When He Cries Chapter 37

“Kenji, water?” alok sa kanya ni Bryan.

Di niya pinansin ang tubig at naniningkit ang matang tiningnan ang handler niya. “Bry, what the hell is going on here? Anong basura ang itinatanong nila sa akin? Is this some sort of a gimmick? May campaign ba or advertisement si Margaret na hindi ko alam? A political ad maybe? A product endorsement? I don’t get it.”

Hindi niya gusto nang nasosorpresa siya lalo na sa ganito kalalaking bagay. Alam niyang laro din ang showbusiness. Noong una ay di niya kayang sakyan ang mga isyu. Di naman kasi siya artista. Modelo siya. Pero nang naging nobya niya si Margaret at natuto siya ng pasikot-sikot doon. Kung paanong magtago ng sekreto. Kung paanong magtakip ng tunay niyang nararamdaman.

“Here. Mabuti pa tingnan mo ito,” sabi ni Bryan at ibinigay sa kanya ang tablet nito.

Naroon ang article tungkol sa isang blind item sa isang blog at ang blurred picture ng isang babae na ipinagpapalagay na si Margaret at isang biyudong congressman ang pulitiko. Sa isang showbiz website naman ay di na blurred ang larawan. Malinaw nang sina Margaret iyon at si Congressman Padilla. Ayon din sa article ay tahasan nang sinabi ni Margaret sa isang di pinangalanang kaibigan na nagkahiwalay na sila bago pa siya umalis papuntang London.

Pakiramdam ni Kenji ay sasabog na siya sa labis na iritasyon. “Anong sinasabi dito? Di kami nag-break bago ako umalis papuntang London. Nandoon ka. Kulang na lang ayaw niya akong pakawalan. Wala kaming problema ni Margaret. Wala. Nagkausap pa kami bago ako pumuntang Scotland. Wala akong naramdamang kakaiba sa kanya. Umiyak lang siya dahil nami-miss niya ako. Iyon lang. I…I don’t get it.”

Sana man lang ay sinabi ni Margaret sa kanya kung may nangyarinmasama. Di iyong ihahayag nito sa publiko na hiwalay na sila at ibang lalaki na ang gusto nito.

Mahigpit niyang hinawakan ang tablet at tumiim bagang niya. Ilang araw lang siyang nawala ay may ganito nang kalaking gulong nangyayari? He had no clue about it. Madali naman siyang kausap kung ayaw na nito sa kanya. Sana ay sinabi nito sa kanya. Di ganitong nagmumukha siyang tanga.

Kinuha ni Bryan ang tablet mula sa kanya. “Mas mabuti pang si Margaret ang kausapin mo tungkol diyan. She’s waiting for you at your town house.”

MADILIM ang mukha ni Kenji nang pagbuksan siya ni Margaret ng pinto. Parang bahay na rin nito ang bahay niya. She could drop by or sleep in his house anytime. She already took the liberty of taking care of his house. Siyempre, nariyan din ang mutual responsibility nila sa mga alaga nilang aso. Pareho silang dog lover ni Margaret, isa sa mga bagay na napagkasunduan nila.

Umaliwalas lang nang bahagya ang mukha ni Kenji nang yakapin siya ng nobya nang mahigpit at pagkaguluhan sila ng tatlong mga aso na itinuturing nilang mga anak na. “Hi, babe!” bati nito. “How’s your trip? Naghanda ako ng lunch for us.”

Nagningning ang mga mata niya. “You prepared something for me?”

“Okay. I had it delivered here. You know that I am not good in kitchen.”

Siya ang laging nagluluto para dito. Margaret was practically a princess. Lumaki ito nang may tagasilbi. Sa edad na twenty-six nang makilala niya ito ay may yaya pa nga ito. He asked her to ditch her nanny. Na bigyan ito ng ibang hanapbuhay. Hindi naman pwedeng kahit mag-asawa na sila ay may yaya pa rin ito. Gusto rin niyang maging independent silang magkapareha o bilang mag-asawa balang-araw.

