The Unlikely Business Chapter 24

The opening of the first ever branch of Bliss Mart in the country is successful.

Sa kabila ng pagka praning ko, Julian is still the same. After a week ay ganoon pa rin sya, maasikaso, possessive tapos sweet. I am torn between the idea of him taking a revenge plus Adriana's presence or the fact na wala naman na talaga syang balak gawin iyon.

"Daming tao! Kapagod!" Pabagsak na naupo sa sofa si Kevin nang makauwi na kami.

Twenty four hours yung Bliss Mart at umalis na kami kaninang alas diyes ng gabi para magpahinga tapos iniwan ko na sa mga employee ang lahat. Umalis papunta sa Macau si Julian for a business conference for three days at bukas pa sya darating.

"So damn tired. Hindi ka na ba kakain?" Kaya ko pa naman magluto para kay Kevin. Hindi ko na muna sya pinapasok sa bar ng kaibigan nya para tulungan muna ako sa Mart.

"Hindi na ate. Matutulog na lang ako." Inayos nya ang pag higa at kinuha ang unan. Sa sofa sya natutulog habang nandito sya. Maluwag naman yung sofa tapos centralized aircon naman.

Pabagsak din ako na nahiga sa kama. Hindi na ako magsha shower dahil buong araw ako'ng pinagpawisan. I would want a cold shower pero baka mapasma buong katawan ko. Ipinikit ko ang mata ko at natulog na.

Wala na sa sofa si Kevin ng magising ako. Nag inata ko at nakaramdam ako ng pananakit sa likod at braso ko. Damn. Pero kailangan ko pa rin pumunta sa Mart. Gusto ko masanay sa presensya ko yung mga empleyado. Tatlong shifting sila, na tig dadalawa.

Nag iinat ako ng bumukas ang pinto. Si Kevin. He was holding a paper bag.

"Gigisingin pa lang sana kita." Mukhang nakapag recharge na ito. Inilapag nya ang paper bag sa mesa. "Bumili na ako sa baba. Gutom na gutom na ako. Tara." Aya nya.

Natakam ako. Beef tapa. Para sa amin naman yung binili nya.

"Ngayon babalik sa Pilipinas si Kuya Julian diba?" Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay tanong nya.

Tumango lang ako. Tsaka ko lang naalala yung cellphone ko kaya nagmamadali ako'ng tumayo at kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan sa kama. Three missed calls from Julian. Napapikit ako. Sobrang pagod talaga ako kagabi at hapon na ako nagising.

Kumain kami ni Kevin. Sya na muna ang pinapunta ko sa Mart dahil usapan na namin ni Julian before na sasama ako sa driver nya magsundo sa kanya sa airport from Macau.

Nagbibihis na sya nang mag ring ulit ang cellphone nya.

"Hello." Excited na sinagot nya ang cellphone. Namimiss nya na ang boses nito. Buong araw syang busy kahapon.

"Hey." One word and she melted. "I miss you. Bakit ngayon ka lang sumagot?"

"Gabi na kami naka uwi kagabi. So damn tired, Baby. Tanghali na kami nagising ni Kevin. Pasakay ka na ba ng plane?" Umupo ako sa gilid ng kama at sumandal sa headboard.

"Yeah. By the way, wag ka na sumama magsundo, Baby. Hintayin mo na lang ako sa condo. Alright?" Rinig sa paligid ang tunog ng mga eroplano.

"Uh okay. Sige. In an hour pupunta na ako. What do you want to eat?"

"You." Pilyo na sagot nito.

Natawa ako sa sinabi nya. "Pervert. Seryoso, ano nga? Dadaan ako grocery."

"Alright. Chicken curry and you for dessert."

"Better." Natatawa pa rin na sagot ko.

Pinutol na namin ang linya ng tinawag na yung flight nya. Binilisan ko na lang ang kilos. Gusto ko mag relax aftet ko magluto bago dumating si Julian.

I just texted Kevin na umuwi na lang agad kapag okay naman na yung mga tao sa Mart. Tapos nag cab na ako at bumaba sa nearest supermarket sa condo ni Julian.

Mabilis ako mamili, although madami ako kinuha. Wala na rin kasi sya supply. Hindi pa naman yun mahilig mag grocery nor that he does. Lahay de utos.

Tatlong plastic bags ang dala dala ko at may tumulong naman sa akin na guard. Nagmamadali yung galaw ko. Gusto ko mahanda na ang lahat bago sya dumating.

Inayos ko sa cabinets yung mga pinamili ko habang pinapa lambot ko na yung manok. Almost two hours lang naman ang byahe mula Macau to Philippines at hindi naman kalayuan ang airport.

Saglit din akong naglinis sa kusina. Kakatapos ko lang ng tumawag si Julian.

"Hey.. nasa condo ka na?" Halata ang excitement sa boses nito.

