humiga muna ako sa kama. Tuyo na yung buhok ko dahil matapos namin mag banlaw at magbihis ay uminom muna kami ng buko juice doon at nag stay pa kami saglit kaya natuyo na buhok ko. I checked my phone. Kahit naman nagpapasarap ako dito, hindi ko nakaka limutan yung reason kung bakit ako umuwi.
Nagrereport naman ako sa boss ko, medyo mahal nga lang ang tawag dahil international pero saglit lang din naman kami nag uusap kaya di ganoon kabigat. Na eexcite na ako sa mart. It'll be my own capita pero tutulungan nila ako at parang doon nila titingnan kung magpapa franchise sila kapag maganda ang feedback.
And i am very positive about it.
Mabuti na lang din at may iba akong iniisip. Kung hindi ay baka mabaliw na ako kakaisip sa kahihinatnan ko kay Julian.
"Hey.. you tired Baby?" Nilingon ko si Julian. Nakapasok na pala sya.
I just gave him a lame smie.
Tumabi sya sa akin. He cuddled me.
"Ikaw, magpahinga ka na. Mahaba haba ida drive mo bukas." Paalala ko sa kanya.
Two hour drive mula sa amin hanggang sa main city ng Virac. Naroroon yung ferry boats na magdadala sa amin sa Tabaco pier. Mula naman daw doon ay may driver na sasalubong sa amin.
"Maaga pa naman." He looked at his wrist watch.
Alas kwatro pa lang pero kailangan kasi namin maaga umalis upang maka abot sa 7am schedule na pag alis ng ferry boat. Kinagabihan bukas ay nasa Manila na kami, for sure.
He was playing with my fingers. "Hindi pa rin ba umaalis yang bisita mo?" Bigla ay tanong nya.
Natawa ako. He was refering to my period, i know. He kept on bringing it up. "You're still on a diet, Baby." Sabi ko then gave him a quick smack then got up. "I'll be back." Naalala ko kasi na tutulungan ko nga pala si Mama mag pack ng mga dadalhin naming delicacies na inorder namin.
Tumango lang si Julian tapos lumabas na ako ng kwarto.
Ako na rin ang nag luto ng hapunan.
By 9pm ay bumalik na kami sa kwarto. Usually ay nagpupuyat ako bago umalis para sa buong byahe ay tulog ako. But not this time. Dalawang lalaki na kailangan asikasuhin mga kasama ko.
3am ay gising na ako. I checked our things, tsaka ko lang ginising sila Julian at Kevin. Natural na hindi na tumigil si Mama kakabilin kay Kevin. Ganyan din sya noon sa akin. Natatawa na lang kami ni Julian habang naka ngiwi si Kevin.
"All set?" Julian asked as he hold the steering wheel.
Madilim pa pero maliwanag naman ang mga ilaw sa poste. Kabisado naman ni Kevin ang daan dahil nagmomotor nga lang sila papunta doon minsan kasama ang mga kaibigan nito.
Pasado alas singko kami naka rating sa Virac. Nag ikot ikot kami para makahanap ng makakainan. Nakakatuwa na padami ng padami ang mga commercial establishment doon. Noon kasi, pahirapan. Mga groceries and all lang.
Nauwi kami sa Jolibee. Bumaba ako at nag take out na lang kami. Didiretso pa kasi kami para maka kuha ng ticket para sa amin at sa kotse.
Pinapakagat ko na lang ng burger si Julian habang nagda drive sya. Si Kevin naman sa likod ay solve na solve na. We came just in time. Agad kaming naka kuha ng slot para sa kotse ni Julian. Hindi naman kasi peak season kaya iilan lang ang pasahero.
By 7pm ay nasa condo na kami ni Julian. Hindi na ako nakipag argumento nang idiretso nya sa condo nya ang kotse. Iyon din naman ang usapan, na si Kevin ay doon muna kay Julian. Maliit ang apartment na inupahan ko para sa amin ni Kevin.
"You can use the other room there. Feel at home." Sabi ni Julian kay Kevin.
"Salamat Kuya. Bukas na bukas pupuntahan ko na si Wade." Naka ngiti na tukoy ni Kevin sa kaibigan daw nito na papasukan nya, sa bar na pag aari nito. Pumasok na sya sa kwarto na itinuro ni Julian.
