With You Series Chapter 22

“SINO iyong pinagbuksan mo ng pinto kanina?” tanong ni Guji kay Ladine nang makita bumalik ito sa kuwarto niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya dahil masamang-masama ang pakiramdam niya. Kahapon kasi ay binuhos niya ang buong araw niya sa trabaho kaya pagod na pagod siya. Isama pang nang pahapon na ay umulan sa site kung saan naroon siya at wala pang bubong doon kaya naman nakadagdag lamang iyon sa sama ng pakiramdam niya ngayon.

Inuubo, sinisipon at masakit ang buong pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay tinatrangkaso siya. Nakainom na siya ng gamot pero hindi pa rin niyon naiibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Sanay siya na palaging may nag-aalaga sa kanya kapag may sakit siya. Palagi kasing nandoon ang Mama niya para alagaan siya. Pero ngayon naman ay hindi ito puwede kaya wala ito sa tabi niya. It was Ladine who’s on his side. Isa ito sa mga chicks niya bago niya nakilala si Lady. Inaalagaan naman siya nito pero pakiramdam niya ay hindi ito ang kailangan niya.

Aksidente lamang ang pagkakatawag niya kanina kay Ladine kaya nagpunta ito sa unit niya ngayong araw. He was supposed to call Lady upang kumustahin ito kahit may sakit siya. Pero dahil sa masama ang pakiramdam niya ay nagkamali siya ng ang number ni Ladine ang napindot niyang number sa cellphone niya. Nalaman nito base sa boses niya na may sakit siya kaya naman agad nitong pinutol ang tawag at pinuntahan siya. Wala na naman siyang naggawa dahil kahit umayaw siya ay pumunta ito. Isa pa, naisip niyang kung si Lady man ang natawagan niya kanina, hindi niya alam kung willing naman itong alagaan siya.

Kahit wala naman silang espesyal na relasyon ngayon ni Ladine, alam niyang ito ang babaeng alam niyang pupuntahan siya at gagawin ang lahat ng gusto niya. She was one of those girls who are willing to be his slave anytime. Kahit alam nitong wala siyang maibibigay dito, palagi pa din itong nasa tabi niya. But with Lady, hindi niya alam kung papayag ba itong alagaan siya. Maari ngang may espesyal na namagitan sa kanila sa Boracay pero hindi naman niya alam kung may espesyal din itong pagtingin sa kanya para alagaan siya. Isa pa, alam niyang busy din ito sa trabaho kaya ayaw na rin naman niya itong maabala.

“Ah, wala. Nag-deliver lang ng pizza,” sabi nito at pinatong ang pizza sa side table. “You want the massage now?”

Bagkus na sagutin ang tanong nito ay tinignan niya ang pizza. Nang basahin niya ang label noon ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Galing iyon sa pizza house na pagmamay-ari ni Lady. “Ikaw ang um-order?”

“Ha? Uhmm. Yeah. Naisip ko kasing baka nagugutom ka,”

Napabuntong-hininga siya saka binuksan ang box ng pizza at kumagat ng isang slice. Parang sumama lalo ang pakiramdam niya dahil sa pagkagat niya ng pizza na iyon ay si Lady ang naalala niya. Nami-miss niya ito. Kung puwede nga lamang na ito na lamang ang mag-alaga sa kanya. Ito ang totoong kailangan niya, hindi si Ladine. Pero nahihiya naman siya kung kailangan niya pa itong papuntahin sa unit niya para sabihin lamang na alagaan siya kasi may sakit siya.

Isinara niya ang pizza box at hinarap si Ladine. “Umuwi ka na,”

“Ha? Bakit? Wala pa akong isang oras dito, paalisin mo na ako. Sabi mo kailangan mo ako? Magpapa-masahe ka `di ba?”

“Nagbago ang isip ko. Kaya ko ng mag-isa. Puwede ka ng umalis, Ladine. I can handle myself,” mahinahong sabi niya dito. Para kasing may mali sa pakiramdam niya na nandoon ito sa unit niya kahit dati-rati naman ay okay lang para sa kanya na nandoon ito. Para siyang nagtataksil kahit wala naman silang ginagawang masama.

Matagal-tagal bago ito naki-argumento sa kanya pero sa huli ay umalis din ito. Sa pag-alis nito ay ewan niya ba kung bakit parang nabawasan yata sama ng pakiramdam niya. Natulog siya ng isang oras para makapagpahinga. Paggising niya ay siya namang pagdating ng Mama niya.

“O, anak, okay na ba ang pakiramdam mo?” wika sa kanya ng ina.

