Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 35

Padabog akong naghanap ng damit. Kahit tingnan ay hindi ko magawa sa kaniya.

"Cherish.." hinapit niya ang baiwang ko pero hiniklas ko lang.

Binagsak ko ang pinto ng banyo nang makapasok ako. Hinayaan kong tumulo ang maligamgam na tubig sa katawan ko galing sa shower.

I really don't know what should I think. Unbelievable, he's cheating.

Tumulo lang nang tumulo ang luha ko. Umupo ako at hinayaang lunurin ng tubig.

Mali ba ako ng taong pinakasalan?

Ngayon ko tuloy naramdaman lahat ng pagsisisi. Akala ko hindi niya magagawa 'yon pero heto at sinasampal ako ng katotohanan.

Paulit-ulit na katok niya sa pinto ang naririnig ko pero deadma. Ayaw ko makipag-usap. Tinapos ko ang pagligo at sa loob na ng banyo nagbihis.

Paglabas ko palang yumakap na si Flair. "Listen to me, cherish." Gumagaralgal na ang boses niya. "Sinabi ko na saiyo lahat ng paliwanag ko ayaw mo akong paniwalaan."

"Alam mo kung gusto mong may maniwala sa kasinungalingan mo ikwento mo nalang sa sarili mo!" Hinila ko ang sarili sa kaniya.

Akmang lalabas ako ng kwarto pero humarang siya doon at ni-lock.

"Mag-uusap tayo!" Napaatras ako nang lumapit siya.

"Ayaw ko makipag-usap! I hate you!" Paulit-ulit ko siyang sinapak pero hindi niya iyon pinigilan.

"Sige! Sapakin mo! Sipain mo! Ganyan ka naman palagi! Lahat ng kasadistahan alam mo pero 'wag mo naman saktan pati puso ko! Makinig ka sa akin 'yon lang naman ang hinihiling ko!" Tumulo na ang luha niya.

"Why do I need to listen?! Narinig ko na nga 'diba?!" Lumapit ulit ako at sinipa siya.

"Ouch! Cherish you're too much!"

"Ya! Kaya kung ako saiyo pumunta ka sa babe mo!" Hinawi ko siya pero nahila nanaman ako.

Pumiglas ako nang pumiglas sa kaniya. Itinapon niya ako sa kama at hinawakan ang dalawang pulsuhan ko habang nasa ibabaw siya.

"Listen, okay?"

Kuyom ko ang palad ko habang tumutulo ang luha ko.

"Hindi ako makikinig sa sinungaling!" Asik ko sa kaniya.

"I don't know how to handle Marie. I always ignore her lahat ng pagpapapansin niya hindi ko pinapansin. Maniwala ka naman!"

Matalim ko siyang tiningnan. "How can you explain what I heard?"

Matunog siyang bumuntong hininga. "Fuck! Ulit-ulit."

"Minumura mo ako?!"

"No!"

"Kakasabi mo lang!"

"I didn't say 'fuck you'"

"See? Minumura mo ako!"

"Cherish no!"

"Yes!"

"Cherish, don't be like this. Please!"

"I hate you!"

"No.. please!"

"I really hate you!" Malakas na sigaw ko sa kaniya.

Nagpumiglas ako at tumayo na. "Sana hindi na lang ikaw ang pinakasalan ko!" Asik ko sa kaniya.

Nanlulumo niyang ipinatong ang likod sa headboard ng kama. "Ang hirap mong suyuin."

"Hindi ako nagpapasuyo. Ginawa mo 'yan panindigan mo!"

"Wala nga akong ginagawa." Mahina niyang sabi.

"Sinungaling! Mag-divorce na tayo."

"Hell, no."

"I hate you."

"I love you."

"I HATE YOU!" Malakas kong sigaw sa kaniya.

"I LOVE YOU!" Malakas niyang sigaw pabalik.

Napaupo na lang ako sa sofa. Napapagod na ako sa away naming dalawa. Bahala ka na sa buhay mo. Gawin mo lahat ng gusto mo.

Mamamatay ka rin naman kapag nalaman ng mga Baider ang panloloko mo.

Humagulgol na ako ng iyak, inihilamos ang mga kamay sa mukha.

Nel Jan calling..

Sinilip ko ang phone ko. Kinuha ko 'yon ang sinagot.

"Hello, Nel Jan?"

"Kumusta, okay na ba--"

Hinila bigla ni Flair ang phone at pinatay.

"Sama ka nang sama sa kaniya!"

"Ikaw rin sama nang sama kay Marie, sa babe mo."

"Stop this, cherish."

"Ya, we should stop this marriage."

