With You Series Chapter 30

“AYAW ko talaga ng pinagsusuot ako ng polo,” reklamo ni James kay Frances nang makababa na sila sa kotse nito. Ngayon ang wedding anniversary party ng magulang ng mga ito. At dahil na rin sa nagpumilit itong magpanggap silang magkarelasyon, iyon at napasubo na rin siya. Kahit naman kasi sa isip-isip niya ay ayaw niyang magpanggap sila, hindi na naman niya ma-kontrol ang puso niya na na-excite sa kaalamang magiging magka-relasyon sila kahit pagpapanggap lamang ang lahat. Her heart wanted to be closer to him.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “So ano ang gusto mong palabasin? Ipaglalandakan mo pa ang pagiging hubadero mo sa lahat ng tao rito?”

Ngumisi ito. “Actually, I’m planning to. Iyon nga lamang ay baka pagkaguluhan ako ng mga tao,”

Hinampas niya ito sa balikat. “Kapal!”

“Why? Eh ikaw nga noong una mo akong nakitang nakahubad ay nawala ka sa sarili mo, eh. Paano pa kaya ang ibang mga tao dito? Nag-iingat lang ako. Hindi pa naman ako nauusuhan ng bodyguard,”

Umiling-iling siya at pinagbigyan ang kayabangan nito. Tutal ay may katotohanan rin naman kasi ang sinasabi nito. “Sige na nga. Ayaw ko rin naman kasing masugatan ang mukha ko if ever may maakit nga diyan sa katawan mo at malaman na ako ang girlfriend mo,”

Ngumiti ito sa kanya pero hindi umaabot sa mata ang mga iyon. Nalungkot siya dahil sa reaksyon nitong iyon. Pakiramdam niya kasi ay hindi masaya si James sa ginagawa nila ngayong pagpapanggap. Na mukhang napipilitan lamang ito na gawin siyang girlfriend para sa kagustuhan ng Mama nito.

Pero ano bang aasahan mo, Frances? Na gusto niya ito dahil gusto niya ang ideya na maging girlfriend ka kagaya ng nararamdaman mo sa kanya ngayon?

Nainis siya sa sarili niya, lalo na sa puso niya. Masyado na siyang nagiging assumera dahil sa mga nangyayari sa paligid nila. Pero katulad rin ng madalas na dahilan niya sa sarili niya ay hindi naman talaga niya makontrol ang damdamin niya---nahihirapan siya. Palagi naman niyang iniisip na hindi siya puwedeng ma-in love kay James pero hindi niya mapigilang mapansin ang mga signs dahil na rin sa uri ng trabaho na mayroon siya. Sa tuwing nagsusulat siya ay palagi niyang iniisip si James ang hero niya at siya naman ang heroine nito. Kagaya ng mga karaniwang nobela, kapag makikita nito ang hero nito ay masaya ang heroine. Lumalakas ang tibok ng puso nito kapag nagkakalapit ang dalawa. At kagaya iyon ng nararamdaman niya kay James ngayon. Pakiramdam niya ay talagang nade-develop na siya rito.

Iyon nga lamang, parang hindi naman nito alam na kinukuhanan sila ng picture... Ito naman kasi ang hindi ma-“develop” sa kanya,

Hinayaan na lang niya ito sa gusto nitong gawin sa buong magdamag. Tutal ay naisip niyang wala naman siyang karapatan na magreklamo sa ginagawa nilang dalawa. Nakiusap lang naman ito sa kanya at siya lang naman ay nagpapaalipin dito dahil gusto rin naman niya.

Tumahimik na lang din siya sa mga sumunod na oras. Nagsasalita lamang siya kapag kinakausap siya ng mga magulang nito at ilan sa kaibigan ng pamilya nito. Naging okay naman ang lahat ng pangyayari at naging successful rin ang special performance nilang dalawa. James family actually loved it and even told them that it was the best gift they have received tonight. Marami rin ang nagustuhan ang “relasyon” daw nila at sinabing sana ay magtuloy-tuloy pa raw na maging maganda iyon.

Nang matapos ang party at napagpasyahan na rin nilang umuwi na. Pero bago nito iandar ang kotse pauwi ay tinitigan siya nito.