“Medyo masama pa rin po, `Ma,”

Pumatak ito. “Mukhang hindi magaling na doctor si Lady, ah,”

“Si Lady? Wala naman siya dito, Ma,”

“Ha? Wala? Pero sinabihan ko siya kanina na may sakit ka. Ang sabi niya ay pupunta daw siya. Bakit wala?”

“Wala. Walang pumupunta dito,” sabi niya saka malungkot na napatingin muli sa pizza box na sinabi ni Ladine na in-order nito kanina. Inalala niya ang nangyari kanina at saka niya lamang napansin na simula nang dumating doon si Ladine ay ni hindi naman ito gumagamit ng telepono o cellphone para tumawag ng isang pizza delivery.

Then one question entered on her mind: Hindi kaya si Lady ang kausap ni Ladine kanina at may dalang pizza?

“Damn. Niloko ako ni Ladine! Dumating si Lady ng hindi ko alam!”

Maari ngang si Lady ang nakausap ni Ladine kanina sa may pinto. Maaring akala nito ay isa sa mga babae niya si Ladine kaya umalis ito. Baka nagselos ito o di kaya ay nagtampo. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Pero akmang tatawagan na niya ito nang hawakan ng kanyang ina ang kamay niya.

“Tatawagan mo ba si Lady?”

“Yes, Ma. She needs to know na wala kaming relasyon ni Ladine. Baka nagseselos siya kasi nagpunta dito si Ladine kanina,”

Tinitigan siyang mabuti ng ina. Kapagkuwan ay ngumiti ito. “You are in love with Lady,”

Napakunot ang noo niya. “Ma, ano ba `yang pinagsasabi niyo? Siyempre, mahal ko si Lady. Girlfriend ko siya,”

Umiling-iling ito saka pinaupo siya sa sofa. Umupo din ito kapagkuwan. “I will tell you something, hijo. Alam kong nagkukunwari lamang kayo ni Lady,”

Pakiramdam niya ay nalaglag ang panga niya sa. Parang nawala yata lahat ng sama ng pakiramdam niya sa gulat sa sinabi nito. “What?! Ma, eh---“

“Sa palagay mo ba ay hindi ko alam? Ang galing ko talagang umarte,” ngiting-ngiti pa ito. “At marami din akong nabibiktima sa pagiging makulit ko,”

“Alam niyong hindi ko siya nobya pero pinapalabas niyong nobya ko siya? Ano ang mayroon, Mama?”

“Wala. I just want you to be with her. Totoo ang sinabi ko noong una na siya ang babaeng gusto ko para sa `yo,” pagpapaliwanag nito. “Alam mo ba noong gabi bago lumabas ang article ninyo sa diyaryo? Sa mansion ka natulog noon. Napadaan ako sa kuwarto mo at narinig kitang umuungol. You said, “Lady you have a very sweet lips,”. Nakatatlong beses yata kitang narinig na sinasabi mo iyon. Nagtataka ako dahil first time kitang nakitang nagkakaganoon,

“At kinabukasan ay bumulaga nga sa akin ang article sa diyaryo tungkol sa isang babaeng nakahalikan mo. Then and there, nalaman kong hindi lamang basta endearment ang “Lady” na sinasabi mo sa panaginip mo. So ginamit ko ang taglay kong kakulitan at galing sa pag-arte para maglaro bilang si Kupido. Tinatanggi na sa akin noon ni Lady na hindi mo talaga siya boyfriend. Na aksidente lamang ang lahat. Alam ko iyon pero pinilit kong hindi maniwala para maggawa ko ang plano ko na i-matchmake siya sa `yo. And I guess, dahil sa ginawa kong ito, matutupad na rin ang matagal ko ng kagustuhang magka-apo,”

“So you play cupid, huh? You match me with Lady just because of that! Pinalabas niyo na hindi kayo papayag na hindi ko siya nobya dahil lamang sa nakita niyong article sa diyaryo! Paano kung hindi pala isang disenteng babae si Lady?!”

“Sa tingin mo ba hindi ako marunong mag-research, Anak? Kilala ko ang Nanay ng best friend ni Lady na si Claudine kaya madali lamang sa akin na malaman ang profile niya. Matagal ko na rin naman talagang gustong ipa-shotgun marriage ka dahil napakababaero mo. Pasalamat ka na lamang at pag-matchmake lamang sa isang babaeng malayong-malayo sa mga dine-date mo ang nagawa ko,”

“Okay, puwede kitang pasalamatan dahil nakilala ko ang isang babaeng katulad ni Lady dahil sa mga kaartehan mo. Masaya ako na nakilala ko siya at nakasama. Pero hindi mo ba naisip na baka siya ang hindi masaya sa akin?”

