Kinatok namin ang condo ni Fervid. Nanlaki ang mata niya nang makita kaming dalawa.
"Xen? Miyell? Anong ginagawa niyo rito—"
"Mahal mo ba si Miyell?" Walang emosyong sabi ni Xen.
Napalunok si Fervid, tiningnan niya ako.
"I'm askin—"
"Yes. Mahal ko siya," sinalubong niya ang tingin ni Xen. "Sorry, pero 'yon talaga. Matagal na hindi ko mapigilan."
"Minahal mo ba ang kapatid ko noon?"
Napalunok nang sunod-sunod si Fervid. "H-hindi."
Hindi ako makapagsalita. Parang nauubusan ako ng hangin.
"Pwedeng pasuntok?"
Parehas kaming natigilan ni Fervid parehas naming tiningnan si Xen.
"Alam mo ayos lang talaga, eh. Inagaw mo lang naman ang soon to be wife ko at pinaasa mo ang kapatid ko. Pasalamat ka ngayon may boyfriend na 'yon, pero it will never change the fact that you played her."
"S-sorry—" Natigil ang pagsasalita niya nang sinuntok siya ni Xen sa mukha.
"Xen!" Inawat ko siya. Isang suntok lang 'yon, pero natumba si Fervid.
"That's for my sister," sinuntok niya ulit si Fervid. "For myself." Pinagpag niya ang kamay. "Quits na tayo."
Napaawang ang labi ko. Dalawang suntok at okay na sa kaniya. Ibinibigay niya na ako sa taong hindi niya inakalang tra-traydurin siya.
"Kapag pinaiyak mo si Miyell. Ibabaon kita ng buhay." Ngumiti siya sa akin. Ngiting may masakit. Ngiting pumapatay sa kaniya.
Tinalikuran niya kaming dalawa ni Fervid. Lumingon siya ulit. "You're free. I'm letting you go, Miyell."
Pinanood namin ang pag-alis niya. Sunod-sunod din pumatak ang luha ko. Wala pang ilang segundo akmang hahabulin ko siya nang hawakan ako ni Fervud.
"You're not leaving me, right?" Malungkot ang kislap ng mga matang sambit niya.
"Sandali lang."
Hinabol ko si Xen. "Xen, I'm sorry! I'm so sorry!"
Nagpaalam siya nang nakatalikod. Akmang lalapit ako sa kaniya nang magsalita siya. "Don't you dare step near me. Baka bawiin pa kita."
Pinanood ko na lang ang pag-alis niya. Sumakay siya ng kotse.
"'Wag kayong papahuli kay daddy! Stay safe, Babe!" Sigaw niya pa bago pinaharurot ang kotse.
Napaluhod ako. Humagulgol na sa sariling mga palad.
He's kind.
That is what true love means.
Bumalik ako sa loob. Nakasandal ang likod ni Fervid sa paanan ng kama. Tumabi ako sa kaniya. Nanlaki ang mata niya. Mabilis niya akong niyakap. Humagulgol siya ng iyak sa balikat ko.
"Akala ko hindi ka babalik. Akala ko sumama ka ulit sa kaniya." Natigilan siya. Nag-angat ng tingin. "Ibig sabihin ba nito mahal mo ako?"
Nakangiti akong tumango. Hinila ko ang kumot. Pinunasan ko ang mukha niya.
"Ikaw na bata ka iyak ka nang iyak nandito na nga ang ate."
Napahagalpak siya ng tawa. Baliw rin. Kanina umiiyak tapos ngayon tatawa-tawa. Nakangiti kong pinanood ang pagtawa niya.
So cute.
Tumigil siya. Pinakatitigan ang mukha ko. "I love you."
"I love you, too."
"Geez, music to my ear," mahigpit niya akong niyakap.
"Sexy baby?" Napaawang ang labi niya nang tawagin ko siyang ganoon.
"Anong sabi mo?"
"Sexy baby," malapad akong ngumiti.
"Geez, isa pa nga."
