UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 15

"Babe, let's dance," humawak sa baiwang ko si Xen.

Don't call me babe. Gusto kong sabihin sa kaniya, pero 'di ko masabi.

Ayaw kong manakit.

"Nematoda!" Tatakbo-takbong lumapit si AP. "'Di kita nakilala, sobrang ganda mo!"

"Pero mas maganda pa rin ako," nakangiting sabat ni Delight.

"Mahiya ka naman," nakangising siniko ni Key si Delight.

"Ang gaganda niyo at ang guwapo mo, Key!" Inayos ko ang buhok niya. "Saan ka nakahiram ng tuxedo?"

Tumawa siya. "Sa mga ka-teammate ko."

"Babalik ako, sasayaw lang kami ni Xen."

Hinila ko na si Xen. Nahagip ng mata ko ang pasulyap-sulyap na tingin ni Fervid.

Marahan akong isinayaw ni Xen. "Miyell, I'm sorry."

"Sorry saan?"

"I talked to your father."

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya. "Bakit?"

"Nagpaalam ako na manliligaw."

"Anong sabi niya?"

Ngumiti siya nang malapad. "Asawahin na raw kita."

Pakiramdam ko literal na nalaglag ang panga ko.

Ganoon siya kaboto kay Xen?

"Look, ayaw kong madaliin ka," hinaplos niya ang buhok ko. "Alam ko naman na priority mo ang educ."

"Yes and," pabulong kong sinabi ang huling linya. "No boyfriend, no problem."

Narinig niya yata kaya tumawa. "Babe, I'm willing to wait."

"Eh? Bakit babe agad tawag mo?"

Nagkamot siya ng ulo. "Masaya lang sa pakiramdam na tawagin kang babe."

"I'm not your babe," mahina kong sabi.

"But I'm your babe," lumapad ang pagkakangiti niya.

"Bakit ako pa?"

"Dahil ikaw ang pinakamatalino, pinakamaalaga at pinakamagandang babaeng nakilala ko."

Natawa ako. "Okay pambobola na 'yong pinaka-maganda."

Tumawa rin siya. Nanlaki ang mata ko nang mabilis niyang dampian ng halik ang pisngi ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

"I feel like doing it."

"Hindi ka nagpapaalam."

"Miyell, like duh, pisngi lang 'yon. Baka gusto mong sa labi?"

Nanlaki ang mata ko. Napaatras ako bigla.

"Subukan mo, Xen, tutuhudin kita."

Tumawa siya nang malakas. "Para namang mabubuntis ka sa halik?"

"Sisipain talaga kita."

"Okay lang."

Akmang lalapit siya sa akin, tumakbo na ako pabalik kala Key. Hinabol niya naman ako.

"Joke lang. Ito naman, halika na, Babe." Humawak siya sa baiwang ko.

Pasimple kong tinanggal ang hawak niya. "Ahas ka ba?"

"Hindi, tao ako," ngumisi pa ang hibiscus.

"Makalingkis ka sa baiwang ko wagas."

"Buti nga sa baiwang lang," kinagat niya ang labi. Nasabunutan ko siya nang wala sa oras. "Ang bastos nang pagkagat mo ng labi."

"Kabastos-bastos ka ba?" Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. "Well, kabastos-bastos nga."

Sinabunutan ko siya ulit dahil nag-iinit na ang pisngi ko. Umeepekto ang pambwi-bwisit niya. Kung mayroon man akong kaibigang gustong plaging kasama siya 'yon kaya hindi ko magawang sabihing ayaw ko talaga siyang maging boyfriend kaya kung minsan napapaisip din ako na baka kapag sinabi ko 'yon hindi na niya ako pansinin.

Napasulyap ako sa gawing kanan. Nakita ko ang pagmamartsa ni Fervid paalis. Hinabol ko siya ng tingin, may kung anong kirot akong naramdaman nang makita ang malungkot niyang mata na parang pinangingiliran ng luha. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gusto ko siyang sundan. May nagsasabi na ihakbang ko ang paa para puntahan siya.

"Wait, Xen, CR lang ako."

Iniwan ko silang nagtatawanan. Hinanap ko kung nasaan si Fervid. Madilim sa bandang likod ng Laurente tanging maliliit na ilaw lang ang nandoon. Maliwanag naman ang buwan kaya nakikita ko pa ang daan.

"Fervid?" Nagpalinga-linga ako para hanapin siya.

Natagpuan ko siyang nakaupo sa may likod ng puno at nakatingala sa buwan.

"Why are you here?" Kunot-noong tanong niya nang umupo ako sa tabi niya.

"Nakita kita kaya sinundan kita."

"Have you ever feel your heart beating so fast?"

Tinitigan ko ang mukha niya. "Bakit nararamdaman mo ba?"

"I'm asking you first."

"Yes, I felt that, too."

"For who?"

Natigilan ako. Parang bigla akong kinabahan.