“Kung hindi siya masaya sa `yo, Anak, hindi siya magtatagal sa `yo. Pero sa nakikita ko, nahulog ang loob niya sa `yo dahil sa ginawa niyong pagpapanggap. Dahil kung hindi, hindi naman siya mag-effort na pumunta dito kahit alam mong busy siya. Isa pa, tinulungan ko din naman siya sa problema niya dahil ano na lamang bang iisipin ng kanyang ina kapag nalaman niya na nakipaghalikan siya sa isang taong hindi niya kilala? Worst, lumabas pa iyon sa diyaryo,”

“Fine. You solved her problem with her mom. Pero ang tanong, totoo bang nahulog na din ang loob niya sa akin dahil sa ginawa naming pagpapanggap sa harap niyo at ng pamilya niya?”

“Uh-huh. At sa tingin ko ay ganoon ka din, Anak. Kaya masayang-masaya ako na nag-playing cupid ako. Sabi na nga ba, lahat ng mga nagugustuhan ko ay umaayon sa panahon. Katulad na lamang noong gusto mo ng architecture pero pinilit kitang maging civil engineer, di kalaunan, nagustuhan mo din naman iyon dahil hindi niyo focus ang paggawa ng mga drawings hindi kagaya ng mga architecture students. You know, Anak, maniwala ka lamang sa salitang “Mother’s knows best” at makukuha mo ang kaligayahan mo,”

“So now you think I’m in love with her. Kailangan ko rin bang maniwala doon?”

“Bakit hindi pa ba? Alam mo anak, kung hindi ka talaga in love kay Lady, hindi ka matatakot ng ganyan dahil nararamdaman mong nagselos siya.”

Nasuklay niya ang buhok at huminga ng malalim. “Masaya ako na kasama siya. Ang sarap ng pakiramdam ko. Lahat yata ng first time ko sa babae ay nangyari sa kanya. First time na nakaramdam ako ng kakaiba ng hinahalikan ko siya. First time kong makaramdam ng elektrisidad sa katawan ko habang hawak-hawak ko ang kamay niya. I always want her to be with me. Ayaw ko rin na pinagtitinginan siya ng mga lalaki. . I don’t want to share her with anybody. I want her to be mine alone. Tapos simula nang makilala ko siya, parang siya na lamang ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay. Hindi na ako na-a-attract sa iba. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Ma. Bago ito sa akin. So tell me, in love na ba talaga ako? Si Lady na ba ang babaeng hinahanap ko?”

“Ay oo naman, Anak! Lahat ng sign na nararamdaman mo, ganyan din ang naramdaman namin ng Papa mo sa isa’t isa. So I suggest, anak, make it for real. Make Lady your real lady,”

He snorted. “Pero paano ko gagawin iyon? Huwag mong sabihing manliligaw ako sa kanya for real? Hindi ako marunong noon,”

“First time mong makaramdam ng ganyan kaya dapat lamang ay may gawin ka din na bagong first time sa buhay mo,” sabi ng kanyang ina at kinindatan siya.

LATE ng bumangon si Lady ng araw na iyon. Wala kasi siya sa mood ng araw na iyon. Para bang tamad na tamad siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niya. Nitong mga nakaraang araw naman ay palagi siyang masigla. Pero ngayon ay tila wala siyang kagana-gana.

Kahapon pa siya malungkot dahil sa naudlot niyang pagbisita kay Guji. Hindi ito nagparamdam sa kanya buong maghapon. Ni tawag o text man lamang ay hindi ito nag-abala para sa kanya. Lalo tuloy niyang napatunayan na wala talaga siyang halaga dito.

Bumaba siya ng hagdan at nagulat siya sa kanyang nadatnan. Nandoon si Guji, pormang-porma ito sa suot nitong gray na polo at slacks. May hawak pa itong pumpon ng pink roses habang may tila hinihintay sa sala nila.

Nang makita siya nitong bumababa ng hagdan ng bahay nila ay napatayo ito at ngumiti sa kanya. Inalalayan pa siya nitong parang si prinsesa habang bumababa siya.

“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya. Hindi siya sanay na nadadatnan niya tuwing umaga si Guji. Madalas ay tuwing hapon o gabi ito pumupunta sa bahay nila kapag hinahatid siya nito pauwi.

“Gusto ko lang. Masama na bang magpunta ako dito?”

Hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus ay tinignan ang itsura nito. “Bakit ang porma-porma mo? Ganyan ba ang epekto ng nagkasakit?”

