With You Series Chapter 20

“NASAAN sina Tita?” tanong ni Lady kay Guji nang makita niya itong mag-isa lamang habang naglalakad palapit sa kanya sa may waiting area ng Ninoy Aquino International Airport. Noong isang araw kasi ay niyaya siya ng pamilya nito para sa tatlong araw na bakasyon sa Boracay. Ang sabi ng Mama nito ay matagal na daw nakaplano ang bakasyong iyon ng pamilya at dahil parte na daw siya ngayon ng pamilya dahil girlfriend siya ni Guji ay kailangang kasama na naman siya. Sa pagkakataong ito ay hindi naman siya nakapagdahilan dahil kahit sinabi niyang busy siya sa negosyo upang makasama sa family outing na iyon ay hindi pa rin iyon tinanggap ng ginang. Ang sabi nito ay hindi naman daw malulugi ang negosyo niya kung mawawala siya ng tatlong araw. Nang sinabi naman niyang hindi siya papayagan ng kanyang ina ay ito mismo ang nakiusap sa kanyang Nanay. Wala rin naman naggawa ang Nanay niya dahil tiwala naman ito sa pamilya ng lalaki at kay Guji mismo. Ilang beses na rin naman kasing pinakikita ni Guji na mabuting “boyfriend” ito dahil sa ilang beses nitong pagbisi-bisita sa bahay nila na kahit sinabi naman niyang huwag na ay sumisige pa din ito. Ang dahilan nito ay palaging gusto siya nitong makasama kahit na ba hindi niya alam kung totoo iyon o palabas lamang din.

Pero kahit ganoon, sa loob-loob naman niya ay natutuwa siya sa inaasal nito sa kanya kahit walang tao. Minsan nga, pakiramdam niya ay hindi na pagkukunwari ang ginagawa nito sa kanya. Napaka-sweet nito sa kanya at napakabait. Hindi niya alam kung natural na ba iyong gawain ng lalaki sa mga babae nito pero kahit ganoon, hindi niya maiwasang hindi kiligin sa mga ginagawa nito sa kanya. Kaya naman minsan din ay ilang beses niyang inuuntog ang ulo niya sa pader bago matulog. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano dahil wala naman itong sinasabi sa kanya na totoo ang lahat ng pinapakita nito sa kanya, na hindi iyon dahil lamang sa drama nila.

Gusto man niyang isipin na totoo iyon, ayaw rin niyang umasa. Katulad ng ama niyang iniwan sila, hindi rin nagseseryoso si Guji sa mga babae. Siguro ay pipilitin na lang niyang pigilan iyon kahit alam niyang mahirap. Kapag kasama niya ito, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa mundo dahil sa mga ginagawa nito sa kanya. Nasasarapan din siya sa mga pakiramdam na binibigay nito sa kanya. Pero dahil alam niyang pagkukunwari lamang lahat ng mga iyon, dapat ay balewalain niya iyon at isiping hindi totoo.

Napakamot ng ulo si Guji nang makalapit sa kanya. “They tricked us, Lady. Tayong dalawa lamang ang pupunta sa Boracay,”

“What?!” malakas na sabi niya. “No!” Delikado ang puso ko! Gusto sana niyang idugtong.

“Ayaw mo?” tila may hinanakit pa sa tinig nito dahil sa naging reaction niya.

Siya naman ay hindi alam ang gagawin. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Sa loob-loob niya, kahit alam niyang nasa peligro ang puso niya, gusto niyang makasama ito. Pero dahil sa alam niyang baka lalong mahulog ang loob niya dito kung sila lamang ang magbabakasyon sa isang lugar na kagaya ng Boracay ay may isang bahagi noon ang natatakot kaya ganoon na lamang ang nasabi niya. “Ha? Eh kasi---“

Hinawakan nito ang kamay niya. “I want this vacation, Lady. Lalo na at kasama kita.”

“Pero nagkukunwari lamang tayo, Guji,” pagpaalala niya dito. “Hindi natin kailangang gawin ito lalo na at wala naman ang pamilya mo,”

“Pero gusto ko, Lady. Puwede bang kahit sa tatlong araw na ito ay kalimutan natin na nagkunwari tayo? Gusto kitang makasama.”

Napalunok siya. “Bakit naman?”

“Kasi gusto kitang makilala pa ng lubusan,”

“Bakit mo naman ako gustong makilala ng lubusan?”

“Kasi naman, minsan kapag tinatanong ako ni Mama ng ilang bagay tungkol sa `yo, palagi na lamang mali ang sagot ko,” sagot nito na ikinadismaya niya. Ang akala pa naman niya ay kaya siya nito gustong makasama ay dahil nahuhulog na din ang loob nito sa kanya. Pero iyon pala ay dahil na naman sa drama nila. Noong isang araw kasi ay tinanong ito ng Mama nito kung alam nito ang favorite color niya. Sumagot ito ng pink kahit ang totoo ay color green ang gusto niya at nasabi niya iyon sa Mama nito noon kaya nagtaka ito. Napapaghalata tuloy na hindi nito alam ang ilang mga bagay tungkol sa kanya. Kailangan pa nitong gumawa ng ibang dahilan para mawala ang pagtataka ng ina nito.

