Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa bar ay nagpasya na rin akong pumasok sa school. Inayos ko ang aking sarili bago ako bumaba, inalis ko na rin sa isip ko ang nangyari sa amin ni Chris. Bago ako makababa ay may narinig akong mga nag-uusap.
Tumingin ako sa relo kong pambisig, alas-syete pa lang ng umaga. Sino kaya ang bisita ng ganito kaaga? Sabi ko sa aking sarili.
Nagpatuloy na ako sa pagbaba at nagtungo kung nasaan sila mama at papa.
"Ma aalis na po__” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapadako ang tingin ko kay Doc Wallace.
"D-doctor Wallace, ano pong ginagawa niyo rito?”
"Ah hija anak, s-sige na umalis ka na at mahuhuli ka na sa klase mo sumabay ka na rin kay Wallace," nakangiting bungad sa akin ni mama.
"Po?!” Papalit-palit ang tingin ko sa kanila na parang may tinatago sila sa'kin.
"Nasaan pala sila kuya?”
"Kanina pa sila umalis princess, hala sige na my princess umalis na kayo at mahuhuli ka na sa klase mo," pagtataboy sa'kin ni papa, kaya wala na rin akong nagawa kun”di sumunod.
"Siyanga pala Doc Wallace salamat sa pagtatanggol mo sa'kin noong nakaraan, hindi pa kasi ako nakaka-pagpasalamat sa’yo ng normal eh,” wika ko ng nasa sasakyan na kami sinulyapan naman niya ‘ko at dumako ulit ang tingin niya sa daan.
"Wala ‘yon, mabuti na lang pala at nakita kita, bakit ba kasi iniwan ka ng kaibigan mo roon sa lalaking ‘yon?”
"Aaahm, ano kasi si Kian eh dapat pauwi na kami noon, ang kaso__” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kung ako ang tatanungin ayoko ng maalala pa iyon.
"Ah I'm sorry, hindi ko na sana pinaalala sa’yo."
"Okay lang."
"If you're thankful, date me?” Mabilis akong napatingin sa kan’ya, kung tama ba ang narinig ko.
"A-anong sabi mo?”
"I said date me," hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa kan’ya hanggang sa namalayan kong nasa tapat na pala kami ng school.
Imbes na sagutin siya ay nagmamadali akong bumaba ng kaniyang sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa loob ng campus.
Sapo ko ang aking dibdib hindi dahil sa hinihingal ako, kun’di dahil sa kaba at lakas ng kabog nito. Anong pumasok sa isip niya at gusto nito ako i-date? Inayawan na ba siya ng mga babae niya? Napairap na lang ako sa ere at pagkuwa’y nakita kong papalapit sa'kin si Kian.
"Beshy!” Masayang bati nito nang makalapit na sa kinaroroonan ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Makayakap ka naman akala mo matagal tayong hindi nagkita," sabay kawit ko sa kaniyang braso.
"Okay ka na ba?” May himig ng pag-alala niyang wika. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Huwag ka ng mag-alala okay na ‘ko, saka ayoko ng maalala pa ‘yon.”
"Sige beshy, promise talaga hindi na kita yayayain do’n,” itinaas pa nito ang kan’yang palad na parang nanunumpa.
Natawa naman ako sa kaniyang tinuran at naglakad muli. “Oo nga pala beshy nag-drop na si Chris, sinabi ko lang sa’yo para hindi ka na mag-alala kung makita mo siya rito.”
"Ah ganoon ba?” Sa totoo lang talaga naaawa rin ako kay Chris pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kan’ya. Mas mabuti na rin ang hindi na kami magkita pa.
WALLACE POV
"Good morning!” Bati ko sa mga nurse na nasa nurse station. At hiningi ko naman ang chart ng pasyente.
"Doc Wallace parang may kakaiba sa’yo?” Nakahalumbabang tanong sa akin ni Nurse Yvette.
"Kakaiba? Ano naman ‘yon?” Ipinilig pa nito ang kaniyang ulo na parang nag-iisip.
"In-love yata si Doc Wallace!” Si Nurse Gina na ang sumagot.
"Oo nga! Iyon nga! Tama ka riyan Nurse Gina," nag-appear naman ang dalawang nurse at tinignan ako ng makahulugan.
"What?” Takang tanong ko sa dalawa.
"Totoo ba Doc Wallace? Isa ka na rin sa namaligno na tulad ni Doctor Marco?”
