Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha, napabalikwas naman ako ng makita na wala na si Doc Wallace sa aking tabi. Panaginip lang ba yung kagabi? Pero parang hindi naman. Dali dali akong lumabas ng aking kwarto at hinagilap si Doc Wallace, ngunit hindi ko ito makita. Nagtungo naman ako sa dining area at naabutan kong nag-aalmusal na sila kuya pero hindi nila kasalo si mama.
"Nasan si mama? “
"Maagang umalis bunso may pinuntahan lang saglit," sagot sa'kin ni kuya Darren. Umupo naman ako sa kanyang tabi at sinadukan ako ng pagkain.
"Si Doctor Wallace pala kuya?” Nagkatinginan naman sila ni kuya Clarence bago ako binalingan ni kuya daren.
"Maaga ding umalis kasi marami daw siyang pasyente ngayon"
"Bakit hindi siya nagpaalam sa'kin?” May himig na pagtatampo kong turan sa kanila.
"Aaahm kasi Cel masarap daw ang tulog mo kaya hindi ka na niya ginising pinasabi na lang niya sa'min di ba Darren?”
"Ah oo bunso, wag ka ng magtampo sa kanya," pangungumbinsi ni kuya Darren.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya naman ako nila kuya na pumunta sa salon dahil may dadalohan daw kaming party mamaya. Hindi na ko nagtanong dahil malamang sa opisina ni kuya Clarence ang gaganapin na party. Kadalasan kasi may party na ginaganap sa kanilang opisina at palagi din naman niya kami iniimbitahan para dumalo. Nasa salon na kami at inaayusan na ko. Kinulot nito ang mahaba kong buhok at ipinuyod pataas ang aking buhok na nilagyan naman ng maliit na korona sa gitna. Light make up lang ang inilagay sa'kin at kulay pink naman ang aking lipstick.
Pagkatapos nila akong ayusan ay pinagbihis naman nila ko at ibinigay ni kuya Clarence ang isang off shoulder white dress na hanggang sakong ko ang haba.
"Kuya Clarence bakit parang kakaiba naman tong dress na to?” Tinitigan ko naman ito habang hawak ko ang white dress na binigay sa'kin ni kuya
"Panong kakaiba?”
"Para naman kasing pangkasal to eh, baka ako lang ang naiiba dun sa party"
"H-hindi ah! Ang ganda nga eh, meron din namang may mga ganyang suot dun, saka mas lalo kang gaganda dyan sa dress na yan"
"Sus nambola ka pa! Sige na nga po susuot ko na,” pumasok na ko sa dressing room at sinuot na ang dress na binigay sa'kin ni kuya Clarence. Pagkalabas ko ng dressing room ay nakita ko naman ang dalawa kong kapatid na naka tuxedo at ako na lang ang hinihintay.
"Wow! Napaka gwapo niyo naman ata sa suot niyo!” Puri ko sa kanila na abot tenga naman ang ngiti.
"Syempre iba ang lahi natin eh!” Natawa na lang ako sa sinabi ni kuya Darren.
“You're so beautiful princess!” Puri naman sa'kin ni kuya Clarence.
“Salamat kuya, "Mukhang big event ata yang dadaluhan natin"
"O-oo Cel, darating kasi yung mga boss kaya ganon," saad ni kuya Clarence.
"Ah, so let’s go! Baka malate pa tayo," yaya ko na sa dalawa kong kapatid. Habang bumabyahe kami ay panaka naka ko namang sinusulyapan ang cellphone ko kung nagtext o tumawag man lang si Doctor Wallace, pero ni isa ay wala man lang akong natanggap. Nagpakawala naman ako ng malakas na buntong hininga at parang maiiyak na. Hindi naman siya ganito noon, pag nasa ospital na siya ay tumatawag na kaagad siya o nagtetext man lang pero ngayon hindi man lang siya tumawag sa'kin.
"Cel may problema ba?” Tanong sa'kin ni kuya Clarence na tinignan lang ako sa rare view mirror habang nagmamaneho.
"Si Doc Wallace kasi hindi niya ko naalala ngayon, wala man lang tawag o text. Hindi na nga siya nagpaalam sa'kin kanina eh," may pagtatampo ko namang sagot kay kuya Clarence.
"Baka naman busy lang siya, malay mo hindi pa tapos yung surgery niya antayin mo lang tatawag din yun sayo"
"Oo nga bunso, kaya wag ka ng mag-alala pa makikita mo rin siya"
"Pano ko siya makikita kuya Darren kung nasa party naman tayo?”
"Basta magkikita kayo mamaya, kaya wag ka ng magtampo sa kanya, alam mo namang doctor siya kaya medyo busy din naman yun," hindi na lang ako nagsalita at tumango na lang ako sa sinabi ni kuya daren.
Pero nagtaka naman ako dahil ibang daan ang tinatahak namin, hindi ito ang daan papunta sa opisina ni kuya Clarence. May nakikita akong mga puno at may dagat din. Dito ba gaganapin ang party nila kuya clarence? Huminto naman kami hudyat na nakarating na kami sa lugar. Pinagbuksan naman ako ni kuya Darren ng pinto at kaagad na bumaba. Nagpalinga linga naman ako sa paligid pero wala akong makitang mga tao kundi kami lang tatlo na malapit sa tabing dagat.
