Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 23

Clench Gabriel Belmonte's POV

Naglalakad ako sa hallway ng Laurente nang may mahagip ang mga mata ko.

"Nurse Rozel!?" Tinawag ko ang isang babaeng naka-uniform na puti. Lumingon siya sa gawi ko at awtomatikong gumuhit ang ngiti niya.

"Clench? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiti niyang pangungumusta sa akin.

"Magaling na ko, Nurse Rozel" nakangiti ko ding bati sa kaniya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Dito ako nagaaral, third year student. Nursing"

"Woah! Akala ko nurse ka na talaga hihi"

Lumapit siya sa akin at sinilip ang ulo kong may sugat pa ng kaunti.

"Tingnan ko, huh?" Sinipat-sipat niya ang ulo ko. "Okay ka na nga"

"Syempre, magaling ka mag-alaga e"

"Salamat, Clench. Paano ba 'yan mauna na ko? May klase pa ko" ngumiti siya nang malapad.

"Sige, Salamat ulit!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nagpaalam na siya at nagmadaling umalis. Pinanood ko nalang ang paglakad niya papalayo.

Ganda ng ngiti niya.

Javen Flair's POV

Tinatahak ko ang daan pauwi ng bahay. Dumaan muna ako sa restaurant at kakain dahil malamang walang pagkain sa bahay.

Mag-isa nga lang ako diba?

"Good evening, Sir" bati ni Cris sa akin nang makapasok ako sa Rosa Restaurant.

"Good evening, Cris. Dito ako kakain, ihanda mo 'ko ng paborito ko pero kaunti lang dahil baka 'di ko maubos"

"Opo, sir!" Masiglang sabi ni Cris habang nakangiti.

Umupo na ako sa table kung saan parati naming pwesto noon ng pamilya ko. Si dad ay nasa trabaho pa din ilang araw ng 'di umuuwi.

Maya maya pa ay dumating na si Cris at inihanda ang pagkain. Kumain na ako at matapos ay nagpaalam na sa kanila. Papunta ako sa kotse ko may kalayuan ang pinagparadahan ko no'n nang biglang bumuhos ang ulan.

Nagmadali akong tumakbo at hinanap ang kotse ko. 'Di ko makita sa dilim at sa malabong paningin dahil sa ulan. Nababasa na ako.

Laking gulat ko nang sa kalilingon ko ay wala ng tumulong patak ng ulan sa katawan ko. Nang tumingala ako ay may payong na nakasaklob sa akin. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng mga kamay na may hawak ng payong.

Isang babaeng matangkad, maganda, matangos ang ilong, bagay ang kulot na buhok at mestisa.

"Salamat" mahina kong sabi.

"Saan ba ang punta mo at ihahatid na kita?" ngumiti ang babae.

"I'm finding my car" lilinga-linga kong sabi.

"Okay, sumukob ka lang dito sa akin hanapin natin"

Hinanap namin ang kotse ko naiilang ako dahil bihira naman ako makipag-usap sa babaeng hindi ko naman talaga kilala. Nang mahanap namin ang kotse ko ay binuksan ko na agad 'yon. Pumasok ako ng kotse ko at ibinaba ang windshield.

"Salamat, ano nga palang pangalan mo?" Sabi ko habang nakasilip sa bintana ng kotse.

"Diamond, Diamond Baider" at saka siya ngumiti nang pagkalawak-lawak.

"I'm Jave, Salamat ulit" hindi ko na siya masiyadong pinag-aksayahan pa ng atensyon.

Iyon lang at pinaandar ko na ang kotse ko.

'Di naman pala talaga masamang makipagkaibigan sa babae. Masyado lang siguro akong nakulong sa mga alaala ni mommy.

Teka? Diamond? Baider? Hindi kaya kamag-anak 'yon ni Mr. Laurent Baider? Ang may-ari ng school?

Eleina Zeal's POV

Katulad ng dati kapag wala akong magawa sa buhay ko ay umaalis ako. Magagabi na. Wala pa rin naman ang mga kuya ko nasa school. Si kuya Zen ay nakaduty, sila mom and dad ay maya maya pa 'yon. Si nay Purita lang ang nasa bahay. Nakarating ako sa park na malapit sa amin.

