"You gotta be fucking kidding me.." Mahinang usal ko tapos mabilis na yumuko.
"Excuse me? Did you just cursed, Kat?"
Nagulat ako ng marinig si Seven. Nasa gilid ko na pala sya at mukhang nagulat sa sinabi ko.
Mag eexplain sana ako but i saw him smile.
"Ang lutong ah!" Tapos tumawa sya at umupo na sa harap ko.
Kumakabog yung dibdib ko. Honestly, kung wala si Seven baka nag walk out na ako sa sobrang sakit. Ang kapal ng mukha nya sabihin na mahal nya ako at magpapaliwanag sya tapos makikita ko sya na kasama si Adriana? That bitch!
Umiiwas ako ng tingin sa bandang pinto.
"Are you okay?" Kunot ang noo na tanong ni Seven.
"S-seven.. i would love to see your performance until the end but i have to go." Bigla ko'ng hinablot yung purse ko at tumayo. Maglalakad na sana ako pero mabilis ako sinundan ni Seven.
Hinarang nya yung katawan nya sa akin, and we bumped into each other. Pero bago ako makalayo sa kanya ay nahawakan nya ako sa dalawang braso ko.
"Wait! Did i say something wrong?" Kita ko sa mukha nya ang pagka guilty.
Hindi ko matabig yung kamay nya dahil sa kanya ako kumuha ng lakas. Gusto ko maglupasay doon at umiyak. O kaya sugurin yung dalawa, sampalin si Julian at sabunutan si Adriana.
"No, actually.. ano kasi. Nag enjoy ako. It's just that.." Hindi ko na mahapuhap ang sasabihin ko.
Nangunot lang ang noo ni Seven, waiting for me to continues.
"Katrina." Automatic kaming napalingon sa matigas na boses na narinig namin sa gilid namin.
I saw Julian standing, looking at us. Naka kuyom ang mga kamao nito at matalim ang titig kay Seven. Natakot ako bigla. Hindi ko alam pero nakakatakot yung aura ni Julian ngayon.
Hinawakan ko yung kamay ni Seven na nakahawak sa akin at unti unti ko'ng tinanggal ang pagkaka hawak nya sa akin.
"Julian Scott.." Napalabi si Seven. Halatang hindi nito inaasahan na makikita nito si Julian.
Nilingon ako ni Seven tapos tumingin ulit kay Julian.
Narinig ko ang marahas na pag buntong hininga ni Julian.
"Oh.. K-kat, i didn't know.." Bigla ay apologetic na lumayo si Seven sa akin. Para syang napaso bigla. Parang gusto nyang mag sorry.
Nainis ako. He looked guilty, pero sa totoo lang, wala naman sya kasalanan. Sya na naman ang aako. Walang may gusto na sumulpot si Julian doon, kasama pa ang Adriana na yon.
"No, Seven. It's alright." Then i smiled at him. Pero nanginginig na talaga ako.
"Hey." Mula sa gilid ni Julian ay lumabas si Adriana. She was wearing her trophy smile. "Oh, Katrina! Nandito ka rin pala. What a small world. Kakain pa lang sana kami ni Julian. Want to eat with us? Masarap ang-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Adriana dahil bigla ko syang linapitan at sinampal. Sobrang nanggigigil na ako. How can she smile like that and ask me to eat with them?! Right there and then gusto ko sya ingudngod sa carpeted na sahig.
Napasinghap yung ibang tao na naroroon. Sinapo naman agad ni Adriana yung kaliwang pisngi nya at halatang gulat na gulat. Julian just stood there, looking at me. Hindi sya gumalaw.
"Fuck you and your bitchy smile. Go to hell. Both of you." Tinuro ko pa silang dalawa bago ako nagmamadali na lumabas.
Gusto ko'ng manliit dahil sa dami ng tao na nakasunod ng tingin sa akin. I know, ineskandalo ko ang sarili ko. Magsosorry na lang ako kay Seven. I ruined our night and i feel really bad about it but damn. Ayoko na saktan ang sarili ko.
"Katrina! Katrina!" Mabilis yung lakad ko pagkalabas ng bar at narinig ko na lang bigla ang boses ni Julian. Lalo ako'ng naiyak. Binilisan ko pa ang lakad ko. Pero nahablot nya ang kamay ko at pinaharap sa kanya. "I'm sorry Baby. This is not what it looks like."
