Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 85

Elleina Zeal's POV

Masaya akong lumabas ng classroom dahil gaya ng usapan kala Flair ako matutulog ngayon.

Pahinga makakamit na kita!

Masigla akong tumakbo papunta kay Flair nang makita siyang naghihintay sa akin.

Ibinuka niya ang mga braso at hinihintay ang yakap ko.

"Baby" malambing kong pagtawag sa kaniya.

Yumakap ako at naramdaman ko ang higpit ng yakap niya.

"Too sweet" 'ayon nanaman ang pagmamaktol ni Kean.

I admire Kean for loving his bestfriend to the point that he's not mad at Flair even if I'm his ex. They cheer each other anytime, in any form of support. They have different understanding when it comes to what makes their bestfriend happy.

Sa sobrang tuwa ko kay Kean ay ngumiti ako sa kaniya dahilan para ikagulat niya pero ngumiti na rin.

We don't have long civil conversation after the break up. Maybe because I can't talk to him.

Kung hihingiin niya ang kapatawaran ko ay ibibigay ko na sa kaniya ngayon. Pinapatawad ko na siya naintindihan ko ang ginawa niya dahil ngayon lang nag-sink in sa isip ko na may buhay na nakataya para lang sa kaligayahan naming dal'wa pero hindi ko itatangging mas mahal ko si Flair.

I don't know, but I feel something's different for my love to Flair. It's not an ordinary love.

Can I say, It's true love.

My true love, impakto.

"How's your day?" nakangiting sabi ni Flair at umakbay sa akin.

Dug.dug.dug.

Ang saya ng puso ko.

"Tired, but now I can rest!" masigla kong sabi at yumakap sa braso niya.

Kung makapag-lambingan kaming dal'wa ay parang hindi kami nag-away noon. 'Yong mga araw na kamuhian ko siya at gano'n din siya. Mga asaran na nakasira ng araw ng isa't isa. Nakakatuwang isipin pero do'n kami nagsimula.

"Hey! You're too clingy" singit ni Clench sa gitna namin pero tumawa siya ng malakas nang makita ang masamang tingin ni Flair.

"Oh, tingnan mo. Ganiyan ang pakiramdam ng sumisingit sa gitna" pang-aasar niya kay Flair at tumakbo sa likod ni Lance.

"Kapag sinuntok ako ipagtanggol mo ako" sabi niya kay Lance.

"Coward" pang-aasar ni Lance kay Clench.

"Alis ka nga diyan!" tinaboy ni Carme si Clench.

"Hays. Alone" malungkot na sabi ni Clench.

Kawawa naman palaging mag-isa.

"Get your own girlfriend na kasi" sabi ni Ali.

"Ayan oh. Si Arah" turo ni Rev kay Arah.

Sabay ngumiwi ang dal'wa at nangdiri.

"Eww" - Clench

"Yuck" - Arah

"Walang talo-talo usog ka do'n" sabi ni Clench kay Arah. Lumayo naman si Arah.

Parang may naalala ako sa ganiyan, eh. pero malabo dahil may nurse si Clench at si Arah ang gusto ay si Kil.

"Anong nangyari sa nurse mo Clench?" nakangising sabi ni Carme. "Siguro busted ka nanaman? Mang-aagaw ka kasi ng pagkain"

"Hoy hindi!" tanggi ni Clench. "Study first lang talaga siya" malungkot na sabi ni Clench.

Nang marating namin ang parking lot ay inalalayan ako ni Flair makaupo sa kotse. Nagpaalam lang ang bawat isa.

"Tulog lang huh?" paalala ni Carme pero nakangisi.

Nakita ko rin ang ngisi sa labi ni Lance. Hays! Kainis silang dal'wa!

'Di ko sila pinansin at tumingin nalang sa unahan. Bakit ba ang dumi ng isip nila? Wala naman kaming naiisip na gano'n. Ewan ko lang itong katabi ko. Nilingon ko si Flair pero seryoso lang na nakatutok ang mata sa pagda-drive.

See? Behave kaya ng baby ko.

Pagkadating namin sa bahay nila ay nakita ko si Manang Cora, Buknoy at Mr. Imperial na nasa kusina na at naghahanda ng pagkain.

"Flair, anak" masayang tawag ni Mr. Imperial.

"Good evening po, Mr. Imperial"

"Dad"

"Good evening din, hija. Daddy nalang" ngumiti siya pero halatang nagbibiro. Halatang may pinagmanahan si Flair. "Tamang-tama ang dating niyo kakain na"

"Jeb, paupuin mo na nobya mo at ng makakain na tayo"

Umupo kami ni Flair. Nilagyan ni Flair ng kanin ang plato ko at ng beef steak.

"Eatwell, baby" nakangiting sabi ni Flair.

"How's the study? Flair, Elle?" tanong ni Mr. Imperial.

"Okay naman, dad. Pagod lang" sabi ni Flair at sumubo.

"Gano'n din po, Mr. Imperial" sagot ko.

"Hayaan niyo at isang taon nalang naman ay graduate na kayo" nakangiting sabi niya.

Nang matapos ang gabihan ay naghanda na sa pagtulog ang lahat.

"Flair, ang proteksyo--"

"Dad!" saway ni Flair.

Bakit ba gano'n ang isip ng mga tao? 'Di ba pwedeng magpahinga lang talaga kami?

Dug.dug.dug.

Kinakabahan tuloy ako sa mga bilin nila. Epal!

Tumawa nang malakas si Mr. Imperial.

"Payong ama lang. Good night" pinanood namin ni Flair ang pag-akyat ni Mr. Imperial.

"Don't mind them. If you're not comfortable you can sleep at the guest room" nakangiting sabi ni Flair.

Aww! Ang bait niya!

"Hindi na. Nando'n gamit ko sa kwarto mo diba? 'Yong mga damit?" mataray kong sabi.

"Okay" nakangiti niyang sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko at umakyat na kami.

Pumasok ako at umupo na sa kama.

Dug.dug.dug.

'Di nga lang talaga nawala ang kaba ko nang marinig ang lock ng pinto. Natural ilo-lock niya 'yon. Ugh!

"Go to the bathroom first, baby. Ayaw ko tumabi sa mabaho" sabi ni Flair.

Inis ko siyang hinampas.

"Kala mo naman mabango ka! Eww!" inirapan ko siya. Ang lakas nanaman ng tawa niya. Bully!

Naglakad ako papasok ng banyo.

"Look at the toothbrush " tumatawa niyang sabi.

Hays.

Ang daming kadugyutan na nangyari sa aming dal'wa at nakakahiya nalang na alalahanin.

Pagkatapos ko ay siya naman ang pumasok.

Humiga na ako ng kama. Ramdam ko na talaga ang pahinga ko. 'Di ito ang unang beses na natulog ako sa kwarto niya pero parang first time ko.

Maya maya pa ay lumabas na siya tumutulo pa ang buhok.

Lumapit siya at kinapa ang buhok ko.

"Magkakasakit ka niyan, eh. I'll dry your hair"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.