“Ah, okay,” tanging nasabi na lamang niya at pilit na hindi ipinahalata ang kanyang pagkadismaya.

“So ano? Pupunta pa ba tayo sa Boracay?”

Tumango na lang siya. Hindi man niya gusto ang sinabi nitong dahilan sa kanya ay hindi niya pa rin napigilan ang puso niya na um-oo sa gusto nito.

KASALUKUYANG pinapaandar ni Guji ang jetski na nirentahan niya para sa araw na iyon habang inaantay si Lady na bumaba mula sa hotel room nito. Sa tatlong araw na pamalagi nilang dalawa sa Boracay, ito pa lamang ang araw kung kailan siya magkakaroon ng buong araw para kay Lady. Paano ba naman kasi, kahit matagal na niyang na-i-schedule ang araw na iyon para sa bakasyon, nagkaroon ng emergency sa construction company nila na siya ang namamahala. Nagkaroon kasi ng problema ang isa sa pinakamalaking project building ng kompanya nila at kinailangan ang presence niya kahit na ba sa video chatting lamang. Kaya naman ang dalawang buong araw niya ay ginugugol niya sa harap ng computer at kapag gabi naman ay hindi na siya nakakapaglibang. Nakakasama niya lamang si Lady tuwing kumakain at madalas pa nga ay sandali lamang. Ang huli naman ay inaabala na lamang ang sarili sa paglilibot sa isla ng mag-isa o di kaya ay sa pagbabasa o panood ng TV buong hapon.

Kaya naman sa ngayon ay gusto niyang bumawi kay Lady. Alam niyang sa loob ng dalawang araw na iyon ay naiinip na din ito kahit hindi nito sabihin. Nahihiya nga siya dahil dapat ay bakasyon nila iyon. Pero doon pa siya nagkaroon ng problemang malaki kaya hindi niya ito nasamahan sa paggagala.

Ilang sandali pa ang kanyang pinalipas nang ibalik niya ang jetski mula sa dalampasigan. Doon ay nakita niya si Lady na nakatingin sa kanya habang bumababa siya ng jetski upang salubungin ito. Pupuntahan na sana niya ito nang bigla siyang napatigil nang makita kung ano ang itsura nito.

Nakasuot ito ng kulay puti na manipis sarong at sa loob noon ay kitang-kita niya ang suot nitong itim na two-piece swim suit na fit na fit dito. Kitang-kita niya ang tila coke na boteng hugis ng katawan nito. Hindi ganoon kalakihan ang hinaharap nito pero sapat na iyon upang makaagaw atensyon ng lalaki. Ang legs naman nito ay napakakinis katulad din ng mala-anghel na mukha nito. Mas lalo pang gumanda ito nang ngumiti nang makita siya. She was perfectly fit and beautiful. Ramdam na ramdam niya na hindi lamang siya ang napatigil sa ginagawa nang makita ito. Para itong isang diyosa na bumaba sa lupa at pinagtitinginan ng lahat ng kalalakihan dahil sa kagandahan nito.

Hindi tuloy niya alam kung bakit nagkaroon ng kirot sa kanyang puso habang nakikita niya itong pinagpipiyestahan ng mga lalaki. May urge sa puso niya na para bang gusto niyang bulagin ang lahat ng mga kalalakihang nakatingin dito. It was the first time he had felt this feeling. Kahit masasabi niyang marami siyang naging girlfriend na mas maganda pa ang katawan kaysa dito, hindi niya naramdaman ang ganoong pakiramdam. He was willing to share the beauty of her past girlfriends to others. But with this lady, he felt like he must be the only person who should feast with her body.

“Hey,” untag nito sa kanya nang makita nitong natigilan siya. Lumapit na ito sa kanya. “Ito ba ang jetski na sasakyan natin?”

“Huh? Oh, yes,” he still looked at her body. Nagtatalo ang isip niya kung kaya niya bang mag-drive pa ng jetski kung ang babaeng nasa likod niya ay ang isang ito. Parang mas gusto na lang niya yatang magkulong sa kuwarto at----

Hey, Guji, ang dumi ng isip mo! Ni hindi mo nga totooong girlfriend si Lady! Putol naman ng parte ng isip niya.

“Hmmm... It seems okay,” sabi naman nito at hinawakan pa ang jetski.

“Na-test drive ko na siya kanina kaya okay na,”

“Good! So wala ng problema,” kagabi kasi ay tinanong niya ito kung ano ang gusto nitong gawin para sa araw ngayon. Ang sabi nito ay gusto daw nitong sumakay sa jetski pero hindi ito marunong gumamit noon. Sinabi naman niyang marunong siya noon at isasakay na lamang niya ito.

“Meron pa,” dagdag niya.

“Ha? Ano naman?”

Itinuro niya ito.

