BANAYAD na mga haplos sa kanyang pisngi ang gumising kay Lana nang gabi ring iyon. Nagdilat siya ng mata saka napangiti nang magisingan niya ang gwapo at perpektong mukha ng lalaking kaniyang pakakasalan.
"Hello" aniyang ngiting-ngiti.
"Hi Miss Beautiful" si Andrew na yumuko saka siya masuyong hinalikan.
Katulad ng dati sandaling nagtagal ang halik na iyon. Pero dahil sa kaisipang baka kung saan na naman iyon mapunta ay minabuti nalang ni Lana ang kumawala. Agad siyang natawa nang mabasa sa mukha ni Andrew ang pagkabitin dahil sa kaniyang ginawa.
"Kanina ka pa gising?" tanong niya saka naglalambing na yumakap sa binata.
"Sakto lang. Anyway, may ipapakita ako sa'yo" ang binata sa kinuha ang cellphone nitong nakapatong sa may bedside table.
Nilinga ni Lana ang binata saka ibinalika ang paningin sa telepono nito. "Sinong nag-upload?" ang nakangiting tanong ng dalaga nang makita ang video ng proposal sa kaniya ni Andrew.
Tumawa ng mahina si Andrew. "Sino pa edi si Sam" anitong bahagyang kinurot ang tungki ng kaniyang ilong. "pero in fairness, maraming masaya para sa naging desisyon ko" ang binatang nilinga siya saka kinabig at maingat na iniunan sa matipuno nitong braso.
"Sa tingin mo?" hindi naitago ni Lana ang kasiyahan sa kaniyang tinig dahil sa sinabing iyon ni Andrew.
Tumango-tango ang binata. "Kasi alam nila na tama ang desisyon ko at tamang babae ang pinili kong pakasalan" ang madamdamin nitong hayag.
Nag-init ang mga mata ni Lana sa sinabing iyon ng lalaki pero nagpigil siya at nagtagumpay naman doon ang dalaga. "Si Sam pala ang community manager mo? Akala ko si Patricia" pagsasabi niya ng totoo.
Tumawa ng mahina si Andrew saka hinalikan ang kaniyang ulo. "Actually dalawa kami. Para sa akin kasi masyadong personal ang mga social media accounts para hayaan ko ang iba na hawakan at i- manage ang mga ito. Hindi sa wala akong tiwala kay Patricia, sabihin nalang natin na mas malaki ang tiwala ko sa kapatid ko" paliwanag sa kaniya ni Andrew.
"Alam ng manager mo iyon?" ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa pagha-handle ni Sam sa mga social networking sites niya.
Umiling ang binata. "Ang alam nila ako lang ang huma-handle. Mapilit kasi iyang si Patricia noon pa man, pero nung sinabi ko sa kanya na ako ang mismong magha-handle, nanahimik na siya" ang binata ulit.
Tumango-tango si Lana. "Mas okay nga iyon eh, ang mga fans kasi mas gusto nila na ang mga idol talaga nila ang mismong nakakabasa sa mga messages nila. Mabuti at iyong ginawa mo para sa akin. Saka hindi naman porke public figure ka kailangan lahat na ipagkakatiwala mo sa iba" aniyang napatingala kay Andrew na napuna niyang ngiting-ngiti.
"Oh, ba't ganyan ang ngiti mo?" tanong niyang natawa ng mahina. Hindi alintana ang biglang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.
Umiling si Andrew saka ibinalik sa sidetable ang telepono nito. "Aside kay Sam, ikaw ang isa pang taong pinagkakatiwalaan ko ng husto" ang binatang niyakap siya ng mahigpit pagkatapos.
Humaplos sa puso ni Lana ang sinabing iyon ni Andrew. "Talaga ba?" aniyang humimig na tila hindi naniniwala.
Lalong humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Andrew. "Yes, at dahil magiging asawa narin naman kita sa ayaw at sa gusto mo, okay lang bang hilingin ko sa'yo na i-handle mo narin ang mga social networking sites ko?" nakikiusap na may halong paglalambing ang tono ni Andrew.
