WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 19

HABANG daan ay nanatiling tahimik lang si Lana. Ramdam niya ang matinding tensyon sa loob ng sasakyan pero kailangan niyang panindigan kay Andrew na hindi siya apektado sa nangyari sa kanila kanina.

"I couldn't believe it!" mariin pero halos pabulong na winika ni Andrew at umabot iyon sa pandinig ng dalaga.

Napahugot ng malalim na buntong hininga si Lana sa naramdaman niyang galit sa tono ng binata. Kung para saan iyon, hindi niya alam.

"Wala ka bang gustong sabihin? Hindi ka ba magsasalita?" nasa tono ng binata ang matinding pagkapikon at hindi iyon maunawaan ni Lana.

"Ano bang problema mo?" kalmado pero inis niyang tanong.

Nagtangis ang bagang ni Andrew sa tanong niyang iyon.

"Fuck! So ibig sabihin nito I can fuck you whenever and wherever I want kasi game na game ka naman pala? Ganoon ba iyon? Wala lang sa iyo? As in wala lang?" ang galit at magkakasunod na tanong ng binata.

Mabilis na nag init ang mukha ni Lana sa narinig. Gusto sana niyang sampalin si Andrew pero dahil nagda drive ito ay nagpigil ang dalaga. Kapag namatay siya, paano na si Andrea?

"Sa lahat ng desisyon ko, ang anak natin ang unang kinokonsidera ko Andrew," ang mahinahon ngunit mariing sagot ng dalaga.

Pagak na tawa ang pinakawalan ng binata. "Really? Iyon din ba ang dahilan kaya naisipan mo siyang itago sa akin?"

"Oo! Alam naman natin ang lahat hindi ba? Kung ano ka at kung ano ako? Anong assurance ko na hindi mo ide deny ang bata?"

"And what made you think na itatanggi ko siya?" tanong-sagot nito sa kanya.

Natahimik doon Lana dahil kung tutuusin tama naman si Andrew sa sinabi nito. 

Sandaling nakiraan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng binata. Nasasaktan siya pero hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi niya maunawaan kung anong nangyayari sa sarili niya mismo.

"I-I'm sorry," nang manatili siyang tahimik ay ang narinig niyang isinatinig ng binata.

Hindi nagsalita si Lana at sa halip ay minabuting ibaling ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Tell me, anong paboritong pagkain ng anak natin?" ilang sandali ay tanong muli ni Andrew.

Pakiramdam ni Lana ay parang hinaplos ng pakpak ng ibon ang puso niya. Kaya wala sa loob siyang napangiti saka hinarap ang lalaki.

"Actually mahilig siya sa ice cream," pagsasabi niya ng totoo saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Ngumiti si Andrew bagaman nanatiling sa kalsada nakatuon ang paningin nito.

"Just like how you love coffee, I guess?" anitong nilingon siya sandali.

Mabilis na sumikdo ang kaba sa dibdib ni Lana dahil sa ginawing iyon ng binata. Hindi niya maipaliwanag na sa kabila nang nangyari ay talagang hindi parin siya immune sa charm ng binata.

"M-Medyo makwento si Andrea at matanong din," ang sa halip ay isinagot niya saka ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.

"Really? So sa part na iyon mukhang sa akin siya nagmana," ang masiglang tanong -sagot ng binata.

Muling natawa si Lana. "Mukha nga," aniyang sinang-ayunan ang sinabi ng lalaki.

Hindi nagtagal at narating nila ang kanila. Inasahan na niya ang naging reaksyon ng Mama Cecille niya na nagulat nang kasunod niyang pumasok ng kabahayan si Andrew.

"Hindi ba't---," ang ginang na hindi na naituloy ang iba pang gustong sabihin nang magtatakbo palapit sa kanya si Andrea na noon ay kalalabas naman ng kwarto nito.

"Mommy! You're home early!" anitong niyakap siya.

Ilang sandali pa at natuon na kay Andrew ang paningin ng bata.

"H-Hello there," anitong nakangiting binati ang lalaking nakatayo sa likuran niya.