“Eh kasi manliligaw ako, eh,” nakangiting wika nito at binigay sa kanya ang pink roses na hawak nito kanina.

“Manliligaw?” Ah, ganito nga talaga ang epekto ng nagkasakit.

“Oo. Manliligaw. Gusto kitang ligawan, Lady,” tila sincere na sincere na sabi nito.

Tumingin siya sa paligid. Hinahanap niya ang kanyang ina. “Ano namang kalokohan ito, Guji? Paano kung maririnig ka ni Nanay? Ano na lamang sasabihin niya ay ang boyfriend ko ay naging manliligaw ko ngayon?”

“Relax. Hindi na siya magtataka. Inamin ko na sa kanya ang lahat. Sinabi ko na sa kanya na nagkukunwari lang tayo,”

“Ano?” parang nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Ano bang mayroon sa `yo, Guji at ginugulat mo ako nang ganito?”

“Honey, I want us to be real,” mahinahong wika nito at ngumiti. “I want you to be my real girl. Ayaw ko ng magpanggap tayo. Gusto ko na ng totohanang relasyon,”

“Teka nga,” sabi niya saka pumikit-pikit. “Ano ba itong sinasabi mo, ha? Hindi kita ma-gets,”

“Nang kausapin ako kahapon ni Mama, I realized I am in love with you. I realized that don’t want us to be pretend lovers anymore. Gusto ko na ng totohanang relasyon. Iyong may karapatan tayo sa isa’t isa. Iyong puwede nating samahan ang isa’t isa na hindi iniisip na pagkukunwari lamang ang lahat ng ating ginagawa,”

Hindi makapaniwalang tumingin siya dito. Shock siya sa sinabi nito. Ito, in love sa kanya? Pareho din sila ng nararamdaman sa isa’t isa? “I don’t believe this,”

“Why? Wala ba akong kakayahang magseryoso?” tila may hinanakit sa boses nito. “Lady, alam kong babaero ako noon. Kung sinu-sinong babae ang nilalabas ko. But that’s before I met you. Nang makilala kita, nagbago na ako. Ikaw lang ang babaeng gusto kong palaging kasama dahil sa kakaibang pakiramdam na binibigay mo sa sistema ko. I love you, Lady,”

Hinawak-hawakan niya ang mukha nito upang tignan kung totoo nga talaga ito. Saka niya sinampal ang sarili niya para tignan naman kung nanaginip siya. Pero hindi. Totoong nasa harapan niya si Guji at nagtatapat ng pag-ibig sa kanya.

“Hindi ka ba naniniwala, Lady? Kung ganoon, I have my lifetime to prove it to you. Kaya nga nandito ako sa harap mo ngayon at nagsisimula ng manligaw sa `yo.”

“Seryoso ka ba talaga?”

“Oo naman,”

“Kung mahal mo nga ako, ibig sabihin ay mahalaga ako sa `yo. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may sakit ka kahapon kung mahalaga ako sa `yo?”

“Mahalaga ka sa akin, Lady. Kaya nga hindi kita tinawagan kahapon dahil ayaw kong maistorbo ka. Alam kong busy ka dahil nawala ka ng ilang araw sa negosyo mo,”

“I could be there, you know. Kaya kong iwan iyon. Pero ano ang ginawa mo? Naghanap ka ng ibang babae na mag-aalaga sa `yo. Ganyan ba talaga ang seryoso?”

“Hindi sinasadya na natawagan ko si Ladine kahapon kaya nakapunta siya doon. Pero kahit nandoon siya, hindi talaga siya ang kailangan ko kaya pinaalis ko din agad siya kahit masamang-masama ang pakiramdam ko at walang kasama,”

“Alam mo ba na pumunta ako doon kahapon?”

Tumango ito. “Pero nalaman ko lamang iyon nang dumating si Mama. Ladine didn’t tell me. She tricked me.”

Umingos siya. “Nagtatampo ako sa `yo, alam mo ba `yon? Kaya naman kitang alagaan. Puwede kong iwan ang trabaho ko para sa `yo. Pero nakita ko, iba ang kasama mo,”

“I’m sorry. Bukod kasi sa ayaw naman kitang istorbohin, naisip ko rin na baka naman hindi ka willing na alagaan ako dahil wala naman talagang totoong relasyon na namamagitan sa atin,”

“Parehas lang tayo. Kaya hindi ko rin nagawang ipaglaban ka sa harap ng Ladine na iyon ay dahil hindi naman kita tunay na nobyo. Hindi ko alam kung magiging tama ba ako sa lugar. Kung mas magiging mabuti pa sa sitwasyon na sumingit pa rin ako kahit nag-aalala ako sa `yo dahil may iba na namang nag-aalaga sa `yo,”