"Ha? Saan niyo naman nakuha ang balitang iyan ah?”
"E ‘di sa itsura niyo,” Sabay na sagot nilang dalawa.
"Halata po kasi sa itsura niyo doc na in-love na kayo! And who's that lucky girl doc?” Nangingiting tanong ni Nurse Gina. Pero paano naman nila nalaman kung in-love na nga ako? Masyado na bang halata sa kilos ko? Mga tanong sa aking isipan.
"Namamalikmata lang kayo! Wala namang nagbago sa'kin no."
"Meron Doc Wallace!”
"Alin iyon?”
"Iyong klase ng ngiti mo ngayon," natahimik naman ako sa kaniyang sinabi at napalunok ng ilang beses.
Mabuti na lamang at dumating si Marco kaya hindi ko na nasagot pa ang dalawang makulit na nurse.
"Hey Marco!” Bati ko sa kan’ya at ngumiti lang ng tipid.
"Hows Mace?”
"Ganoon pa rin, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, I know one of these days ay magigising na siya.”
"Don’t worry Marco, she will be fine and also your babies. You will be a father soon," tapik ko naman sa kaniyang braso.
Hindi naman ako mapakali sa aking opisina at paroo’t parito ako dahil iniisip ko ‘yong sinabi ko kay Celestine kanina. Baka isipin pa niya na katulad pa rin ako ng dati.
"Shit!” Mura ko ng mahina at pabagsak na naupo sa sofa ng aking opisina. Pumikit ako ng mariin at ipinatong ko ang braso ko sa aking noo. Nasa ganoong ayos ako ng maabutan ni Jake na pumasok sa aking opisina.
"Mukhang problemado ah!” Napamulat naman ako at nakita ko si Jake na nakaupo na sa aking harapan.
"May iniisip lang ako," nanatili pa rin akong nakasandal sa sofa.
"Ano naman ‘yon? Sa pagkakaalam ko hindi ka namomroblema kung paano ka makakapotpot."
"Gago ka rin eh no!” Sinamaan ko naman ito ng tingin, pagkuwa’y humalukipkip ito at nakangisi naman akong tinitigan.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan Wal, in-love ka na nga,” tinignan ko muna siya ng seryoso at napaayos ako nang pagkakaupo.
"Akala ko hindi ko na ulit ito mararamdaman, kala ko tuluyan ko nang sinarado itong puso ko, pero sa hindi inaasahang pagkakataon muling may nagbukas ng pinto ng puso ko."
"Matagal na naming alam Wal na hindi mo pa rin tuluyang sinasara ‘yang puso mo, dahil hindi pa dumadating ang tamang babae para sa’yo. Katulad nga ng sinabi mo, sa hindi inaasahang pagkakataon may nagbukas niyang puso mo. And I know she's the right girl for you.”
"Paano mo naman nasabi?”
"Wal matagal na tayong magkaibigan at kilala na kita, sa dinami-dami ng babaeng naka-date mo at nakapotpotan mo, ni minsan hindi kita nakitang nagkaganiyan bukod kay Arianne.”
"Tsss!” Ngisi ko sa kan’ya.
"Well wal, siya na talaga ang nagpabago sa’yo, kaya pala walang potpot na nagaganap kasi nakareserba na pala sa iba iyang kamote mo!” Humagalpak naman siya nang tawa at naiiling akong tinitigan.
"Pwede ba Jake lumayas ka na nga rito panira ka talaga eh, wala ka talagang kuwenta kausap!”
"Bakit ikaw lang ba puwede mambwisit? Samantalang kapag pumupunta ka sa opisina ko puro kamanyakan bukambibig mo! Na-in love ka lang naging disente ka na? Pati iyang kamote mo napapabayaan mo na hindi mo na nadidiligan, nasaan na ‘yong sinasabi mong VITAMIN S?!”
"Kasama ‘yon sa pagbabago ko!” Sabay irap ko rito.
"Woah! Good influence pala siya! Kasi si Wallace the maniac naging descent na love change you talaga,” natatawa naman niyang sabi sa'kin.
Totoo ngang nagbago ako dahil kay Celestine, siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog at wala sa sarili nitong mga nakaraang araw. Gagawin ko ang lahat para kay Celestine at papatunayan na hindi na ako ang Wallace na una niyang nakilala noon.