Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 39

Elleina Zeal's POV

Ilang linggo na ang lumipas, masaya lang kami na nag-aaral matatapos na rin ang sem kaya naman todo review kami. Maayos na rin ang lagay ni Carme kaya nakakapasok na siya.

Nang matapos ang mga exams for final ay pagod kaming umuwi sa kaniya-kaniya naming bahay para makapagpahinga.

Nasa sala ako ngayon at nakikipag-kulitan kay kuya Zeke at Zaimon nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Handsome ko

My beautiful, let's date later. 7 pm at Rosa Restaurant. I love you!

Kinilig naman muna ako bago mag-reply. Wahhhh!! Magde-date daw kami!

Nagtype ako agad.

To: Handsome ko

Okay. See you later. I love you too. Mwa!

Saka ko itinago ang cellphone ko at tumakbo papunta ng kwarto.

"Hey! Princess! Madapa ka!" rinig ko pang saway ni Kuya Zeke pero 'di ko na siya pinansin at dali-dali akong pumunta sa closet at namili ng damit.

Gusto ko 'yong sexy! 'Yong tipong mapapatulo ang laway ng handsome ko! Aissshhh!! Nakakakilig!

Sumilip ako sa veranda ng bahay nila pero mukhang wala siya do'n. Maya maya tumunog ulit ang cellphone ko.

From: Handsome ko

Si Rev ang magsusundo saiyo, Beautiful ko. Ingat ka papunta sa resto huh?

Si Rev? Bakit siya? Ahm 'di bale na!

Nagtype ulit ako.

To: Handsome ko

Sige po! Take care too!

Naghalungkat na ulit ako ng damit na pwede kong isuot sa huli ay nakita ko ang isang silky black na medyo lalabas ang clavicle ko at dibdib ng kunting-kunti lang naman. Sleeveless at backless! daring huh? Kainis! Siguradong mahihiya ako sa suot kong ito.

Tiningnan ko ang mga heels na nando'n 'di ko naman sinusuot 'yon. 'Di ako bumibili ng ganito puro regalo lang ito. Kung magsusuot man ako ay sa party pero ngayon itra-try ko. For you my Kean. Aishh! Wala pa man lang ang kinikilig na ako.

Time check: 5:40 pm

Ang tagal ng oras! Pero naligo na 'ko at naglinis mabuti ng katawan. Sobrang excited ko!

Lumabas ako ng naka-robe lang. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Kailangan sobrang ganda ko 'yong tipong 'di na maaalis ang tingin ng handsome baby ko sa akin!

Nanood ako sa youtube pa'no magkilay haha maya-maya pa ay sinubukan ko na kahit na medyo makapal naman ang kilay ko ay naglagay pa din ako. Okay naman maayos na ang kurba! Nilagay ko na rin ang contact lens ko.

Naglagay ako ng concealer at foundation pero minake sure ko na 'di sobrang puti dahil ang kulay ko ay morena clara saktong light brown lang. Nanood din ako pa'no mag-nose line dahil 'di katangusan ang ilong ko pero sakto lang, tingin ko ay bumabagay sa mukha kong maliit. Kinuha ko ang lipstick na red. Ito 'yong regalo sa akin ni Carme. Siya lang naman ang mahilig maglagay ng kung anu-ano sa mukha. Bumagay sa akin ang lipstick! Naglagay din ako ng kunting blush on at sinuklay ko lang ang bagsak na buhok ko. Ayaw ko ng kung anu-anong rebound dahil okay naman ang buhok ko.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. 'Ayan ang ganda mo na Elleina Zeal!

Time check: 6:30pm

Hala ang bilis ng oras! Kumuha ako ng pair of earrings at necklace na silver at isinuot iyon. Dali-dali akong lumabas, nasa sofa na si Rev at iniintay ako.

"Woah!" sabi ng mga kuya ko.

Si Rev naman ay nanlaki ang mga mata.

"Princess, you're so beautiful" sabi ni Kuya Zaimon at umakbay sa akin.

Lumapit din si Kuya Zeke at Zen.

"Ang cute-cute mo talaga" pinisil ni Kuya Zeke ang kanan kong pisngi at ang kaliwa naman ay kay Kuya Zen.

"Ugh!! Masisira ang make-up ko!" inis ko silang tiningnan ng masama.

"Minsan lang maging clown 'yan kaya tigilan niyo na" sabi ni kuya Zaimon, kinurot ko naman ang braso niyang naka-akbay sa akin.

"Anong clown huh!" Umikot ako sa kanila na parang prinsesa.

"Ang ganda!" Nama-manghang sabi ng mga kuya ko at kumikislap pa ang mga mata.

Nagpaalam lang ako sa kanila at sinabing aalis na kami ni Rev.

Time check 6:40 pm

"Ang ganda mo ngayon" sabi ni Rev habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse. "Kapag nakita ka ni Kean siguradong maibubuga niya ang lahat ng tubig na ininom niya "

Napa-bungisngis ako sa sinabi niya, si Rev talaga kahit kailan palabiro.

Kwento lang nang kwento si Rev habang nasa byahe kami. 'Di ko naman iniintindi tango lang ako nang tango. Masyado akong excited at hindi maiwasan ang ngumiti nang malapad.

Hay. I'm so inlove with my Mr. Handsome. ^_^

Umaapaw ang nararamdaman kong kilig at saya. Pakiramdam ko proposal na 'to. Char! Assuming lang.

Lumipad lang ang isip ko sa masayang pag-iimagine ng future namin ni Kean. Feeling ko magmamahalan kami habang buhay . Kainis! Ang sweet nang naiisip ko!

Nang makarating kami sa Rosa Restaurant ay naka-close iyon parang walang pinapapasok na tao kung hindi kami lang.

Pagpasok ko namangha ako sa ganda ng lugar. Kahit noon pa man ay namamangha na ko dito. May part kasi na open field tipong makikita mo ang ilaw na nagmumula sa iba't ibang building.

Dahil malakas ang pang-amoy ko naamoy ko na kaagad ang amoy ng paborito kong Rosas na ipinalibot sa buong resto. Punong-puno at may mga petals na nakakalat sa sahig. Napangiti ako ng makita si Cris. Siya 'yong waiter na nagkamaling pinagbigyan ako ng rose dati pero napasaya niya ako sa segundong iyon dahil adik talaga ako sa rosas. Ito ang bumubuhay sa akin sa tuwing may hinanakit ako sa buhay.

Lumapit si Cris sa akin at iniabot ang isang bugkos ng red rose. Ngumiti ako sa kaniya dahil halatang naiilang siya sa akin.

"Bouquet of Flower for the beautiful, loving and caring lady" nakangiti niyang sabi at natawa naman ako.

"Sigurado ka bang para sa akin na ito?" pagbibiro ko sa kaniya at bumungisngis naman ito sa akin. Inabot ko ang bulaklak.

"I'm really, really, really, really, really sure" sabi niya sa tonong sigurado talaga at saka nagkamot ng noo niya.

"Talagang talaga?" pangaasar ko pa.

"Yes, ma'am! Sorry for the last time hihi" sabi ni Cris at nag-peace sign pa.

Nginitian ko siya at nagdiretso na sa kaisa-isang lamesang nando'n.

Ang lamesa ay may rosas sa gitna at may mga kandila. Napakaganda! Sa pinaglalagyan ng mesa ay matatanaw ang nag-gagandahang mga ilaw galing sa labas maging ang bituin at buwan.

Nakita ko si Flair na manghang-mangha sa itsura ko. Ngiti lang ang ibinigay ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.