Kami naman ay pumasok na rin wa kwarto ni Julian.
"What do you want for dinner?" Agad na tanong ko. Siguradong gutom ang dalawa, kahit na hindi sila tumigil kakakainsa byahe. Lahat yata ng makita nilang naglalako sa daan, tinitigilan namin dahil gusto daw nila tikman.
"Magpa deliver na lang tayo. Wag ka na magluto. I know you're damn tired too." He said. He gave me a quick kiss. "Shower na muna ako."
Tumango lang ako at hinablot ang wireless phone na nasa bedside table. Nagpa deliver na lang ako mula sa baba, para mas mabilis.
Humarap ako sa salamin at nag tali ng buhok. Sana huwag magtagal si Julian dahil gustong gusto ko na rin maligo. Anytime now ay matatapos na ang buwanang dalaw ko. But i just don't want him to know it.
In twenty minutes ay dumating na yung order ko. Lahat kami ay naka ligo na. Kinatok ko na rin si Kevin para lumabas na. Mukhang na feel at home na nga dahil halatang gustong gusto nya doon.
Nag usap na sila Kevin at Julian about sa basketball. Naka open kasi yung tv, although may kalayuan ay malaki naman iyon kaya nakaka panuod pa rin sila. Tahimik ko lang na inayos mga pinagkainan namin.
Kakatapos ko lang isalansan ang mga pinagkainan namin when my phone rang. It's Reiza.
"Kailan ka uuwi bruha ka? Namimiss ka na namin."
Natawa ako. "Grabe! One week lang ako nawala."
"Kahit na. Dadating na jowa ko bukas, magpapa welcome party kami dito sa condo ko. Ano, kailan ba balik mo? Kung wala ka pa, ipapa urong ko."
"Hey! It's fine. Tomorrow, i mean. Kaka dating lang namin dito kanina." Nilingon ko pa yung dalawa na naka upo sa couch at nanunuod ng baskteball.
Sumandal ako sa sink.
"Namin? Sinong kasama mo?" I can already imagine her reaction.
"Uhm.. S-sumunod kasi doon si Julian." Mahinang sabi ko.
"What? So legal na kayo, ganoon? For real na ba talaga yan?"
I sighed. "I love Julian. It's not just about being guilty for what happened to him." Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyon sinabi.
"Okay, fine. I understand. Alam naman namin yan ever since. Kaya lang.. nag aalala lang talaga kami. You know? He's damn angry, tapos bigla na lang okay na kayo in one night? It doesn't make sense. Maiintindihan pa namin kung nagsigawan kayo at nag inarte pa kayo ng kaunti." Frustration ran in her voice.
Reiza's really smart.
Tumawa na lang ako kunwari. "Thanks for the concern, really. Thank you. But i guess, i can manage. H-hindi naman siguro 'to mapupunta sa wala." Bigla ay hindi na ako sigurado sa sinasabi ko.
"Fine. Para ka talagang sira. Ikaw to'ng huling nakaranas ng luto ng Dyos sa amin, ikaw pa nagkanda leche leche ang love life. Oh well, ikaw naman may pinaka good catch i guess." Tapos tumawa sya. "Aasahan ba kita bukas?"
Nilingon ko ulit yung dalawa. Nagulat ako dahil katabi ko na pala si Julian. He was just looking at me while holding a beer in can.
"Uh. Y-yes, i guess. I'll call you later." Mabilis na sabi ko. Hindi ko alam bakit bigla ko na lang pinutol yung linya.
"Who was it?" Kunot ang noo na tanong ni Julian.
"S-si ano, R-Reiza. She was just inviting me tomorrow." Alam ko na malaki ang posibilidad na hindi ako papuntahin ni Julian, but i wanted to come. I want to meet Reiza's fiancee.
Hindi nagalita si Julian. He just looked at me.
"You'll let me, right?" Alanganin na tanong ko.
I saw his adam's apple moved. "Where?"
"Sa condo nya lang naman. I-ipapakilala nya lang yung boyfriend nya." Lumaki ang pag asa ko na hindi magiging big deal kay Julian ito.
"Alright. Bring Kevin with you." Sagot nya tapos tumalikod na at bumalik sa couch. Inabutan nya ng isang beer in can si Kevin at nag toast pa sila.