"This is not what it looks like? Gago ka ba talaga? Ano pa bang gusto mo, Julian? Hindi ka pa na kuntento na sirain at durugin ako ah! Gusto mo ipapamukha mo pa sa akin katangahan at kagagahan ko! Bakit mo pa ba ako hinahabol?!" Wala na ako'ng pakealam kung mukha ako'ng kawawa sa harap nya.
I need to end this, right now. Kahit papaano closure. Bahala na. After this sasabihin ko na sa lahat na wala na kami. Madidissappoint sila mama at papa pero wala, ayoko na silang lokohin.
"Kat, baby.. Please. Let me explain. I don't know how the video came out, okay. I admit, i wanted to take my revenge on you. Pero hindi mo ba naramdaman na totoo ako the whole time? You have to admit what we had was real.. Mahal na mahal kita, Katrina."
"Gago! Sarili mo lang ang mahal mo!" Sigaw ko sa kanya. Pumiglas ako pero hindi nya ako binibitawan. "Leave me alone, Julian! Pagod na pagod na ako!"
Tumigas ang anyo ni Julian. "No. You were mine, Kat. And you'll always be. Wala ako'ng pakealam kung ayaw mo ako paniwalaan sa ngayon. I am not saying what i did was right, but i was doing what's right now, Kat. And that's to explain. Sana pakinggan mo ako. I caused you pain and believe me when i said seeing you like this hurts me more." Sa huli ay lumamlam ang mga mata nya.
Napalunok ako. But hell, hindi na ako maniniwala sa kanya.
Tinulak ko sya. "Let me go, Julian." Mariin na sabi ko while looking at him.
"No." Lalong dumiin ang hawak nya sa akin.
"Julian! Come back here!" Parang kinurot ang puso ko ng marinig ko na naman ang boses ni Adriana. She was calling him.
Pero hindi tuminag si Julian. Nakatingin pa rin sya sa akin habang hawak hawak ang braso ko. Hindi ako makagalaw.
Tiningala ko sya then i smirked. "Your bitch is calling you, Mister nice guy. Go ahead. Iwan mo na ako. Baka nangangati pa yan at magpa kamot sa iba." I sarcastically said.
Julian sharply sighed. Imbes nalumingon kay Adriana ay bigla syang naglakad hila hila ako. Pumiglas ako bigla. "What the. Bitiwan mo nga ako! Ano ba!" But he's too damns trong.
"Julian! Fuck! Bumalik ka dito!" That was Adriana screaming.
Pero straight face pa rin si Julian. We're approaching the parking lot. Naramdaman ko na sumunod si Adriana. Mga limang metro na lang ang layo nya sa amin when she spoke again.
"Julian! Are you out of your mind? Sigurado ako na alam na alam mo ang kaya ko'ng gawin once na umalis ka at sumama sa babaeng yan!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Napatigil sa paghila at paglalakad si Julian.
"Bitiwan mo ako! Ano ba! Magsama na kayo ng babae mo! Nakakadiri ka. I don't even want to see you lalo na ang mahawakan mo!" galit na sabi ko. Hindi nya pa rin ako binibitiwan.
"See? She doesn't want to see you anymore." Adriana's voice is mocking.
Unti unti ay lumingon si Julian kay Adriana. Tinitigan ni Julian ang babae. Bigla ay nakaramdam ako ng tensyon.
"Don't fuck with me, Adriana. Mas alam na alam mo ang kaya ko'ng gawin sayo. Subukan mo'ng gawin ang sinabi mo. I'm gonna kill you myself." Matigas iyon, puno ng galit at pagbabanta.
Bigla ay nahintakutan ako sa sinabi ni Julian. Why is he suddenly cold with her? They came together like a couple! Pati yung video. They looked intimate there. Fuck what the hell is happening? Nanghina ako at kung hindi dahil sa pagkaka hawak ni Julian ay baka natumba na ako.
Mabilis nya ako'ng bintiwan sa kamay at hinapit sa bewang.
"Stop, Adriana. Just stop." Yun lang tapos parang bulak lang ako na inakay ni Julian paalis doon at pasakay sa kotse nya.