Pero parang malabo na mangyari pa iyon ngayon matapos ang mga nalaman niya. At hindi niya alam kung paano kakausapin si Margaret sa mga nalaman niya.

Niyakap niya ang mga aso at umingit ang mga ito. Sensitive ang mga ito sa nararamdaman ng tao. At alam niyang nararamdaman ng mga ito na nagdurusa siya nang mga oras na iyon. Pero hindi niya alam kung paano sisimulan ito kay Margaret. His girlfriend was one fragile girl. And he wanted to break it to her as gently as he could.

Isang masaganang tanghalian ang nakahain doon. Mostly Filipino food. Mga pagkaing nami-miss niya noong nasa Europe siya. Pero ngayon pa lang ay natitiyak na niyang may kasalanan ito at may katotohanan ang artikulong nakita niya. Attentive ito sa kanya kapag may ginawa itong kasalanan.

“Come. Let’s eat. Lemme take off your coat. Mukhang napagod ka sa flight mo,” masuyong wika ni Margaret at hinayaan niyang alisin nito ang coat niya.

Umungol siya. “Yes. And hoards of reporter made it worse. Naghihintay sila paglabas ko pa lang ng airport.”

“Oh! That’s too bad,” she said in a casual tone pero di nito sinalubong ang tingin niya. Sa halip ay inabala nito ang sarili sa pagsasampay ng coat niya sa likod ng upuan.

Naggiyagis ang ngipin niya. Hanggang ngayon ay patay-malisya pa rin ang nobya niya. Hindi na rin siya nakatiis. Kailangan na niyang magsalita o tuluyan nang sasabog ang dibdib niya. “Yeah. That’s really too bad. Kasi sa kanila ko pa nalaman na break na daw pala tayong dalawa at idine-date mo si Congressman Padilla. Totoo ba iyon? Na sinabi mo nang break na tayong dalawa.”

Naging tensiyonado ang balikat ni Margaret pero nakangiti ito nang humarap sa kanya na parang walang nangyari. "Babe, relax. Kaya nga ako nandito para mag-explain. Can you give me a chance before you get mad at me?"

Nanatiling matiim ang anyo niya. Di na siya madadala ng ngiti nito. Seryoso ang problema niya. "Okay. So what about it?"

She twisted her hands. Kahit na anong tago ang gawin nito ay nahahalatang ninenerbiyos ito. "The break up is what my family wants. Gusto nilang sabihin ko sa lahat na break na tayo. Y-You know that they wanted to break us up ever since and I did my best to fight for you."

Kumunot ang noo niya. "And that politician?"

"They want me to marry Mito because he is the suitable man."

Napailing na lang siya nang makuha ang buong scenario. It was like a punch on his gut. "Wow! You broke up with me without me knowing it. Tapos ngayon nakikipag-date ka sa isang lalaking ipapakasal mo sa pamilya mo. Ano bang plano mong gawin sa akin?" angil niya.

Pinagmukha siya nitong tanga. Inaasahan ba nito na ganoon lang kadali para sa kanya na tanggapin ang lahat? Di naman siya nagkulang dito bilang nobya nito. Napakadali para dito na isuko na lang siya basta?

"We don't have to break up. T-This is just my family's ploy. Alam mo naman na nag-iisa akong tagapagmana. The business isn't that great for a few years now. Kailangan ng stability at connection ng pamilya namin. Mito has the money and the power. I must give that to my family. Ako na lang ang mayroon sila."

Mariing nagdikit ang labi niya. "Of course. Congressman Padilla is someone I am not. He must have gazillions of money. Probably running for president in the future and you will be the first lady once you marry him. Perfect. You want your family to be happy. But how about me? How about us? Where do I fit in the picture?"

Niyakap nito ang baywang niya. "Kahit pa ikasal kami ni Mito, hindi pa rin kita iiwan. I love you and I won't give you up."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.