“Ako?” sabi naman nito na tinuturo ang sarili. “Anong problema ko?”

“I don’t like what you are wearing,”

Kumunot naman ang noo nito. “Bakit naman? Marami nga ang nagbigay ng papuri sa akin habang papunta ako dito. Bagay daw sa akin ang suot ko,”

“Puwes, sa akin hindi. Isuot mo `yong pink na binili sa `yo ni Mama last week. Mas bagay `yon sa `yo,” alam niya ang mga damit na dala nito dahil ipinakita iyon sa kanya ng Mama bago nito ibinigay iyon kay Lady. Ang pink na bikini na sinasabi niya ay two-piece swim suit din pero mas conservative tignan kaysa sa suot nito ngayon.

“Ayaw ko. Gusto ko itong suot ko at ito ang susuotin ko habang magsawa ako,” matigas nito na pagtanggi sa utos niya.

“Pero---“

“Walang pero-pero, okay? Wala akong pakialam kung hindi bagay sa akin ang suot ko para sa `yo. Basta ako, komportable ako at iyon na lamang ang tanggapin mo,” sabi nito at sumakay na sa jetski.

Napatiim-bagang na lamang siya habang sumakay na din doon. Mukhang siya naman yata ang mawawalan ng comfort kung ganoon kagandang babae ang makakasama niya habang nagda-drive ng jetski.

Oh Lord, paalisin niyo po ang temptasyon, dasal na lamang niya at pinaandar ang jetski.

LIHIM na naiinis si Lady kay Guji habang nagbo-boat ride naman sila ngayon para libutin ang ilan pa sa mga magagandang lugar sa Boracay. Dapat ay nagsasaya na sila ngayon dahil iyon na ang huling araw nila doon at ang araw din kung kailan free silang gawin ang lahat ng kailangan nilang gawin. Pero si Guji naman ay tila wala sa mood. Kanina pa siya nito hindi iniimikan. Naninibago tuloy siya.

Dati-rati naman ay maingay ito kaya naman nasasarapan siyang kasama dito. Pero ngayon naman ay tila tuod ito na patingin-tingin na lamang sa isla. Parang galit ito na hindi niya mawari. Hindi tuloy niya maiwasang hindi magtanong.

“May problema ka ba?” sa wakas ay naggawa na niyang magtanong nang maramdaman niyang parang matutuyuan na siya ng laway.

Bumuntong-hininga ito. “Alam mo ang problema ko,”

“Ha?” inisip niya kung ano ang nangyari sa pagitan nila kanina at biglang pumasok sa isip niya ang pagtanggi niya sa pagpapalit ng swimsuit kanina. “Ito bang suot ko ang problema mo?”

“Masyadong mahalay ang suot mo,”

“Ha? Hindi naman, ah. May suot naman akong manipis na sarong,”

“Kita pa rin,”

Napakunot noo siya. “Eh ano? `Di ba, playboy ka? Ibig sabihin, marami ka ng nakitang katawan ng babae. Huwag mong sabihing conservative ka?”

“Ayaw ko lang na pinagtitinginan ka ng tao. Para kang handa sa fiesta. Takam na takam sa `yo ang mga lalaki.”

“Possessive?”

Umingos ito at lumayo sa kanya. “If you say so,”

Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Isn’t it sweet? A possessive boyfriend? Dahil wala pa siyang karanasan sa pakikipagnobyo, hindi niya alam kung ano ang tamang mararamdaman sa ganoon. May mga kaibigan siya noon na sinasabi sa kanyang nakakainis daw ang magkaroon ng isang possessive boyfriend. Pero sa paniniwala naman niya, hindi naman masama iyon. Ang pagiging possessive at seloso ay pagpapakita lamang ng pagmamahal tunay na pagmamahal sa isang tao. Isama pa doon na takot ang taong iyon na mawala ka sa kanya kaya pinaghihigpitan ka niya. The man was only concern with the relationship.

So mas pinili niya na makaramdam ng kilig dahil doon. Affected much si Guji dahil lamang sa swimsuit niya. Ang akala pa naman niya ay matutuwa ito sa suot niya. Kaya naman medyo nadismaya siya kanina nang sabihin daw nitong hindi iyon bagay sa kanya. Pero mukhang ang totoo naman ay ayaw lang nitong pagtinginan siya ng mga lalaki. Napangiti tuloy siya habang hinahabol ito.

“Hey, sorry na,” sabi niya habang hinahabol ito. “Concern ka pala naman sa akin. Hindi mo naman agad sinabi,”

Lumingon ito sa kanya. At nang makitang nakangiti siya ay bumuntong-hininga ito. “I’m sorry, too. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Alam kong wala akong karapatan sabihin sa `yo na ayaw kong pinagtitinginan ka ng mga lalaki dahil hindi mo naman ako tunay na boyfriend. But I can’t just help it now. I’m sorry,”

“It’s okay,” wika niya at itinago na lang ang kilig na kanyang nararamdaman sa biglang inasal nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.