TILL MY LAST BREATH Chapter 17

Nakarinig kami na parang may nagkakagulo sa labas ng aming silid mabuti na lamang at tapos na ang aming klase, inaayos ko na ang mga gamit ko at naririnig ko ang usapan ng iba kong kaklase malapit sa kinaroroonan ko.

"Grabe ang guwapo oh!”

"Oo nga! Sino kaya hinihintay niya?”

"Baka kapatid niya? Imposible namang girlfriend niya."

"Beshy sino kaya ‘yong nasa labas? Tara dali tignan natin!” Kinikilig akong hinarap ni Kiana at sabay hila nito sa'kin sa kaliwang kamay ko.

"Sandali lang naman Kiana!”

"Bilisan mo naman kasi baka hindi na natin makita," nasa labas na kami ng aming silid at marami rin ang estudyante na nasa labas at ‘yong pinagkakaguluhan nila ay nakatalikod at kausap ang kaninang propesor namin.

"Tara beshy kunwari dadaan tayo at silipin natin ‘yong feslak ng fafabols na ‘yon," turo niya sa lalaking nakatalikod.

"Ayoko nga!”

"Sige na naman! Curious lang ako baka mas pogi pa ‘yan sa hot doctor mo."

"Ang landi mo talaga!” Nakita naming umalis na ang propesor na kausap niya at humarap banda sa aming kinaroroonan.

Nanlaki pa pareho ang mga mata namin ni Kian ng mapagsino ito. Nakangiti naman niya kaming hinarap at dahan- dahang lumapit sa akin. Pansin ko pa ang pagtitig ng mga estudyante sa amin at si Kian naman ay panay ang tusok ng kaniyang daliri sa aking tagiliran.

Habang tumatagal ay unti-unti ko na siyang nakikilala, mahigit dalawang buwan na rin ng magsimula siyang manligaw sa'kin. Iyong una akala ko ay hindi talaga siya seryoso at binalewala ko lamang ang madalas niyang pagpunta sa bahay at paghatid sundo sa'kin.

Oo at gusto ko siya, pero hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Pero habang tumatagal ay nakikilala ko ang isang Doctor Wallace. Hindi ko nga alam kung may nararamdaman na rin ba ako sa kan’ya. Pero ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama siya, at gusto ko siya pero hindi ko alam kung mahal ko na ba siya.

Nang makalapit na siya sa'kin ay mataman lang akong nakatitig sa kan’ya at hindi malaman kung ano ang sasabihin.

Shit bakit ganito? Tuwing magkakaharap na lang kami laging bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Beshy ‘yong laway mo tumutulo." Pang-aasar naman sa'kin ni Kian dahil kanina pa ako titig na titig kay Doctor Wallace at narinig ko pang mahina itong tumawa.

"O siya beshy mauuna na ako ha? ‘wag mo ubusin si doctor handsome magtira ka naman,” bulong nito sa'kin na sinamaan ko naman ng tingin.

"Bye doctor handsome! Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko ha? Busugin mo ‘yan kasi ikaw ang kakainin niyan kapag gutom."

"Kiana naman!”

"Parang mas gusto ko siyang gutumin," sagot naman ni Doctor Wallace sa biro ni Kiana na ikinalaki ng mata ko.

"Ayiiieh!! Naku doctor handsome__”

"Sige subukan mong ituloy hindi na kita pakokopyahin!” Pananakot ko kay Kian na siyang ikinatahimik niya.

"Sungit mo naman! Sige na aalis na ‘ko," naiiling na lang ako pagkaalis ni Kian.

"Ano palang ginagawa mo rito?”

"Sinusundo ka.”

"E bakit kailangan mo pang pumasok dito sa loob?”

"Syempre para malaman ng mga nagbabalak sa’yo na meron ka ng guwapong masugid na manliligaw,” napaubo naman ako sa aking narinig mula sa kan’ya.

"Sino? Saka saan mo naman nabalitaan ‘yan?”

"E ‘di sa social media mo.”

"What?! Ini-stalk mo ‘ko?”