"Sexy baby."
"Isa pa!" Naglalambing niyang niyakap ang baiwang ko.
"Inuuto mo na ako," inangat ko ang mukha niya. "Patingin ng suntok sa iyo ni Xen."
Nakanguso niya akong hinarap.
"Sa bibig ka ba tinamaan?"
"Yes, kiss mo na," pinanguso niya pa ang bibig.
Natawa ako. Sobrang cute niya.
"Sa pisngi ka tinamaan 'wag kang ano riyan."
"Kiss gusto ko."
"Ayaw ko."
Kumuha ako ng towel para dampian ang sugat niya. Matapos kong gamutin, naglipit na kami ng mga gamit niya.
"Siguro sa bahay na lang ng mama ko tayo pumunta."
"Mama mo? Eh, 'di ba, dito sa Makati 'yon?"
Umiling siya. "Patay na ang mama ko."
"Huh?"
"Step mother ko lang ang kasama ko at si dad."
Marami pa pala akong hindi alam sa buhay niya.
"Saan 'yong bahay ng mama mo?"
"Sa Cagayan. Pwede naman akong mag-work from home."
"Sigurado ka?"
Inayos niya ang maleta. "Yes, Sexy Baby." Inayos niya ang buhok ko. "Ikaw, makakapagturo ka pa ba?"
Umiling ako. "Hindi na siguro."
"Ipakuha na lang natin ang papers mo kay Xen."
"Sige."
Tinulungan ko siyang ayusin ang mga gamit.
"Sigurado ka na? Gusto mong makipagtanan sa akin?" Nakangisi pa ang echosero. "Kasi wala nang atrasan 'to."
Tumawa ako. "Tara na."
"Yes!"
"Echosero."
Bumyahe kami papunta ng Cagayan. Wala mang kasiguraduhan ang tinatahak naming daan. Isusugal pa rin namin ito.
Ang malayo sa lahat nang pumipigil sa pagmamahalan namin ay malaking tinik ang natanggal.
This is final and I'll make sure that my decision now can make me happy.
Nagising ako nang lumapat ang likod ko sa malambot na kama.
"Nandito na pala tayo?"
"Yup, magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mga gamit."
Yumakap ako sa baiwang niya. "Will you marry me?"
Napaawang ang labi niya. "Dapat ako ang nagsasabi niyan, Sexy Baby. Inunahan mo naman ako," bumaba siya para dampian ng halik ang labi ko. "Yes."
Napahagalpak ako ng tawa. "Echosero ka talaga sasagutin mo rin pala ang dami mo pang sinabi."
"Naisip kong magpa-hard to get muna kaso baka kay Xen mo itanong 'yang will you marry me na 'yan edi iyak ako."
Hinila ko siya pahiga sa tabi ko. "Wow level up, ikaw na 'yong nanghihila ngayon? Parang noong isang araw lang kung itakwil mo ako parang gusto mo na akong isumpa."
"Ang daldal mo, Bata."
"Bata pala, ah?" Pumunta siya sa ibabaw ko.
"Sabunutan kita! Pakasalan mo muna ako!"
"After na nito," tinanggal niya ang shirt.
"Isa!"
"Dalawa," nakangising bilang din niya.
Tinanggal niya ang shirt ko. "Ikaw talaga sasabunutan talaga kita!" Kinuha ko ulit ang shirt ko. Nagpagulong-gulong kami sa kama dahil sa kakasabunot ko sa kaniya.
"'Kala mo naman talaga may dede siya."
Sinipa ko siya. Nalaglag sa kama. "Ay, sorry." Sapo niya ang noo. Tinawanan ko pa siya.
"Mapanakit ka, Ate. May pasa pa nga ako dahil sa suntok ni Xen tapos ngayon ilalag daw ba sa kama?"
Nakasimangot siyang humiga. Malapad ang ngiti ko nang gawin kong unan ang braso niya.
"This is the start of the happiest day of my life," bulong ko sa kaniya.
