TILL MY LAST BREATH Chapter 1

Johns Hopkins University School of Medicine, located in Baltimore, Maryland

“Hey Wallace are you about to go home?" Tanong sa akin ng isa kong lalaking kaklase.

Katatapos lang ng huling klase ko at nagmamadali na ako umuwi dahil anniversary namin ni Arriane ngayon. Gusto ko siyang sorpresahin, ang alam niya ay late akong makakauwi dahil may laboratory kami ngayon. Sinadya kong hindi siya batiin dahil ang gusto ko pag-uwi ko na lang saka ko sa kan’ya sasabihin.

Nagkakilala kami rito sa Amerika two years ago, nakilala ko siya sa isang sikat na restaurant dito sa Amerika at nagtatrabaho siya bilang waitres. Dahil sa angking ganda niya nabighani kaagad ako, palihim ko siyang sinusundan at palagi rin akong nagpupunta roon sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya.

Ang hindi ko alam ay napapansin niya pala iyon, kaya simula noon hindi na ako nag-atubiling magpakilala sa kan’ya. Nag-date rin kami ng ilang buwan, hindi lang siya maganda, mabat din siya at masayahin. Hindi nasayang ang ilang buwang panliligaw ko sa kan’ya at sinagot din niya ako. At hindi nagtagal ay nagsama na rin kami sa iisang bahay. Mukha na nga kaming mag-asawa, kasal na lang ang kulang. Pero siyempre kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral ko bilang doktor. At kapag naging ganap na akong doktor ay paplanuhin ko na ang pagpapakasal sa kan’ya.

“Yes! My girlfriend is waiting for me”

“Okay Wallace see you tomorrow,” ngumiti lang ako sa kan’ya at ngmamadaling lumabas ng classroom.

Dumaan muna ako sa bakeshop at bumili ng cake, bumili na rin ako ng bouquet na alam kong magugustuhan niya. Masaya ko namang tinatahak ang daan pauwi sa bahay, at kaagad akong lumabas ng kotse at bitbit ang binili kong cake at bulaklak na ibibigay ko sa kan’ya. Pumasok ako sa loob ng bahay at patay lahat ng mga ilaw, nagtaka ako kung umalis ba si Arriane pero ang sabi niya ay wala raw siyang pasok ngayon.

“Hon?” Tawag ko sa kan’ya nang binuksan ko ang ilaw sa salas. Nagtungo muna ako sa kusina para ibaba ang cake at bulaklak. “Umalis siguro,” sabi ko sa aking sarili.

Umakyat ako sa kuwarto para makapagpalit muna ng damit, pero hindi pa ako nakakalapit sa kuwarto ay may narinig akong mga boses. Huminto muna ako saglit at pinakinggan kung saan nanggagaling iyon. Napagtanto ko sa kuwarto namin ni Arriane nanggagaling ang mga boses, unti-unti akong lumapit at pinakinggan.

“Aaaah! Ohhh! Harder Brandon! Oooh you’re so good!” Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan, boses ni Arriane ang naririnig ko. Nasa tapat na ako ng aming kuwarto at mahigpit ang hawak ko sa seradura. Dahan-dahan kong pinihit ito, at ang hindi ko inaasahang makita ang pakikipagtalik ni Arriane sa mismong kama pa namin. Kitang-kita ko ang kanilang pagniniig at ang hubad nilang katawan. Nakapatong sa kan’ya ang lalaki at mabilis na bumabayo sa aking kasintahan.

Bakit? Bakit niya ito nagawa sa’kin? Anong naging pagkukulang ko sa kan’ya? Hindi ko na napigilan ang aking sariling lapitan sila, mabilis pa sa alas-kuwatro ay hinawakan ko sa balikat ang lalaki at inindayog nang suntok. Mabilis itong natumba sa sahig, kita ko ang pagkagulat ni Arriane at mabilis na hinablot ang kumot para ipantakip sa kaniyang katawan. Wala akong pakialam kung hubo’t hubad ang lalaki, pinaulanan ko ito nang suntok habang nakaibabaw ako sa kan’ya, hindi ako tumigil hangga’t hindi ko siya nakikitang duguan.