"Hmn," tipid niyang sagot sa'kin. "Ayoko na may ibang lumalapit sa’yo kasi nagseselos ako,” parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa kaniyang sinabi.

Totoo bang nagseselos siya? Seryoso ba siya? Kailangan ko na ba maniwala sa mga sinasabi niya? Paano kung isa lang pala ako sa mga magiging babae niya? Hindi naman siguro. Dahil hindi naman basta-basta papayag sila mama na ligawan niya ako at isa pa may dalawang buwan na rin naman siyang nanliligaw sa'kin.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa klase ng titig niya. Tumikhim muna ako bago ko siya muling hinarap.

"Puwede ba muna tayo pumunta ng bookstore? May kailangan lang akong bilhing libro eh."

"Oh sure!”

Nasa bookstore na kami ay hindi ko naman maiwasan ang mapasimangot dahil sa klase ng titig ng mga kababaihan dito sa loob ng bookstore. May mangilan-ngilan pa akong naririnig na komento nila.

"Ang hot naman noong guy! At ang cute ng kapatid niya!”

"Ano kayang pangalan noong hunk na ‘yon?”

"Hindi niya girlfriend ‘yan kita mo ang batang tignan saka nag-aaral pa, malamang baby sister niya ‘yan!” Napakagat labi ako ng mariin sa inis, ganoon ba kabata akong tignan? Hindi ba kami bagay ni Doc Wallace? Tanong ko sa aking sarili.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng humarang sa aking harapan si Doctor Wallace kaya napatingin akong bigla sa kan’ya.

"What did I tell you last time?”

"Ha?”

"I told you that stop bitting your lips like that," turo nito sa aking labi. Kailan niya sinabi ‘yon? Napataas naman ang aking kilay sa pagtataka.

"K-kailan mo s-sinabi ‘yon?” Pinasadahan niya muna ng dila ang kaniyang ibabang labi, kaya doon napadako ang tingin ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Alam kong matagal ko nang sinabi ‘yon, pero ipapaalala ko sa’yo, if you bit your lips like you did earlier,” lumapit muna siya sa'kin ng bahagya at ipinantay niya ang mukha niya sa mukha ko at bumulong. "I'm going to kiss you right here right now.”

"A-ano?” Nakita ko pa siyang ngumisi at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang magkabilang bulsa.

"Sige na bilhin mo na ‘yong libro na kailangan mo," umirap ako at naglakad na palayo sa kan’ya para hanapin iyong kailangan ko.

Ilang minuto na ako nagpapaikot-ikot sa loob ng bookstore pero hindi ko pa rin ito makita. Napapakamot na lang ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung anong libro ang bibilhin ko. Naisipan ko namang tawagan si Kian para itanong kung anong libro ang kailangan namin.

"Hello Kian, ano nga ulit pangalan noong libro na kailangan bilhin?”

"Beshy my goodness! Ilang beses ko ng pinaulit-ulit sa’yo ‘yon, ten times na yata at isang piraso lang naman ‘yon!” Sermon ni Kian habang kausap ko siya sa cellphone ko. “Ano bang nangyayari sa’yo beshy at napapansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging ulyanin ka na?”

"Minsan lang naman akong nakakalimot Kian."

"Hindi minsan beshy! Madalas kamo. Magpa-check up ka kaya? Baka nasosobrahan ka sa katalinuhan niyan kaya nagiging ulyanin ka na?”

"Ewan ko sa’yo Kian! Ano nga pangalan noobg libro?”

"A history of western philosophy, o ayan na beshy ah pang eleven times ko ng sinabi sa’yo ‘yan! Itetext ko pa para sure!” May halong inis niyang himig na ikinairap ko.

"Oo na po sige na!” Pagkatapos naming mag-usap ay hinanap ko kaagad ang librong sinasabi niya, nakita ko naman ito kaagad at kinuha para bayaran na. Nakita ko naman si Doc Wallace na nakasandal sa shelf at wari'y hinihintay ako, lalapitan ko na sana siya ng may biglang lumapit sa kaniyang babae. Hinagod ko naman ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

May maikling buhok, medyo matangkad, balingkinitan ang katawan at, napatingin ako sa kaniyang dibdib at pinagkumpara ang dibdib niya sa dibdib ko. Mas malaki nga lang ng konti iyong sa kan’ya.