Hindi ko alam kung bakit parang nawala ako bigla sa sarili. Bumalik ang malay ko sa kasalukuyan nang umaandar na pala ang kotse ni Julian at magkatabi na kami. He was so focused in driving. I saw his jaw flexed.
"Y-yung kotse k-ko.." Bigla ay nanuyo yung lalamunan ko. Hindi ko alam ang sasabihin pero yung kotse ko ang agad na naisip ko. Biglang nawala yung naguumigting na galit ko sa kanila kanina. At some point, paranga ko yung pinili ni Julian.
He was mad a while ago. But he's mad with Adriana. His words.. masyadong mabigat yung sinabi nya kaya natakot ako. Pero naisip ko, hindi nya naman sasabihin iyon kung totoong gusto nya si Adriana. Pero hanggang doon na lang iyon. I'm not thinking of other things about us.
Bigla ay iniliko ni Julian ang kotse at itinigil sa tabi ng isang eskinita.
"What? You car? You have a car?" Punong puno ng pagtataka na sabi nito.
Tumango ako. "I bought one kanina.."
Huminga sya ng malalim. "Alright. Ipapakuha ko na lang kay Glenn. Give me your keys."
Wala sa loob na binuksan ko yung purse ko at ianbot iyon sa kanya. Hinagis nya iyon sa dashboard at nagsimula syang magdrive ulit. Napuno kami ng katahimikan. Ayoko magsalita. Galit pa rin ako dahil sinaktan nya ako. Hindi iyon mawawala ng ganoon kadali.
Nag dial sya sa cellphone nya. It's Glenn. Pinapapunta ni Julian ang secretary nito sa isang lugar na pagkikitaan nila, probably to give his poor secretary my keys upang ito ang kumuha ng kotse ko. I feel bad. Gabi na, pero personal assistant din naman siguro si Glenn ni Julian kaya anytime na kailanganin nya ito, pwede dapat ang lalaki.
"I-ihatid mo n-na lang ako sa apartment.." Mahinang sabi ko.
"No, Kat. We have to talk."
"Tama na, Julian." Sabi ko. Nakatingin lang ako sa daan. "Pagod na ako."
"You're just saying that." Agad na sabi nya. Sa daan lang din ito naka focus.
Hindi na ako nagsalita. Naumid na ang dila ko. It feels good to be in this same car, be with Julian pero paulit ulit din na umuukilkil sa isip ko yung ginawa nya, yung video, yung balak nya mag revenge. Sumasakit ang ulo at puso ko sa mga naiisip ko.
"Stay here. I'll be back." Tumigil sa tapat ng isang convenience store ang kotse. Kinuha ni Julian ang susi ng kotse ko at lumabas. Naka tanga lang ako.
Doon ko naisip kung gaano ko na miss ang amoy ng kotse nya. Everything about Julian, i miss. Pero bakit kailangan pa kasi maging ganito? Hindi madaling mabawi yung mga nangyari na.
In five minutes ay bumalik na si Julian.
"Saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ko.
"Why are you with that guy? Are you dating him?" Imbes ay tanong nya.
Hindi ako sumagot. Gusto ko'ng sabihin na wala syang karapatan na kwestyunin ako dahil malala yung ginawa nya.
"Kat.." Mahinang tawag nya.
I can't deny the fact na gustong gusto ko kapag tinatawag nya ako sa ganoong paraan. Puno ng pagmamahal, ng lambing. He's the only person that can call me and say my name like that. Nababaliw na ako. Nahahati ang utak ko sa pagmamahal at galit ko kay Julian.
"Save it. Sabihin mo ang gusto mo'ng sabihin kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. Then i'll go home and we'll forget about this." Tinigasan ko ang boses ko.
Hindi nagsalita si Julian. He just sighed.
Nagulat ako ng pumasok kami sa isang executive village. Pamilyar sa akin iyon pero hindi pa ako nakakapunta talaga doon. Nakakalula ang mga mansion na naroroon. Kahit gabi ay kitang kita ang mga matataas na mansion at nagtataasan din na mga bakod.
"What are we doing here?" Sa wakas ay tanong ko na.
Hindi sumagot si Julian. Isang kanto pa ang linikuan nito at tumigil kami sa tapat ng isang bahay.. no, isa ring mansion. This one's a stone house. Modern pero halata na may touch of victorian era designs.