“Kaya nga gusto ko ng gawing totohanan ang relasyon natin. Gusto ko ng ayusin ang lahat. Isa pa, alam na naman pala ng lahat na nagkukunwari lamang tayo,”

Sinabi nito sa kanya kung paano nito inamin sa kanyang ina ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Naintindihan naman daw nito iyon agad dahil na-explain naman nito ng ayos ang lahat. Isa pa, umayon na rin ang Nanay niya dahil mabuti na naman daw ang intensyon sa kanya ngayon ni Guji lalo na at ngayon ay totohanin pa nito ang relasyon nila. Ngayon niya talaga napatunayan na malakas ang kapit nito sa kanyang ina.

Inamin din nito sa kanya ang ipinagtapat dito ng ina nito kahapon.

“So all this time, para lang pala tayong tanga na nagpapanggap sa harap ng Mama mo?” hindi niya alam kung maiinis o matatawa dahil sa ginawa ng Mama nito.

“Oo nga, eh. Pero mabuti na din iyon at napakagaling niyang umarte at hindi mare-resist ang charm ni Mama sa kakulitan. Nang dahil sa kanya at sa article na iyon sa diyaryo, nakilala kita nang husto at nakita ko na ang tamang babae para sa akin,”

Ngumiti siya. Tama naman ito. Sabagay, kung hindi dahil sa Mama nitong makulit at sa kinaiinisan niya noong article sa diyaryo ay hindi niya rin mararanasan kung gaano kasarap ang magmahal. Hindi niya makikilala at makakasama ang isang katulad ni Guji. Hindi niya sana mararanasan ang masayang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon lalo na at nalaman niyang pareho din pala sila ng nararamdaman nito.

“So, Miss Lady Joy Alonzo, puwede bang manligaw sa `yo ang lalaking nasa harap mo ngayon?” sabi nito at lumuhod pa sa harap niya.

“You don’t have to. Because I feel the same way, Guji,” masiglang sabi niya. Bumakas naman ang walang kapantayang saya sa mukha nito at niyakap siya. Gumanti rin naman siya ng yakap dito at hinalikan ito sa labi.

She was really happy now. Ngayon niya napatunayang hindi naman pala masamang umibig sa playboy lalo na at ang playboy na minahal niya ay isang lalaking handang seryosohin siya. Life was really good to her now. Tanging nahihiling na lamang niya ay sana ay magtuloy-tuloy ang kanyang kasiyahan at wala ng dumating pang kontrabida sa ngayong totohanan na nilang relasyon ng lalaking una niyang natutong mahalin.

HINDI NA muli gumising si Lady na walang gana. Araw-araw ay masaya ang gising niya lalo na at palaging may Guji na nag-aantay sa kanya sa pagbaba niya ng bahay niya. Kung noon ay tuwing hapon lamang ito doon, ngayon naman ay kahit umaga ay nandoon na ito. Palagi siya nitong inihahatid at sinusundo sa trabaho.

Katulad ng nais niya, naging okay ang relasyon nila ni Guji. Napakasaya niya ngayon lalo na at mas lalo pa itong naging sweet sa kanya. Halos araw-araw din itong may dalang bulaklak sa kanya. Kahit hindi na niya ito pinanligaw pa sa kanya ay para na rin siya nitong nililigawan sa araw-araw na ginagawa nito sa kanya.

So far, she feels like her life was now perfect. It became perfect because he found now her perfect match. Her perfect match that she can also say as the perfect boyfriend. Pinangako nito sa kanya na hindi na ito muli ma-a-attract sa ibang babae bukod sa kanya. Naniwala siya dito at ngayon nga ay isang buwan na ang relasyon niya at kitang-kita naman niya na siya lamang ang tanging babaeng pinag-uukulan nito ng pansin. Palaging siya ang kasama nito. Hindi sila nagsasawa sa presensiya ng isa’t isa.

Minsan ay nag-aaway sila pero agad din naman iyong nareresolba lalo na at ito ang unang sumusuyo sa kanya. Tanggap nito ang mga flaws niya at ganoon din naman siya dito.

Lahat ay masaya rin para sa kanila. Botong-boto sa isa’t isa ang bawat pamilya. Kahit si Claudine ay masaya sa kanya. Masaya rin siya para sa best friend niya dahil naka-move-on na ito kay Rene. May bago ng pumuporma dito na ibang-iba ang ugali kay Rene.

She feels so blessed because of the overflowing happiness. Sana nga ay magtuloy-tuloy na iyon hanggang sa katapusan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.