With You Series Chapter 12

“SO TELL me, why did you kissed me last night?” untag sa kanya ni Derrick nang maihain na sa harap nila ang in-order nitong pagkain. Ang akala niya ay idi-diretso na siya nito sa coffee shop niya pero hindi pa pala. Nang marinig kasi nito ang pagkulo ng tiyan niya’y nagyaya na itong kumain sa isang sikat na Japanese restaurant sa isang mall hindi kalayuan sa wedding shop na pinuntahan nila.

Hindi niya alam kung sinasadya nito ang pagdadala sa kanya sa restaurant na iyon o talagang coincidence lamang ang lahat. Sa mismong restaurant kasing iyon sila unang nag-date at ang mismong table na pinili nitong upuan nila ay ang lamesang inupuan din nila eight years ago. Ewan niya ba sa sarili niya at hanggang ngayon ay tandang-tanda pa din niya ang bagay na iyon kahit na ba pilit na niya iyong ibinabaon sa limot.

Doon niya unang napansin na kaakit-akit pala talaga ito. Nakaka-attract ang magandang features ng mukha nito. Naaliw siya sa pagtawa at pagngiti nito. In short, parang nagustuhan niya ito physically ng araw na iyon.

Pero nakaraan na iyon. Dapat ay binabalewala na lamang niya iyon at hindi na inaalala pa. After all, kaya lang naman siya sumama dito dahil gutom na talaga ang mga alaga niya sa tiyan. Ala una pasado na kasi nang matapos ang mga arte nila sa gown at susuotin nito. Marami kasi silang demands kaya naman natagalan sila nang husto. Isa pa’y tanging kape at tinapay lamang ang inalmusal niya kaya naman nagwawala na talaga ang tiyan niya.

“Huwag ka nang magtanong. Hindi naman iyon mahalaga.” Sagot niya sa tanong nito.

“Puwes, para sa akin ay mahalaga iyon. H-in-arass mo ang labi ko.”

“As if namang parang bago sa `yo ang harass-in ang labi. Huwag mo ng ungkatin iyon, okay? Nababadtrip ako.”

“Nababadtrip eh kitang-kita ko nga kung paano ka nasiyahan sa halik ko! Baka nga gusto mo ng part two?” he said and grinned.

Namula agad ang pisngi niya sa narinig. “Tse! Asa ka pa `no!”

“Eh bakit namumula `yang pisngi mo?”

“Kinagat lang `yan ng dalawang langgam `no. Tapos kinamot ko.” Pagpapalusot na lang niya.

“Weh? Something’s telling me it’s not!”

“I don’t care. Akala mo naman masarap `yang labi mo? Eh kasing lasa nga `yan ng sibuyas!” pagtatanggi niya kahit ang totoo ay nasarapan talaga siya. And hell! Her heart is shouting for part two!

Papatingin ko na talaga itong puso ko. Aba’t kahit sa demonyo ay lumalandi!

He twitched his lips and gave her a sinister smile. “Really? Mukhang wala ka palang panlasa kagabi. Let’s try again and decide if my lips still tastes like and onion which you hated the most.” Sabi nito saka inilapit sa kanya ang mukha nito.

Pinigilan naman niya iyon sa pamamagitan ng pagharang ng kamay niya sa mukha nito. “Subukan mo lang at may dala akong cutter sa bag ko. Kayang-kaya kong paduguin iyang labi mo hanggang sa magmakaawa kang tumigil na ako!”

Amused na tumingin ito sa kanya. “Wow, may balak ka bang patayin ako?”

“Oo. Kaya don’t you dare.” She said and looked at the food in front of her. “`Wag mo na nga muna akong kulitin at baka lumabas ang mga alaga ko sa tiyan at ikaw pa ang mapuntiryahan. Sige ka, nangangain `yan ng mga taong nakakaasiwa ang pagmumukha.”

Pumalatak lamang ito saka umiling-iling. Maya-maya pa’y sinabayan na rin siya nitong kumain.

