“It is not baduy. Iyon ang pinapanood ko noong bata ako. Saka nag-enjoy kami ni Robinson,” depensa agad niya. Noong una inakala din niyang baduy ang palabas pero naantig at naaliw siya.
“Aha! Kasama mo si Robinson. So it is like a date? You went out on a date with him. Oh, gosh! Nag-date kayong dalawa.” Pakanta siya nitong tinukso. “You went out on a date. You went out on a date.”
“Siya ang nagyaya sa akin. Pero walang malisya iyon,” aniya at iniwas ang tingin dito pero naramdaman niya na parang may pisi na humihila sa gilid ng labi niya. Napapangiti na lang siya kapag naalala kung paano siya nito asikasuhin.
Humalakhak ito. “I can’t believe this. May nagpangiti sa kay Ashley Delaney na lalaki. Sana nag-kiss din kayo.”
“We did...” Natutop niya ang bibig.
Nanlaki ang mga mata nito. “Sa date ninyo?”
“Sa unang gabi ko dito,” aniya at napaungol. Where is my mouth’s filter? Naiwan ko yata sa New York.
“Ang bilis naman. Hindi ko sukat-akalain na ganyan pala kabilis si Robinson. Mukhang tame at tahimik,” anito at pinaypayan ng kamay ang sarili.
“It just happened. Kumakanta lang kami sa videoke tapos... Nadala siguro kami sa kanta. Alam mo ‘yung eksena sa All I Ask of You.”
Impit itong tumili. “You kissed! I can’t believe this. Nadala ka sa isang kanta. How romantic. How’s the kiss? Is it good?”
Tumingala siya sa kisame. “Hindi ko na maalala.”
“It must be good and you like it. You are blushing!”
“Shut up!” aniya at pinanlakihan ito ng mata.
Nanunukso na ngumiti si Cara kay Ashley. “Hah! Naalala mo nang halikan ka ng officemate mo sa party last Christmas? Galit na galit ka at kulang na lang magbasag ka ng mga babasagin sa flat. Di ka pa masaya na napadugo mo ang ilong niya.”
“Siyempre nagalit ako kay Robinson.”
“Ows? Mukhang wala nga siyang nakuha kahit isang galos mula sa iyo.”
“Hindi ko siya sinaktan physically pero pinagsabihan ko siya ng di maganda. Akala ko inaakit niya ako para... Para maperahan din niya ako katulad ng ginawa ni Rex sa kay Dad. Saka ako umalis ng condo. Pinigilan niya ako pero di ako nagpapigil.”
“At saka ka nanakawan? See? Kundi ka sana umalis, e di sana di ka nanakawan.”
“Maaakit naman ako sa kanya... At...”
“You are attracted to him.”
Bumagsak ang balikat niya bilang pagsuko. “Yes. Pagbukas pa lang niya ng pinto sa condo, iba na ang pakiramdam ko sa kanya. Naiinis ako dahil hindi naman ako basta-basta naa-attract sa lalaki. At natatakot ako na magmukha akong tanga at magkamali. Hindi ko alam bakit nangyayari sa akin ito.”
“Ang mga ganyang damdamin di mo dapat tinatakasan. Minsan kasi may sinasabi ang puso natin na nagsasabing tama ang nararamdaman natin. O, di ba? Napahamak ka pa dahil sa riding in tandem na iyan. Kung nagtampisaw ka lang sa piling ni Robinson, safe ka na, naligayahan ka pa.”
“Oo na. You are right this time. P-Pero nakakatakot kasi ang ganitong pakiramdam.”
“But it feels so good. Nakakatakot pero walang mangyayari sa buhay mo kung lagi kang mabubuhay sa takot. Enjoy his company. Kung attracted ka sa kanya at attracted siya sa iyo, just enjoy it. Minsan lang mangyayari iyan sa buhay mo.”
Bumuga siyang ng hangin. “It is silly. I don’t have time for a relationship. And I won’t stay here for long.” Oras na dumating ang ama ay babalik na siya ng Amerika. Pansamantala lang ang lahat ng ito.
“Sinong nagsabi sa iyo na kailangan mong makipagrelasyon sa kanya? This is a vacation. Make him your vacation fling.”
“Vacation fling?”
“Yes. Vacation fling. You will enjoy each other’s company. In Tagalog, simsimin mo ang lahat ng alindog niya. No commitments, no hurt feelings when you part ways. Angn maiiwan lang sa iyo ay alaala.”
Umiling si Ashley. “No. Hindi ko gagawin iyon sa kanya. He is a good man. Hindi ko siya naiisip na gagawing fling ko lang o kahit na sinong babae.”
Si Robinson ang tipo ng lalaki na nagseseryoso sa relasyon at pwedeng iharap sa pamilya. Iyon ay para sa babaeng naghahanap ng seryosong relasyon.
“Bahala ka nga. Basta isipin mo na ngayon lang may ganito ka-exciting na pangyayari sa buhay mo. Pagbalik mo sa New York, hindi mo na magagawa iyan. Wala ka nang chance na makasama siya. Magsisisi ka lang. Napakapihikan mo pa mandin.”
“I will enjoy his company,” aniya at ngumiti.
“You are attracted to him. Sabihin mo sa kanya. Make a move.”
“He doesn’t have to know. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya. Pwede niya akong maging kaibigan.”
Tumirik ang mga mata ni Cara. “Friend. Mamamatay kang virgin kung feeling teenager ka pa diyan. Sunggaban mo na si Robinson. By the balls, baby.”
Nahigit niya ang hininga nang biglang tawagin ni Robinson ang pangalan niya. “Ashley!” anito sabay katok sa pinto.
Sinikmatan niya si Cara. Paano kung naririnig ni Robinson ang pinag-uusapan nila? Sinenyasan niya itong tumahimik at saka kinakabahang binuksan ang pinto.
“Yes?” tanong niya at nakakrus ang daliri sa likuran niya. Sana lang ay hindi nito narinig ang tungkol sa pagnanasa niya dito. Nakakahiya kapag nagkataon.
“Ipinagtimpla kita ng gatas para makatulog ka agad.” At inabot sa kanya ang baso ng gatas.
“Oh! This is sweet. Thank you,” aniya at uminom agad ng gatas.
Tumawa si Robinson at hinaplos ang ibabaw ng labi niya. “May puti kang bigote.”
Bigla niyang tinakpan ang bibig. “Nakakahiya!”
“Okay lang. Maganda ka pa rin kahit may puting bigote.”
Nakabawi siya sa kahihiyan niya at saka dinilaan ang ibabaw ng labi niya. “You really know the right words to make a girl feel good.”
“Malakas ka sa akin e. Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa.”
“This is fine. Goodnight.”
“Goodnight,” anito at bahagyang kumaway.
Abot hanggang tainga ang ngiti ni Ashley nang sa wakas ay isara ang pinto ng silid at balikan si Cara. “Nakita ko iyon,” anito sa nanunuksong boses. “Gosh! Ang sweet! Masarap ang pakiramdam na may mag-aalaga sa iyo at laging mag-aalala. Nakakasawa din ang mag-isa. Dalhin mo na sa New York iyan.”
Natawa na lang si Ashley. Kung pwede nga lang iuwi niya si Robinson sa New York. Or maybe she could have him as her fling.
Silly. Saan-saan na pumupunta ang utak niya. Kahit na gusto niya ito, di naman niya kayang maglaro ng damdamin ng iba lalo na ng taong mabuti sa kanya. Sasarilinin na lang niya ang kilig niya. Wala naman sigurong nabo-brokenhearted sa kilig, hindi ba?