Para kanino?

Inisip kong mabuti, sa huli napagtanto kong tumitibok 'yon.. para sa kaniya. Sobrang hirap na ngang pigilan dahil pakiramdam ko sasabog anumang oras ang nararamdaman kong ito, pero kailangan kong pigilan ang sarili para sa ikabubuti ng lahat.

"Sabi mo yes. Now, I'm telling you who is the person that makes your heart trump?"

"Ahm," itataas ko sana ang salamin ko. Wala nga pala akong suot nakalimutan ko nanaman. Kapag kasi matindi ang emosyon ang salamin ko ang sandalan ko. Itinataas ko iyon kahit ang taas na. "Kapag kinakabahan?"

"Kinakabahan? Xen is courting you, right? May gusto ka ba sa kaniya?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

"Sagutin mo na lang!"

"Why are you shouting?"

"Because I'm tempted!"

"Tempted of what?"

Kinagat niya ang labi. Sobrang diin na animo'y dudugo na.

"'Wag mong tanungin kung saan."

"Fervid, ate mo ako, 'di ba? Ano bang prinoproblema mo?"

"I'm frustrated!"

"Saan?"

"Sa nararamdaman ko sa iyo!"

Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko. Sunod-sunod akong lumunok.

"Anong nararamdaman?"

"Don't play safe! You know what I mean."

"Fervid..." nagbaba ako ng tingin. "Ang bata mo pa para maproblema nang ganyan."

"I'm not a kid. I can make a baby, gusto mo?"

Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha. "Anong.. Fervid l-lumayo ka."

"Naiilang ka ba?" Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang cute ng mukha niya. He looks like really a kid! Hibiscus, bakit sa kaniya pa tumibok itong puso ko?

"L-lumayo k-ka," marahan ko siyang itinulak.

"I thought my feeling was nothing. You keep sayin' that I'm bata, pero bakit ganoon?" Pinakatitigan niya ang mukha ko. "Gusto kitang makita araw-araw, kapag wala ka hinahanap ka ng mata ko."

Nakababa lang ang tingin ko. Gusto kong pangiliran ng luha dahil ang sinasabi niya ay siya ring nararamdaman ko. Bago man sa pakiramdam ko ang ganito alam kong ganoon din sa kaniya.

"I felt jealous when I see your smile for Xen.. I mean Kuya Xen," pakiramdam ko matutunaw na ako sa paraan niya tumitig sa akin.

Gusto kong sabihing ganoon din ako, gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko. Gustong-gusto ko, pero ayaw ng sitwasyon, hindi pwede kahit bali-baliktarin ko ang mundo.

"Hindi ko mapigilan kusang lumalabas at ang mas malala lumalago siya," inis niyang hinilamos ang kamay sa mukha. "Hindi mo ako magugustuhan alam ko kasi bata lang ako sa paningin mo. Two years gap makes me insane!" Frustrated niyang ipinadyak ang paa. "Love 'to, 'di ba? Itong nararamdaman ko saiyo pagmamahal 'to."

Sinalubong ko ang tingin niya. "Pigilan mo 'yan hindi makabubuti sa ating dalawa."

"Bakit?"

Pinakatitigan ko ang inosente niyang mukha matapos ay ngumiti ako.

"Akala ko ba hindi mo ako magugustuhan kahit kailan?"

"I said that, I admit, mali pala ako." Nilaro niya ang kamay. " Hindi pinipili ang taong mamahalin kusa 'yong nararamdaman."

Ano bang tamang gawin?

Sa tingin ko dapat na pigilan namin ito. Hindi ko sasabihin sa kaniya na ganoon din ako dahil may mga tao kaming masasaktan. Hindi rin healthy na makipagrelasyon sa mas bata sa iyo dahil guguluhin ka lang ng mapanghusgang lipunan lalo na at kalat sa University ang pangalan ko.

Ang Chairman ng COE ay child abuse.

Ayaw kong ganoon ang maging balita at isa pa priority ko ang mag-aral. Hindi ko rin kayang saktan si Xen at Xhane, mahalaga sila sa akin kaya hindi ko isusugal ang sariling kaligayahan kapalit ng iba pang bagay na aking iniingatan.

No boyfriend, no problem.

My motto, that will last until I graduate. Isang taon na lang naman at patapos na. Kung mananatili si Xen sa tabi ko mas pipiliin ko siya kaysa kay Fervid dahil 'yon ang tama. Sa ganoong desisyon hindi ko masasaktan ang dalawa, mamumuhay kami nang tahimik.

"Miyell, I love you."

Umiling ako. "'Wag mong sabihin 'yan. Hindi pagmamahal 'yan. Baka na-attach ka lang sa akin kasi palagi tayong magkasama." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Look at me," tiningnan niya ako. "I'm your ate and we can't break the string. Mahal natin ang isa't isa dahil parang magkapatid na tayo. May agwat na naghihiwalay sa atin."