Habang kumakain ay nag-uusap pa rin sila pero hindi na nito inungkat pa ang tungkol sa nangyari kagabi na pinagpapasalamat naman niya. Ayaw niyang malaman nito na ito ang naging first kiss niya. Dahil kung sakali ay baka magkanda-letse-letse siya.

Makatapos nilang mairaos ang late lunch ay nagpahatid na siya sa unit niya. Tinatamad na kasi siyang pumunta sa shop kaya umuwi na lamang siya. Mabuti na lang at hindi niya dala ang kotse kanina kaya hindi na siya mamomroblema sa pag-uwi noon. Sinamahan siya ni Derrick hanggang sa makarating siya sa unit niya.

“O, ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Layas na bago pa kita mabato ng kutsilyo at bumulagta na lang basta!”

Pero hindi pa rin ito natinag sa pananakot niya. “Kiss ko muna?”

“Aba’t sinusuwerte ka! Hindi ibig sabihin na dahil hinalikan kita kagabi, sumama ako sa `yo sa wedding shop at kumain ng lunch kasama mo ay may karapatan ng lumapit ang labi mo sa labi ko!”

“Talaga?” parang hindi naniniwalang sabi nito.

“Oo talaga!”

Ngumisi ito. “Let’s see…” sabi nito at walang kaabog-abog na isinandal siya sa may dingding. Then after a second, his lips met hers. And God! He gave her again the sensations that he felt last night.

Mga nasa sampung segundo din ang lumipas nang maramdaman niyang tapos na pala ang halik nito. At mas mapula pa yata sa hinog na kamatis ang mukha niya nang makita niya ang nakakalokong ngiti nito. “O, lasa pa rin bang sibuyas ang labi ko?”

Nagdadrugs ka ba? Nakakaadik kasi ang halik mo... Nais sana niyang isagot. “Oo! Kasing sama ng lasa ng sibuyas!”

Ngumisi muli ito. “Want more to satisfy?”

Yes! Yes! Yes! Sigaw nang malanding bahagi ng puso niya. “Of course it’s a no!”

“Pero sa mukha mo parang gusto mo pa, eh.” Pang-aasar nito sa kanya.

“Tse! Baka ikaw! Lumayas ka na nga dito at malapit na talaga akong kumuha ng kutsilyo!”

Tumawa lamang ito saka nag-wave hands na sa kanya. Lumakad na ito palayo. Sinundan naman niya ang bulto ng perpektong katawan nito. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? She was supposed to hate this man because he made her heart broken for the first time. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Dahil ba iyon sa mga pesteng halik na pinagsaluhan nila? O sadyang tanga lang ang puso niya dahil sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay hindi pa rin maalis sa dibdib niya ang nararamdaman niya dito walong taon na ang nakakaraan?

Shit! Hindi lang yata check-up ang kailangan ng puso ko. Open-heart surgery o andio-plasty ang kailangan nito.

CHAPTER FOUR

NAGISING si Venus sa sunod-sunod na doorbell sa unit niya. Wagas kung makapindot kung sino man ang taong iyon. Parang wala ng bukas ang paraan nito ng pagpindot.

Inis na bumangon siya ng kama. Walang pakialam kung mas buhaghag pa sa sinangag ang ang buhok niya. Hindi niya rin pinansin kung may muta at panis na laway pa sa mukha niya.

Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki at isang bulingit na babae. Nakapamaywang pa sa kanya ang bata habang sinusuri mula ulo hanggang paa ang itsura niya. Tila ito ang batang Ana Manalastas sa palabas na 100 Days to Heaven kung umasta.

“Ang panget mo talaga, Tita Panget. Kuha mo?” tumaas pa ang isang kilay nito at umirap habang nakahalukipkip ang dalawang kamay. Gayang-gaya talaga nito si Xyriel Manabat sa pagsasalita nito ng “kuha mo?”. Ang taray-taray ng itsura nito. Halatang-halata na maldita ang ugali nito.

