WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 37

GAYA ng inaasahan ni Andrew, nasa ibaba na nga ang pagkaing inorder ng sekretarya nito. Pagkakain ay niyaya siya ng binata sa rooftop. Ilang sandali nanatili lang silang tahimik at magkatabing naupo sa loveseat na naroon. Nang mapagod ang ulo ni Lana ay saka niya naisipang ihilig iyon sa balikat ni Andrew.

"Bakit parang hindi ka active sa showbiz ngayon?" ang naisipan niyang itanong saka pinaglaruan ang mga daliri ni Andrew na kanina pa hawak ang kamay niya.

Narinig niya ang buntong hiningang pinakawalan ng binata. "Sa totoo lang gusto ko ng mag-quit" anito.

Nagulat si Lana sa narinig. "Ha? Bakit?" tanong niya.

"Siguro napapagod nalang ako. Parang gusto ko na ng normal at pribadong buhay" anitong nilingon siya saka niyuko at hinalikan sa noo. "gusto ko ng bagong buhay kasama ka at si Andrea, iyon ang totoo" anito ngumiti saka muling yumuko at hinalikan ako sa mga labi.

Humaplos sa puso ni Lana ang sinabing iyon ni Andrew. Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero aminado siya na masayang-masaya  dahil mukhang silang dalawa ni Andrea ang priority nito sa lahat ng pagpapasya na ginagawa nito sa buhay.

Tinugon ng dalaga ang maiinit na halik sa kanya ni Andrew. At sa huli, ang simpleng halik na iyon ay lumalim hanggang sa unti-unti ay parang wala ng gustong magpatalo sa kanila. 

Nakulong sa magkahinang nilang mga labi ang isang pinong ungol na pinakawalan ni Lana nang maramdaman niya ang kamay ni Andrew na pumaloob sa suot niya blusa. Humaplos iyon sa kaniyang tiyan kaya naman naramdaman niya ang tila nakakapasong init ng palad nito sa kaniyang balat.

"Sweetheart" anas ni Andrew nang pakawalan nito ang kaniyang mga labi at suyurin ng tingin ang kaniyang mukha. 

Alam ni Lana kung ano ang ibig sabihin ni Andrew sa tono ng pananalita nito maging sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Kaya naman siya na ang gumawa ng paraan at kumilos para muling itong halikan.

Ilang sandali lang at natagpuan na ni Lana ang sarili niyang nakatayo sa paanan ng four poster bed na nasa loob ng silid sa penthouse ng binata. Ang mga labi niya, nanatiling angkin ni Andrew at may pakiramdam siya na tila ayaw pang pakawalan ng binata ang mga iyon.

"Ituloy natin ang pagsasayaw kanina, dito, sa ibabaw ng kama" bulong sa kaniya ni Andrew saka tila nanunuksong kinagat pa ang kaniyang punong tainga.

Malakas na napasinghap si Lana sa ginawing iyon ng binata kasabay ang masarap na kilabot ng kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kaniyang katawan. Hinalikan siyang muli ni Andrew kaya naman awtomatiko ang naging pagtugon roon ni Lana. 

Naramdaman niya ang mabibilis na mga kamay ni Andrew habang kinakalas ang pagkakabutones ng suot niyang blouse kaya naman gumawa narin ng sariling pagkilos ang mga kamay niya. Hinawakan niya ang laylayan ng suot na polo shirt ni Andrew saka niya iyon hinila paitaas.

Sandaling nagkahiwalay ang kanilang mga labi dahil doon. Pero sandali lang at muli na naman siyang hinalikan ng binata na buong puso namang sinalubong ng dalaga. 

Nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya ay saka palang napag-alaman ni Lana na nagawa na pala siyang hubaran ng lalaki. Dahil iyon sa naramdaman niyang pagdaan ng maiinit nitong mga labi sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang balikat.

"Ohhh, Andrew!" anas ni Lana na napakapit pa ng husto sa matitipunong balikat ng binata.

Muli siyang hinalikan ni Andrew dahil doon. Pero sandali lang dahil ilang sandali pa muna siya nitong pinakatitigan saka masuyong hinawakan ang dalawa niyang mga kamay. Itinulak siya ni Andrew pasandal sa isa sa apat na poste ng magandang kama. Pagkatapos ay muli siya nitong sinibasib ng halik saka itinaas sa ulunan niya ang dalawa niyang kamay.

Malakas na boltahe ng sensasyon ang idinulot sa kaniya ng ginawang iyon ni Andrew. Itinaas nito ng husto ang mga kamay niya na parang nagpapahiwatig na kailangan niyang ipaubaya rito ang lahat ng mayroon siya. At hindi nga siya nagkamali dahil ilang sandali pa naramdaman na ni Lana sa kanyang paanan ang pagkahulog roon ng suot niyang palda. 

Isinunod ni Andrew na kinalas ang pagkakahook ng suot niyang bra. Nang makalaya ang mga iyon ay hindi ito nag-aksaya ng panahon. Niyuko nito ang kaliwa niyang dibdib saka sinimulang suyuin ng mainit nito bibig ang dulo niyon. Habang ang isa naman nitong libreng kamay ay naramdaman niyang pumaloob sa suot niyang panty at malayang dumama at pumiga sa hiyas na nasa pagitan ng kaniyang mga hita.

Naghabol ng kaniyang paghinga si Lana dahil sa masarap na pakiramdam na nang mga sandaling iyon ay magkakasabay niyang nararamdaman na nagmumula sa bawat parte ng katawan niyang kasalukuyang pinagpapala ng mahuhusay na kamay, bibig at dila ng binata.

Wala siyang magawa kundi ang suminghap at umungol lang dahil nanatiling nakataas ang dalawang kamay. Muling kumawala ang banayad na ungol mula sa mga labi ni Lana nang pagpahingahin ni Andrew ang kaliwa niyang dibdib at lumipad naman sa kabila. Kasabay niyon ay ang tuluyan na ngang pagpasok ng daliri nito sa kaniyang bukana sa unti-unti at banayad na paraan.

Nakagat ni Lana ang pang-ibaba niyang labi dahil doon. Pero sa kabila niyon ay kumawala parin sa kaniya ang isang impit na ungol lalo nang maramdaman niyang nagsimulang maglabas-masok sa entrada ng pagkababae ni ang daliri ng binata.

"Basang-basa kana," si Andrew nang itaas nito ang ulo saka sinalubong ng titig ang kaniyang mga mata. "baby napakaganda mo, lalo ng mga mata mo. I love how they turned into a darker shade of green even in simple pleasures like this."

Nasa tono ni Andrew ang masidhing panggigigil nito sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyon. At napatunayan niyang tama ang kaniyang hinala nang muli ay mariin siya nito hinalikan saka pagkatapos ay mas higit pang binilisan ang paglalabas-masok nito ng daliri sa bukan ng kaniyang pagkababae.

Napatili si Lana sa tindi ng sarap na pinalasap sa kaniya ni Andrew dahil doon. Pero gaya ng dati, dahil nga kulong ng mga labi nito ang kaniyang ay hindi rin naman kumawala ng ganoon kalasan ang tili na iyon.

"Shit! Shit! Don't stop! Yes!" habang hinahabol ang paghinga ay iyon ang utos ni Lana sa kaniig na walang anumang salita rin naman ginawa ng binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.