"So what?"

"That's not the point. May mga taong dapat ipriority kaysa sa nararamdaman mo."

"Are you breaking my heart?" Inosenteng mukha ang ipinakita niya sa akin. Kitang-kita ko ang mas papatinding emosyon. Ang mga mata niya ay nasisinagan ng liwanag ng buwan, kumikinang iyon dahil may mga luhang nagbabadyang pumatak.

"No, I'm just say--" nanlaki ang mata ko nang bigla niya na lang hawakan ang mukha ko.

Is he kissing me? Hibiscus!

Napako ako sa kinauupuan. Hindi ko siya maitulak. Napapikit na lang ako. Pinakiramdaman ko ang labi niyang nakalapat lang sa akin. Naghahalong kirot at saya ang namamayani sa dibdib ko. Kirot para sa mga taong masasaktan namin at saya dahil ang pagmamahal ko sa kaniya ay parang naibalik sa akin sa pamamagitan lang ng isang halik, pero kahit gaano pa kaganda ang paraisong pinatikim niya hindi ko pipiliing manirahan doon dahil hindi ko kayang maging masaya habang may tinatapakang ibang tao.

No! No! This is not right! I need to do something!

Akmang igagalaw niya ang labi nang itulak ko siya.

"Please don't do that again."

Nalaglag ang kapirasong luha sa mata niya.

"I love you, can't you see?" Nagsimulang umagos ang luha sa pisngi niya. "Fucking age gap and fucking relationship with Xhane. Hindi ko ginusto 'yon napilitan lang ako dahil sa mga kaibigan ko. Hindi ko na alam paano ako makikipag-break sa kaniya."

"Anong sabi mo?" Inis ko siyang tiningnan. "Bakit ka naglalaro? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit 'yon sa kaniya?"

Umiling siya. Pinipigilan ang ingay nang pag-iyak.

"I love you. Wala na akong pakialam kung ano ang masagasaan. Mahal kita 'yon ang mahalaga."

Napaatras ako nang akmang lalapit nanaman siya.

"Don't make things complicated."

"What should I do?"

"Layuan mo ako," madiing sabi ko.

Umiling siya. "I can't."

"You can.." tinalikuran ko siya. Nalaglag ang kapiraso ng luhang kanina ko pa pinipigilan. "You can... because I don't love you." humugot ako ng malalim na hininga. "Nakababatang kapatid ang tingin ko sa iyo," pilit kong pinatatag ang sarili.

Wala akong narinig na kahit na anong salita nang maglakad ako palayo sa kaniya.

"Miyell! Huwag mo akong durugin nang ganito! Mahal kita! Mahal kita! Naririnig mo ba? Mahal kita at kahit na magulo ang buhay ko, mawala sa akin ang lahat, pipiliin ko pa rin ang mahalin ka!"

Rinig ko pa ang masarap at masakit na mga salita, masarap sa pakiramdam na malamang mahal ka rin ng taong mahal mo, pero masakit din dahil hindi mo siya kayang ipaglaban dahil duwag ka, mas pinapahalagahan ang ibang tao kaysa sa pagmamahal na hindi alam kung kailan nagsimula, pero winakasan agad.

Kahit hindi ko lingunin si Fervid namumutawi sa isip ko ang mukha niyang nahihirapan sa sobrang sakit. Ang hatid niyon sa akin ay doble, tripleng sakit.

I do love you, but we can't be lovers.

My priorities will always be my priorities and to avoid things complicated I have to decide. Kahit may motto ako sa buhay kailangan kong isantabi muna iyon para sa mas mahalagang bagay. Kahit ayaw ko kailangan kong gawin.

Nakasalubong ko si Xen. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.

"Babe, kanina pa kita hinaha--"

Inabot ko ang mukha ni Xen. Hinalikan ko siya kasabay nang sunod-sunod na pagtusok sa dibdib ko. Nang bumitaw ang labi namin ay nakaawang ang labi niyang nakatitig lang sa mukha ko.

"Yes, Xen. Sinasagot na kita."

"S-sinasagot m-mo na ako?" Tila wala pa rin sa sariling sambit niya. Ngumiti ako pinilit 'wag maging peke ang mga ngiti.

"Yes."

"Woah!" Binuhat niya ako at inikot-ikot.

Nakangiting lumapit si Xhane. "Congrats, Kuya." Nilampasan kami ni Xhane, pumunta sa likod namin.

"Hon, let's eat."

Doon ko lang napansing sinundan pala ako ni Fervid.

Nakita niya ang ginawa ko.

That's good, really good, pero bakit hindi ako masaya?

Tama ang desisyon mo, Miyell. Tama 'to. Walang masasaktan, walang iiyak, walang sisisihin, walang magagalit.

Pero wala na ring Fervid. Wala na siya.

Kaya ko ba?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.