“O, bakit?” nailang siya sa ginawa nitong iyon kaya hindi niya mapigilang hindi magtanong kung bakit nito ginagawa iyon. Ilang beses na rin naman siya nitong tinignan nang ganoon sa buong durasyon ng party pero kahit naiilang rin siya doon ay hindi naman niya ito matanong kung bakit nito iyon ginagawa dahil baka may makahalata sa kanila. That was a usual boyfriend and girlfriend thing. Pero dahil ngayong wala na naman silang audience dahil tapos na ang party ay puwede na siyang magtanong.

“Bakit parang ang tahi---“ hindi nito tinuloy ang sinabi at umiling. “Ah, I mean thank you for today,”

“My pleasure,” pleasure naman niya talaga na gawin iyon dahil masaya siya na nagkakasama sila. Pero dahil ito ang mukhang hindi naman masaya at napipilitan pa, hindi niya gaanong na-enjoy ang pagpapanggap nila.

“Talaga? Eh bakit ang tahimik mo kanina?” doon na nito naituloy ang sasabihin malamang nito kanina.

“Hmmm... Kailangan bang dumaldal ako nang dumadaldal? Mas lalaki ba ang value ko sa magulang mo if ever ganoon ang ginawa ko?”

“I like you being talkative and not being the loner like you before,”

“Talaga lang, ha?” Mas like daw ngayon samantalang ang layo nga ng treatment mo sa akin ngayon kaysa noon. Dati kasi, ako lang ang espesyal na babae mo. Samantalang ngayon iba na...

“Is there a problem?”

“H-huh? Wala naman. Baka ikaw ang may problema,”

Nanahimik ito pero nanatili lamang nakatingin sa kanya, particular sa mukha niya. Lalo siyang nailang na mapansin niyang sa iisang parte lamang ng mukha niya ito nakatingin---sa labi niya. Napalunok siya dahil parang nawalan yata siya ng laway sa lalamunan niya. Ano ang gagawin nito sa kanya? Hahalikan ba siya nito?

Ngunit nang tumingin ito pababa sa kanyang leeg at bumuntong-hininga ay gusto niyang batukan ang sarili niya. Masyado na talaga siyang nagiging asumera. Kung noon ay nagpapasalamat siya sa pagkakaroon niya ng malawak na imagination, ngayon ay naiinis na siya roon. Hindi naman siya ganoon sa mga lalaki noon. May mga kaklase rin siyang lalaki noon pero wala naman siyang maramdamang kagaya ng nararamdaman niya kay James. Kay James lang talaga lumalawak ang imagination niya, ito lang ang nagpapalakas ng tibok ng puso niya at most of all ay gumugulo rin sa dating wala namang saltik na utak niya.

“You’re right. Ako nga ang may problema,” sabi nito pagkatapos bumuntong-hininga. Inilagay nito ang tingin sa manibela saka sinimulang i-start ang makina ng kotse nito. Hindi na lang siya nagsalita dahil hindi niya sigurado kung sino nga ba talaga ang may problema sa kanilang dalawa kahit na ba malaking bahagi ng isip niya ang nagsasabing siya talaga ang may problema. At nanggagaling ang problemang iyon sa puso niya na nahuhulog na yata talaga rito. Dahil kung hindi, bakit siya makakaramdam ng lungkot noong naramdaman niyang parang ayaw nito sa ginagawa nilang pagpapanggap?

Pero magulo rin talaga siya, eh. Kasi pinapahalata niya sa aking hindi naman niya talaga ito gusto tapos ngayong iniiba ko ang pakikitungo sa kanya, nagtatanong naman siya kung anong problema ko.

Hindi na lang niya pinansin ito habang nagda-drive ito at itinuon na lang niya ang sarili sa pag-iisip kung ano pa ang dapat niyang gawin sa mga susunod na araw na makakasama niya ito. Iyon naman talaga kasi ang dapat na binibigyang pansin niya ngayon. Kung hindi pa kasi siya magpapasya kung anong gawin niya, baka mas lalo pang lumalim ang pagtingin niya rito na alam niyang sa wala lang naman mapupunta.

She analyzed everything in the car. Her feelings and all the possible consequences of those. Para namang nakikisama rin ang panahon sa pag-iisip niya dahil umuulan habang nasa biyahe sila. But she also took it as a symbol of the feelings she was encountering today. It was rainy and for her, rain is a bad and sad weather. Kagaya na lamang ng weather na nararamdaman niya habang nagdedesiyon siya kung ano nga ba talaga ang dapat niyang gawin.

It was a hard descision but she need to arrived with one conclusion. When James pull the handbreak of his car to park it on the garage of his house, she arrived in the most hardest decision she had ever encounter:

Don’t entertain her feelings to him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.