Tinignan ko naman si Doc Wallace na seryoso lang nakatitig sa kan’ya na wala man lang kangiti-ngiti. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghawak noong malanding babae sa braso niya.

Anong akala niya rito sa bookstore bar? Dahil sa inis ko dali-dali akong lumapit sa kanila at kita ko namang napaayos nang tayo si Doc Wallace at nginitian ako.

"Let's go!” Inis kong wika sa kan”ya ng hindi man lang ngumingiti.

"Sister mo? Ang ganda naman niya! Guwapo rin kasi “yong kuya,” masaya niyang sabi at pagkuwa'y hinarap siya.

"Paano mong nasabing kapatid niya ako? Magkamukha ba kami ha?!” Kita ko sa mukha noong babae ang pagkagulat. "For your information! I'm not his sister, I'm his girlfriend understood?!” Pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako at mabilis na naglakad palabas ng bookstore.

Iniwan ko na lang sa isang tabi ang sanay bibilhin kong libro dahil sa inis. Naramdaman ko naman na may humila sa aking braso kaya napaharap ako rito.

"What did you say?” Nakangising tanong ni Doc Wallace na hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Ha? Ang alin?”

"What you said earlier,”

Oh shit! Naalala ko na! What the! Bakit ko ba sinabi ‘yon? My god Celestine anong idadahilan ko? Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kan’ya.

"I'm waiting Celestine," nagmulat ako at tinitigan siyang maigi.

"Aahmm ano kasi.. K-kasi doc ano…”

"You like me?”

"Ha? A-ano…”

My god Celestine bakit ba hindi na nag-poprocess ‘yang utak mo?

"You're jealous baby.”

"Oo! What?” Nabigla ako sa aking sinabi na siya namang ikinangiti nito. "H-hindi! Biglang bawi ko sa aking sinabi.

"You are," napakagat na naman ako ng labi dahil totoo namang nagseselos ako. Pero bakit? Mahal ko na ba siya?

"Gotcha!” Mahinang sabi niya at bigla na lamang ako nitong hinapit sa bewang at walang pasabing hinalikan na ikinagulat ko.

Nasa harap lang kami ng bookstore na pinasukan namin kanina at alam kong maraming nakatingin sa amin. Mabuti na lamang at hindi ‘yon nagtagal. Nagpalinga-linga pa muna ako at saka siya muling binalingan.

"Bakit mo ginawa yon? Dito pa talaga ha?”

"I told you baby, if you're going to bit your lips, I’m going to kiss you right here right now.”

"Pero hindi ko naman alam na tototohanin mo pala ‘yon!”

"Simula noong nanligaw ako sa’yo, naging totoo na ‘ko sa’yo Celestine," napamaang naman ako at napatulala dahil sa narinig ko mula sa kan’ya.

"Ako naman ang magtatanong sa’yo, totoo rin ba ‘yong sinabi mo kanina doon sa babaeng maganda?”

"Maganda? Kailangan may kadugtong pang maganda?!”

"you're cute when you're jealous.”

"Hindi ako nagseselos!”

"Let’s talk somewhere else," sabay hila nito sa aking kamay. At nang nasa parking lot na kami ay isinandal ako nito sa pinto ng kaniyang kotse at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Kaya naman dahan-dahan ang aking paghinga dahil sa kaba.

"Now tell me baby, totoo ba ‘yong sinabi mo kanina?”

"A-alin s-sa sinabi ko?” Nauutal kong saad sa kaniya.

"That you're my girlfriend," alam kong hindi niya ako titigilan kapag hindi ko sinagot ang tanong niya.

"O-oo,” napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"Look at me baby," nag-angat naman ako ng tingin at tinitigan siya.

"I’m so happy, damn much baby," hinawakan niya ang pisngi ko at doon ay muli niya akong hinalikan.

He's my first crush, first kiss, first boyfriend and FIRST LOVE? and I hope he is my LAST.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.