"Sus! Parang noong isang araw makatulak sa akin, wagas!"
"Ayaw mo?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Joke lang." Hinawakan niya ang leeg ko. Hinaplos-haplos niya 'yon. "I love having you."
"Ang corny," pang-aasar ko sa kaniya.
"Kapag ikaw. Hindi ko inaasar, ah, kahit corny din 'yong banat mo."
"Hmm?" Siniksik ko ang sarili sa dibdib niya.
Hinaplos niya ang likod ko. Pinaglaruan nanaman ang strap ng bra ko sa likod.
"Sana hindi ka magising sumama ka sa akin," humalik siya sa noo ko.
Tiningala ko ang mukha niya. Prinsipe talaga ito ng ka-cutan. Kaya nakakainis siya tingnan, eh, ang tanda na mukhang bata pa rin. Matangkad lang siya, pero ang mukha pang-baby.
Kinurot ko ang pisngi niya. "Anong sikreto mo? Ba't baby face ka pa rin?"
"Gusto mong malaman?" Ngumiti siya nang malapad. Tumango ako. "Para forever mo akong baby."
Natawa ako. Inaamin kong kinilig ako kaya siguradong namumula ang pisngi ko ngayon.
"Kapag nagkaroon na tayo ng baby dalawa na ang baby mo," mahigpit niyang iniyakap ang kamay sa baiwang ko. Isiniksik niya ang mukha sa balikat ko.
"Baka mas maging isip bata ka pa kapag naging tatay ka na," hinaplos ko ang buhok niya.
I just want us to be like this forever. Cuddling in bed, exchanging sweet lines and loving each other eternity.
Bahala na ang bukas ang magdala sa amin kung saan kami sasaya.
Siguro ito nga talaga ang pinakamasayang parte ng buhay ko. 'Siguro' lang dahil may mga susunod pang bukas baka mas maging masaya o kung pagdaanan man namin ang sakit at hirap at least alam kong magkasama na kami ngayon.
We will have new year together.
Nakatulugan na namin ang paglalambing sa isa't isa. Nagising na lang ako maliwanag na ang sikat ng araw. Nag-ayos muna ako sa banyo bago bumaba.
Napangiti ako nang makita ko si Fervid na malapad ang pagkakangiti habang nagpri-prito ng itlog. Halatang sobrang saya niya. Pasipol-sipol siya at pasayaw-sayaw habang hinahati ang isa sa mga itlog. Kinakanta niya 'yong 'Your Name by: Young JV ft. Myrtle'. Ang kantang kinanta namin noong university party.
Pinanood ko lang ang gingawa niya. Nawiwili akong makita siya sa ganito kaaga. Umikot pa siya at naghe-head bang. Dahan-dahan akong umupo sa harap niya at saka niya lang ako napansin.
"Good morning, Sexy Babe!" Humalik siya sa labi ko. "How's your sleep?"
"Good morning," ipinulupot ko ang kamay sa leeg niya. Malapad ang pagkakangiti. "Masaya ang tulog ko."
"Dapat 'di ko na tinanong obvious naman sa ngiti mo."
Napatingin kami sa niluluto niya. Nagmadali siyang patayin.
"Nilalandi mo kasi ako muntik pang masunog."
Natawa ako. Yumakap ako sa likod niya.
"Sana all nilalambing," ngingisi-ngisi niyang sabi. "Mamamalengke tayo para mamayang new year."
"Ako na lang. Dito ka na lang."
"No, hindi mo pa nga kabisado rito," sinuklay niya ang buhok ko. "Ganda mo sana kaso 'di ka marunong magsuklay."
Kinurot ko ang tagiliran niya. "Dapat sabihin mo maganda talaga ako dapat walang 'sana'."
"Demanding mo naman tama na 'yon."
Sinabunutan ko siya. "Nakakainis ka."
"Mas nakakainis ka."
"At bakit ako pa?"
"Ninakaw mo ang puso ko hindi ka pa nakontento kinadena mo pa."