Inilabas ko ang speaker na dala ko at pinatugtog iyon.

Fight song

By: Rachel Platten

Like a small boat

On the ocean

Sa una ay kumakanta lang ako habang sinasabayan ang liriko ng tugtog hanggang sa 'di ko na mapigilan, tumayo na ako at sumayaw.

And all those things I didn't say

Wrecking balls inside my brain

Ikinembot-kembot ko ang baiwang ko nang mabagal na para bang interpretative dance. Nakangiti akong sumasayaw habang kumakanta na rin.

This is my fight song

Take back my life song

Prove I'm alright song

In-enjoy ko ang bawat beat ng tugtog. Tumatawa habang sinasayaw ang kanta sa sarili kong paraan. Tumingkayad ako at ginawa ko ang ballerina with hiphop na bumabagay sa beat. Ito na nga siguro ang trademark ko ang sumayaw ng walang pakialam sa mga taong nakakakita kung mayroon man. Hindi sa paraang ginagawa ng iba kung hindi sa paraang ako lang ang nakakagawa.

Nang matapos ang kanta ay nagulat ako sa malakas na tunog nang kulog at may gumuhit na kidlat. Siguradong uulan.

Natigilan ako nang marinig ang palakpak ng kung sino.

"Ang galing mo!" Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon.

"Kean, anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.

"I saw you going out that's why I follow you" nakangiting sabi niya.

Inalalayan ako ni Kean para makaupo sa mahabang upuan na ando'n.

"You never failed to amaze me" nakangiti siya habang malayo ang tingin. "You're talented, teachers are talented haha" tumingin siya sa akin na may malaking ngiti sa labi.

"Salamat" nahihiya kong tugon.

Ilang segundong nagkaroon ng katahimikan. Pinapakiramdaman ang isa't isa.

Masaya ako na makita ka dito kahit na hindi kita lubos na maunawaan.

Kung sasagutin ko ang tanong sa isip ko kung may gusto ka ba sa akin ay isasagot ko ang 'oo' base sa kilos mo pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil saiyo para lubos mong ipahayag iyon sa akin.

"Let's go home. Baka umulan" sabi niya sa akin at hinila ako.

Hawak niya ngayon ang aking pulsuhan na 'di ko mapigilan na mapatitig.

Tahimik lang kaming naglalakad nang may unti-unting malalaking patak ng ulan ang tumama sa aming mga balat.

"Bilisan natin" mas hinila ako ni Kean, sumunod lang ako sa kaniya.

Hanggang sa lumakas na ang ulan. Naamoy ko ang alimuom, 'yong amoy na galing sa lupa. Nagtakip ako ng ilong dahil alam ko ang concept na ito sa science. Pumupunta sa ilong mo ang pathogens na pwedeng mag-cause ng disease or infection kaya madalas na nilalagnat ang mga tao kapag umulan dahil may nakakapasok na foreign bodies sa katawan, nilalabanan 'yon ng defense mo upang mailabas iyon. Hindi dapat ulo ang tinatakpan kapag umuulan kung hindi ang ilong at bibig. Lagnat ang palatandaan ng infection.

"Tara do'n" tinuro ni Kean ang waiting shed na may kapirasong bubong.

Nang lingunin ko siya ay natawa ako dahil nakatakip din siya ng ilong tulad ko.

"Why are you laughing?" nagtataka niyang tanong.

"Dahil ang talino mo" nakabungisngis ako habang nakatakip pa din ang kamay sa ilong.

"In love ka naman" natigilan ako nang gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya. Nakita ko iyon dahil sa paniningkit ng mga mata niya.

Mata palang ay gugustuhin ko na siyang mahalin! Woah! Ibang klase ka, Elle!

"Why you're so handsome?" Mahina kong sabi.

"Because I born like goddess" nagulat ako at tiningnan siya. Sa sobrang hina no'n ay 'di ko aakalaing maririnig niya. "Malakas ang pandinig ko" sinabi niya iyon na para bang nahulaan ang tanong ko.