MABILIS na naramdaman ni Andrew ang kakaibang init na humaplos sa puso niya sa simpleng pagbating iyon sa kaniya ni Andrea, ang anak niya.

At lalong nagtumindi iyon nang lapitan siya nito saka parang matagal nang kakilalang hinawakan ang kamay niya habang nanatili itong nakatingala sa kaniya.

"M-Maghahanda lang a-ako ng makakain ninyo," basag ang boses na paalam ng ginang na tinawag kanina ni Lana bilang Mama Cecille.

Nauunawaan ni Andrew iyon kaya hindi na siya nagtaka nang nagmamadaling tumalikod ito para iwan sila doon.

"I think I saw your face on TV," si Andrea ulit na nakatingala parin sa kaniya.

Magkakasunod na napalunok ang binata gawa ng matinding pananakit ng kaniyang lalamunan.

Pagkatapos ay tumalungko siya saka hinarap si Andrea. "Yes, ako nga iyon,"  aniyang nagpakawala ng buntong hininga sa kagustuhang magluwag ng kahit kaunti lang ang naninikip niyang dibdib.

"Paborito po kayo ni Lola eh," masigla ang tonong kwento sa kanya ng bata na sinundan pa nito ng maliit na hagikhik.

Maluwang ang pagkakangiting sumulyap si Andrew kay Lana na noon ay naka-mata lang. Pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa magandang mukha ng anak niya.

"Really?" hindi napigilang hawakan ang maliit na kamay ng bata. "You're so beautiful," dugtong pa niya na nagpipigil ng emosyon.

"Thank you. Why, we have the same eye color, blue," ang bata ulit na humagikhik. "What is your name?" tanong ulit nito.

Nagbuka ng bibig niya si Andrew para magsalita pero naunahan siya ni Lana.

"Anak, you can call him D-Daddy,"  anitong nabasag ang boses.

Sa narinig ay mabilis na nanlaki ang mga mata ni Andrea.

"Daddy? Is he my dad?" tanong nito sa nangingislap na mga mata.

Noon magkakasunod na tumango si Andrew saka na tuluyang napaiyak.

"Yes baby, ako nga. Ako nga ang Daddy mo."

Maganda ang ngiti sa mga labi ay mabilis na yumakap ng mahigpit sa kanya ang bata.

"Daddy, what took you so long?" nakangiti parin at walang bakas ng hinanakit ang mukha ng bata.

Sa kabila ng pagiging babaero niya aminado si Andrew na nang mga sandaling iyon parang ibang tao siya. Parang biglang nag-iba ang pagkatao niya.

Niyakap niya ng mahigpit si Andrea saka hinalikan sa magkabilang pisngi. Ang lahat ng panghihinayang gawa ng mahabang panahong pagkakawalay niya rito ay parang bula na biglang naglaho ngayong yakap na niya ang bata.

"I'm so sorry anak, I'm so sorry," aniyang patuloy parin sa pagluha.

"ANONG plano mo ngayon?" si Mama Cecille na tinutulungan niya sa paghahanda ng hapunan sa kusina.

Napabuntong hininga si Lana.

"May karapatan siya kay Andrea," ang sa halip ay isinagot niya.

"Totoo naman," ang tiyahin niya.

"Kung alin ang mas tama Mama, gagawin ko para sa anak ko," paliwanag niya

Ngumiti si Mama Cecille saka sinimulan ang pagtitimpla ng kape.

"Hindi ko inasahan na darating ang ganitong pagkakataon, alam mo ba iyon anak? Ang ganito ang matagal kong hinintay noon para sayo. Pero hindi nangyari," sa huling sinabi ay nahimigan ni Lana ang matinding awa ng tiyahin para sa kaniya.

"Mas okay na iyong si Andrea ang binalikan, Ma. Maayos naman ang naging buhay ko sa inyo eh," aniyang nginitian ng matamis ang tiyahin.

Tumango-tango si Mama Cecille saka iniabot sa kanya ang mug ng kape.

"Ibigay mo iyan sa asawa mo," pabiro nitong taboy sa kaniya.

Aminin man o hindi ni Lana alam niyang deep inside ay kinilig siya sa sinabing iyon ng tiyahin.