I sighed.
Pumasok na agad sa office si Julian kinabukasan. Good thing, dahil ayoko talaga na mag cram sya sa trabaho dahil sa almost one week na pagka wala nya. Si Kevin naman ay hapon na umalis. Naiwan ako doon at nag linis. Plano ko na mula sa party kila Reiza ay sa apartment ko na ako didiretso.
Next week ko balak na simulan na ang pag order ng mga ilalagay sa mart. Dadalaw ako ulit doon at ipaplano. Hindi na kasi kailangan i renovate iyon, papalagyan ko na lang ng mga kailangan. At almost a week din naman ang tagl bago dumating ang mga oorderin ko.
Napagpasyahan ko na lumabas at bumili ng isusuot para mamaya. I was eating an ice cream while browsing the mall for stores. Hindi pa rin naman ako nakakabili ng mga bagong damit. Paisa
isa lang din ag bili ko sa Canada, kapag may pupuntahan.
"Hey! Katrina!"
Umikot ako para hanapin kung sino yung tumawag sa akin. Malaki ang chance na hindi lang ako ang Katrina ngayon dito but who knows?
"Hey! Kat! Here! over here!"
Dahil pakiramdam ko ay sa taas nanggagaling yung tawag, bahagya ako'ng tumingala. Si Jeff, naka dungaw! Automatic akong napa talon.
"Oh my God!"
Sumenyas sya na hinatyin ko sya at bababa sya. He's a floor a way from me. Good thing na malapit lang kami sa escalator. Agad kaming nag yakap nang magkita na kami.
"Grabe! Na miss kita! Ang glowing mo!" Tapos kunurot nya ako sa pisngi.
"Aw!" Tinabig ko ang kamay nya. "Kamusta? What brought you here?"
"May bibilhin lang ako. Ikaw?"
"Don't tell me, bibili ka din ng outfit para mamaya? Sasama ka right? Kila Reiza?"
"Yep. Pupunta ka din pala." Tapos tumawa sya. "Ano balita? Alam mo na ba nangyari kay Julian?" We wer walking with his arms on my waist.
"Err. Yeah?" Hindi ko alam paano ioopen ang nangyari.
"So.. nagkita na ba kayo? I mean.. you see, he's been really diffcult mula ng makalabas sya sa hospital. Tinanggihan nya ng ilang ulit ang proposals ko." Then he shrugged his shoulders.
"S-sorry about that. Uhm actually.. We're i don't know." Hindi ko alam bakit hindi ko masabi na kami na ulit ni Julian, na magpapakasal na kami.
"Hmm. Hayaan mo na nga. Mamili na lang tayo." Tapos hinila nya na ako sa isang store.
Hindi nya na inopen sa akin ang tungkol kay Julian at laki ng ginhawa ko. Alas nueve ako pupunta, ganun din daw si Jeff. Inaya nya ako sumabay but i him na baka isama ko kapatid ko. Magkita na lang daw kami doon.
Pasado alas kwatro na ako naka uwi. Nag merienda na kami ni Jeff bago kami maghiwalay. Nagulat ako ng maabutan ko ng maka uwi na ako si Julian. Wala pa yata si Kevin. Bakit ang aga nito?
"Saan ka galing? Hindi ka nagsabi." His voice was calm, pero pakiramdam ko dapat talaga nagsabi ako at mas maaga ako umuwi.
"Ah, bumili ako ng susuutin later." Inilapag ko yung dala ko'ng paper bags at yinakap sya. Isinandal ko ang pisngi ko sa dibdib nya. "Ang aga mo." Sabi ko.
Unti unti din akong niyakap ni Julian and i felt relieved. "I missed you." Tapos hinalikan nya ako sa ulo. "Wala pa ba si Kevin?"
Humiwalay ako sa kanya. "Wala pa yata." Inabot ko sya at hinalikan, bago ko muling kinuha yung paper bag at pumasok sa kwarto. Sumunod si Julian at yinakap ako mula sa likod.
"Hanggang what time ka doon?" He whispered in my ear.
"I don't know. Ngayon na lang naman 'to. Magiging busy na ako sa mart."
Tinanggal ko ang pagkaka yakap nya ng makarinig ako ng doorbell. Malamang na si Kevin na iyon. Hindi namin nasabi ang passcode combiation sa kanya.
