“JUST wait for a week and you will receive your new iPhone and Macbook Air, Ma’am,” anang call center agent na kausap ni Ashley. Ini-report niya ang pagkawala ng gamit niya at nagre-request ng kapalit na unit.
Nahigit niya ang hininga. “One week?” Wala siyang phone sa loob ng isang linggo at di rin siya makakapag-trabaho dahil wala siyang laptop.
Sa tulong ni Robinson ay nakatawag din siya sa bangko niya, credit card company at pati sa customer service ng Apple para ipa-block ang cellphone niya. Hindi na siya umaasa na mababawi pa iyon. Ang problema lang ay ang mga trabaho niya na maaantala dahil isang linggo pa pala ang replacement.
Lulugo-lugo siyang lumapit kay Robinson na nagtutupi ng nilabhan nito sa sala. Palagi itong abala at parang di mauubusan ng gagawin.
“O! Problemado ka na naman?” puna ni Robinson kay Ashley nang ibalik niya ang cellphone dito.
Bumuga siya ng hangin at umupo sa round single sitter sofa sa tabi nito. “Isang linggo pa daw bago dumating ang bagong card at ATM ko. Ipina-block ko na ‘yung nawala. Ganoon din ang ginawa ko sa iPhone ko at Macbook Air. Insured naman iyon kaya mapapalitan.”
“Safe ba ang mga files mo doon at mga account mo?”
“Oo. Di nila basta-basta mabubuksan iyon. Mabuksan man nila, naka-block na. And good thing, naipa-cancel ko na rin ang card ko. Kaso isang linggo pa bago dumating ang lahat. Nag-iwan na rin ako ng message sa voice message ni Cara. Sana tumawag na siya para mapadalhan niya ako ng pera.”
“Sigurado ako na tutulungan ka niya,” sabi nito. “Hindi pa rin ba okay?”
“I need my travel document.” Sinapo niya ang pisngi. “Hindi ako makakaalis ng Pilipinas kapag nangyari iyon.”
“Sasamahan kita sa US Embassy na kumuha ng emergency passport. Habang hindi mo pa nako-contact ang kaibigan mo, ako muna ang bahala sa gastos mo.”
“Sobra na iyon.” Ito nga lang long distance call di na niya alam kung gaano na kalaki angj nagastos ng binata. “Ibabalik ko agad sa iyo kapag dumating ang pera ko. I promise. At nangangako din ako na hindi na kita aawayin o pagsasalitaan ng hindi maganda.”
“Huwag mong isipin iyon. Magpahinga ka na. Alas kuwatro na ng madaling araw. Gusto mo bang ipagtimpla ulit kita ng tsaa?” alok nito.
“Salamat. Hindi mo ako kailangang pagsilbihan.”
“Ngayon pa ba natin pagtatalunan iyan?” tanong ng lalaki at tumayo. Nagsalang ito ng tubig sa electric kettle.
“I really feel like a first class bitch. At ngayon nahihiya ako sa sarili ko. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo kanina,” aniya at yumuko. “Hindi ko nga alam kung mapapatawad mo ako.”
“Wala iyon. Kalimutan na natin. Normal lang naman na maging emosyonal at pagod ka at maraming iniisip. Sa huli, alam ko naman na gusto mo lang pangalagaan ang interes ng ama mo kaya nauunawaan kita.”
Natigagal si Ashley. Is he for real? “Bakit mabait ka sa akin? Masasama ang sinabi ko sa iyoang trato ko at di maganda pero pinatuloy mo pa rin ako.”
“Una, hindi ko ito condo. Tatay mo ang nagbayad nito. Pangalawa, di dahil may nasabi kang di maganda sa akin, tatalikuran ko na kapag humingi ka ng tulong. Hindi ako ganoong klaseng tao. Maayos akong pinalaki ng magulang ko.”
“Salamat,” aniya at ininom ang tsaang tinimpla nito.
“Magpahinga ka na. Marami pa tayong gagawin bukas.”
Umusal ng panalangin bago matulog. Ngayon niya naramdaman na hindi siya nag-iisa. May anghel pa pala sa buhay niya.
Sana tiniis na lang niya ang videoke nito at pang-aakit nito. Di na lang sana siya umalis. Di naman siguro talaga ito masama. Nagpadala lang siya sa galit niya... At sa kahinaan niya dito. Oras na siguro para magbago ang pananaw niya kay Robinson at kilalaning mabuti kung sino talaga ito.
“I AM SORRY. I don’t want to bother you like this. Alam ko naman na kabibili mo lang ng couple’s watch para sa inyo ni Andre for Christmas. Then you are planning to surprise him with that ski vacation in Colorado. Hindi na matutuloy.”
Nagi-guilty si Ashley habang kausap ang kaibigang si Cara sa Skype. Dito siya humingi ng tulong para magpadala ng perang gagastusin niya sa pananatili sa Pilipinas. Isang linggo pa ang kailangan niyang hintayin bago dumating ang bagong credit card at mag-activate ang bank account niya. Kailangang matiyak din na protektado ang account niya sakaling tangkaing gamitin ng magnanakaw.
“Know what? That is fine with me. Hindi rin naman magkasundo ang schedule namin. He has a photoshoot in Canada. Saka di ko pa naman naipapa-book ang trip namin. Siguro para talaga sa iyo ang pera na iyon.”
Napagsalikop ni Ashley ang palad. “Oh! Thank you. Huwag kang mag-alala dahil ibabalik ko naman ang pera. Next week dadating na ang credit card ko at debit card. I will pay you when I get home.”
“Saka mo na isipin iyon. As long as you are okay there. Masakit pa ang sugat mo?” tanong nito sa magaang boses.