Napatigil lang ako nang hablutin ni Arriane ang isang braso ko at hilahin ako palayo sa lalaki. Umalis naman ako sa pagkakadagan sa lalaking iyon at tinitigan ng masama si Arriane na ngayon ay umiiyak na.

“Anong pagkukulang ko sa’yo Arriane? Sabihin mo sa’kin ano?!” sigaw ko na nagpapitlag sa kan’ya. Yumuko lang siya at panay lang ang iyak at hawak-hawak nito ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Kailan mo pa ako niloloko ha Arriane?! Buong buhay ko inalay ko sa’yo! Lahat binigay ko Arriane, pero p* t*ng-ina naman! Bakit? Bakit kailangan mo akong lokohin?” Napaupo ako sa dulo ng kama at sinabunutan ang aking buhok habang umiiyak. Nakita kong pinipilit pang tumayo ng lalaki na ngayo’y bugbog sarado na dahil sa akin.

“S-sorry hon, I’m so sorry, n-napilitan l-lang ako”

“Napilitan?! P*t*ng-ina sarap na sarap ka nga! Lahat Arriane binigay ko sa’yo. Hindi ako nagkulang, ano pa Arriane? Ano pa?” Napaupo si Arriane sa sahig at panay na ang kaniyang iyak. Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya. “Huwag kang umiyak dahil hindi ako ang may kasalanan, gusto ko pagbalik ko wala ka na rito sa bahay at kahit isang gamit mo wala na akong makikita rito.” Mahinahon kong sabi sa kan’ya ng hindi man lang ako tinitignan. Akmang lalabas na ako ng kuwarto ng bigla niyang hawakan ang isa kong binti.

“P-please hon, magpapaliwanag ako please! Huwag mo akong iwan.” Napapikit ako ng mariin at hindi ko pinakinggan ang kaniyang sinabi at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto at mabilis na lumabas ng bahay.

Napahinto ako ng nasa harap na ako ng bahay na tinutuluyan namin at doon ko binuhos ang aking galit. Pinagbabasag ko ang mga paso na nasa harap ng bahay nmin at pinagsusuntok ko ang pader, ramdam ko ang kirot at hapdi ng aking kamao pero balewala iyon kumpara sa ginawang panloloko sa akin ni Arriane.

“Wallace tama na ‘yan!” Kinuha ni Marco ang isang bote ng alak na hawak ko. Magkasama kami rito sa Amerika at pareho kami ng unibersidad na pinapasukan. Kasalukuyang nandito kami sa bar at ako nama’y nagpapakalango sa alak.

“T*ng-ina bro ang sakit! Sabihin mo nga sa akin Marco ano ba ang mali sa akin ha? Minahal ko siya ng buong-buo! Pero tang-ina nagawa pa rin niya akong lokohin!”

“Wallace walang mali sa’yo, nagkamali ka lang ng taong minahal,” sabay tapik niya sa aking balikat.

Lagi akong tinatanong ni Marco kung seryoso raw ba ako kay Arriane kung nararamdaman ko rin bang mahal din niya ako at seryoso rin sa akin. Iyon pala unti-unti na niya akong niloloko, lagi pang sinasabi sa akin ni Marco na ‘wag ko raw masyadong ibigay lahat ng pagmamahal ko sa kan’ya. Ang kaso hindi ako nakinig dahil nabulag ako sa pagmamahal ko sa kan’ya. Ilang beses namin nakikita ni Marco na may iba siyang kasama pero kapag tinatanong ko siya ang sagot niya ay kaibigan niya lang ito at alam daw ng lahat na may boyfriend na siya, kaya mas pinaniwalaan ko siya dahil hindi rin naman siya nagbago ng pakikitungo sa akin, sadyang naging tanga lang ako ng pagmamahal ko sa kan’ya.

“Sana pala mas pinakinggan kita,” nakayuko kong wika sa kan’ya.

“Huwag mong sisihin ang sarili mo Wallace, nagmahal ka lang pero sa huli nasaktan”

“Hinding-hindi na ako magpapaloko sa kahit na sinong babae”

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.