Well of True Cherries Chapter 37

Well of True Cherries

Chapter 37

In-explain ko sa guard ang nangyari. Na isang grupo ng mga classmates ko ang nagkulong sa akin.

Guard: Kailangan mo itong i-report sa homeroom teacher niyo.

Louie: Y-Yes po...

Guard: Pasalamat ka alalang alala sa'yo ang kumag na 'to.

Sabay tingin niya kay Resshin na napapakamot ng ulo.

Resshin: Ehehehe!

Guard: Kanina pa 'yan nagwawala sa gate. 'Di ko pinapapasok dahil bawal nang magpapasok ng ganito kagabi. Hindi nagpapigil, bigla ba namang inakyat 'yung gate!

Louie: O__O"

Resshin: Ehehehe! Kayo naman Kuya Guard, you're making me blush! ^o^

Guard: Nako, kung hindi lang ako naaawa dito sa girlfriend mo, ni-report na rin sana kita for trespassing. 'Wag mong pagpatuloy 'yan, ha. K-Kinakabahan ako sa mga pwede mong magawa... =__=

'A-Ano raw? Girlfriend!? Napalunok ako nang 'di oras.

Guard: Ano, iha? Kaya mo bang makauwi?

Louie: O-Opo... Kaya ko na po. Maraming salamat po.

Resshin: Ako na po maghahatid sa girlfriend ko ^o^

'Kinurot ko naman 'yung tagiliran ni Resshin.

Resshin: A-Aray kuuu... K-Kuya guard.. p-pwede ko bang i-report ang girlfriend ko...? S-Sinasaktan niya po ako sa harap ninyo... TToTT

Guard: Hahahaha! Naaalala ko sa inyo 'yung kabataan namin ng asawa ko. O siya, gabi na! Mag-ingat kayo, ha!

Umalis na kami ni Resshin at naglakad nang pauwi.

Louie: Hoy, Shin! Ano 'yun!? Naki-ride ka naman sa pa-"girlfriend" "girlfriend" ni Kuya Guard!

Resshin: Natutuwa nga ako e. HIHIHI.

Louie: At bakit!?

'Bigla niyang inuntog 'yung noo niya sa noo ko, sobrang light at playful tap lang.

"Light at playful" pero sobrang nag-rush lahat ng dugo ko pataas at kumakalabog 'yung dibdib ko dahil akala ko for a second ay hahalikan niya ako!

Resshin: Kasi hindi mo tinanggi na girlfriend kita ^____^

Louie: W-Wha–!?

'Napatigil ako kasi tama siya dun. Never ko naman ngang dineny kay Kuya Guard kanina.

Resshin: Pero Louie...

'Biglang tumaas ang mga balahibo ko. Because for the many years na nakilala ko si Resshin, never ko siyang nakitang magalit nang ganito.

Resshin: Why the hell did those pieces of shit do that to you!?

It's the first time that I heard him say such words. Sobrang seryoso rin ng mga mata niya.

Louie: Uhmmm... kasi...

'Nahiya akong banggitin ang pangalan ni Emma sa kanya, but I guess I have to.

Louie: Kumopya kasi ako kay Emma, at 'di rin ako kumain ng lunch kanina. Tapos dahil doon, napagalitan rin si Emma ng teacher at sinamahan niya rin akong hindi kumain ng lunch...

Resshin: What!? I'll go talk to her–!

Louie: Wait, Shin!!!

Bigla kong hinatak 'yung kwelyo niya palapit sa akin para pigilan siya.

Louie: H-Hindi kasalanan ni Emma! G-Ganito kasi... Sobrang iniidolo ng buong klase si Emma, kaya naman naging overprotective ang mga classmates niya sa kanya... B-But she did nothing wrong!

Resshin: But... I still have to ask her¬–

Louie: NOOOO!!!

Resshin: W-Why?? (sa isip ni Resshin: Ang cute ni Louie magalit... huhuhu)

Louie: K-Kasi...

'Dammit, I have to think of a reason para pigilan si Resshin na kausapin si Emma. Malala na ang sitwasyon ko sa Harpalyke, ayoko nang palalain at idamay pa ulit si Emma!

Louie: Kasi... m-magseselos akooo!!!! >O<

'Nakita kong namula 'yung buong mukha ni Resshin.

Resshin: Louie...

'Bigla siyang lumuhod sa harap ko.

Resshin: Pakasalan mo na 'koooo! Sobrang cute mo tonight, hindi ko na kayang maghintaaay! I want you nooooow!!! TToTT

*PAAAAAK*

At sinampal ko siya out of sobrang kilig. >///<

**

Narito na kami sa tapat ng bahay namin.

Louie: S-Salamat sa paghatid sa akin.

Resshin: Hehe, walang anuman. Actually, nakakamiss nga eh... Parang dati lang...

Louie: Hehe... true...

.

.

.

~ AWKWARD ~

Resshin: Uhm, Louie...?

Louie: Yes?

Resshin: P-Pwede mo rin bang gawin 'yung dati mong ginagawa kapag hinahatid kita sa inyo? (blush)

'Bigla siyang yumuko and looks away shyly.

Waaaaah. He is involuntary doing his cute puppy eyes again! This time, hindi niya sinasadya! Being cute and adorable is just soooo natural for Resshin! Huhuhuhu!

'Chineck ko naman 'yung puso ko kung nasa dibdib ko pa. Tila gusto atang tumalon na papunta kay Resshin.

Louie: O-Okay.

Resshin: (nagulat)

.

.

.

.

.

And then I kissed him on his cheek.

Louie: Good night, ingat pauwi..

Resshin: I-I don't even think gusto kong umuwi.... O////O

Louie: WHAT!?

Resshin: Hehe. Joke lang! Bye, Louie!

Louie: Bye, Resshin! :)

Resshin: Umm, next time...

Louie: Hmm?

.

.

.

Resshin: Next time, I want a kiss from you that I wouldn't have to ask for. (smirks)

He gave me a playful teasing smile as he walked away.

SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER~

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.