"No way." Lumapit siya at yumakap. Hinila ko nang hinila ang sarili. Natigilan lang ako nang humahagulgol na siya sa balikat ko.

"Maniwala ka sa akin. Wala akong ginawang masama. Ikaw lang ang babae sa buhay ko, kayo ni Shivelle."

Hindi ako nagsalita, tahimik lang akong humahagulgol. Wala naman talagang mananalo sa argumento na ito dahil parehas kaming hindi nakikinig sa isa't isa o ako lang?

Narinig ko kaya 'yon ang pinaniniwalaan ko. Masakit at mahirap niloloko niya ako, 'yon talaga 'yon.

"Promise kahit patayin mo ako ngayon. Wala akong kasalanan."

"Saka na lang tayo mag-usap."

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko siya tiningnan kahit rinig na rinig ko ang pag-iyak niya.

"Ang mga simpleng away natin kaya ko pang tiisin pero ito cherish na pinaghihinalaan mo na ako ang sakit sa dibdib. Asawa mo ako."

"Asawa na nga kita pero bakit kung lumandi ka akala mo binata ka?"

"Hindi nga ako lumandi!"

"Ewan ko saiyo!"

"You know how much I love you."

"Akala ko rin." Nanghihina na ako kaya umupo na lang ulit ako sa kama. Magkalayo kaming dalawa nasa sofa siya.

"Now, you're doubting my love." Umiiyak pa rin siya at matunog 'yon.

"Ya. I'm thinking that I did wrong decision na ikaw ang pinili ko."

"What are you talking?!" Napatayo na siya. "'Wag kung anu-ano ang sinasabi mo kapag galit ka. Masakit sa damdamin."

"Sana hindi na lang ikaw! Baka naging masaya pa ako kung si Kean ang pinakasalan ko!" Sigaw ko sa kaniya. Natutop ko ang bibig ko.

Mali 'yon.

Wala akong intensyong iba pero 'yon ang lumabas sa bibig ko. Kinakain ako ng galit ko at gusto ko rin maramdaman niya ang sakit na nadulot niya.

Umiling-iling siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko.

"Don't torture my feelings. It hurts." Sinabi niya iyon sa pagitan ng pagluha niya. "Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na makitang magkasama kayo ni Kean pero fuck 'pres are pres' at past na siya 'wag mo naman ibalik ang sakit na pinagdaanan ko noon. Mali ako na sumama ako kay Marie.. I'm sorry."

Tiningnan ko lang ang pag-iyak niya. Wala akong balak mag-sorry sa nasabi ko. Gusto ko lang siyang saktan din.

I'm bad.

"'Wag ka nang magalit sa walang kwentang bagay. 'Wag kang magbitaw ng salita kung ang layunin mo ay saktan lang din ako.. kasi cherish.. ang sakit sakit!"

Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko kabisado mo na ang linyang 'yon pero bakit hindi mo ako kayang pagkatiwalaan?"

Hindi ko pa rin siya kinausap. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"So what if she called me babe? Pakihanap ng paki ko?" Tinitigan ko ang mukha niya. "Kung deadmahin ko siya para kaming hindi naging mag-partner sa case study, parang hindi ko siya kilala dahil sa kainisan ko sa kapapansinan niya pero tao pa rin ako at pinalaki ako ni mommy na matulungin kaya minsan kapag humihingi siya ng tulong hindi ako makatanggi."

Pinalis ko ang mga luha sa mata ko. Kahit naririnig ko na kung ano ang totoo hindi ko pa rin ma-process 'yon sa utak ko. Nagagalit pa rin ang buong kalooban ko.

"She's calling me and texting me constantly, but I never reply except if it is business related."

Ibinaon niya ang mukha sa hita ko kaya nailang ako at inangat ang mukha niya.

"I'm all yours." Madamdamin niyang banggit diretso sa mata ko.

Tikom ang bibig ko at walang boses na lumalabas.

I need time and space.

"Maybe you need time. I will give it to you." Tumayo na siya at inayos ang sarili.

"Kapag okay ka na, isang yakap mo lang, cherish.. isa lang makakalimutan ko ang masasakit na salitang binitawan mo." Pinunasan niya ang mukha ng towel.

"I'm going out with Rev and Kean. No girls, promise." Humalik siya sa noo ko.

I have no response. I can't.

"One hug to ease my pain, cherish" ulit niya.

"I don't need to win this argument I just want you to believe my point of view." Pinagdikit niya ang noo namin pero nakababa ang tingin ko.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

"No girl can make my heart beat except you because I'm crazy over you, my wife." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Kahit ano pang endearment ang sabihin ng mga babaeng may gusto sa akin... ang pagtawag mo lang ng 'baby' sa akin ang nakakapagpatalon ng puso ko."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.