"Stop staring at me pinage-exercise mo ang puso ko" nanlaki ang mga mata ko nang mahulaan kung ano ang ibig niyang sabihin.

'Bumibilis ang pagtibok ng puso niya'

Dug.dug.dug.

"Hindi lang ikaw ang ganyan ang puso. Kahit ako" pabulong kong sabi.

"Edi feeling is mutual" nanlaki nanaman ang mata ko nang narinig niya nanaman ang sinabi ko.

Dug.dug.dug.

"Anong klaseng eardrum mayroon ka ng makapagpagawa din?" Natatawa kong tanong.

"In born." Tumawa siya nang malakas.

Napatitig ako sa tawa niya.

Ang pogi niya naman.

Kahit simple lang ang usapan ay para bang hirap na hirap akong huminga dahil sobra ang pagdagundong ng puso ko.

Kahit habang buhay tayong ganito okay lang sa akin basta ikaw ang kasama, Kean.

Napangiti ako sa naisip.

"Don't smile" nakakunot niyang sabi.

"Why?" nagtataka kong tanong.

"Ahm. Nothing" naiilang siyang tumingin sa akin.

"Tara?" yaya ko. 'Di ko na siya hinayaan makasagot at hinila ko na siya sa braso.

Nagpaulan kaming dal'wa. Nagulat ako nang humawak siya sa baiwang ko at ilagay ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Can we dance under the rain?"

Dug.dug.dug.

'Di ako nagsalita sa halip ay ngumiti ako.

Nagulat ako nang may mag-play, saglit kong sinulyapan ang speaker ko na nasa waiting shed. Nakalimutan ko pala iyon.

Siguro ay dinala ni Kean.

Mahinhin kaming nagsayaw sa ilalim ng ulan.

KLWKN

by: Music Hero

Dug.dug.dug.

Walang mapaglagyan ang tuwa sa dibdib ko. Bumubuhos ang emosyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa.

"Tanaw pa rin kita, sinta..Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala..Sa tuwing nakakasama ka..Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata..Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay.. Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay" napapikit ako nang lumapit si Kean sa tainga ko at sinabayan ang kanta na animo'y para sa akin ang binibigkas niyang liriko ng kanta.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan..Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan..Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan... nating dalawa...nating dalawa" 'Di na niya napigilan na yumakap sa akin nang sobrang higpit habang kumakanta pa rin.

Hindi ko alam kung saan nangagaling ang emosyon niya pero kung anuman iyon ay sobrang sarap sa pakiramdam.

Hanggang bumitaw siya sa pagkakayakap at inilapit ang noo sa noo ko. Unti-unting inilalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang maging gahibla nalang ng buhok ang pagitan.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

*Beeeeeeeeeeeeep!

"Hoy! Tumabi nga kayo! Diyan pa kayo naglalambingan sa gitna ng daan! Ang cheap"

Sabay kaming napalingon sa liwanag ng kotseng nasa harapan namin. Kung kanina pa 'yon nando'n ay hindi ko alam. Masyado kaming nalunod sa masayang pakiramdam na iyon.

Hinila ako ni Kean at tinabi sa waiting shed.

"Sorry sa panirang moment ng daddy ko. Hikhik Tuloy niyo na 'yan! Labing-labing na ulit kayo!" Sigaw ng isang batang lalaki na nakasilip sa likod ng kotseng sumita sa amin.

Sabay kaming napakamot ni Kean sa ulo.

"Ano--Elle-- tara na, huminto na ang ulan" nahihiyang sabi ni Kean habang nagkakamot ng ulo.

"Tara."

Hanggang makarating kami sa harap ng bahay namin ay walang nagsasalita pero parehas na may ngiti sa labi. Minsan ako ang sumusulyap pero minsan ay siya.

Nakahiga ako sa kama ngayon at humarap sa bintana.

I will never forget this feeling. I know that you like me too. I can see the spark in your eyes. I have no reason to sleep with fear of dreaming the same nightmare because from now on, no matter how bad my dream. I know, I wake up with the beautiful reality...

And that is, because of you...

KEAN PATRICK VALENCIA...❤

Dug.dug.dug.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.