"Yep. Nakapag luto na din ako. Nasaan ka na?"

"In ten minutes nandyan na ako. Walang traffic. I miss you so much."

I giggled. "I miss you more. Sige na. Ingat. I'll wait for you here." I made a smack sound tapos pinutol ko na ang linya.

Pumasok ako sa kwarto ni Julian upang tingnan kun maayos na doon. Inayoa ko ang unan at comforters bago muling lumabas.

Doon ko lang napansin na may laptop sa center table ng living room. It's a pink one, and small. Sigurado ako na hindi kay Julian iyon.

Agad akong nagka kutob. Why would a pink laptop be there? Lumapit ako at tiningnan na mabuti. May flash drive na naka attach sa ibabaw at doon ko napansin na may note sa ilalim.

To Katrina.

Watch and know everything.

Iyon lang ang nakalagay sa note. Kakaiba ang kaba na nanuot sa dibdib ko. Nanginginig ako na kinuha ang flash drive at dahan dahan na binuksan ang laptop.

It's open. Madami akong tanong pero ipinasya ko na lang na sundin ang guts ko at panuorin kung ano man ang nasa loob ng usb na iyon.

May dalawang video clips na naroroon. Malabo ang screencaps. Parang tambol ang lakas ng tinok ng dibdib ko pero napapikit ako nang i click ko na ang isang video.

The camera looked hidden. Bahagyang nawala ang kaba ko ng unang limang segundo ay walang nagyayari pero napa pitlag ako ng marinig ko yung boses ni Julian.

Tanging swivel chair at mesa lang ang nakikita ko sa camera. It's his office, no doubt. Mukhang nasa cabinet sa gilid na wall ang camera.

"That's bullshit. I need to know where she is." Mula kung saan ay sumulpot si Julian. He was wearing his usual attire at may kausap ito sa cellphone.

Umupo sya sa swivel chair nya. Napasikdo ako nang kasunod noon ay lumabas din sa camera si Adriana.

"The hell I care. I need to fucking know where she is to make her pay. Damn it." Halata ang galit ni Julian sa boses nito.

Lumapit si Adriana at tumayp sa likod ng swivel chair ni Julian before she loweted her self down at dahan dahan na hinimas ang dibdin ni Julian.

"Do it now. I want it tonight." Tapos ibinaba nya sa mesa ang hawak na cellphone at mariin na pumikit.

"Hey, relax lover boy. You'll get your revenge in no time." Adriana's voice is seductive while still caressing his abdomen.

"I better be. She doesn't have the rights to come back and act like that." Matigas na sabi pa ni Julian.

Unti unting tumulo ang luha ko nang mga sumunod na eksena. Kumandong paharap kay Julian si Adriana and they kissed torridly while they are all over each other. I needed to stop the video as i started sobbing.

The way Julian spoke in the video made me felt like a trash. Lahat ay palabas lang talaga. Umasa ako ng kaunti pero nauwi sa wala. Ang sakit sakit.

Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang isang video. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung saan iyon. It's in Julian's vacation home, kinabukasan na nagka ayos kami. Sa anggulo ng camera ay mukhang nasa tokador lang iyon.

The next scene shattered me into pieces. Biglang tumigil ang mundo ko sa sumunod ko'ng nakita. It's me and Julian kissing at alam na alam ko kung san tutungo ang video na ito. Mabilis ko na hinugot ang usb sa saksakan bago pa matuloy ang video.

Reiza was right. Julian is a beast! How can he video us having sex?! Nag halo halo ang lahat ng sakit, galit at pagkaawa ko sa sarili ko. Nanghihina na tumayo ako habang hawak hawak ang usb.

My knees felt weak. Muntik na akong matumba kung hindi ako nakahawak sa barandilya ng sofa.

My silent wheeps became louder and louder. My whole body felt numb all of a sudden. I wanted to get my bag and get out of there pero sa sobrang pag iyak at panghihina ay napa salampak na ako sa sahig.

Just then ay bumukas ang pinto at iniluwa si Julian. Nanigas ako. Ayoko sya makita. He's a beast! Masama syang tao. I need to gey away from him.

"Baby- Kat? Whay the hell happened to you?!" Pumno ng urgency ang boses nya tapos lumapit sya sa akin at itinayo ako.

Pilit ko syang tinutilak palayo sa akin. Iyak lang ako ng iyak.

"Kat.. " Helpless ang boses ni Julian.

"Get away from me! You're a beast! How could you do this to me?!" Sigaw ko sa kanya. Inipon ko lahay ng lakas ko at itinayo ang sarili ko.

Kitang kita ko ang pagkalito sa gwapo nyang mukha. I couldn't take it all now! Masyadong masakita. Parang sinampal sa mukha ko ang katotohanan na laruan lang ako sa kanya.

"Kat i don't understand. Is there a problem?" Nagsimula na mag panic si Julian.