“Not anymore. Nagamot naman na. It isn’t that bad,” aniya at tiningan ang siko. Di niya maiwasang ngumiti nang maalala kung paanong linisin ni Robinson ang sugat niya. Paggising pa lang niya sa umaga ay handa na ang agahan niya at nilinis ang sugat niya pagka-shower niya. Kulang na lang yata ay suklayan nito ang buhok niya sa sobrang pag-aalaga. Daig pa niya ang may yaya.
“Buti naman tinanggap ng bantay sa condo ng dad mo.”
“Yeah! He is nice...”
May kumatok sa pinto at sumilip ang ulo ni Robinson. Nilingon ito ni Ashley “Yes?” tanong niya.
“Gusto mo bang ipag-toast kita ng tinapay bago tayo umalis? Baka kasi gutom ka na,” sabi nito.
“Sa labas na lang siguro tayo kumain. May kukunin din kasi akong padala ng kaibigan ko.” Bahagya niyang in-slant ang katawan para di matakpan ang webcam. “By they way, this is my friend Cara. Cara, siya si Robinson. Sa kanya mo ipapangalan ang remittance since I don’t have any IDs.”
“Hi, Robinson!” At nakangiting kumaway ang kaibigan. “Thanks for taking care of my friend.”
“Walang anuman. Basta kailangan ako ni Ashley, walang problema, Miss Cara.”
Sinapo ng kaibigan niya ang dibdib. “Miss Cara? Call me Cara, darling. Don’t make me feel old. Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad.”
“Gumagalang lang po. Maiwan ko na po kayo.” Bumaling si Robinson sa kanya. “Hihintayin na lang kita sa labas.”
Isang tili ang pinakawalan ng kaibigan nang makaalis si Robinson. “Gosh! Girl, you didn’t tell me that guy is a hunk.”
Tumaas ang kilay niya. “And so?”
“He is yummy. So what kung caretaker lang siya? With a body like that, kahit pa namumulot lang siya ng bote ng mineral water sa tabi-tabi, okay lang sa akin. Ako na ang bubuhay sa kanya.”
“Cara!” saway niya dito. Basta talaga pagdating sa lalaki ay magaling ito.
“Nakaka-appreciate lang ako ng biyaya ng Diyos. And he is nice. Kinikilig tuloy ako. I think may something sa inyong alawa.”
“Kaibigan siya ng boyfriend ni Dad,” paalala niya dito.
“Hindi naman siya boyfriend ng dad mo. Malaking kaibahan iyon. Huwag mong sabihin na hindi ka interesado sa kanya kahit na slight lang.”
“Wag nang pag-isipan ng masama. He is nice to me,” saway niya sa kaibigan.
“Wala akong masamang iniisip sa kanya. Malisya meron. He is so yummy.”
Umikot ang mata ni Ashley. “You have a boyfriend, remember?” paalala niya sa kaibigan.
“Di naman para sa akin kung hindi para sa iyo.”
Naka-schedule na siya para sa nawalang passport at may appointment siya sa US Embassy kinabukasan para sa pagkuha ng emergency passport. She really needed the money. Ayaw niya sa lahat ay maramdaman na wala siyang pera.
“Sige na. Magpapadala na ako ng pera at pambili mo ng new phone. And I suggest you ask Robinson out on a date,” anito at kinindatan siya.
“What? Ako pa ang magyayaya ng date?”
“So what? Gender equality na ngayon. Sabihin mo na lang na pasasalamat mo iyon dahil tinulungan ka niya at inalagaan kung ayaw mo ng malisya.”
“I-I don’t know.”
Di naman kasi niya alam kung paano makikitungo sa mga lalaki. Baka mamaya ay isipin pa ni Robinson na may gusto siya dito.
Sinabunutan ng kaibigan ang sarili. “For once, try something different in your life. You are twenty-six already. Tumira ka na at lahat sa Amerika at sinasabi mo sa akin na modern ang babae pero parang na-stuck up ka pa rin sa panahon ng Kastila. Kung gusto mo ako na lang ang magsasabi kay Robinson na gusto mo siyang i-date.”
“Don’t you even dare! I will kill you if you do that.”
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng kaibigan. “Let’s spice up your life, baby. I love you, friend.” At bigla na lang nag-offline ang kaibigan.
Nagngitngit si Ashley nang hindi na sinasagot ang kaibigan ang tawag niya. Nandito ang numero ni Robinson? Paano kung sabihin ng bruha niyang kaibigan sa binata na gusto niya itong maka-date? Kapag pa mandin may sinabi si Cara ay tinotoo nito. Baka wala na siyang mukhang maiharap kay Robinson pagkatapos.
Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at nilapitan si Robinson na naglilinis ng mesa. “O! Handa ka na bang umalis?”
Marahan siyang umiling. “H-Hindi. Pag tumawag si Cara sa iyo huwag mo na lang pansinin o huwag mo na lang kausapin.”
“Bakit naman hindi ko papansinin o kakausapin? Ako lang naman ang pwede niyang ma-contact tungkol sa iyo. Paano kapag kinumusta niya kung ayos ka lang o kaya sasabihin niya na naipadala na niya ang remittance mo?”
“Basta. Kami na lang ang mag-uusap. Kung tungkol sa pera, mag-text na lang siya. Huwag mo na lang sagutin kapag tumawag siya.”
Kumunot ang noo ng binata. “May problema ba?”
Umiling siya. “Wala.”
Walang problema basta hindi nito makakausap si Cara. No. She didn’t want to be romantically involved with Robinson. Ni ayaw niya itong bigyan ng kahit anong ideya. Di rin naman siya magtatagal dito. Oras na bumalik ang ama niya, aalis na rin siya ng Pilipinas. Too bad, she was starting to like him.