Pigil ko ang mangiti. Echoserong lalaki 'to. Ang aga-aga may pagbanat nang ganyan.
"Yiie kilig siya," sinundot niya ang tagiliran ko.
"Echosero!"
"Ikaw mga linyahan mo rin, eh, 'no? Alam ko echosera 'yon, eh. May male version na ngayon?"
"Heh!" Umupo ako sa lamesa. "Bilisan mo na, yayo!"
"Oh, tingnan mo, yayo naman ngayon."
Natawa ako. "Bilisan mo na nagugutom na ako."
"Heto na po, Ate," pinakadiinan niya pa ang salitang ate.
"Gusto mong masipa?"
"Sipain mo 'to," ngumuso siya. Pinitik ko naman ang labi niya.
"Ayos, ah, ang hilig mo sa halik."
"Buti nga halik lang, eh, hindi." pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Binasa niya pa ang labi. Nanlaki ang mata ko. Tinakpan ko ang sarili.
"Pervert!"
"Nyenyenye," inasar niya pa ako. Nagme-make face siya. Kahit ang cute niya nairita pa rin ako.
"Tigilan mo ako iiwan kita rito!"
"Edi iwanan mo," prente siyang umupo sa tabi ko. "Kahit umalis ka babalik ka pa rin naman sa akin."
"Lakas ng confident, ikaw na talaga!"
"Ako na ang guwapo na mahal mo."
"Saan banda?"
"Inaasar mo ba ako?" Tumaas ang dalawang kilay niya.
"Hindi," malapad akong ngumiti. "Minamahal kita."
Lumobo ang pisngi niya sa pagpipigil na mapahagalpak. Namula ang buong mukha niya na umabot pa sa tainga.
"May sikrerong skill ka pala?" Pigil ang ngiting sabi niya.
"Ano 'yon?"
"Ang pakiligin ako."
Natawa na ako. "Ikaw rin may sikretong skill."
"What's that?"
"Propesyunal na mang-aagaw."
Nanlaki ang mata niya. "Hey! Ang sama mo! Hindi kita inagaw kusa kang pumunta sa condo—"
Napahagalpak na ako ng tawa. Ang kanina kasing pamumula niya naging maputla, nanlalaki ang mata at todo depensa sa sarili.
"Defensive, totoo 'yon," pang-aasar ko pa.
"Gusto mo ibalik kita ngayon kay Xen?" Nakasimangot niyang sambit. Nilagyan niya ng itlog ang plato ko. "Ganyan pala ang tingin mo sa akin, sige, ibabalik na lang kita. Ako pa itong masama." Nilagyan niya ng fried rice ang plato ko. "Nagmahal lang naman ako."
Kumawala ang malakas na tawa ko. Paano ba naman 'yong hitsura niya parang kinawawang-kinawawa. Nakanguso, nangingilid ang luha at parang kaunting tulak na lang ay iiyak na.
"Joke lang. Ang seryoso mo naman, Sexy Baby."
Ako naman ngayon ang naglagay ng itlog at fried rice sa plato niya.
"Hindi ka nang-agaw, wala kang inagaw dahil talaga namang nasa iyo ang puso ko. 'Di ko lang pinaramdam."
Tuluyang bumagsak ang luha sa mata niya. "May isa ka pang sikretong skill."
"Ano nanaman?"
"Ang paiyakin ako sa saya."
Natawa nanaman ako. "Hisbiscus ka napaka-corny mo talaga."
"Hindi umiiyak ang mga lalaki maliban na lang kung mahal talaga nila ang babae," seryoso niya akong tiningnan. "Swerte mo sa akin."
"Ako pa talaga?"
"Ay, hindi, baka siya," itinuro niya ang itlog. Ngayon ko lang napansin na nilagyan niya pala ng dalawang itlog at isang hotdog ang plato ko.
"Hala, ano 'yan?" Humagalpak ako ng tawa.
"My sexy baby is green-minded."