Ayoko na sana sya sagutin. I can't stand seeing him proud in front of me. I grabbed my bag at mabilis na naglakad. He smoothly grabbed my wrist at hinila ako pabalik. Hinarap nya ako sa kanya pero hindi ko sya tiningnan.

"What's wrong? Ano na naman ba 'to?!"

"Masaya ka na ba, Julian?" Mahinang sabi ko habang nakatingin na sa kanya. "Masaya ka na ba na nakuha mo na ang lahat sa akin? Na hulog na hulog na ako sayo? Na durog na durog na ang buong pagkatao ko sa ginawa mo?" My tears just won't stop flowing. Bawat kataga na sinasabi ko ay nasasaktan din ako.

"Kat.." Parang bigla ay nahirapan sya huminga.

"Unang araw pa lang alam ko na yung plano mo. I heard you and your bitch talking about me, your revenge on me. Sumama pakiramdam ko noon, sobrang nasaktan ako pero bakit sa tingin mo nandito pa rin ako? I let you use me! Hinayaan ko na gamitin mo ako para mapaghigantihan mo ako. I am so stupid for even thinking pero naisip ko din na baka mag bago ang isip mo pero sa ganito parin tayo humantong." Hirap na hirap ako sa bawat kataga na simasabi ko.

"Kat let me explain. Please, don't do this.. I don't know what is this.." Unti unti na din na pumatak yung luha ni Julian.

Ayoko sya makita sa ganoong kalagayan. But he's been the best actor so far at mas lalo akong nasasaktan thinking na palabas lang lahat ng mga nangyari. Lahay ng ipinakita nya, lahat ng mga sinabi nya.

I held into his words. Pinigilan ko ang sarili ko na umasa pero sa huli, ako at ako pa rin talaga ang nasaktan. Ako pa rin ang talo. Ako pa rin ang tanga.

"Anong pang uuto pa ang sasabihin mo?" I smiled bitterly. "Oo na, kasalanan ko na ang lahat! Sinabi ko naman sayo na nagsisisi ako eh! Sinabi ko naman sayo na mahal kita.. Walang may gusto ng nangyari sayo. Hindi pa ba sapat iyon at kailang mo ako'ng saktan ng ganito?! Wala ng natira sa akin. You even recorded us having sex! You're a beast, Julian!"

Nakita ko na namutla si Julian sa sinabi ko. "What?! How did you.. Damn! Listen to me, Kat. I made mistakes but please let me make it up to you." Akmang lalapit sya pero umiiwas ako.

Sa lungkot at takot na nakikita ko sa mga mata nya, kalahati noon ay ang takot at sakit din na nararamdaman ko.

"Tapos ano? You'll show the word how you ruined me? How you played with me? Tang ina ang sakit sakit eh! Hindi humilom yang sugat na nagawa ko sayo, kailangan sugatan mo rin ako." My voice was shaking in so much feelings i have inside me.

Nakita ko ang pagkuyom nya ng palad nya.

"No. This game is over. Nasira mo na ako. Maging masaya ka na.." Then i broke down and cried hard. "Ito naman ang gusto mo diba? Look at me, Julian! I'm ruined! You succeeded!"

"No Kat.." Impit na sabi nya habang umiiyak. "You are wrong. Mahal kita.."

Umiling ako. "No. You only loved yourself. You only loved the idea na hulog na hulog ako sayo. This was all fake." Matigas na sabi ko. Marahas ko'ng pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko.

"Kat.. please Kat. Wag mo'ng gawin 'to." He came into me and kneeled. Bumalik ang ala ala sa akin noong una nyang ginawa yon. Parang may tumusok na karayom sa dibsdib ko. "We can talk about this. Let me explain Baby. Please." Paos na sabi nya.

"Remember when you kneeled like that noong nalaman ko na magkasama kayo ni Alona? I was so damn guilty for even thinking na nagtaksil ka. You kneeled, and i believed. But that was then, Julian. Tama na. This is over. Nagawa mo na ang gusto mo. Nasaktan mo na ako ng higit pa sa inaakala mo. Be happy." Iyon lang at mabilis na akong naglakad palabas doon.

I feel suffocated. Being near him is like living ang deing dead in that moment at the same time. Galit ako sa kanya pero galit din ako sa sarili ko. I saw this coming pero ang sakit sakit.

Durog na durog ang pagkatao ko. I hailed a cab in the rain. Hindi ko na inisip na mababasa ako basta maka alis na ako doon.

"What the hell happened to you?!" Bulalas ni Reiza ng pagbuksan nya ako ng pinto.

Imbes na sumagot ako ay niyakap ko sya at humagulhol. Pakiramdam ko sasabog ang dibdid ko sa sakit ng mga oras na iyon, i needed someone to be with. I don't know when this will last but the hurt i was feeling was too much to bare.

Masyado kong mahal si Julian.. and he just played me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.