Hindi makapaniwalang tiningala ni Lana si Andrew. "Seryoso ka?" hindi niya alam kung papaanong biglang pinuno ng matinding kaligayahan ang puso niya dahil sa simpleng tanong na iyon sa kanya ng binata.
Sandaling pinakatitigan muna siya ng binata bago siya maingat na itinulak pahiga at pagkatapos ay inibabawan at mariing hinalikan.
Mabilis na nadarang si Lana sa halik na iyon kaya naman tumugon siya sa paraang alam niyang dapat. At dahil nga sa katotohanang pareho silang hubad, ay naramdaman agad ng dalaga ang unti-unting pagkabuhay ng pagkalalaki ni Andrew na ngayon ay nakadaiti sa kanyang puson.
Nag-uunahan ang maraming damdamin sa dibdib niya dahil doon. And totoo, hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari kahit pa sabihing naanakan at naikama na siya ng paulit-ulit ng binata.
Oh well, kung sa iba, sino nga ba naman siya para pansinin ng isang Andrew Scott kung babalikan ang una nilang pagkikita?
Isang simpleng fan na ang totoo naman talagang pangarap ay ang mapansin ng kaniyang iniidolo.
Pero bakit ganoon?
Paanong nangyaring nang magkita sila, gaano man kabilis ang lahat ng pangyayari? Gaano man siya karupok? Bakit parang kapag tinitingnan siya ni Andrew, pakiramdam niya hindi siya simpleng fan lang?
Paanong naiparamdam sa kanya ng binata na worth it siya ng atensyon nito? Na hindi siya ibang tao? Na parang matagal na siyang kakilala? O mas tamang sabihin na parang nagkita at nagkakilala na sila noon pero hindi niya maalala?
At ngayon, kahit sabihin pang ilang beses ng may nangyari sa kanila, bakit parang naiiyak siya ngayon hinihingi ni Andrew ang kung tutuusin sa katayuan niya at sa lahat ng pinagdaanan nilang dalawa ay simpleng bagay nalang?
Siguro kasi sinabi ni Andrew na tanging pinaka-pinagkakatiwalaan lang nitong tao ang hinahayaan nitong mag-handle ng mga accounts nito? At hindi siya makapaniwala na bukod kay Sam na kapatid niya ay siya ang isa pang taong iyon.
"Sweetheart, more than anyone else in this world. Pagkatapos ng lahat-lahat, I know, kaya kong ipagkatiwala sa iyo kahit ang buhay ko pa" nang ilayo ni Andrew ang mukha nito sa kaniya ay nagkaroon si Lana ng pagkakataon para huminga.
Tumango-tango siya saka hinayaang kumawala ang ilang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. "S-Salamat, maraming salamat" aniyang hinaplos ang mukha ng binata.
Mahal na mahal kita Andrew. Sana dumating ang panahon, masabi ko sa iyo kung gaano kita kamahal at pagmamahal lang ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko para sa iyo.
"Ang sabi ko kay Sam sabihan na niya ang Mom at Dad, although alam ko namang alam na nila. Iba parin iyong uuwi sila dito para makilala ka at ang anak natin, pati narin si Mama Cecille" si Andrew sa nangingislap na mga mata.
Nanlaki ang mga mata ni Lana sa nakitang ikinilos ng binata. Magsasalita sana siya pero sa mabilis na paraan ay nagawang ipasok ni Andrew ang pagkalalaki nito sa bukana niya kaya naman sa halip ay malakas na ungol ang kumawala sa mga labi niya.
"I'm sorry, hindi ko matiis na makita kang ganiyan at wala manlang akong ginagawang paraan para mapaligaya ka" si Andrew sa pilyo nitong tono.
"Ohhhh!" ang tanging naisagot ni Lana nang simulang ng binata ang paggalaw sa ibabaw niya sa paraang tila sinasabik siya.