“Aba’t! Bratita ka talagang bata ka!”

“Eh ikaw naman, ang panget-panget mo! Ganyan ka ba talaga sa mga taong bubuksan mo ng pinto? Mukha mo, mas panget pa sa mukha ni Frankenstein!” pamumula pa rin sa kanya ng bata na nagkataon namang pamangkin niya.

Artemis ang pangalan ng nag-iisang pamangkin niya at pinakamalditang batang nakilala niya. Buong angkan niya’y ang pangalan ay sa Greek Mythology kinuha. Kaya nga Kape Mitolohiya ang pinangalan niya sa coffee shop niya. Ang ama niya’y ang pangalan ay Zeus at dahil gustong-gusto nito ang pangalan nito’y humanap ito ng babaeng Hera ang pangalan para maging katuwang. Pinilit daw nitong ma-inlove sa nanay niya na ayaw naman niyang paniwalaan. Sa totoo lang ay mukhang hindi naman ito pinilit dahil baliw na baliw ito sa nanay niya. Nanirahanan ang mga ito sa probinsya nila sa Batangas. May dalawa siyang kapatid, Ares at Athena ang pangalan ng dalawa na pareho ding kinuha sa Greek Mythology.

Nag-iisang anak si Artemis ng panganay na kapatid niyang si Ares. Biyudo na ang kapatid niya dahil namatay ang asawa nito ng ipinanganak nito ang unang anak ng mga ito. Isang businessman ang kanyang kapatid at workaholic ito kaya sa yaya lumaki ang anak nito. At dahil wala laging oras sa pamangkin niya ang tatay nito kaya lumaking maldita at spoiled brat ang anak nito. Isa pa’y namana din yata ng pamangkin niya ang pagkamaldita ng namatay niyang hipag noong nabubuhay pa ito. Palagi ring kasama ng bata ang kapatid niyang si Athena na nangunguna din ang katarayan at kamalditahan sa katawan.

“Venus, ipapakiusap ko muna sa `yo itong si Artemis. May importante kasi akong meeting eh day-off ng yaya niya kaya wala akong mapapagbilinan sa kanya.” Wika ng kapatid niya.

“Ano?” malakas na sigaw niya. “At bakit ako ang mag-aalaga sa bratitang ito? Ayaw ko nga! Mamaya makapatay pa ako!”

“Dali na, Venus. Nagmamadali na ako at ikaw lang ang tanging mapapagbilinan ko.”

Marahas na umiling siya. “Kay Athena mo ibigay. `Di ba’t kasundong-kasundo niya ang malditang anak mo?”

“Hindi puwede! May date daw siya, eh.”

“Ako din may date kaya hindi ko kailangan ng panira, okay?” pagsisinungaling na lang niya. Isa sa mga hindi niya gustong gawain ay ang pag-aalaga sa mga bata. Kaya nga kumuha siya ng business administration bilang course noong college siya kahit nirerekomenda ng nanay niya na teacher daw ang kuhanin niya. Maikli kasi ang pasensya niya. Lalo na sa bata.

“What? Ikaw may date?” parang diring-diring sabi ni Artemis. “At kailan pa nagkaroon ng date ang isang panget na katulad mo?”

Siguro buhay na buhay ang bata ito nang nagpaulan ang Diyos nang kamalditahan. “Aba’t kung makapagsalita ka’y parang ako na ang pinakapanget na tao sa buong mundo, ah!”

“Bakit, hindi nga ba?”

“Talagang—“ nangigil na sabi niya. Ngali-ngali niyang ihambulos palabas ang batang ito. “Hinding-hindi talaga ako papayag na alagaan ang anak mong ito, Kuya Ares. Kaya kung gusto mo pang maabutang buhay ang anak mo’y mabuti pang alisin mo na siya sa harapan ko.”