"We're here." Iyon lang at bumusina si Julian.
Maya maya pa ay may nagbukas ng gate. Isang matabang lalaki iyon na naka pantalon at white t-shirt. Sumaludo ito kay Julian bago tuluyang ipasok ni Julian ang kotse. Doon ko mas nakita ang rangya ng mansion. May swimming pool sa gilid. Glass walls ang second floor.
May mga ilaw sa mga poste na nasa concrete walls. May mga halaman at malawak ang lawn. May concrete pathwalk din papasok sa malaking pinto. Tanging ang sala lang yata ang may ilaw. Patay ang ilaw sa ibang parte ng bahay na iyon.
Seriously, it's breathtaking.
"Who's house is this?" Nagtataka na tanong ko ng makababa na ako.
"Ours." Iyon lang at nauna na syang naglakad sa akin.
Napatigalgal ako sa sagot nya. He's kidding, right?
"Goodevening po Ma'am. Naayos ko na po ang lahat. Pakisabi na lang po kay Sir na nauna na ako." The chubby guy said. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumango na ako.
Nang mawala na sya sa paningin ko, tsaka ko pa lang naisip sundan si Julian.
Lakad takbo ang ginawa ko bago ako makapasok.
Namangha ako. High ceilings. White and gray ang kulay na dominant sa loob. Walang wala ang chandelier kanina sa bar sa chandelier na naroroon. Mas malaki at engrande. Ang mag furnitures, halatang sa ibang bansa pa galing.
Lumingon lingon ako at hinanap ko si Julian.
I saw his back at the bar bandang kaliwa ng bahay, sa ilalim ng nakakalula na staircase.
"Julian.." Tawag ko sa kanya.
Humarap sya sa akin and he was holding two glasses na may laman na alak at yelo. Lumabas sya sa bar at lumapit sa akin, inabot ang isa.
"Here, drink with me." He was just looking down on me. Hindi ko magawang salubungin ang titig nya, kaya inabot ko na lang ang baso at agad na sumimsim.
Inilayo ko na sa bibig ko ang baso pero nakatitig pa rin sya sa akin. "Talk, Julian."
"Paano mo nalaman yung tungkol sa video?" Mahinaon yung boses nya.
"Importante pa ba iyon?" Pinukulan ko sya ng matalim na tingin. Is he going to blame someone na nakita ko iyon? "Are you gonna blame someone dahil nakita ko ang plano mo? You're sick." Tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa living room.
Kinailangan ko'ng umupo sa sofa, hawak hawak ko pa rin ang baso ng alak.
"No, that's not what i meant, Kat." Sumunod sya. He sat in front of me. "Sinabi ko naman sayo, i admit i was wrong for even thinking of having a revenge on you. But i love you too damn much that i thought passed that stupid idea."
"Hindi lang naman yung sex video ang punto ko. Ano mo ba talaga si Adriana? You were all over her in that damned video! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin yon? Ang baboy nyo! Sa office mo pa talaga!" Unti unti ay lumalakas ang boses ko. I wanted to curse at him for hurting me like this.
Mariin syang napapikit. "I'm sorry." Tapos yumuko sya.
Naiyak ako sa ginawa nya. Nagpaligsahan ang mga luha sa mata ko. "I'm sorry?"
"I'm sorry. Yes." Muli syang tumingin sa akin. "I'm sorry you have to see that. W-walang nangyari sa amin, I swear!" Tumayo sya at lumipat sa tabi ko. Umurong ako para lumayo sa kanya. Nawawala ako lalo sa sarili kapag malapit sya. "Diba sinabi ko naman sayo? I haven't got laid since you left me. I'm too damn busy hurting plus the fact na sayo lang gusto ng katawan ko." LUmambong ang mga mata nya.
Somehow, naiyak ako lalo dahil wala na doon ang gray eyes nya. Brown na ito at hinahanap hanap ko yung gray eyes nya na pakiramdam ko ay nakakasunog tumitig.
"Kat, Baby. I'm sorry."
"Gusto mong maniwala ako pero palagi mo syang kasama." I wanted him to explain everything.
"She- She was.. Oh God. First, i want you to know everything from the start..