Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 28

Elleina Zeal's POV

"Nandiyan si Kean!" Nakangiting sigaw ni Kuya Zen.

"Anong ginagawa niya dito?" Nakangiti kong sabi.

"Bumaba ka at ng malaman mo" iyon lang at tinalikuran na ako ni Kuya Zen.

"Hi, beautiful" nakangiting sabi ni Kean.

"Hello, handsome" nilingon ko ang bugkos na bulaklak na hawak niya.

"For you" nakangiti niyang inabot iyon sa akin.

"Salamat" nakangiti kong sabi.

Ahhhhhh! Kinikilig ako!

Wait? Nanliligaw ba siya?

"Can I invite you in my room?" Napatitig ako sa ngiti niya.

"Hoy anong room 'yan, huh?" Sigaw ni Kuya Zeke

"Kuya Zeke," tatawa-tawang lumapit si Kean kay Kuya Zeke at tinapik ito sa balikat.

"May ipapakita ako kay Zeal"

"Siguraduhin mo lang Kean!" May masamang tingin siya kay Kean. Lumingon-lingon at tila may hinahanap. "Nasan ba si Jave?"

"Why are you finding him?" Nakakunot na sabi ko.

"Wala! Papuntahin mo siya dito at magdi-dinner!" Masungit niyang sabi sa akin.

Ano nanaman ba 'yon? Masyado naman yata silang naging close?

"Kuya Zeke, kuya Zen" baling ni Kean sa dal'wa. "Aalis na kami ni Zeal"

Tango lang ang tugon ng dal'wang kuya ko.

"Anong gagawin natin sa room mo?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay. Ngisi lang ang tugon ni Kean.

"Hoy ano ba Kean!" Palo ko sa balikat niya.

"Basta"

Binuksan niya ang gate nila at pumasok kami sa bahay nila. Malaki, maganda, at malinis.

"Walang tao dito" nakangising sabi ni Kean.

"Hoy! Uwi na ko" akma akong tatalikod. Hinawakan niya ko sa braso.

"Easy! Masiyado kang kabado"

Umakyat kami ng hagdan at binuksan niya ang isang kwarto do'n.

Pagpasok ko naamoy ko agad ang amoy ni Kean doon. Panlalaki, kulay blue na dingding at halatang malinis sa katawan.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto. Gulat kong tiningnan kung ano ang gusto niyang ipakita.

"Ang ganda niya" sabi ni Kean habang nakangiti at nakatingala sa mga drawing na ando'n.

Natutop ko ang bibig ko ng makitang lahat yo'n ay mukha ko. May nakangiti, nakatagilid, may nakatingin sa malayo, may nakasimangot, nakakunot ang noo, lumilipad ang buhok at marami pang iba.

Sa idrinawing niya para bang kabisadong-kabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko at bawat ekspresyong ipinapakita ko. Natawa pa ko nang makita ang mukha kong umiiyak.

"Ang ganda! Ang galing! Ikaw ba ang nagdrawing nito?"

"Sino pa ba?" Sabi niya sa mayabang na tono at nagkibit balikat pa.

"Woah! May talent ka pala"

"May isa pa" tinanggal niya ang kurtinang nakatabing sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa 'yong painting.

(Mitz note: 'pag sinabing drawing walang kulay 'yon as in black and white pero kapag painting, colorful ^_^)

Isang painting ng mukha ko, nakangiti at ang saya nang mga mata.

"Iuwi mo 'yan para sa'yo talaga 'yan"

"Thank you!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

KINABUKASAN

"Good morning, beautiful" poging-pogi si Kean sa malaking ngiti niya

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Kean na nakasandal sa kotse niya.

"Good morning, handsome" ngiti ko rin.

"I'm your driver from now on"

"Huh? Bakit? Sino may sabi?"

"Ako" napalingon ako sa likod ko..si kuya Zen.

"Kay Kean ka na sumabay.. palagi"

"Why?"

"Dahil utos ko" ma-awtoridad na sabi ni Kuya Zen.

"Okay"

Parehas kami ni Kean na nakangiti habang tinatahak ang daan papuntang Laurente. Inopen niya ang player at pinatugtog ang “KLWKN

by: Music Hero”

Pakiramdam ko 'yon ang team song namin dal'wa.

Hinatid niya ko sa room at nagpaalam na rin.

"See you later, Beautiful"

"Get your microscope" sabi ni Ma'am Katharina.

Nagmadali ang lahat na kumuha ng microscope.

"Ano kaya ang sisilipin natin ngayon?" Nakangiting sabi ni Carme habang nilalapag sa table ang microscope.

"Get onion here at the table and cut it into thin pieces. Silipin niyo sa microscope, idrawing at lagyan ng parts ang cell"

"I'm so excited" parang kinikilig pa na sabi ni Carme.

At iyon nga ang ginawa namin.

"Kunting adjust pa ng coarse adjustment knob" mahina kong sabi habang sinisipat ang specimen sa loob ng microscope.

Kulay light red or violet 'yong nakikita ko. Nakikita ko rin ang cell wall at cytoplasm no'n.

Maya maya pa ay drinawing ko na. Silip naman nang silip 'tong si Carme sa gawa ko.

Sinulat ko sa taas ang pangalan na 'Onion'

Allium cepa

(Mitz note: scientific name ng onion ay Allium cepa)

Naputol ang lapis ko kaya naghalungkat ako sa bag ko ng pantasa. Nilabas ko ang notebook ko sa botany, may nalaglag.

Dinampot ko kung ano 'yon at binuksan. Isang light pink na papel at nang buksan ko ang notebook ay may nakasalipit na red rose.

Dear Cherish,

Let me feel that you're here beside me...

Let me smile when I see your face...

Let me hold you in my heart...

Let me watch you from the distance...

Let me dream about you...

Just let me love you every single day...

Smile ^_^

- Unique Personality

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Sino ka kaya? Kilala ba kita?

Cherish? Sino 'yon? Baka namali 'to ng pinaglagyan na bag pero napangiti ako sa rose. Kinuha ko iyon at inamoy. Ang bango!

Kung nagkamali lang ang naglagay nito salamat pa rin. Ito ang pinakamagandang bulaklak na gugustuhin kong makita araw araw.

"Ano 'yan bagong admirer?" Nilingon ko si Carme.

"Hindi ah! Baka nagkamali lang" tanggi ko agad.

"Ikaw huh! Napapatanong na tuloy ako sa beauty ko" nakataas ang gilid ng labi ni Carme habang sinisilip ang letter ko.

"Wala nga ito!" Iyon lang ang nasabi ko at nag-drawing na muli.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Flair nakangisi. Sinamaan ko siya nang tingin. Psh! Mang-aasar nanaman panigurado 'yan kapag nakalapit. At 'di nga ko nagkamali 'pag labas namin ng room ay nasa tapat na siya ng room kasama si Kean.

"Siguro bulag ang nagbigay niyan?" Nakangisi niyang sabi.

"Ewan ko saiyo! Chupi!" Tinulak-tulak ko siya para hindi makalapit sa akin.

Puro pang-aalaska! Siguro hindi kompleto araw niya kapag hindi ako inasar.

Sana si Kean ang nagbigay nito pero 'pag tingin ko sa kaniya ay inosente ang mukha niya at kung siya man ay 'di niya na dapat ilihim pa.

Sana si Kean nalang dahil sino ba naman ang magbibigay ng bulaklak at letter? Si Clench? Impossible!

Pero bakit Cherish? 'Ayon nanaman ang tanong kong iyon.

Cherish as in Great love?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.