“Alam kong hindi mo kayang katayin si Artemis kahit ganyan siya kakulit at maldita, Venus.”

“Iyon ang akala mo! Eh malapit ko na nga ihulog sa bulkan ang batang ito, eh!”

Pumalatak ang kuya niya saka tumingin sa relo. “Late na talaga ako kaya wala na akong panahon makipag-argumento. Babalikan ko si Artemis bago mag-alas-otso ng gabi.”

“Ano? Hindi ako papayag sa gusto mo, aber!”

Hinalikan nito ang bata saka kinindatan siya. “Ikaw na ang bahala, sis. Aalis na talaga ako.” Wika nito saka tumakbo na palayo. Hinabol niya ito pero nakapasok na agad ito sa elevator agad na naisara iyon. Inis na bumaling siya sa bata. Nakahalukipkip pa rin ito at pairap-irap pa sa kanya.

“Magtino kang bata ka kung ayaw mong mabalatan ng hilaw! `Wag na `wag mo akong kakantiin dahil talagang malilintikan ka sa akin.”

“Pake ko!” she said and rolled again her eyes.

Nais na niya itong batuhin ng tsinelas sa inis. Kung sakaling ang batang ito ang makakasama niya sa araw-araw na buhay, malamang losyang na losyang na ang itsura niya ngayon. “`Wag kang mag-inarte ng ganyan. Hindi kita gusto kaya kung ayaw mong ihulog kita sa building na ito’y pakisamahan mo ako nang wasto.”

“At akala mo gusto kong makasama ang isang babaeng katulad mo? Mamaya mahawa pa ako sa kapangitan mo eh!” ganti naman nito sa kanya.

Muntik na niyang masubunutan ang pamangkin dahil sa mga pinagsasabi nito. Sagad sa buto talaga ang katarayan nito. Nahihiling niyang sana lang ay bigyan siya ng Diyos ng maraming pasensya sa katawan. Dahil kung hindi, malamang sa dulo ng araw ay nasa kulungan ang bagsak niya.

“SINO KA?” tanong ng isang bata sa harapan niya na sa tantiya niya’y nasa lima hanggang anim na taon. Nakaguhit na agad ang kamalditahan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

“Ahmm. Nandiyan ba si Venus?”

“At anong kailangan mo sa Tita Panget ko na `yon?” humalukipkip pa ito.

Amused na tumingin siya dito. Aba’t maldita talaga. “Ahmm. Gusto ko lang siyang makita at makausap. Nandiyan ba siya?”

“Boyfriend ka ba niya?” nanunuring tanong nito at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

“Kung sasabihin ko bang oo, maniniwala ka?”

“Hindi,” kampanteng sagot nito.

“Bakit? Hindi ba ako fit maging boyfriend ng Tita Venus mo?”

“Oo. Kasi ang guwapo mo, samantalang siya, ang panget niya.”

Gusto niyang matawa sa sinabi ng batang ito. Kung laitin nito ang Tita nito’y parang si Venus na ang pinakapanget na babae sa buong mundo.

“At talaga namang kung laitin mo ako’y wagas!” sambulat ni Venus sa pamangkin nito at tumingin sa kanya. “Derrick? Bakit ka nandito?”

“Gusto sana kitang makasama ngayong araw. Pero mukhang baby-sitter ka yata, kaya sige, `wag na lang.”

“Gusto mong maka-date ang Tita ko?” sabat ng bata.

“Sana. Eh mukhang busy siya sa pag-aalaga sa `yo, eh.”

“Bakit, bawal ba kayong mag-date habang kasama ako?”

“Hindi naman. Ayaw lang namin ng istorbo.”

Tumalim ang tingin ng bata sa kanya. “Istorbo? At kailan pa ako naging istorbo?”

“Matagal na!” sagot naman ni Venus sa pamangkin nito. “Naku, Derrick, pagpasensyahan mo na ang bratitang ito, ha. Ugok din kasi ang ama nito.”