Kwento nya na next week na daw ang opening ng bar ng kaibigan nya. Mukha namang nasabihan na sya ni Julian na sasamahan nya ako. Para akong bata na may chaperon. Pero mas okay na 'to, rather than Julian going balistic if i go alone.
Pasado alas otso ay naka ready na ako. Pinag polo at slacks ko na rin si Kevin. Ipapakilala ko na rin sya sa mga kaibigan ko since dito na sa Manila mag i stay si Kevin.
Kita ko kay Julian na parang ayaw nya talaga ako paalisin, pero naka oo na sya.
"Sa apartment na ako didiretso tomorrow." Pasimpleng sabi ko.
I heard him sigh. "Fine. But sabay tayo mag la lunch."
"If you're not busy." Sabi ko. Heto na naman sya. Sigurado na lalagpas na naman sya sa oras ng lunch break.
"Yeah." Mahinang sagot lang ni Julian.
Nakaharap ako sa salamin at inaayos ang sarili ko. I can see him in the mirror. Walang reaction ang mukha, kumuha ng libro at nagbasa sa kama.
"Aalis na kami Baby." Lapit ko. Dumukwang ako para halikan sya pero umiwas sya.
"Just go."
Napakurap ako sa ginawa nya. "Are you mad?" Nagtataka na tanong ko.
Tumingin sya sa akin. "No, i'm just not in the mood. Just go. I'll call you." Pagtataboy nya.
May bumundol na kaba sa akin. I don't like this feeling. This is making me paranoid. Magsisimula na ba sya maging cold?
"Ate? Tara na!" Kumatok si Kevin sa pinto. Hindi ko alam na naka tanga lang pala ako kay Julian for some seconds.
"B-baby.." Mahinang tawag ko.
"Katrina, i'm not mad. Sige na. Go. I'll call you."
Edi umalis na ako.
Nasa byahe na kami, nag cab lang kami ni Kevin. Tulala ako the whole time. Gusto kong maiyak pero pinapa kalma ko ang sarili ko. I want to forget, kahit ngayon lang. Naiinis ako dahil kung anu ano'ng image ang pumapasok sa isip ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko naisip bumalik noong malapit na kami. I can feel butterflies in my stomach. I need to go back. To Julian.
"Ate? Are you kidding me? Umuwi ako ng maaga para dito tapos hindi ka tutuloy?" Kunot noo na tanong ni Kevin.
"I just.. Babalik na ako. Aayain ko si Julian tapos pumunta ka na sa pupuntahan mo." Nauutal na ako. Hindi ko talaga alam pero bigla ako pinagpawisan ng malapot.
Bumaba ako sa lobby ng condo ni Julian. Si Kevin naman ay hindi ko na pinababa at pina alis ko na. Sigurado na gigimik din iyon. Ayoko nang ganito. Naisip ko na siguro, kung makita ni Julian na sincere naman ako sa lahat ng ipinapakita ko, maiisip nya na maging masaya na lang kami.
No revenge whatsoever.
Isasama ko na lang sya. Gusto ko ipakita sa kanila na kami na ulit ni Julian. Na hindi na sya yung nakakatakot na Julian dahil nagbago na sya, for me. Dahil bumalik na ako sa kanya. Gulong gulo ang isip ko habanng inipindot ang passcode.
Nagmamadali ako na pumasok pero sandali ako'ng napatigil when i heard a woman's voice, laughing. Parang lahat ng kaba ko ay napalitan ng galit. Bakit may babae dito?!
Naglakad ako ng mabilis until i saw Adriana in the couch. She was laughing while Julian is on the other end of the couch. Seryoso lang ito habang naka tingin sa kawalan.
"I did all that you wanted me to do, and tama ka. As always." Naiiling pa na sabi ni Adriana.
Hindi pa nila napapansin na nandito ako. Nakatalikod si Adriana sa akin at si Julian naman ay tulala. Naiiyak ako sa nakikita ko. Pakiramdam ko ako yung pinagtatawanan ni Adriana.
"J-julian.." Mahina lang iyon but my voice broke in the middle of his name.
Automatic na lumingon sya sa akin at kitang kita ko yung pag aalala sa mata nya.