"A-Asawa?" aniyang hindi napigilan ang matawa.

Pabiro siyang inismiran ni Mama Cecille."Kung aalukin ka ba niya ng kasal tatanggi ka?"

Agad na napaisip doon si Lana. "Kasal?"

Tumawa ng mahina si Mama Cecille.

"Sige na, iwan mo na ako rito at samahan mo iyong mag-ama mo," pagtataboy pa nito sa kanya.

Naiiling na sinunod nalang ni Lana ang gusto ng tiyahin. Kahit pa kung tutuusin nararamdaman na naman niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. At lalong nagtumindi iyon nang magtama ang paningin nila ng binata.

Mabilis na nagbalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila kanina. Awtomatiko, naramdaman ni Lana ang matinding pag-iinit ng magkabila niyang pisngi kaya minabuti niyang umiwas ng tingin mula kay Andrew.

"Ipinabibigay ni Mama," aniyang inilapag ang kape sa center table.

"Thanks," ang maikling sagot ni Andrew saka hinaplos ang buhok ni Andrea na nakatulog habang nakaunan sa lap nito.

"Dito ka na maghapunan?" iyon naman talaga ang gustong sabihin ni Lana at natutuwa siyang nasabi niya iyon.

"Oo naman, at least makakasabay ko sa hapunan ang anak natin," anitong hinagod ng tingin ang natutulog na bata. "nasaan ang kwarto niya? Para maging mas komportable ang tulog niya," anitong pinangko ang bata.

Noon tumayo si Lana saka nagpatiuna papasok sa silid ni Andrea. Inayos niya ang mga unan sa nagulo na nitong kama, matapos niyon ay saka maingat na inilapag doon ni Andrew ang bata.

"Medyo makalat lang talaga siya kaya madalas ganito ang itsura ng kwarto niya," paliwanag niya nang makitang iginala ni Andrew ang paningin sa silid ng anak.

"Natural lang naman iyan. Anyway, kung kailangan mo ng makakatulong sa pag-aalaga kay Andrea pwede naman akong kumuha ng yaya niya," ang binata na sinimulang damputin ang nagkalat na laruan sa sahig.

Hindi napigilan ni Lana ang mapangiti dahil doon. "Okay lang naman si Andrea kay Mama. Sasabihin ko nalang sa'yo kapag may kailangan siya," sagot niya.

"Wow, first-time," amusement ang nakita niya sa mga mata ni Andrew nang lingunin niya ito.

"First-time?" lalong lumapad ang pagkakangiti ni Lana.

Nagkibit ng balikat nito si Andrew saka naupo sa silya na nasa gilid ng kama ng bata.

"Mula kasi kanina, may nangyari na't lahat ngayon ka lang totoong ngumiti sa akin. Iyong ngiti na kagaya noong una kitang nakausap sa Palawan?" 

Mabilis na namula ang mukha ni Lana sa narinig.

"Baka marinig ka ng Mama!" saway pa niya.

Tumawa ng mahina si Andrew.

"May utang ka pang paliwanag sa'kin" paalala nito.

"What?" salubong ang mga kilay na tanong ng dalaga.

"Tell me, bakit mo ako iniwan nalang ng walang paalam? Bakit ibang pangalan ang gamit mo sa Facebook? Or should I say, bakit pangalan ng anak natin ang gamit mong username? Sinadya mo talagang hindi siya ipakita sa akin? Takot ba talaga iyon na baka itanggi ko siya? O baka naman may iba kang gustong makasama na pwedeng tumayong ama niya?"

Marahas na napasinghap si Lana sa huling tanong na iyon sa kaniya ni Andrew.

Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero naputol ang plano sana niyang pagpapaliwanag nang marinig niya ang boses ng Mama Cecille niya na tinatawag siya.

"Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan," aniyang umakmang lalabas na ng silid.

"O yes, at may alam akong espesyal na paraan na pwede nating gawin habang nagpapaliwanag ka" ang makahulugang sagot ng binata.

Lihim na napasinghap si Lana sa sinabing iyon ni Andrew.

Pero dahil ayaw niyang humaba pa ang usapan, minabuti niyang huwag na lamang itong patulan. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.