“Okay lang. Sige, balik na lang ako next time.” Pagpapaalam niya. Totoo ang sinabi niya na gusto niyang i-date si Venus ngayong araw. Mag-iisang linggo na simula nang magkita silang dalawa at sobrang na-miss niya ito kahit na ba halos araw-arawin niya ang pagtawag dito sa telepono. At kahit alam niyang hindi pa rin sila ganoong magkasundo ng dalaga at madalas din siyang tarayan nito kapag tinatawagan niya’y tinitiis niya. Nitong mga nakaraang araw ay marami siyang inasikaso sa opisina dahil malapit na siyang ma-promote bilang Head ng Architectural department. Pero kahit ganoon ay humanap pa rin siya ng isang araw para makasama ito ngunit siguro’y sinamahan siya ng kamalasan ngayon dahil may isa palang asungot na nakapaligid dito.

Balak na niyang ligawan si Venus. Gagawin niya ang lahat para lang pumayag itong ligawan niya. He wanted to bring back the past. He wanted Venus back again in his arms. Iyong mga araw na hindi na ito napalag kapag hinahawakan niya ang kamay nito at pumapayag na itong yakapin niya hanggang kailan niya gusto. At gusto niya ring magkaroon na talaga ng libreng access ang paghalik niya sa labi nito.

Kung alam lang nito kung gaanong pagpipigil ang ginawa niya para hindi niya mahalikan muli ito pagkatapos niyang halikan ito sa labas ng unit nito. Her lips were the softest and the sweetest lips he had ever tasted in his entire life. Her kissed makes him think of something wonderful like heaven. Because kissing someone like Venus was really heaven.

Pero alam niyang hindi lang sa halik makukuha si Venus. Kaya ito siya, by hook or by crook man ay gagawa ng paraan para makuha ito. Kung kinakailangan niyang rumenta ng isang banda sa fiesta para lamang mapasagot ito ay gagawin niya. Ganoon siya kabaliw para makuha lang ang babaeng ito. Kung sakali mang malaman ng mga kaibigan niya ang nasa isip niya ngayon ay malamang utas na ang mga ito sa kakatawa. Si Venus lang kasi ang tanging babaeng naisip niyang gawan ng ganoong bagay.

Nakadalawang hakbang na siya ay saka niya muling narinig na magsalita si Venus. “Teka lang, Derrick!”

Napalingon muli siya dito. “Bakit?”

“Ang sabi mo’y gusto mong makipag-date sa akin?”

“Ha?” napakamot siya ng ulo. “Oo, sana.”

“Bakit naman?” curious na tanong nito.

“Wala lang. Gusto ko ng kabangayan, eh. Eh ikaw lang ang naiisip kong makakabangayan ko.” Pagpapalusot na lamang niya kahit ang gusto niyang sabihin ay “gusto kita, eh. Kaya ako makikipag-date sa `yo.”

Naman, Derrick Ramirez! Kailan ka pa naging torpe?

“Ah, ganoon? Iyon lang pala ang tingin mo sa akin, kabangayan?”

Tumawa siya. “Oo,” kahit ang gusto niyang sabihin ay “Hindi. Dahil ang tingin ko sa `yo ay ang babaeng pag-aalayan ko ng pangalan ko.”

Naks! Ang mais, ah! Pero puwede na din.

“Kung ganoon, sumama ka na lang sa amin ni Artemis. Tutal, mukhang naghahanap ka naman ng sakit ng ulo’y samahan mo na kaming dalawa. Aalis din kami, eh.”

Pakiramdam niya’y pinainom siya ng energy drink dahil nadagdagan ang sigla sa katawan niya. At kahit siguro may malditang bata silang kasama ni Venus ay okay lang sa kanya. Ang makasama lang si Venus sa isang araw ay masaya na siya. “Sige, saan niyo ba balak pumunta?”

Tumingin ito sa bata. “Saan mo balak gumala, bratita?”

“Sa Manila Zoo!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.