"Kuya Clarence dito ba yung party na sinasabi mo? Bakit parang wala yatang katao tao?”
"Celestine,” seryosong tawag niya sa'kin na ikinataka ko. "I'm sorry but we have to do this, we want you to be happy"
"A-anong ibig mong sabihin kuya Clarence?” Imbes na sagutin niya ko ay hinalikan lang niya ko sa aking noo at si kuya Darren naman ang lumapit sa'kin at piniringan niya ang aking mata.
"Teka lang kuya ano bang nangyayari?”
"Ssssh… we have a surprise for you," bulong sa'kin ni kuya Darren. Hindi na ko nakasagot dahil inalalayan na niya ko maglakad kung saan nila ako dadalhin. Nang huminto na kami sa paglalakad ay niyakap ako ng dalawa kong kapatid at bumulong pa sa'kin si kuya Darren bago tuluyan na niya akong iwan.
"Be happy bunso"
"Kuya Clarence? Kuya Darren?” Nang hindi sila sumasagot ay tinanggal ko na ang nakapiring sa akin.
Medyo malabo pa ang aking paningin kung kayat hindi pa malinaw ang mga nakikita ko sa paligid. Nang medyo lumilinaw na ito ay nagulat naman ako sa aking nakikita. Totoo ba to? Hindi ba ito isang panaginip lang? Naririto ngayon si Kian, mama, ang dalawa kong kuya na kaya pala naka tuxedo. Si Doctor Jake na may kaakbay na isang magandang babae na girlfriend siguro nito. Si Doctor Marco na kasama ang kanyang asawa at mga anak. Si tita Shayne at tito Simon ay nakangiti namang nakatingin sa'kin. Sa hindi kalayuan ay nakita ko naman si Doctor Wallace na naghihintay sa'kin sa may altar. Napaka gwapo niya sa suot niyang americana lumapit si mama sa'kin para ibigay ang bouquet ko at si kuya Clarence ay katabi ko rin para sila ang maghatid sa'kin sa altar.
"M-mama," garalgal kong tawag sa kanya.
"I'm sure kung nasaan man ang papa mo ngayon ay masayang masaya din siya, dahil ikakasal na ang nag-iisa niyang prinsesa.
"Salamat po mama,” naiiyak kong wika sa kanya.
"Wag kang umiyak anak mabubura yung make up mo," napangiti naman ako at binalingan si kuya Clarence.
"Salamat din sayo kuya"
"For what?”
"Sa pagtanggap niyo kay Doc Wallace"
"Basta kung saan ka maligaya Cel, masaya na rin kami para sayo," niyakap ko naman ng mahigpit si kuya at kumalas na din kaagad ako para maihatid na nila ako sa altar kung saan naghihintay si Doc Wallace.
Sa tabing dagat ginanap ang kasal at ilang mga kaibigan lang ang naririto. Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay hindi ko naman maiwasan ang mag-isip. Paano kung malaman na niya ang sakit ko? Paano niya ko aalagan? Baka mahirapan lang siya sa'kin at alam kong masasaktan ko lang din siya. Paano kung bigla na lang akong mawala nang hindi man lang nakakapagpaalam dahil hindi ko na sila maalala? Nang makalapit na kami kay Doc Wallace ay ibinigay naman ni mama ang kamay ko sa kanya.
"Wallace anak ipinapaubaya ko na sayo si Celestine"
"Don’t worry mama aalagaan ko po siyang maigi." Nag-umpisa na rin ang seremonyas at nagbigay naman kami ng wedding vow sa isa't isa.
"Celestine, baby, alam mo ba kung saan kita unang nakita?”
"Sa school?”
"Nope," kunot noo ko naman siyang tinitigan. “Sa bar. Doon kita unang nakita. At first sobrang nabighani talaga ako sayo, iba yung pakiramdam ko una pa lang kitang nakita. Hindi lang isang beses tayong pinagtatagpo kundi maraming beses. Siguro tayo talaga ang destiny. Ikaw ang muling nagbukas nitong puso kong bato, ikaw ang muling nagpatibok nito. At ikaw din ang huling babaeng magpapatibok nitong puso ko.” Hindi ko na napigilan pang mapaiyak dahil sa mga katagang binitawan niya. Ngayon pa lang ay nasasaktan ko na siya, paano pa kaya kung malaman niya ang sakit ko? Paano naman siya magiging masaya sa piling ko, kung ang babaeng pinakasalan niya ay malapit nang mawala sa mundong ito?
"Doctor Wallace, I mean baby. Yung nakita kita sa school sobrang crush na talaga kita. Sinadya ko talaga noon na sayo pumila para makausap ka at matitigan ka. Kaso inayawan din kita dahil sobrang babaero mo!” Nagtawanan naman silang lahat. "Pero kahit na ganon crush na crush pa rin kita. Mahal na mahal kita Doctor Wallace at ikaw din ang huling lalaking magpapatibok nitong puso ko, TILL MY LAST BREATH," kita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito kaya sana kahit mawala man ako ay hindi pa rin siya tumigil magmahal at mahanap niya ang babaeng muling magpapasaya at magpapatibok ng puso niya.